You are on page 1of 1

Pag-aaral sa Kaugnayan ng Social Media at Pagpapakita ng

Emosyon ng mga Kabataan

Kabanata I

Panimula
Sa pang-araw-araw na pamumuhay, maraming naidudulot ang
makabagongteknolohiya sa panahong ito. Ang Social Media ang naging produkto
ng makabagongpanahon. Napapabilis nito ang komunikasyon saan mang panig
ng mundo. Ayon kinaEspina at Borja (1996), ang komunikasyon ay isang
makabuluhang kasangkapan upangmaangkin ng bawat nilikha ang kanyang
kakayahang maipaliwanag nang buong linawang kanyang iniisip at nadarama.
Dito umusbong ang relasyon ng tao sa isang lipunan.Nagiging bukas ang isipan
sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa atnagsilbing libangan ng
karamihan. Ngunit sa kabila nito ay naging bulag ang mgakabataan sa maaaring
maging epekto nito.Dahil sa nagbabagong panahon, patuloy ang pag- unlad ng
iba’t ibang aspeto sa buhay ng tao, kasama na ang social media na nagsilbing
libangan sa mga kabataan samatagal na panahon. Nag-iba ang perspektibo ng
mga kabataan sa produkto ngmodernisasyon at teknolohiya. Naging iba rin ang
pamamaraan ng pakikisalamuha namalayo sa kinagisnan ng ating mga magulang.
Mas humaba ang oras na inilalaan ngmga kabataan sa kasalukuyang panahon sa
paggamit ng social media tulad na lamangng facebook, twitter, Instagram, at
marami pang iba. Pati ang paglalaro ng mga onlinegames na malayo sa naging
buhay ng nakaraang mga henerasyon at mas pinipili naigugol ang kanilang oras
sa paggamit ng internet kaysa paglilibang. Nag-iba na rin angkinagawian na
pagpunta sa silid- aklatan upang sumipi ng mga Takdang aralin, ngayon ng
takdang aralin.Kung minsan mapapansin na nawawalan ng pokus o atensyon ang
mgakabataan kapag nasa klase dahil sa hawak nila ang kanilang mga gadyets.
Malaki angpapel na ginagampanan ng mga guro sa pagkatuto ng mga kabataan
ng kagandahangasal, subalit dahil sa social media ay gumulo ang kanilang isipan
sa pag-aaral.Nakakalungkot isipin na dahil sa social media ay mag-iba ang
kaugalian ng mgakabataan, nangingibabaw ang masama at negatibong epekto na
idulot ng social mediasa ating kabataan. Kaya’t ang layunin ng pag aaral na ito
ay kumalap ngimpormasyon para tuklasin ang epekto ng Social Media sa mga
kabataan.

You might also like