You are on page 1of 14

i

Dahon ng Pasasalamat

Walang hanggan ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong sa amin

upang mapagtagumpayan at maging epektibo ang aming ginawang pananaliksik.

Una, nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil hindi naming ito magagawa at

matatapos kung wala ang kaniyang patnubay, binigyan niya din kami ng lakas ng

loob at sa lahat ng aming ginawa, nandoon ang kaniyang presensya. Pangalawa,

sa aming mga magulang na walang sawang sumusuporta sa aming mga

pangangailangan lalong – lalo na sa penensyal. Pangatlo, sa aming guro na si G.

Edgar C. Andor na ginabayan kami sa aming pamanahong papel. Pang – apat,

sa mga mananaliksik sa mga pag – aaral na ito dahil nadagdagan ang aming

mga nakalap na impormasyon at nagkaroon kami ng mga basihan sa aming pag

– aaral. Panlima, sa aming kamag – aral na tumulong magbigay ng impormasyon

tungkol sa aming paksa. Lubos ang aming pasasalamat dahil kung wala ang

mga taong ito, hindi magiging epektibo, kasiya – siya, makabuluhan, maging

maayos, organisado, at kapani – paniwala ang aming pamanahong papel.


ii

UNANG PAHINA…………………………………………...………………..i

TALAAN NG NILALAMAN………………………………...……………….ii

I. INTRODUKSYON………………………………………....………………..1

1. Layunin ng Pag – aaral………………………...……...…………….…2

2. Kahalagahan ng Pag – aaral…………………………..……………....2

3. Saklaw at Limitasyon……………………………………..…………….4

II. MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA……………....5

1. Panlabas na Literatura………………………………………………....5

2. Panloob na Literatura…………………………………………………..7

III. DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK....……...………………10

1. Disenyo ng Pananaliksik……………………..……………………....10

2. Paraan ng Pananaliksik……………………..………………………..10

3. Mga Pokus ng Pag – aaral………………..……………………….…11

4. Instrumento ng Pananaliksik…………….…………………………...11

5. Tritment ng mga Datos…………………..…………………………...12


1

KABANATA I

Isang Pagsusuri sa Positibo at Negatibong Epekto ng Gadgets

sa mga Mag – aaral ng 11 – ICT ng Eastern Samar National

Comprehensive High School

INTRODUKSIYON

Malaki ang naitutulong ng gadget sa ating pang araw – araw na buhay.

Malaki ang ginagampanan nito sa ating mundo. Hindi natin maikakaila na halos

araw – araw, tayo ay gumagamit ng gadgets. Sa pakikipag – ugnayan,

transaksyon, at pakikipag – usap sa mga taong malayo sa atin. Mas napapadali

ang mga Gawain sa paaralan gamit ang gadgets sa kadahilanang may mga

applications na malaki ang maitutulong pagdating sa pang – akademikong

gawain. Ngunit sa kabila ng benepisyo na naidudulot nito ay ang mga

masasamang epekto naman nito sa ating kalusugan at sa ating pakikisalamuha

sa mga tao.

Ang gadget ay isang maliit na gamit pang teknolohiya, isang bagay na

madaling gamitin at nakakatuwang teknolohiya. Isa sa mga halimbawa nito at

ang pinaka karaniwang ginagamit ng mga kabataan ngayon ay ang cellphone. Ito

ay sa kadahilanang maliit ang gadget na ito at maaari lamang dalhin kahit saan.

Masasabing ang gadget ay higit na nakatutulong sa mag – aaral sa kanilang pag

– aaral. Tungkulin ng mga kabataan ang mag – aral. Kapag ang kabataan ay
2

napagod sa kanilang pag – aaral, may mga maaari na sila ngayong pagpilian sa

dami ng mga makabagong kagamitan ngayon.

Maraming tao ang nagtatalo kung ang gadget ay nakabubuti ba o

nakasasama sa mga mag – aaral. May mga naniniwalang ang gadget ay

masama para sa mga mag –aaral, ngunit marami pa din ang pabor sa pag –

unlad ng gadgets sapagkat napakalaking tulong ang naibibigay nito sa mga mag

– aaral.

Layunin ng Pag – aaral

Ang layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang mga positibo at

negatibong epekto ng paggamit ng gadgets sa mga mag – aaral at ang

maipabatid kung ano ang maaaring maging dulot o benepisyo nito sa kanilang

pag –aaral at ang relasyon ng kanilang pamilya. Nais nitong malaman ang

kadahilanan kung bakit ang mga mag –aaral ay gumagamit nito at kung ano ang

kinagigiliwan ng mag – aaral sa gadgets.

Kahalagahan ng Pag – aaral

Ang pananaliksik na ito ay may layuning malaman kung ano ang mga

positibo at negatibong epekto ng gadgets. Ginagawa ang pag – aaral upang

malaman ang mga benepisyo ng gadgets sa mga mag – aaral ngunit may

pagkakataon na nakasasama ang mga ito sa pag – aaral ng mga estudyante.


3

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mabibigyang kasagutan na ang

mga katanungang tumatalakay sa pangangalap ng mga mapagkakatiwalaang

impormasyon na makatutulong sa mga malawak na pagbabahagi ng mga datos

na maaaring magamit ng mga mag – aaral sa mga susunod na henerasyon.

Mabebenipisyuhan ng pag – aaral na ito ang mga sumusunod:

Para sa Mag – aaral

Mababawasan ang oras nila sa paggamit ng gadget, sapagkat ang mga

gadgets ay kumakain ng oras at posibleng maging tamad ang mga estudyante.

Mas maiintindihan nila ang kanilang pag – aaral. Mas magiging produktibo ang

mga mag – aaral sa kanilang pag – aaral.

Para sa mga Guro

Sa pagtuturo, makakakuha ng impormasyon ang mga guro sa paggamit

ng gadget sa pamamagitan ng internet. Mas mapapadali ang pagtuturo ng mga

guro.
4

Para sa mga Magulang

Malalaman nila ang mga dahilan kung bakit hindi maayos ang

performance ng mga anak nila sa klase. Magkakaroon ng oras ang mga anak

nila na makapag bonding kasama ang kani – kanilang pamilya.

Saklaw at Limitasyon

Nakapokus ang pag – aaral na ito sa positibo at negatibong epekto ng

gadgets. Limampu (50) ang nagging respondent nito. Isinagawa ang pag – aaral

na ito sa mga mag – aaral sa paaralan ng Eastern Samar National

Comprehensive High School (ESNCHS) – Borongan particular sa ikalabing –

isang baitang ng ICT. Isinagawa ang pag – aaral na ito sa ikalawang semestre

ng taong 2020.
5

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG – AARAL

Panlabas na Literatura

Ang patuloy na pag – unlad ng makabagong teknolohiya ay may

pakinabang para sa mga kabataan lalo na sa mga mag – aaral. Malaki ang

naidudulot nito para sa pagpapadali ng pag – aaral at maging isang epektibong

mamamayan (M. Underwood, 2009).

Posible nga ba para sa isang kabataan at mag – aaral ang buhay na

walang computer, mobile phones (para sa pakikipagtext), at iba pang

makabagong gadyets? Ang kabataan at mag – aaral sa panahon ngayon ay may

bagong uri ng pamumuhay gamit ang makabagong gadyets. Ang bagong

henerasyon ng mga estudyante ngayon ay gusto ng pagbabago sa paraan ng

pag – aaral. Mas gusto nila ang madali at komportable na walang anumang

iniisip na problema. Para sa kanila, ang pinaka magandang pagbabago ngayon

ay ang makabagong teknolohiya at gadyets (S. Kumar, S. Raghay, 2007).

Ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto. Sinasabi niya na

ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong

paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay

nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang

kaniyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa (Chandler, 2000).


7
6

Isa sa malapit na sinabi ni Chandler (2000) at B. Winston (1998), kanyang

ianlisa ang kanyang artikulo na “How are Media Born and Developed” ang mga

mabubuti at masasama na naidudulot ng makabagong teknolohiya at gadyets sa

lipunan. Naniniwala siya sa determinasyon ng teknolohiya tungo sa pag – unlad

ng ating mundo. Ngayon tayo ay nasa ika – 21 siglo, marami na ang nababago

at pamamaraan n gating pamumuhay gayundin sa ating mga pribadong buhay.

Ang kompyuter sa ngayon ay gumagawa ng maraming bagay. Sa mga

tahanan, ang mga maliit na kompyuter na nakabaon sa mga kagamitang

dekuryente ang nakapagpapabukas at nakapagsasama sa telebisyon at

nakapagpapalit ng mga estasyon, o kumukuntrol sa temperature ng iyong

refrigerator. Ang mga kompyuter sa mga kotse at iba pang mga sasakyan ay nag

– aayos ng daloy ng langis. Ang mga kompyuter ay ginagamit din sa mga makina

sa ospital tulad ng x – rays. Alam mob a na ang mga kompyuter ay pangunahing

ginawa upang magamit sa masalimuot na kalkulasyon matematika? Ang mga

makinang ginagamit upang gumawa ng mga masasalimuot na kalkulasyong

matematika ay nag – ugat libong taon na ang nakalilipas sa mga abacus ng

Intsik. Ang abakus ay isang grupo ng mga butyl na nakahanay at ginagamit sa

pagbibilang. Noong 1945, ang ENIAC, ang Electronic Numerical Integrator and

Calculator ay isinilang. Ito ang kauna – unahang kompyuter. Subalit, hindi gaya

ng karamihan sa mga kompyuter sa ngayon, nangangailangan ito ng isang

napakalaking silid at mayroong sariling air conditioner. Ngayon, salamat sa mga

bagong pagpapaunlad gaya sa mga computer chips, ang kompyuter na may


parehong kakayahan ay maaaring magkasya sa palad ng iyong kamay. So

ngayon, ang mga kompyuter ay ginagamit din sa pag – aaral at paglalaro.

Panloob na Literatura

Sa pag – aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na The Influence of

Technology on College Students sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa

paggamit ng teknolohiya ay ang disiplina. Ang bawat henerasyon ay may iba’t –

ibang disiplina batay na rin sa kanilang kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na ang kasaysayan at

ang kultura ay may malaking bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng

isang katauhan. Sa paglipas ng panahon, nagiging iba ang pag – uugali ng tao

kaysa noon na wala pang impluwensya ng gadyet.

Ayon kina Coomes and Debard (2004), at Howe at Strauss (2003),

sinasabi nila na ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor at

social factor kagaya ng impluwensya ng pamilya, ng Media, ng relehiyon, ng mga

kaibigan, ng pag – aaral at ng politika. Ang disiplina ay mahalaga para sa mga

mag – aaral lalo na sa mga kolehiyo kung paano sila makitungo sa kanilang

kapaligiran. Ngayon, ang mga mag –aaral ay mayroon ng makabagong

teknolohiya gaya ng Facebook, Twitter,at Instagram. Ang mga napapanood

naman nila sa telebisyon at mga laro sa mga kompyuter ay maaring makapag

pabago sa uri ng kanilang pag – iisip. Ang mga ito ay malaking impluwensya sa

academic performance nila sa loob ng klase (Howe, Markiewicz at Strauss,

2008).
9
8

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga

estudyante na ang pag – aaral ay isang pag – aaksaya lamang ng kanilang oras,

kung kaya’t ang iba sa kanila ay mas pinipili na gumamit ng gadyet at ubusin ang

oras sa mga walang kwetang bagay.

Ayon sa pag – aaral ni Sadler (2007), kadalasan maririnig natin sa mga

mag – aaral ngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga

aralin at kung gaano sila kaaga gumising para pumasok. Sinaabi nila ito upang

maipagmalaki sa iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag – aaral

ngayon ay kayang pagsabayin ang pagtitext at pag – aaral, iba na talaga ang

mga kaugalian ng mga estudyante ngayon. Wala na silang sapat na disiplina sa

paggamit ng kanilang oras at kung paano ito mawawaldas nang may katuturan.

Gemmil at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag – aaral kung

gaano kalaki ang nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong

teknolohiya at kung malaki ba ang naidudulot nitong stress. Base sa kanilang

nagawang pag – aaral, halos 29% na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya

at may malaking parte ito sa stress na nararanasan ng mga estudyante.

Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag – aaral ukol sa parte

ng media sa pag – aaral ng mga mag – aaral. Napag – alaman nila na mayroon

itong malaking impluwensya sa pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag – aaral

sa kanilang kaibigan, kamag – aral at guro.

Sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na

globalisasyon, at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa


mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa

kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa.

Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat

ng larangan ay halos computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno,

pribadong opisina, sa mga eskwelahan at maging sa pamamahay man ay

gumagamit ng kompyuter sa kanilang pakikipag transaksyon. Kung walang

personal computer ay may mga makabagong cellphone na nagsisilbing gamit sa

iba’t – ibang uri ng pakikipag – transaksyon. Sinasabi pa nga sa datos na ang

Pilipinas ang siyang Cellphone Capital of the World, dahil ultimong mahihirap na

pamilyang Pilipino ay nakagagamit ng cellphone.

Ang mabilis ban a pag – unlad sa larangan ng teknolohiya ay

nakakatulong ba o hindi, lalo na sa larangan ng edukasyon sa ating bansa?

Lahat ng uri ng pag – unlad maging sa teknolohiya ay may kaakibat na positibo

at negatibong dulot sa ating pamumuhay, maging sa larangan ng edukasyon. Sa

larangan ng edukasyon, ang mabilis na pag – unlad ng teknolohiya ay malking

tulong ang naibibigay hindi lamang sa mga guro kundi lalo’t higit sa mga mag –

aaral.

Bago pa man ipatupad ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang pag –

unlad ng teknolohiya ay binusisi at pinag – aralan munang mabuti kung ito ba ay

makatutulong o hindi. Kanilang hihimayin ang mga positibo at negatibong dulot

nito at kung nakalalamang ang positibo ay kanilang aaprubahan at ipatutupad

nang naaayon sa umiiral na batas ng ating bansa, particular sa edukasyon.


10

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag – aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang

deskriptib – analitik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag – aaral na ito ang

kasalukuyang kaalaman, kaisipan at pananaw ng mga mag – aaral ng ICT 11 ng

Eastern Samar National Comprehensive High School tungo sa positibo at

negatibong epekto ng gadgets sa kanila. Nais din ng pananaliksik na ito na

masuportahan ang mga datos at impormasyong inihayag ng mga mag – aaral

tungkol sa nasabing usapin.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pag – aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey kwestyoneyr na may layuning

makahanap ng mga datos at impormasyon upang malaman ang mga saloobin ng

mga mag – aaral tungkol sa paksa ng pananaliksik na ito. Ang paksang tinutukoy

ay kung ano ang mga maaaring positibo at negatibong epekto ng gadgets sa

mga mag – aaral particular sa 11 ICT. Nagsagawa din ng pangangalap ng

impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t – ibag hanguan sa aklatan tulad ng


11

mga aklat, diyaryo, magasin at pamanahong papel. Kumuha din ang mga

mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.

Mga Pokus ng Pag – aaral

Ang mga napiling respondent sa pag – aaral na ito ay mula sa ikalabing –

isang baitang na ICT ng Eastern Samar National Comprehensive High School sa

taong 2019 – 2020. Ang mga mananaliksik ay may tatlumpo (30) na

respondenteng sasagot sa inihandang sarbey kwestyoneyr tungkol sa paksa ng

pananaliksik na ito. Ang mga respondent ay kinabibilangan ng lahat ng mag –

aaral sa ICT 11. Ang pangkat na ito ang napili ng mga mananaliksik bilang mga

respondent dahil sa ito ang napag kasunduan ng mas nakararami.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang sarbey kwestyoneyr ay ginamit sa pananaliksik na ito upang

maipakita at maipresenta ang mga datos na kinakailangan sa pag – aaral. Ang

sarbey kwestyoneyr ay binubuo ng sampung (10) tanong na ipamamahagi at

ipasasagot sa mga mag – aaral ng ICT 11 ng Eastern Samar National

Comprehensive High School.


12

Tritment ng mga Datos

Ang pagtally at pagtukoy sa porsiyento at bahagdan ng mga sagot ng mga

respondent sa bawat katanungan sa sarbey kwestyoneyr ang paraang ginagamit

ng mga mananaliksik upang ang mga numerical na datos ay mailarawan.

Ang formula na P=F/n × 100 ay ginagamit upang mailahad ang porsyento

ng mga kasagutan sa sarbey kwestyoneyr. Ang bawat simbolo ay

nangangahulugang:

P = Porsyento

F = frequency

n = bilang ng mga respondente

You might also like