You are on page 1of 2

ANG PILOSOPO

Noon ay may isang bayan kung saan ang mga mamamayan ay naging sunud-
sunuran dahil sa takot sa batas. Isang araw, napagpasiyahang mamasyal ng
kanilang pinunong si Abed sa bawat bahay ng kaniyang nasasakupan upang
kaniyang makita kugn sino ang mga nagugutom at naghihirap upang ito ay
kanyang matuungan.

Napansin ni Subekat na naglalakad si Abed araw-araw upangmamigay ng


pagkain sa mga naghihirap. Kaagad itong kumuha ng bato at isinalang sa
kalan upang mabigyan ng pagkain. Dumating si Abed sa kubo at binati nito si
Subekat.

Tumingin sa paligid si Abed at nakita niya ang kaldero na mayroong nilagang


bato. Sinabi ni Subekat na kunini niya kinaumagahan ang kaniyang parte
dahil maryoong itinabi para sa kanya.

Isang araw, nagkaroon ng pagtitipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor
(pangtanghaliang pagdarasal). Matapos nito ay tinanong ni Abed kung sino
ang wala sa kaniyang mga nasasakupan. Sinabi nilang wala si Subekat.
Pagkatapos nito ay ipinina-alam ni Abed sa mga tao na siya ay aalis upang
magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang mattitrang bakante para sa
susunod na henerasyon.

Nang papaalis na siya, dumating si Subekat at sinabing sasama ito. Sinabi ni


Abed na maaring sumama si Subekat kahit hindi pa ito nagdasal. Pag-alis
nila, napagtanto ni Abed kung kasama ba talaga si Subekat o hindi.

Hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama ang bigat


sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong singlaki ng kaniyang hinlalaking
daliri.

Matapos ang mahabang paglaakbay, nagpahinga ang pangkat at naghugas


upang magdasal. Hindi sumama si Subekat.

Pagkatapos magdasal ay iniutos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang


mabuksan nila ito, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat
na ang dala ay napakaliit na bato ay nagutom dahil sa liit ng kaniyang
tinapay.

Nang paalis na sila, sinabi ulit ni Abed na bawat isa ay magdala ng maliit
lamang na bato, sumunod ang lahat bukod kay Subekad na nagdala ng
malaking bato.

Nang makarating na sila sa kanilang paroroonan, sinabi ni Abed na ihagis ng


bawat isa sa kanila ang bato at ito ang lupang matatamo ng bawat isa. Si
Subekat ay nagkaroon lamang ng lupang sinlaki ng bilao dahil hindi niya
maihagis ang kaniyang bato.

Doon lamang nahulugan ng bato ang kanyang nakuhang lupa. Nalungkot si


Subekat sa kaniyang nakuhang lupa. Dahil dito sinabi ni Abed sa kaniya na
hindi ito sumusunod sa patakaran. Sainbi pa nito na dahil siya ay suwail, wala
siyang magandang kinabukasan.

You might also like