You are on page 1of 11

I.

Panimula

Ang internet ay may malaking naitutulong sa pag-aaral, pananaliksik, paghahanapbuhay,


pangangalakal, libangan, pakikipag-ugnayan at iba pa. Isa sa mga patok na gamit sa
teknolohiya ay ang kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga
pilipinong mag-aaral ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng internet. Kung may
internet connection maaring makagawa ang isang indibidwal ng account sa anomang social
networking sites tulad ng Facebook, ito ay ang mga serbisyong web-based na nagbibigay sa
mga indibidwal para bumuo ng isang pangpublikong profile. Ang internet ay isang sistema na
ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga
kompyuter na dumadaan sa iba't-ibang klase ng telekomunikasyon. Alam din nating lahat na
halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayong sa internet. Bukod sa mga libro na
ginagamit ng mga mag-aaral, dito rin sila kumukuha ng dagdag impormasyon.

Ang Internet ay isang paraan para sa isang mas mahusay na bukas dahil maaari kang
maghanap para sa isang mas mahusay na mga pamamaraan at alituntunin para saiyo na
magkaroon ng isang mas mahusay na hinaharap. Nadadagdagan rin ng internet ang ating
kaalaman tungkol sa mga bagay at salita na di natin alam at naiintindihan. Sa loob at labas ng
silid-aralan ay maaring makipag-uganayan ang mga guro sa mga magaaral para sa pakikipag-
talastasan. At dahil nga tayo ay namumuhay na sa modernong panahon, karamihan sa mga
kolehiyo ay may subject kung saan nangangailangang gumamit ng internet. Mayroong
pagkakataon sa mga kolehiyong mag-aaral na hindi kinakailangan pumasok sa paaralan at sa
halip nasa bahay lamang ngunit ikaw ay pumapasok pa rin sa pamamagitan ng internet. Ito ay
halos kaparehas rin ng home schooling. Isa rin sa napakalaking naiitulong ng internet sa mga
mag-aaral ay maaari mo nang makita sa internet ang iyong mga marka.

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang paggamit ng internet ay


nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang paggamit ng internet ay
may epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng
paggamit ng internet dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng
mga mag-aaral. Ang mga pananaw na ito ay tama. Subalit, kailangan nating pag-aralan ng
mabuti kung ang paggamit ng internet nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng
masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa mga mag-aaral kung paano natin nila ito
gagamitin Mahalaga ang internet sa mga mag aaral dahil ito ay laging maasahan at marami
itong naiitutulong at napapadali nito ang mga gawain nito. Sa tulong nito ay napapadali nito
pagkuha ng mga mag aaral ng mga impormasyon na kailangan nila sa kanilang mga asignatura
at mga pananaliksik.

II. Buod ng Mga Kaugnay Na Pag-Aaral At Literatura

Ayon kay Barnachea (2011), sa Kasalukuyang panahon, sino pa ba ang hindi


nakaka-alam ng isa pa sa mga sikat na imbensyon, ang Internet. Bagay na nagpadali ng buhay
ng mga mag-aral nakatulad ko. Ayon nga sa mga nakatatanda, kung dati raw ay aabutin ka ng
mag-haponsa library ng paaralan upang hanapin ang kahulugan ng mga leksyon,
ngayon ay nariyan sa bawat kanto ng Metro Manila hindi lang sa lugar ng mga urban
maging sa rural ang mga ‘Internet Café’. Sa isang pindot lang, nasa harap
mo na agad ang hinahanap mo. Maliban pa sa sobrang bilis na proseso na
paghahanap ng leksyon, nariyan pa ang printer upang solusyonan ang problema sa matagal
na pagsusulat ng mga takdang aralin ng mga mag-aaral.

Ayon na rin kay Eloreo (2016), nakakarami ang pagamit ng internet ay isang malaking salik
na di maiiwasan ng nakakarami dahil nga sa naiidudulot nitong epekto ng pagkaadik o
paghumaling sa mga surfing at paglalaro ng games na nakakaapekto sa mag-aaral na kung
saan mas inuuna pa ng mag-aaral ang paglalaro kaysa sa magbasa ng mga libro upang
malaman ang nilalaman nito. Ayon na din sa karamihan sa mga babaeng mag-aaral ay hindi
tiwala sa kanilang abilidad sa paggamit ng internet kumpara sa mga kalalakihan. Mas
maraming lalaki ang nagsasabi na madali lang ang paggamit ng internet.

Mula naman kay Ohler (2008), hindi mapagkakaila ang kahalagahan ng internet sa ating
buhay lalo na sa mga mag-aaral. Malaking ang ginaganapan nito sa ating buhay, halos lahat na
ata ng bagay ay mahahnap natin dito. Maraming mga bagong teknolohiya ang naimbento at
nagbago sa pamumuhayng mga tao. Isa na dito ang Internet, at sa pagdaan ng panahon, nauso
ang mga social networking sites. Malaki na rin ang naging tulong nito sa pag-aaral ng mga mag-
aaral. Dito nagpapalitan ng mga mensahe na may kinalaman sa pag-aaral ang mga mag-aaral.
Nagiging daan ito para makahabol sa mga aralin ang mgamag-aaral. Nakakakuha din sila ng
mga bagong impormasyon dito na nakakatulong sakanilang pag-aaralPero, hindi lahat ng
nagiging epekto nito ay positibo. Minsan, nagiging sagabalito sa pag-aaral at nagiging sanhi ng
pagbaba ng grado ng mga mag-aaral.Nahuhumaling ang ilan sa paglalaro ng mga games at
ang iba naman ay napupuyat sawebsayt na ito na nagiging sanhi ng pagliban at pagkahuli nila
sa klase. Minsan ay nagiging sanhi rin ito ng ‘cyberbullying’, kung saan ang mga kabataan ay
berbal na inaabuso.

Ayon sa pag-aaral ni Jayza (2016), sa paanong paraan nga ba nagkakaroon ng magandang


dulot ang mga social media o internet sa atin bilang mga mag-aaral? bilang mga mag-aaral,
nagagamit ba nila ng may kabuluhan ng kanilang mga social media accounts. Ang mga
halimbawa ng social media ay ang facebook, twitter, instagram, youtube, google, tumblr at
marami pang iba. Ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang
indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang
nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na
pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga
indibidwal. Ang ating mundo ay nasasakop na ng social media, maraming mga mag-aaral ang
nagiging aktibo sa paggamit ng kanilang mga social media accounts, mabilis rin silang
maimpluwensiyahan ng kanilang mga nakikita, nababasa o napapanood sa social media ngunit
hindi lahat ng mga impormasyon at detalye mula sa social media ay tama dahil madalas ang
mga impormasyon sa social media ay kung hindi sobra may kulang at dahil yan sa pag-eedit.

Sa tulong ng Google ayon kay Papert (2008), ay napapadali ang ating paghahanap ng mga
kaalaman na ating magagamit sa paggawa ng mg proyecto. Sa tulong nito ay medaling
natatapos ng mga mag-aaral ang kanilang mga Gawain at natutulungan rin tayo nito na
maintindihan ang mga paksang tinalakay na guro di natin naintindiha sa klase. Maaaring rin
gamitin ang Google upang makahanap ng mga artikulo na may kaugnayan sa edukasyon.
Maaaring ma-access ng mga guro ang web para sa mas mahusay na pag-unawa sa anumang
paksa at sa gayon maaari nilang gawing mas malakas ang konsepto ng mga mag-aaral at ito ay
makakatulong rin upang mahanap ang mga larawan, infographics at mga diagram na may
kaugnayan sa anumang paksa at kaya ay maaaring magbigay ng mas mahusay na pag-unawa
sa paksa. Maraming pakinabang ang internet ngunit dapat natin itong gamitin ng maayos dahil
ang labis labis na paggamit ng internet ay mag negatibong epekto na nag reresulta sa
pagkakatroon ng addiction sa internet.

Mua naman kay Robin (2008), karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga
pribado ay gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang
tinatawag na computer laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil
dito, mas naging maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong
naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet. Masasabi natin na
malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng
edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag
natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng
mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.

Maraming naidudulot na magandang epekto at hindi magandang epekto ang Internet sa


kabataan ayon kay Winner (2008). Nagdudulot ito ng magandang kapakinabangan sa mga
kabataan, ang Internet lalo na, sa kanilang mga research papers, mga project at mga takdang
aralin. Halos lahat na ng kailangan ng isang tao ay masasabi nating nasa Internet na o
masasagot na sa Internet sa isang click lamang. Pero dahil sa pagiging kampante na nasa
Internet naman lahat ang dapat kailanganin, tatamarin na ang mga kabataan na aralin ang
kanilang mga leksyon. Halos lahat ng mag-aaral ay gumagamit ng iba’t ibang mga teknolohiya
upang kanilang matapos ang kanilang mga gawain. Sigurado namang lubos na limitado ang
mga impormasyon na ating makikita sa isang libro.

Ang mga mag-aaral ngayon ay hindi lang pag aaral ang inaatupag sa ngayon kundi pati ang
pag lalaro ng mga internet game, sino nga naman ang hindi maeenganyo sa napaka ganda at
makukulay na character na ginagamit dito. hindi na nga maawat ang mga nag lalabasang
ganitong games, pero ang dami ng mga bata ang sinira at naadik sa ganitong laro, kaylan ba
nila maiintindihan na walang magandang epekto ang ganitong klaseng paraan ng pag
nenegosyo. At ang nakakalungkot pa rito ay nakalimutan na at unti-unti ng nawawala ang mga
tradisyon na laro ng ating lahi!katuland ng tumbang preso, tagu-taguaan, mata-mataya, takip-
silim at marami pang iba. paano na ang mga susunod na henerasyon ng ating lahi, kung
tuluyan ng mawawala ang ganitong klase ng laro. mganda ang epekto sa katawan kung
ganitong klase ng laro ang kanilang kalalalakihan, mas magiging malakas at matalas ang
kanilang isipan dahil sa ganitong klase ng laro.

III. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng damdamin, pananaw at kaalaman ng


mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng internet ng mga mag-aaral na nasa ______ taon ng
_________ at ____________ ng akademikong taon 2018-2019.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga __________ taon lamang ng ______________


sapagkat sa kanilang panahon lumalaganap at napagtutuunan ng higit na pansin ang paggamit
ng internet ito. Naniniwala ang mga mananaliksik sa kasalikuyang panahon ang pinakamainam
magkaroon ng ganitong pag-aaral upang matugunan ang lumalawak na pagauhaw sa
impormasyon hinggil sa paggamit ng internet hindi lamang ng mga respondent. Kundi maging
ng publiko sa kabuuan.

IV. Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito.

Maaari itong maging basehan na kaalaman para sa mga mag-aaral na nag-aaral dahil ang
impormasyon dito ay maaari ring mai-aply sa iba pang sitwasyon. Naglalayon ang pag-aaral na
ito na bigyang alam ang mga mag-aaral sa mga mabuting epekto ng internet at bigyang babala
patungkol sa mga negatibong epekto nito upang ito’y magamit nilang wasto. Ito rin ay
makapapababa ng populasyon ng mga mag-aaral na halos nilalaan ang lahatng kanilang oras
sa paggamit ng internet. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makapagdadala nang
malakingtulong sa mga mag-aaral na nakararanas ng pagkasugapa sa internet. Ito rin
aynaglalayong makapag-ambag sa literatura para sa matagumpay na pag-aaralng mga mag-
aaral sa Mindanao. Para sa mananaliksik, ang pag-aaral na ito aymahalaga at makatutulong na
magkaroon ng karagdagang kaalaman. Maging sanggunian din ito sa mga mag-aaral na nais
magsaliksik ukol sa pag-aaral na ito. Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng
pag-aaral sa paggamit ng tama sa Internet na nagbibigay sa atin ng isang mas mahusay na
komunikasyon at mabilis na paggawa.

Mahalaga ang mga impormasyong nakasaad dito sapagkat malaki ang maitutulong nito,
hindi lamang sa mga kasalukuyang mag-aaral kundi pati na rin sa mga mambabasa na
maaaring naghahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa paggamit ng internet sa mga
pag-aaral.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman ang mga kakulangan sa


kaalaman ng mga mag-aaral at ang iba pang mga kaugnay sa pag-aaral na dapat pang
paunlarin sa mga paaralan lalo na sa mga nasa sekondarya.

Bukod dito, maeebalweyt ng mga mag-aaral ang mga limitasyon sa kaalaman at ang mga
pag-aaral na dapat pang linangin ay mapagtuunan ng atensyon.
V. Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang epekto sa paggamit ng


internet sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Coral na Munti, Distrito
ng Agoncillio. Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapn na bigyan ng
kasagutan:

1. Anu-ano ang mga positibo at negatibong epekto sa paggamit ng internet sa


pagkatuto ng mga mag-aaral?
2. Paano nakakatulong ang internet sa mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto?

VI. Mga Resulta at Interpretasyon

Ang kabanatang ito ay nagtatanghal ng datos na natipon at nakaayos, kasama


ang pagtatasa at interpretasyon. Ang mga naaangkop na mga talahanayan ay ginagamit
para sa paglalarawan ng pagtatanghal ng mga natuklasan, na sinusundan ng mga
talakayan na may kaugnayan sa mga suliranin at mga tanong kung saan ang mga sagot
ay hinangad sa pag-aaral.

Talahanayan 4.1

Antas ng Positibong Epekto sa paggamit ng internet sa pagkatuto ng mga mag-aaral

Mga Item Mean Paglalarawan

1. Nagdudulot ito ng magandang 4.11 May Katamtamang Epekto


kapakinabangan sa mga kabataan, ang
Internet lalo na, sa kanilang mga
research papers, mga project at mga
takdang aralin
2. Halos lahat na ng kailangan ng isang 4.01 May Katamtamang Epekto
tao ay masasabi nating nasa Internet na
o masasagot na sa Internet sa isang
click lamang
3. Halos lahat ng mag-aaral ay 4.87 Malaking Epekto
gumagamit ng iba’t ibang mga
teknolohiya upang kanilang matapos
ang kanilang mga gawain
4. Ang mga mag-aaral ngayon ay hindi 4.43 Malaking Epekto
na gaanong nahihirapan na maghanap
ng mga impormasyon tungkol sa
kanilang mga gawaing-bahay dahil sa
tulong ng internet
5. Ang internet ay may napakalaking 4.45 Malaking Epekto
tulong sa ating mga mag- aaral lalong
lalo na sa aspeto ng pananaliksik. Hindi
mo na kailangang maghalukay pa ng
maraming aklat para kumuha ng mga
kaunting na impormasyon sa bawat libro
4.37 Malaking Epekto
KABUUAN

Batay sa talahanayan 4.1, inilalahad ang antas ng positibong epekto sa paggamit ng


internet sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ipinapakita na ang mga pangugusap sa itaas ay may
malaking epekto sa mag—aaral sa paggamit ng internet sa kanilang pagkatuto na may
kabuuang 4.37 na weighted mean.
Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit
na ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag na computer
laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging
maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng
mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.
Ang internet ay nakatulong rin upang mapa- gana ang mga iba’t ibang sites katulad ng
google, kung saan halos lahat ng kasagutan sa iyong katanungan ay naka lahad na sa iba’t
ibang pagpipilian. Youtube, ito ay isang site na maaari kang manuod ng mga video tutorial.
Halimbawa may hindi ka naintindihan sa iyong paksa na matematika, maaari mong hanapin sa
youtube ang isang tutorial kung saan may mga nagtuturo kung paano ang proseso ng
pagsasagot at ito ay kabilang sa tinatawag na educational vlog. Maaari mo rin hanapin sa
youtube ang mga dokumentaryo na kalimitang ipinapa- panood sa mga mag-aaral bilang parte
ng pag aaral ng mga nakaraang tao o kasaysayan.
Talahanayan 4.2

Antas ng Negatibong Epekto sa paggamit ng internet sa pagkatuto ng mga mag-aaral

Mga Item Mean Paglalarawan

1. Mas inaatupag ng mga mag-aaral ang 4.61 Malaking Epekto


paglalaro ng online games o gumamit ng social
media kaysa gumawa ng takdang-aralin
2. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan, 4.54 Malaking Epekto
ito ay ginagamit nila sa hindi tamang gawain
3. Dahil sa impluwensya ng internet, hindi na 4.73 Malaking Epekto
ganun karami ang pumupunta sa mga silid-
aklatan para magbasa at gawin ang mag
gawaing-bahay dahil dumederetso na ang mga
mag-aaral ngayon sa mga computer shop at
doon na nila hinahanap ang mga kailangan nila.
4. Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman sa 4.51 Malaking Epekto
paggait ng internet ay maaaring humantong sa
mali-maling sitwasyon
5. Pagiging tamad ang pinakakarinawang 4.82 Malaking Epekto
masamang epekto ng paggamit ng social media
sa atin bilang mga mag-aaral dahil imbis na
matuto tayong gumamit ng mga aklat bilang
sanggunian gumagamit na lang tayo ng internet
sa pananaliksik.
4.64 Malaking Epekto
KABUUAN

Mula sa Talahanayan 4.2, ipinapakita dito ang antas ng negatibong epekto sa


paggamit ng internet sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Lumabas na ang mga pangugusap sa
itaas ay may malaking epekto sa mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto na may weighted
mean na 4.64.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang


aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating
gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya.
Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa
hindi tamang paraan.
VII. Pagsusuri, Pagsusuri At Interpretasyon Ng Data

Buod

May malaking epekto sa mag—aaral sa paggamit ng internet sa kanilang pagkatuto na


may kabuuang 4.37 na weighted mean at gayun din sa negatibong epekto ay may malaking
epekto sa mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto na may weighted mean na 4.64.

Marami ang epekto ng kompyuter game sa kabataan tulad ngmapapabayaan ang pag-
aaral nila at mahihirapan ang kanilang mga magulangsa paghahanap buhay dahil kailangan
pang idagdag sa budget ang peranggagamitin sa paglaro. Kadalasang bumabagsak ang mga
mag-aaral sa mga pagsusulit dahil imbes na mag-aral, naglalaro na lamang sila.Kadalasang
bumabagsak ang mga mag-aaral sa mga pagsusulit dahil imbesna mag-aral, naglalaro lamang
sila. Nakasisira rin ito sa kanilang mga mata ang masyadong pagkababad sa kompyuter.
malaking empluwensya ang mganilalaro sa kanila, mabuti man ito o masama.

Konklusyon

Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta
ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng
telekomunikasyon. Hindi mahalaga kung gaano ka kagaling gaano kadami ang kaalaman mo sa
pag gamit ng internet, ang mahalaga ay alam mo ang salitang limitasyon at disiplina sa
paggamit ng internet. Sa panahon ngayon, napakalaki ng naitutulong ng internet sa mga
trabaho at lalong lalo na sa edukasyon. Kung noon ay kinakailangan mo pang pumunta sa silid
aklatan para maghanap ng mga impormasyon para sa iyong takdang aralin o nais malaman,
ngayon napakabilis na ng proseso gamit ang internet. Ita type mo lamang ang iyong nais
hanapin at lalabas na agad ang kasagutan sa iyong tanong. Ang magandang nadudulot naman
nito ay, kahit wala kang libro na mapag hahanapan ng sagot, pwede ka pang mag hanap sa site
na pwede mong puntahan para tulong sa pag-aaral mo. Napapagaan nito ang mabibigat nating
gawain at ang isa pang benepisyo ay mas nakakatipid tayo sa oras. Sa panahon ngayon
nauuso na rin ang mga internet quiz o test kung saan ito ay napakalakking tulong sa mga mag
aaral na kagaya ko. Nakakatulong ang mga internet quiz sapagkat nakakapag aral tayo at na-
eehersisyo ang ating utak. Mas napapalalim rin ng mga internet quiz ang ating mga kaalaman
sapagkat nakaka- kalap rayo ng mga impormasyon na hindi pa natin lubos na alam. Image
result for internet educationNag bibigay din ito ng impluwensya para ganahan ang isang mag-
aaral na mag-aral ng mabuti para makatapos.

At dahil nga tayo ay namumuhay na sa modernong panahon, karamihan sa mga mag-


aaral ay may subject kung saan nangangailangang gumamit ng internet. Mayroong
pagkakataon sa mga mag-aaral na hindi kinakailangan pumasok sa paaralan at sa halip nasa
bahay lamang ngunit ikaw ay pumapasok pa rin sa pamamagitan ng internet. Ito ay halos
kaparehas rin ng home schooling. Isa rin sa napakalaking naiitulong ng internet sa mga mag-
aaral ay maaari mo nang makita sa internet ang iyong mga marka.

Rekomendasyon

Batay sa mga nabanggit, ang mga sulusunod ang iminumungkahi: Para sa mga
magulang , maglaan ng oras para sa inyong mga anak dahil may mga kabataan na naglalaro
upang makalimot sa problema sa kanilang magulang . Halimbawa , ang pangangamusta sa
kanilang pag - aaral , kung sila ba ay may magandang grado o medyo nahihirapan , at sa
pagtatanong kung mayroon silang mga problema , marahil baka hindi niyo alam na kayo pala
ang problema ng inyong mga anak . Pag- usapan ninyo ng anak ang nilalaman ng laro. Ibigay
ang iyong pananaw tungkol sa mga isyu na maaaring mabuo. Kailangang mauna muna ang
mga takdang-aralin, mga gawaing pang akademiko at mga trabaho sa bahay bago ang
paglalaro . Huwag hayaan ang Cyber World na pumalit sa mga gawaing social at pisikal.

. Kung tutuusin napaka-raming naiitulong ng internet sa mga mag aaral, napakadali


nitong matutunan at napaka tipid pa sa oras. Ngunit palagi mo dapat tatandaan ang tamang pag
gamit ng internet at huwag na huwag itong aabusuhin. Gamitin ang internet sa tamang
pamamaraan katulad ng pag aaral. At higit sa lahat, disiplina at responsibilidad ang
kinakailangan
Talasanggunian

Barnachea, Marcela. 2011. Teknolohikal Sa Mga Araw na Ito. Agwat Teknolohikal.


Tumblr. https://pangkat-tatlo.tumblr.com/

Eloreo. 2016. Paggamit ng Teknolohiya sa pagaaral. Modernong Magaaral sa


Makabagong Edukasyon. Retrieved from
https://makabagongedukasyonparasamodernongmagaaral.wordpress.com/2016/10/31/paggami
t-ng-teknolohiya-sa-pagaaral/

Jayza, Ace Buche. 2016. KABUTIHANG DULOT NG INTERNET AT SOCIAL MEDIA SA


MGA MAG-AARAL. Epekto ng Social Networking. Wordpress

Ohler, J. (2008). The world of digital storytelling. Educational leadership, 63(4),


Retrieved December13, 2009, from
http://imoberg.com/files/World_of_Digital_Storytelling_The_Ohler_J._.pdf

Papert, Bryan. 2008. Pananaliksik Tungkol sa Epekto ng Social Networking Sites sa


mga Tao. Pamanahong Papel – Social Networking Sites

Robin, John. 2008. “Ang dulot ng pag usbong ng teknolohiya sa mga mag-aaral” Tulong
ng Internet o social media sa mga mag-aaral sa kasalukuyan. Blog Wordpress

Winner, L. (2009). How technology reweaves the fabric of society. Technology's impact
on student writing at the middle school level.Journal of Instructional Psychology, 29(1). 3-14.

You might also like