You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 1
Davila National High School
Pasuquin, Ilocos Norte
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Epekto ng Social Media sa mga Kabataan


(Jay Edward Alcantara, Jolina Arevalo, Danica Conde, Chrise Jaline Del
Rosario, Jezriel Maricasa)

Buod ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isang pagdalumat sa mga naisagawang pag-


aaral hinggil sa epekto ng social media sa mga kabataan, sa paraang negatibo at
positibo. Naging mundo na ng mga ilang kabataan ang social media dahilan na rin
ng pagkahumaling nila dito. Sinasabing masama ang dulot ng paggamit ng social
media, dahil itinuturing itong may masamang epekto sa kanilang pag-aaral.
Partikular sa mga magulang, itinutring nilang hindi ito nakakaganda sa o
nakakabuti sa pag-aaral ng kanilang mga kabataang anak. Ngunit sa kabilang
banda, hindi maigigiit ng karamihan lalo na ng mga kabataan na wala itong
mabuting dulot sa kanila, lalo na sa kanilang pag-aaral. Gayunpaman, ang
pananaliksik an ito ay naglalahad ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
isyung ito. Layunin nitong mapabatid sa mga kabataan ang kahalagahang dulot ng
paggamit ng social media sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Ang
pananaliksik na ito ay isang exploratoryong pag-aaral hinggil sa paggamit ng mga
kabataan ng social media. Pokus ng pag-aaral na ito ay matukoy ang positibo at
negatibong epekto nito sa pamumuhay ng mga kabataan at ninanais nitong
mabigyan ng linaw ang mga mambabasa tungkol sa usaping ito. Penomenolohikal
na pamamaraan ang gagamitin sa pag-aaral na ito.

Kasabay ng pagdating ng iba’t-ibang henerasyon, umuusbong din ang


mga makabagong teknolohiya dito sa mundong ating kinatatayuan. Mga
makabagong teknolohiya na nakakapag-pabago o nakapagpa-bago ng pamumuhay
ng mga mamamayan sa isang siyudad, bansa o lugar. Mga teknolohiyang mas
pinadali ang buhay ng mga tao o ang mga mamamayan. Isa sa naging produkto ng
makabagong teknolohiya ay ang mga social networking sites, na kung saan
nabibilang dito ang Facebook, Twitter, Instagram, Snapchat, Messenger, Pinterest
at iba pa. Kadalasang tawag ng mga kabataan dito ay ‘social media/s’.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa


mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin
ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na
bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-
daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang
indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at
baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang
matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga
organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal. Ngunit ano nga ba ang epekto
nito sa mga kabataan?

Sa social media, dito na umiikot ang mundo ng mga kabataan, dito na


ang kanilang libangan at hindi na sa mga larong kanilang kinalakihan. Maraming
bagay ang binago ng social media, kabilang na dito ang pananaw ng mga kabataan
sa mga produktong dulot nito. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay lulong dito,
na nagiging sanhi na ng hindi nila pagtutok sa kanilang pag-aaral o maging ang
kanilang mga tungkulin sa kanilang tahanan ay hindi na rin nila nagagampanan.
Ang iba naman ay nagagawa na nila ang mga bagay na hindi tamang gawin, o mga
bagay na hindi dapat nila ginagawa dahil sa social media. Nagiging ‘root cause’
din ang social media ng mga away ng mga kabataan sa mga panhaon ngayon. At
masasabi kong hindi maikakailang nilamon na ng social media ang sistema ng mga
kabataan.

Sa kabilang banda, hindi lang negatibo ang naidudulot ng social media


sa mga kabataan may mga positibong epekto din ito. Isa na rito ang paggamit ng
mga kabataan ng social media upang kumita, upang maka-kalap ng mga
impormasyong may tiyak na katotohanan, para sa pag-aaral, o di kaya naman ay
uoang maka-usap ang mga mahal nilang nasa malalayong lugar, upang maibahagi
ang kanilang opinyon o maibahagi ang kanilang mga saloobin sa mga bagay-
bagay.
Sa pag-aaral na ito, masasaksihan at malalaman mong hindi lang
negatibo ang dulot o epekto ng paggamit ng social media. Magkakaroon ng linaw
at magkakaroon ng panibagong pananaw ang mga mambabasa lalo na ang mga
magulang hinggil sa usapin ng paggamit ng mga kabataan ng social media. Sa
halip na ituring ang mga bagay-bagay ng masama, tignan ito sa ibang mas
magandang paraan.

You might also like