You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Philippine Normal University


The National Center for Teacher Education
Mindanao
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

Pangalan: Mariefe Deloso Baitang/Seksiyon: BECED III


Propesor: Dr. May Q. Apat
Asignatura: 2GED-FIL02 – Midya at Teknolohiya

GAWAIN 3

Panuto: Sumulat ng isang repleksiyong papel na di bababa sa 500 salita tungkol sa mahalagang
papel ng midya at teknolohiya sa larangan ng edukasyon.

“Kahalagahan ng Midya at Teknolohiya sa larangan ng edukasyon”

Ano nga ba ang mga positibo at negatibong naidudulot ng mga makabagong


teknolohiya sa mga kabataan at edukasyon? Paulit-ulit nang winiwika ng ating mga
magulang ang mga katagang “Ang edukasyon ang tanging maipapamana ko sa iyo”.
Tunay ngang ang edukasyon ay isang kayamanan na ‘di mananakaw ninuman. Ito
ang sandatang kailangang makamit ng mga kabataan na magsisilbing panangga nila
sa kahirapan. Ang edukasyon ay napakahalaga sapagkat ito ang magiging sandigan
ng mga kabataan tungo sa kaunlaran. Ang mga kabataang ito ang magsisilbing susi
upang umunlad ang ating lupang sinilangan. Mga kabataang makapagbibigay
liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Na magiging daan
patungo sa ating pinakaaasam-asam na pagbabago at kaunlaran.
Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang kahalagahan na
naiaambag nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang midya ay hindi maikakaila
na produkto ng makabagong teknolohiya, ang midya at teknolohiya ay nagkaroon
ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na
magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw nating mga mag-aaral.

Sakop ng internet ang midya sapagkat kung walang internet hindi tayo makagagamit
ng midya. Isang dahilan ang midya upang mas maging mahusay sa pag-aaral ang
mga bata. Halimbawa na lamang nito ay kung liban tayo ay maaaring gumamit ng
midya o messenger upang magtanong sa kanyang mga kaklase kung ano ang mga
dapat gawin sa bawat asignatura. Samakatuwid, ang midya at teknolohiya ay
nagpapatibay ng komunikasyon ng bawat tao. Isa din ang mga ito para magamit sa
mga bagay na ating gustong malaman at hindi na kailangang magpunta sa
malalaking silid- aklatan at maghanap ng reperensya.

Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng


komunikasyon upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya natin sa
isang tao na naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Sumunod naman ang
Google ang pinakamahalagang parte ng social media kung saan dito mo mahahanap
ang mga impormasyon na ating kinakailangan sa mga reports, research, assignments,
projects at iba pa. Ang Youtube naman ay nakatutulong at nagpapakita ng mga video
na naglalaman ng mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay. Ang midya
at teknolohiya ay isang mga instrumento upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa
ibang tao. Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalong lalo na sa ating mga mag-aaral.
Sa midya at teknolohiya napataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang
ngayon.

Para sa karagdagan, marami ang lubos na naapektuhan sa ating kasalukuyang


kinakaharap na pandemya hindi lang sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo
tulad ng pampubliko at pangpribadong kumpanya, mga paaralan, kabuhayan pati na
rin ang mga tao sa sanlibutan. Dahil sa kaganapang ito ay minabuti ng ating
pamahalaan na ipasara at ipagpaliban muna ang pagpasok sa opisina at eskwela at
huwag lumabas ng ating bahay upang magkwarantin ng ilang buwan upang
makaiwas at mabawasan ang mabilis na pagkalat ng sakit na COVID-19 sa ating
bansa.

Teknolohiya ang isang mabisang paraan at solusyon upang magpatuloy ang


paghahanap buhay ng mga tao at pag-aaral ng mga estudyate sa gitna ng pandemya.
Sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay mabilis na naibabalita o nabibigyan ng
impormasyon ang mga mamamayan tungkol sa mga pangyayari sa ating kapaligiran.
Dahil sa pag-iwas sa face-to-face at pagtupad sa social distancing ng mga tao, sa
pamamagitan ng internet, kompyuter o maging cellphone man ay ligtas at malayang
nakakapag-usap ang mga tao. Sila rin ay nakakapag-oonline sa pagtitinda ng mga
produkto, miting o webinar para sa mga empleyado at online distance learning para
sa mga estudyante.

Ito ay ilan lamang sa pagpapatunay na ang teknolohiya ay malaki ang natitutulong


sa atin ngayon sa gitna ng pandemya. Ganun pa man ay lagi rin nating tatandaan na
ang labis na paggamit ng teknolohiya o kahit ano pa mang bagay ay maaaring
magdulot nang masama at ikapahamak hindi lang ng ating sarili ngunit ng ating
kapwa. Kaya ang payo ko sa inyong lahat, tayo ay maging wais sa paggamit nito
upang ito ay makapagdulot sa atin nang mabuti at magawa o magampanan natin
nang tama ang ating tungkulin sa tulong ng teknolohiya.

Sa kabuuan, ang midya at teknolohiya ay mayroong mabuting naidudulot sa ating


mga mag-aaral. Sa mga iba't ibang sites natutulungan tayo na mapagtibay ang
relasyon natin sa ating mga kaibigan, makahahanap ng mga bagong kaibigan at
magkakaroon ng komunikasyon ang ating mga dating kaibigan na matagal nang
hindi natin nakikita. Naipapahayag natin sa midya ang ating mga saloobin ngunit
dapat natin laging tandaan na may limitasyon sa paggamit ng midya at tekonolohiya.
Dapat pa rin bigyang halaga ang mga mahahalagang bagay sapagkat hindi lamang
sa teknolohiya umiikot ang ating buhay. Sa panahon natin ngayon, ang makabagong
midya at teknolohiya ang siyang nagiging saggot sa mga katanunga at nagiging
solusyon sa ating mga problema. Kaya naman, ating bigyang halaga ito at gamitin
sa mabuting paraan.

You might also like