You are on page 1of 1

TALUMPATI NI LUIGI DEL ROSARIO

Padre Nebres, Pangulo ng Pamantasang Ateneo De Manila University, Padre Hizon,


Punong Guro ng Mataas na Paaralang Ateneo, mga administrador, guro, magulang, at
kapwa mag-aaral, magandang araw po sa inyong lahat. Mula Unang Taon hanggang sa
katapusan, hinubog ako ng Ateneo High School sa pagsasabuhay ng 5 Cs. Una ang
competence o ang paggawa ng kahit anong bagay sa pamamagitan ng pagbigay ng
higit sa sarili upang makamit ang inaasam. Pangalawa ang compassion o ang
pagmalasakit sa nangangailangan at pagtulong sa mga ito. Pangatlo'y commitment o
ang hindi pagsuko tuwing may ginagawa. Sunod ay ang conscience o ang paggawa
ng tamang bagay kahit walang naka bantay. At huli, ang pinakamahalaga, ay ang
Christ-Centeredness o ang paglagay at pag-aalay sa Diyos ng lahat ng gawain. Gamit
ang mga ito, inaasahang maging mga pinunong lingkod ang mga estudyante o mga
estudyanteng namumuno sa taong-bayan patungo sa ikabubuti nito. Ngayong patungo
na tayo sa kolehiyo at maghihiwa-hiwalay na tayo, dala natin ang mga natutunan natin
mula sa Ateneo High School. Upang tayo'y maging tunay na lingkod sa bayan ay
pagpalain sana tayo ng Diyos. Binabati ko kayong lahat, mga magtatapos. Maraming
salamat po at magandang araw po sa inyong lahat.

You might also like