You are on page 1of 4

Ang Kahalagahan ng Wastong Pagpaplano ng

Pamilya

Ang pagpaplano hinggil sa pagbuo ng pamilya ay napakahalaga.Sa


pamamagitan nito napag-uusapan at napagpaplanuhan ang ganitonbg
mga bagay.Mas magiging maganda at maayos ang pamumuhay ng
buong pamilya kung ito ay pinagdedesisyonan muna.

Sa aming tahanan ang mga mas nakatatanda sa bahay ang bumubuo ng


plano para sa isang buong araw.Mas mainam kasi na alamin muna ang
wastong gagawin para sa buong pamilya.Ang tama at at wastong
desisyon na ating isinasagawa ang sumasalamin sa estado ng isang
pamilya.Mahalagang sama-sama itong pinag-uuspan.Mahalagang pare-
pareho itong sinasang-ayunan kung tama ang mga plano.

Bilang kabataan,sa panahong akoy tatanda na,magpaplano ako ng


wasto para sa aking pamilya.Ang ganitong pag dedesisyon ng maaga ay
nahuhubog ako bilang isang maging dalagang may matibay na kaisipan.
Ang kahalagahan ng Teknolohiya sa akin

Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita


ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga
naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo.
Halimbawa na lamang nito ay ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-
17 na siglo. Ito ay nagsilbing mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng
astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya na nagbigay daan para sa
hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at
epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang
kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa
ika-21 na siglo.

Ibat ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa


kung anong asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling
kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa
mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may
kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita
ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon
ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa
edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring maka-access ng internet.

Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay


gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon
silang tinatawag na computer laboratory kung saan natitipon ang lahat ng
mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging maginhawa at madali ang
pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga guro
ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng ibat


ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating
tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang
ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng
mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang
paraan.
Ang Impluwensya ng Media sa mga
Kabataan
Tunay ngang napakalaking impluwensiya ng ating kassalukuyang pamumuhay ngayon
sa mga kabataan. Makikita mo na bata pa lamang ay mayroon ng cellphone o iPad.
Ating alamin kung ano ang impluwensiya ng media sa ating mga kabataan. Alamin
natin kung paano ito gamitin sa kabutihan at kung paano ito makakasama sa atin.

Malaki ang impluwensiya ng media sa ating mga kabataan lalo na sa kanilang pang-
araw-araw na pamumuhay at pag-iisip. Kung iyong titignan, malaki ang diperensiya ng
mga kabataan noon at ngayon. Katulad ng sinabi ko, ngayon, mga bata pa lamang ay
mayroon o nakakahawak na ng cellphones o kahit anong elektroniko at may iba't-ibang
reksiyon na sila sa mga napapanuod sa telebisyon. Ang ating kabataan ngayon ay
masyadong binibigyang atensiyon ang mga social media sites na Facebook, Twitter,
Google at Instagram. Itong sites na ito ay hinahayaan ang ating mga kabataan na
makita kung ano ang kanilang nais na makita. Isang click lang, ayan na at nasa
harapan na nila ang gusto nilang hanapin sa internet. Hinahayaan ng social media sites
ang mga kabataan na makipag-usap sa kanilang mga kaibigan, guro o kamag-anak sa
malalayong lugar. Ang media ay magagamit sa dalawang paraan. Masama at mabuting
paraan.

Magagamit ito ng ating mga kabataan sa mabuting paraan para sa pagpapalawak ng


kanilang kaalaman sa kung anong nangyayari sa kanilang kapaligiran at sa paggawa ng
kanilang homeworks, assignments at projects sa kanilang mga klase sa kaniya-
kaniyang paaralan. Magagamit ito sa kasamaan para manloko ng kapwa. Maraming
naibabalita sa telebisyon ang mga ganitong eksena na sa pamamagitan ng media ay
maraming nabibiktima sa mga panloloko.

Dapat tayong maging maingat sa paggamit ng mga media. Sa mga magulang ng ating
kabataan, gabayan ang inyong mga anak ng sa gayon ay hindi nila magamit sa
kasamaan ang media. Ipaliwanag sa mga anak ang kanilang nakikita sa mga website
na kanilang pinupuntahan. Alam na ninyo ang impluwensiya ng media at kung paano ito
magagamit sa mabuti at masamang paraan. Disisyon na ninyo kung anong paraan
ninyo ito gustong gamitin.
Ang Pagbabagong Inaasam para sa
Pamahalaan

You might also like