You are on page 1of 4

Epekto ng ‘Social Media’ sa Paglinang ng Personalidad ng mga Kabataan

Isinumite sa Departamento ng Filipino

Bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang

Filipino

Isinumite ni

Alyana M. Alipio

Grade 11 – Tech-voc (HE)

Isinumite Kay:

G. Roman Marcial D. Gallego

2016
2

I. Kahalagahan

Sa panahon ngayon, hindi maipagkakaila na ang internet ay isa sa mga pangunahing

pamamaraan upang mabilisang maksasagap at makapagbigay ng impormasyon.

Ginagawa nitong possible ang komunikasyon at interaksyon ng mga tao saan mang panig

ng mundo. Dahil dito, labis na popular ngayon ang mga social networking sites katulad

ng Facebook, Twitter, Instagram at Snapchat, lalo na sa mga kabataan. Sa katunayan,

masasabing bihira na lamang ang mga kabataan na hindi aktibo sa mga nabanggit na

social networking sites.

Maituturing na malaking bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng mga kabataan ang

paggamit ng Social Media. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng organisasyon na Common

Sense Media sa Estados Unidos noong 2015, pangkaraniwang umaabot sa isa’t kalahating

(1.5) oras kada araw ang inilalalaan ng mga kabataan sa mga social networking sites.

Dito sila kadalasang naglalahad ng kanilang mga saloobin, kumakalap ng mga balita at

nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao.

Isa sa mga napapanahong isyu sa kasalukuyan ay ang pagkahumaling ng mg kabataan sa

internet. Ang pagtutuunan ng konseptong papel na ito ay ang implikasyon ng paggamit ng

social media sa paglinang ng personalidad ng mga kabataan. Mahalagang maunawaan

kung anu-ano ang mga positibo at negatibong dulot ng pagamit ng social media sa

emosyunal at sosyal na pag-unlad ng mga kabataan upang magkaroon tayo ng konkretong

ideya kung paano higit na mapapalaganap ang wasto at responsableng paggamit ng mga

naturang teknolohiya.
II. Layunin
3

 Matukoy ang mga implikasyon ng paggamit ng social media sa paglinang ng

personalidad ng mga kabataan


 Mailahad ang mga dahilan ng pagkahumaling sa paggamit ng mga social networking

sites ng mga kabataan


 Maisa-isa ang mga positibo at negatibong dulot ng pagamit ng social networking sites

sa mga kabataan
 Makapagmungkahi ng mga pamamaraan upang maitaguyod ang wasto at

responsableng paggamit ng internet

III. Metodolohiya

Magpapakalat ng mga questionnaire tungkol sa paggamit ng social networking sites sa

mga

mag-aaral sa Angelicum College na may edad labin’ apat hanggang labin’ walong (14-18)

taong gulang. Magkakaroon din ng mga panayam sa mga awtoridad tungkol sa nasabing

usapin. Sa pamamagitan ng mga talakayang ito, makakalikom ng sapat na impormasyon

ang mga mananaliksik ukol sa paksang tinatalakay.

IV. Inaasahang Bunga

Ang konseptong papel na ito ay inaasahang makapagbigay impormasyon sa mga

posibleng epekto ng paggamit ng social media sa mga kabataan. Ito ay naglalaman ng

mga datos na tumatalakay kung bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa paggamit ng

ganitong teknolohiya at kung paano ito nakakakapekto sa kanilang pang-araw-araw na

pamumuhay. Inaasahan din na batay sa mga datos na nakalap, makakapagmungkahi ang

mga mananaliksik ng mga paraan upang maitaguyod ang wasto at responsableng

paggamit ng internet.
4

V. Mga Sanggunian

Teenagers in the US Spend about Nine Hours in a day in front of a screen,

http://www.forbes.com/sites/jordanshapiro/2015/11/03/teenagers-in-the-u-s-spend-about-

nine-hours-a-day-in-front-of-a-screen/#3f489d747c34

The Impact of Social Media on Children, Adolescents, and Families, http:// pediatrics.

aappublications .org/content /127/4/800

How Using Social Media Affects Teenagers, http://childmind.org/article/teens-and-social-

media/

You might also like