You are on page 1of 1

TALUMPATI #6 (Epekto ng Social Media)

"Ang lahat ng sobra ay masama." Isa ito sa mga kasabihang malimit na nating
naririnig sa ating mga magulang, guro at sa ating komunidad. At sa pag-inog ng mundo natin
ngayon kaalinsabay nito ang modernisasyon. Nagsimulang umusbong ang mga makabagong
teknolohiya gaya ng cellphone, laptop, computer at iba pa na nagsilbing libangan ng marami
sa atin lalo’t higit ng mga kabataan... na kung tawagin ay millenial at gen z. Tunay na
nabago ng social media ang takbo ng ating buhay, marami ang nakalimot sa totoong buhay
na mayroon tayo dahil ang ating mga mukha’y laging nakabanyad sa liwanag ng mga
gadgets. Ngunit ano nga ba ang masamang dulot ng social media? Isang malaking banta nga
ba ito sa buhay at kinabukasan ng ating kabataan?
Ang social media ayon sa Word Press ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan
sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon
at mga ideya sa isang birtwal na komunidad at mga network. Nagsimula ang pag-iral nito sa
Pilipinas kasama ng internet noong 1994 at tinawag na PhilNet. Naitatag ito sa unang
International E-mail Conference sa University of San Carlos Technological Center sa
Talamban, Cebu. Taong 2002 naman naging talamak sa ating bansa ang paggamit ng app na
Friendster, isang social media networking platform . At ayon sa Spiralytics, ang Pilipinas ang
itinuturing na 'social media capital of the world' dahil pumapalo sa humigit kumulang na
76.1 milyong tao ang gumagamit ng social media sa loob ng ating bansa. At 82.4% dito ay
mga Pilipinong social media account holders. Pilipinas din ang ikalawa sa buong daigdig na
nagtala ng average social media usage na nagtatagal sa halos apat na oras at anim na minuto.
Batay pa rin sa nasabing datos, tumaas pa ng 3.4% ang mga tumatangkilik sa social media
partikular sa networking platform na Facebook sa loob ng bansa mula taong 2021 hanggang
2022. Isang nakababahalang isyu ito sapagkat sa kabila ng angking halaga ng social media sa
buhay ng tao, ay taglay din nito ang mga masasamang epekto sa moral at mental na aspeto
ng isang indibidwal, lalong higit sa mga kabataan. Nang dahil dito, maraming bata sa ating
bansa ang nawalan ng oras sa paglalaro sa mga lansangan dahil nakatutok na lamang sila sa
screen ng kanilang mga gadgets na nagdudulot ng paglabo ng mga mata at speech defect.
Ayon sa pag- aaral, ang speech defect at pumapatungkol sa isang sitwasyon na kung saan ang
tao ay nahihirapang bumigkas o magsalita ng isang parirala. Bunga na rin ng labis na
pagkalibang, naaapektuhan rin nito ang sosyal na aspeto ng kabataan. Hindi na sila madalas
makihalubilo kasama ng kanilang mga magulang at kaibigan. Nakababahala rin ang maagang
pagkamulat ng mga gen z sa mundo ng pornograpiya na maaaring humantong sa mga hindi
inaasahang pangyayari gaya ng teenage pregnancy at masturbation. At ang isang
nakakalungkot sa lahat ang social media din ang ginagamit na paraan para sa mga bentahe ng
ilegal na droga, child selling at iba pa. Dahil na rin sa kawalang-kontrol sa paggamit nito na
kahit sino ay ang maaaring makapagbukas ng mga ganitong uri ng site, naipasa sa ating
bansa ang Children's Internet Protection Act (CIPA) na ipinatupad ng Kongreso noong 2000
upang tugunan ang mga alalahanin tungkol sa pag-access ng mga bata sa mga bastos at
mapanganib na content sa internet. Mahalaga ito upang maproteksyunan ang mga kabataan
na patuloy nating inaasahan na maging pag-asa ng ating Inang Bayan.
Tunay na ang social media ay may malaking tulong sa bawat isa sa atin. Tandaan
nating nasa atin na lamang kung paano natin ito gagamitin sa tama at sa makabuluhang
paraan. Maging aral sana sa atin na sa likod ng mga balakid na maaring maidulot ng maling
pagganit nito, ay matuto tayong lagyan ng limitasyon ang mga bagay sa ating buhay. Nang sa
gayon ay maisabuhay natin nang tama ang paggamit ng social media. Dahil naniniwala ako
na iba pa rin ang makipag-usap ng personal... kaysa makihalubilo sa midyang sosyal na hindi
mo ganap na nakikita.

You might also like