You are on page 1of 2

Aral muna bago walwal: Pagtukoy sa mga negatibong epekto nito sa mga mag-aaral ng Don

Honorio Ventura State University (DHVSU)


TALAAN NG NILALAMAN

I. PANIMULA
II. KALIGIRAN NG PAG-AARAL
III. KONSEPTWAL NA BALANGKAS
IV. TIYAK NA LAYUNIN
V. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
VI. METHODOLOGY
VII. MA HAKBANG SA PAG-AARAL
VIII. PAGLALAGOM
IX. KONKLUSYON
X. REKOMENDASYON
XI. SANGGUNIAN
Aral muna bago walwal: Pagtukoy sa mga negatibong epekto nito sa mga mag-aaral ng Don
Honorio Ventura State University (DHVSU)
I. PANIMULA`

Araw-araw tayo ay nakikisalamuha sa ating mga mahal sa buhay tulad ng ating pamilya, mga
kaibigan at kamag-aral. Sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan naipapabatid natin kung ano ang
gusto nating sabihin. Ayon kay Verdeber (1987) ang komunikasyon ay paghahatid ng
mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining upang maging mabisa at mahusay na
maipahayag ng tao ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang kapwa, anuman ang paksang
inaakala niyang mahalagang mapag-usapan.

Ang pakikipagkomunikasyon ay lubos na nagagamit sa larangan ng edukasyon kung saan


naibabahagi ng isang guro ang kanyang nalalaman ukol sa isang paksa sa kanyang mga
estudyante. Nabanggit ni Nate (1995) na ang edukasyon ay ang paghubog sa indibidwal para sa
kapakanang panlahat at personal na tagumpay. Sa henerasyon ngayon, marami sa mga kabataan
ang di nagbibigay pansin sa kanilang pag-aaral.

“Aral muna bago walwal” isang popular na kataga ngayong kasalukuyang panahon dahil sa
bagong nauusong kaugalian ng mga kabataan sa labas man o sa loob ng paaralan. Isa ito ngayon
sa mga maiinit na usapin dahil karamihan sa mga kabataan ay nagiging pabaya sa kanilang pag-
aaral at mas inuuna ang pansariling interes o lakad. “Walang pasok mamaya, tara walwal”
kadalasang maririnig mo sa mga kabataan ngayon, kaya’t maraming estudyante ang puyat at
walang nagagawa sa paaralan dahil sa walwal. Isang magandang halimbawa nito ay ang pag-
inom kasama ang barkada na nagiging dahilan upang balewalain o kalimutan ang mga dapat at
mas mahalagang gawain at maaaring magresulta sa mababang marka.

Sa modernong panahon ngayon, madami na sa mga kabataan ang mahilig gumimik kasama ang
kanilang mga barkada kaya naman minabuti ng mga mananaliksik na inomina na maging Salita
ng Taon ngayong 2019 ang salitang walwal.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tukuyin ang mga negatibong epekto ng pagwawalwal sa
buhay ng isang mag-aaral.

You might also like