You are on page 1of 16

“EPEKTO NG ONLINE LEARNING MODE SA MENTAL AT EMOSYONAL NA

KALAGAYAN NG MGA MAG-AARAL SA KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA:


ISANG EBALWASYON”

Isang Sulating Pananaliksikna iniharap sa mga


guro ng St.John Academy of Visual and Performing Arts
Poblacion 2, Tanauan City

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan


ng Asignaturang- Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Inihanda at Isinumite nina:

Arellano, Den Den H.


Del Rio, Gennica M.
Lasat, Vanessa C.
Librea, Jenylyn D.
Navarro, Jecille M.
Rezaba, Jean Lyn Rose S.
KABANATA I

Suliranin At Sanligan Nito

Rasyonal At Kaligiran Ng Pag-Aaral

Ayon sa cdc.gov, ang coronavirus (COVID-19) ay sakit na dulot ng isang virus na

maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao. Maaari kang mahawahan sa

pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan (mga 6 na talampakan o dalawang

braso ang layo) sa isang taong may COVID-19.

Ang mundo ay lubos na naapektuhan dahil sa corona virus. Mapapansin na ang

dating sistema ng pamamalakad ng isang pamahalaan sa kanyang nasasakupan ay

nagbago. Nagkaroon ng health protocols na kinakailangan ng isang metro ang layo ng

mga tao sa mga matataong lugar o tinatawag na social distancing at kinakailangan din

na magsuot ng facemask atfaceshield. Kasama rin dito ang mga edad ng mga taong

maaaring lumabas dahil sa pandemya. Kung kaya’t ang dating face-to-face ay

nagkaroon ng bagong moda ng pag-aaral o online class.

Ang ONLINE CLASS ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos

sa pamamagitan ng paggamit ng internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang

lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro

at mga kamag-aral. (AkoayPilipino, 2021)

Sa kasalukuyan, nagkaroon ng bagong moda ng pag-aaral o tinatawag na online

class na kung saan ang mga mag-aaral ay hindi na pupunta sa kani-kanilang mga

paaralan. Ang mga aralin ay maaaring kuhanin ng mga magulang sa paaralan o

maaaring ito ay i-apload ng kanilang guro sa online platform na mayroon ang paaralan.
Ang mga halimbawa nito ay facebook messenger, facebook page, google classroom at

google meet at LMS. Napakalaking pagbabago ang naganap sa sistema ng edukasyon

dito sa ating bansa. Kung kaya’t mapapansin ang epekto nito sa kalagayang sikolohikal

o kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral.

Kalusugang Pangkaisipan, ito ay kalagayan ng isang tao patungkol sa kanilang

kagalingang sikolohikal, emosyonal at sosyal. Naaapektuhan nito ang iniisip,

nararamdaman, at kilos ng isang tao. Nakatutulong din ito na matukoy kung paano

pangasiwaan ang stress, makaugnay sa iba, at gumawa ng mga desisyon. Ang

kalusugang pangkaisipan ay mahalaga sa bawat yugto ng buhay, mula pagkabata

hanggang sa pagtanda. Mahalaga ang pagkakaroon ng suporta sa kalusugang

pangkaisipan dahil maraming mga mag-aaral ang aktwal na nakararanas ng hirap

pagdating sa kanilang kalusugang pangkaisipan habang pumapasok sa online class.

(Pulmano, 2020)

Ang pagbabago ay lubos na nakaapekto sa sistema ng edukasyon lalo’t higit sa

mga mag-aaral. Masasabing ang hirap ay lubos nilang naranasan lalong lalo na noong

nag-umpisa ang pasukan. Lumabas ang samo’t saring mga problema. Katulad ng

walang internet connection, kawalan ng gadget at maging ang ganap na pagkatuto ng

mga mag-aaral. Ang mga problema ay lubos na nakaapekto sa kalusugang pang-

kaisipan ng mga mag-aaral. Masasabing triple ang epekto nito kaysa noong face-to-

face.

Sa gitna ng pandemya malaki ang naging pagbabago sa mundong ating

ginagalawan na kung saan lahat ng tao ay apektado lalo't higit ang mga kabataan na

nagnanais na makapag-aral. Layunin ng pananaliksik na ito na isiwalat ang mga

kinakaharap ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at kung ano ang epekto nito sa

kanilang kalusugang pangkaisipan. At masaliksik din kung ano ang karaniwang

problema na kinakaharap nila sa tuwing sila ay nasa kalagitnaan ng pag-aaral.


Naglalayon din na makabuo ng isang panawagan o programa upang ito ay

maipaalam

sa mga mamamayan sa komunidad. Isa rin sa layunin nito ay ipaalam sa mga susunod

na henerasyon ang mga nararanasan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan at kung paano

nila ito kinaharap.

Paglalahad ng Suliranin

1. Ano-ano ang mga positibong epekto ng online learning mode batay sa:

1.1 Mental

1.2 emosiyonal?

2. Ano-ano ang mga negatibong epekto ng online learning mode batay sa:

2.1 Mental

2.2 emosiyonal?

3. May signipikanteng relasyon ba ang epekto ng online learning mode sa

mental at emosiyonal na kalagayan ng mag-aaral?

4. Ano-ano ang mga mungkahing rekomendasiyong ukol sa epekto ng online

learning mode sa mental at emosiyonal na kalagayan ng mag-aaral?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang positibo at negatibong

epekto

ng online learning mode batay sa mental at emosiyonal.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga natuklasan at resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga

sumusunod:

Sa Mga Mag-aaral, Makatutulong ang pananaliksik na ito upang malaman

ng mag-aaral ang mga nararanasan ng kapwa nila ngayong may online learning

mode.

Makatutulong din ito upang malaman nila ang kahalagahan ng pangangalaga sa

kanilang kalusugang pangkaisipan.

Sa Mga Guro, Sa tulong ng pananaliksik na ito ay maipamumulat at

maipaaalam sa mga guro ang kalagayang pangkaisipan ng mga mag-aaral.

Makatutulong ito upang malaman ng mga guro kung ano ang maaari nilang gawin

upang mas maging ganap at epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa Mga Mambabasa, Makatutulong ang pananaliksik na ito upang

magkaroon ng ibayong kaalaman ang mga mambabasa patungkol sa paksa. Ang

pananaliksik

ding ito ang magmumulat sa kanila sa mga problemang kinakaharap at kung

papaano ito nalampasan ng mga mag-aaral.

Sa Komunidad, Makatutulong ang pananaliksik na ito bilang instrumento

sa pagbibigay kaalaman patungkol sa paksa sa mga tao sa komunidad.

Makatutulong din ito upang makagawa ng mga programa ang komunidad upang

masuportahan ang paaralan at mga mag-aaral.

Sa Mga Mananaliksik, Makatutulong ang pananaliksik na ito upang mas

maintindihan ang kalagayang sikolohikal ng mga mag-aaral dahil sa online learning


mode. Ang mga resulta ay maaaring makatulong at makadagdag ng kaalaman sa

kanilang pananaliksik.

Sa Mga Mananaliksik sa Hinaharap, Makatutulong ang pananaliksik na ito

upang malaman ng mga mananaliksik sa hinaharap ang mga naganap at

naranasan

ng mga mag-aaral. Makatutulong din ito upang madagdagan ang kaalaman at mga

estratehiya sa pag-aaral sa hinaharap.

Rebyu at Kaugnay na Literatura

Dayuhang Literatura

Ayon sa World Health Organization(2010), ang mental health ay ang “estado

ng well- being kung saan nakakamit ng isang indibidwal ang kabuuan ng kaniyang

potensyal, natutugunan niya ang mga pangkaraniwang stress o mga hamon sa

kaniyang buhay, nagiging produktibo at mahusay siya sa kaniyang trabaho, at

nakapaghahatid siya ng kontribusyon sa kaniyang komunidad.

Ayon kay Watson & Kalmon (2005), ang online na pag-aaral ay isang klase

edukasyon na kung saan ang mga tagubilin at nilalaman ng isang pag-aaral ay

naipadadala gamit ang internet. Dagdag pa rito, ang E-learning system ay madalas

na inilarawan bilang Virtual Learning Environment (VLE), isang malawak na

sistemang ginagamit ng mga mag-aaral at guro sa pang-tuntunin, tulad ng mga

online na pang-edukasyon, at distansya sa pag-aaral (Moore et al., 2011).

Ayon kay Schroeder (2020) kapag ang kaisipan at emosyon ng mga guro at

estudyante ay napipilitan lamang, maaaring lumala at mapasama ang kalusugan ng

kanilang pangangatawan. Ang pagkabalisa at stress ay nakapagdudulot ng


pagkababa ng immune system, dahil dito ay maaaring makapagdulot o makakuha ng

mga sakit, at hindi lamang ito karaniwang sipon. Ang mga taong may mataas na

antas ng pagkabalisa o anxiety ay naitala na may 32% ay namatay sa sakit na

cancer; ang pagkalumbay naman ay nauugnay sa sakit sa puso. Ito ay may malaking

epekto sa ating pamumuhay at nakasisira sa ating kinabukasan.

Ang pasanin sa mga gawain sa panayam sa online, ang isa sa mga nag-

aambag na kadahilanan sa pagtaas ng stress ng mga mag-aaral, na kung saan ay

kinakailangan silang gumamit ng online media na kanilang natutunan at dapat agad

na maunawaan. Ito ay pinagtibay ng pananaliksik na natagpuan ang kalusugan sa

publiko ng mga emerhensiya na maaaring magkaroon ng maraming sikolohikal na

epekto sa mga mag-aaral, na maaaring ipahiwatig sa anyo ng pagkabalisa at takot.

(Sharp & Theiler, 2018)

Ang pandemikong ito ay nagdadala hindi lamang ng panganib na mamatay

mula sa isang impeksyong viral kundi pati na rin ang sikolohikal na stress para sa

mga 10 tao sa buong mundo (Xiao, 2020).

Ayon kay Wiles (2020), may isang estudyante na nagngangalang Karnoup

ang nagbahagi ng kaniyang karanasan tungkol sa epekto ng pag-aaral sa

pamamagitan ng online class. “Sa online class, ang mga estudyante ay maaaring

makaranas ng mga paghihirap kung maibabad sila ng matagal sa harap ng screen.

Makararanas sila ng sobrang pagkapagod, pananakit ng ulo, kakulangan sa

determinasyon, pagpapaliban sa mga dapat gawin, hindi epektibong pamamahala

ng oras sa mga gagawin, pakiramdam na ikaw ay mag-isa sa kadahilanang malimit

na ang pakikipag-usap sa personal, nababawasan na rin ang kamalayan at pag-

intindi kapag nakikipag usap sa ibang tao.” Ang pagsasagawa ng mga klase sa
online ay talagang nakauubos ng lakas dahil ito ay nangangailangan ng mas

maraming trabaho upang lubos na maintindihan ang mga aralin.

Ayon pa sa 2015 Global School-based Student Health Survey na isinagawa

ng World Health Organization (WHO), halos 17 porsiyento ng mahigit 8,000

kalahok na mag-aaral sa Pilipinas na may edad 13 hanggang 17 ang nagtangkang

magpakamatay.

Sinabi rin ni Pietrewicz (2020), ang pagbabasa ng mga impormasyon sa

online ay may dulot na negatibong epekto sa kung ano lamang ang ating maaalala

sa ating isip o utak. Ang pagbabasa o natatanggap nating impormasyon mula sa

screen o online ay nangangailangan ng iba’t-ibang kakayahan kumpara sa

pagbabasa lamang ng isang tradisyunal na libro. Ang mga tao ay mas nakaiintindi

at nakapagpapanatili ng impormasyon sa kanilang isipan kung magbabasa sila

mula sa trandisyunal na libro o handouts.

Ayon naman kay Katzenstein (2020), direktor ng sikolohiya at

neuropsychology sa Hopkins All Children's Hospital, naobserbahan niya ang

epekto ng online class sa mga mag-aaral sa lahat ng edad. Ipinaliwanag ni

Katzenstien na isa sa mga dahilan na maaaring makaapekto sa kalusugan ng

kaisipan (mental health) ng mga mag-aaral ay ang pagsusumikap ng mga ito na

magkaroon ng isang kapaligiran na walang nakaaabala at paggawa ng mga

kinakailangang kasanayan upang manatili ang kanilang mga grado sa mga

takdang aralin, partikular ang mga ito sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

Lokal na Literatura

Ang pagsasagawa ng online class sa Pilipinas o ibang bahagi ng mundo ay

isang hamon sa gobyerno, sa Kagawaran ng Edukasyon o Department of


Education (DepEd), sa mga guro at mga magulang, kung paano ba matutugunan

ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Dahil sa gitna ng krisis na dulot ng

pandemya, mahalaga ang pagkakaroon ng suporta sa mga materyal na gamit, sa

koneksiyon sa internet, sa pagdisiplina sa mga estudyante para sa bagong daily

routine nila at mas tutok na pagsubaybay sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan

ng online class.

Ayon sa DepEd, ang blended learning ay ginawang mas inklusibo na kung

saan magpapatuloy pa rin ang pag-aaral para sa mga mag-aaral na walang access

sa mga kinakailangang gadget at pagkonek sa internet, sa pamamagitan ng mga

nakalimbag na modyul o mga yugto ng klase na ipinalabas sa telebisyon o radyo.

Ngunit ang set up na ito ay magdudulot din ng mga hamon, tulad ng

pangangailangan na magkaroon ng isang flexible system at grading sytem at

isinasaalang-alang ang iba't ibang mga modalidad ng pag-aaral na pinili ng mga

mag-aaral.

Ayon kay Tuscano (2017), para sa bagong normal na edukasyon, ang mga

pagsusuri at pagmamarka ay dapat suriin at isipin upang magpatuloy na

maiuugnay sa mga mag-aaral. Dapat na malalim na isipin ng mga paaralan ang

kanilang mga layunin at prayoridad sa pagdidisenyo ng mga pagtatasa o

pagmamarka sa mga mag-aaral. Dapat ding tandaan ng mga tagapagturo na sa

panahon ngayon ay dapat na magpatuloy na hikayatin at suportahan ang pag-aaral

ng mga mag-aaral. Isang paraan ito upang patuloy na bigyan ang mga mag-aaral

ng puna sa kanilang pag-aaral na makatutulong sa kanila na sumasalamin sa

kanilang kalakasan at makahanap ng mga paraan upang mapabuti ang kanilang

sarili.
Ayon kay Dhawan (2020), sa panahon ng krisis na ito ang mainam na lunas

ay ang pagpapatupad ng online at modular learning mode na sinang-ayunan

naman ni Cathy Li (2020), ng World Economic Forum, na mas epektibo ang

online/modular learning kaysa sa pag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Ayon sa artikulong “KMC Better for Life”, dahil sa pandemic dulot ng

Coronavirus 2019, maraming agam-agam ang nagsulputan tungkol sa kaligtasan

ng mga bata kung paiiralin ang pisikal na pagpasok sa eskuwela. Naging

palaisipan ang pagpapatuloy ng pag-aaral dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa

bansa. Subalit matapos ang ginagawang pagsasaliksik, lumalabas na kung tatagal

ang pagtigil ng pag-aaral ay 30% ang masasayang na natutunan sa nakalipas na

taon.

Pahayag ni Sec. Briones “Education cannot wait.” Upang hindi mapagkaitan

ng pagkakataong matuto ang henerasyon ngayon ay susubukan ang mga

alternatibong pamamaraan. Sa ilalim ng New Normal na pag-aaral, gagamitin ang

online o virtual learning sa pamamagitan ng computer/laptop/tablet, gagamitin din

ang telebisyon at radyo. At module learning naman ang gagamitin para sa mga

walang kakayahang bumili ng gadgets o mga nasa malayong lugar.

Ayon sa talaan ng DepEd, umabot sa 15,182,075 ang enrollees sa

pampubliko at pribadong eskuwelahan, mas mababa umano ang bilang nito kaysa

sa nakaraang taon. Ginawang online ang pag-i-enroll upang makaiwas sa

pagdagsa ng mga bata. Bago sa mag-aaral ang blended learning dahil malayo ito

sa “Face to face learning”, kung saan may personal na interaksyon ang mga

estudyante sa kanilang mga guro. Malaki ang posibilidad na hindi gaanong

matututo sa virtual learning ang mga mag-aaral dahil sa problema ng internet


connection sa bansa. Sobrang bagal ng internet, kadalasan ay putol-putol ang

signal at nawawala pa sa buong maghapon.

Teoritikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas

Ipinapakita ng bahaging ito ang mga baryabol na kinakailangan sa pananaliksik

katulad ng profayl baryabol. Napakahalaga nito sa mga mananaliksik dahil ito ang

makatutulong sa kanila na malaman ang iba’t ibang katangian ng mga kalahok at kung

ano ang pinagkaiba ng mga ito.

Ang unang kahon ay naglalaman ng propayl ng mga kalahok katulad ng edad,

kasarian at taon. Ang ikalawang kahon naman ay naglalaman ng pamamaraan kung

saan gagamitin ng mananaliksik ang survey questionnaire. At ang ikatlong kahon ay ang

programa o solusiyon na naisip ng mga mananaliksik.

Figyur 1
Ginamit ng mga mananaliksik ang Ground Theory upang ang mga ideya,

pananaw, at opiniyon ng mga respondente ay matipon nang makabuo at

makakalap ng mga kasagutan sa isinagawang pag-aaral.

Figyur 2

Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang alamin ang epekto ng online

learning mode sa kalagayang mental at emosiyonal ng mga mag-aaral. Ang mga

kalahok sa pananaliksik ay binubuo ng 164 na mga mag-aaral na kasalukuyang

kumukuha ng kursong Batsilyer sa Pansekondaryang Edukasyon (BSED) na

nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino sa Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa na

gumagamit ng online learning mode.

Isinaalang-alang ang edad, taon, at kasarian ng mga nabanggit na kalahok

sa pananaliksik na ito.

Presentasiyon at Interpretasiyon ng mga Datos

Sa bahaging ito ilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa

pamamagitan ng tekswal at tabular o grapik na presentasiyon. Ilalahad ng mga

mananaliksik ang kanilang analisis o pagsusuri.


Narito ang mga nakalap na datos patungkol sa:

Demograpikong Propayl ng mga Respondente

PROFAYL NG MGA RESPONDENTE AYON SA


EDAD
LIMIT BAHAGDAN
20-21 118 72
22-23 36 22
24-25 2 1
26-pataas 8 5
KABUOAN 164 100

Talahanayan 1

Batay sa talahanayan na nasa itaas, narito ang profayl ng mga respondente

ayon sa edad. Ang mga nasa edad na 20-21 ay mayroong 118 na respondente na

mayroong kabuoang 72 bahagdan sa nakalap na datos. Ang mga nasa edad naman 22-

23 ay mayroong kabuoang bilang na 36 na respondente na mayroong 22 bahagdan sa

nakalap na datos. Ang mga nasa edad na 24-25 ay mayroong 2 respondente na

mayroong kabuoang 1 bahagdan sa nakalap na datos. Samantalang ang mga

respondente na nasa edad na 26 pataas ay mayroong 8 respondente na mayroong 5

bahagdan sa nakalap na datos.

PROFAYL NG MGA RESPONDENTE


AYON SA KASARIAN
LIMIT BAHAGDAN
BABAE 134 82
LALAKI 30 18
KABUOAN 164 100

Talahanayan 2
Batay sa talahanayan na nasa itaas narito ang profayl ng mga respondente ayon
sa kasarian. Ang mga babaeng respondente ay mayroong 134 na kabuoang bilang at
mayroong 82 bahagdan sa nakalap na datos. Samantalang ang mga lalaking
respondente naman ay mayroong 30 na kabuoang bilang at mayroong 18 bahagdan sa
nakalap na datos.

PROFAYL NG MGA RESPONDENTE AYON SA


BAITANG AT SEKSYON
LIMIT BAHAGDAN
FIL 2A 24 15
FIL 2B 24 15
FIL 3A 19 12
FIL 3B 20 12
FIL 3C 20 12
FIL 4A 18 11
FIL 4B 18 11
FIL 4C 21 13
KABUOAN 164 100

Talahanayan 3

Batay sa talahanayang nasa itaas, narito ang profayl ng mga respondente ayon

sa baitang at seksiyon. Ang mga seksiyon ng Filipino 2A at Filipino 2B ay mayroong 24

na kabuoang bilang at mayroong 15 bahagdan sa kabuoang bilang ng mga

respondente. Ang mga seksiyon ng Filipino 3A na mayroong 19 na bilang ng

respondente kung saan mayroong 12 bahagdan at ang Filipino 3B at Filipino 3C naman

na mayroong 20 bilang ng respondente at may kabuoang 12 bahagdan. Ang seksiyon

ng Filipino 4A at Filipino 4B ay mayroong 18 bilang at mayroong 11 bahagdan sa

kabuoang bilang ng respondente. Ang mga Filipino 4C naman ay mayroong 21 bilang at

mayroong 13 bahagdan sa kabuoang bilang ng respondente.


1. Question no. 1

LEGEND RANGE BILANG


Lubos na Sumasang-ayon 3.51-4.00 5

Sumasang-ayon 2.51-3.50 10

Di Sumasang-ayon 1.51-2.50 5
Lubos na Di Sumasang-ayon 1.00-1.50

Ang unang katanungan sa positibong epekto ay nagpakita na lima ang

lubos na sumang ayon ditto. Sampu naman ang sumang ayon

Q1-q10 ay ganito ang gagawain positibo at negatibo.

You might also like