You are on page 1of 1

Pagkalulong sa Makabagong Teknolohiya

Parami nang parami at palawak nang palawak ang mga naiimbentong mga makabagong
teknolohiya para sa mga makabagong henerasyon sa pagdaan ng panahon. Ang mga Social Networking Sites ay
isa sa maging produkto ng makabagong panahon, Ang komunikasyon ay napapabilis nito. Dito, ang isang
matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan kusang umuusbong. Isipan sa mga
pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan.Ngunit sa kabilang dako,
nagging bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag-aaral at pati na rin sa pag-
uugali.

Nakakatuwang teknolohiya, at maituturing na mamahalin kapag ang gadyet ay maraming


gamit. Masasabing ang gadyets ay higit na nakakatulong sa mag-aaral sa kanilang pag aaral. Tungkulin ng mga
kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagre-rebyu na ilang
halimbawa sa kanilang pagsu-sulit, may mga maaari na sila ngayong pagpilian sa dami ng mga makabagong
kagamitan ngayon.Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago.
Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay na produkto ng makabagong
teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa.
Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa ngayon. Ang pumuntang computer shop
para buksan ang kanilang account, malaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid – aklatan at igugol ang
bakanteng - oras para mabasa ng mga aklat at mag – aral. Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig
sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa
pagbisita ng kanilang account sa iba’t ibang sites. Ang iba naman, dahil sa mga impormasyong kanilang
masasagap mula sa binibisitang sites, alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha – kuha ang atensyon ng
mga estudyante. Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na
ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media
na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag – iisip sa larangan ng kanilang
pag – aaral. Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga
estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa sarili.Maraming tao ang
kadalasang nagtatalo kung ang gadyets ay nakakabuti o nakakasama sa mga mag-aaral. Marami ang naniniwala
na ang gadyets ay may masamang epekto sa pag-aaral, pero marami rin ang pabor sa pag unlad ng gadgets dahil
ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pag-aaral nila. Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga
magulang ng mga estudyante ay nararapat na gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko,
magkaroon ng kakaibang istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o
interes sa kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at makilahok sa talakayan. Kaya’t
nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang
Social Networking Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito.

Sa katunayan malaki ang naiiambag ng teknolohiya sa ating pang araw araw na pamumuhay
isa rin ito sa mga paraan kung bakit na papadali ang pag aaral ng mga kabataan sa panahon ngayon. Marami sa
mga kabataan ngayon ang sumasanguni sa teknolohiya para sa kanilang pag aaral. Sapagkat hindi lamang
kaalam ang nakukuha nila mula dito nag bibigay din ito sa kanila ng aliw. Malaki ang epekto ng teknolohiya sa
pamamaraan ng buhay ng mag aaral pati rin sa kabataan sa kabuuan. Ngunit meron bang disiplina ang bawat
mag aaral upang magamit sa maayos ang dala nitong dulot? Lahat ng bagay ay sumasama kapag nasosobrahan.

You might also like