You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
Division of city schools
MASBATE NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG-AARAL NG MGA


ESTUDYANTE
PANIMULA

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming


kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang – araw –
araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa
maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang
komunikasyon. Ayon kay Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay
isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilika ang
kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at
nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na
pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging bukas
ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at
nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging
bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating
pag – aaral at pati na rin sa pag – uugali. Dahil na rin sa nagaganap na
modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang na dito
ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay ng
produkto ng makabagong teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong
online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa.
Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa
ngayon ang pumuntang computer shop para buksan ang
kanilang account, malaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid –
aklatan at igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga aklat at mag
– aral. Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo
ng mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin
ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang account sa iba’t ibang
sites. Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay
may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang –
asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media na
produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag
– iisip sa larangan ng kanilang pag – aaral.2 Nakakalungkot isipin na mas
nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga
estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal
at disiplina sa sarili. Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga
magulang ng mga estudyante ay nararapat na gawing kawili – wili ang
mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng kakaibang istratehiya sa
pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o
interes sa kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig
at makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at
gabay ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang
Social Networking Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa
tamang paggamit nito. Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang
pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na itong kumalap ng
impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social
Media sa mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano
maiwasan at masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga
estudyante dito.
Introduksyon

Tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.1

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming


kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang – araw –
araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa
maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang
komunikasyon. Ayon kay Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay
isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilika ang
kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at
nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na
pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging
bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at
nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging
bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag
– aaral at pati na rin sa pag – uugali.

Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang


nagbabago. Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga
estudyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong teknolohiya, mga
kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang
pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan
ng mga estudyante sa ngayon ang pumuntang computer shop para buksan
ang kanilang account, malaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid
– aklatan at igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga aklat at mag
– aral.
Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng
mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin
ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang account sa iba’t ibang
sites. Ang iba naman, dahil sa mga impormasyong kanilang masasagap
mula sa binibisitang sites, alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha
– kuha ang atensyon ng mga estudyante.

Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may
malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng
mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng
makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag – iisip sa
larangan ng kanilang pag – aaral.2 Nakakalungkot isipin na mas
nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga
estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal at
disiplina sa sarili.

Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga
estudyante ay nararapat na gawing kawili – wili ang mga gawaing pang –
akademiko, magkaroon ng kakaibang istratehiya sa pagtuturo at
maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa
kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at
makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at gabay
ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social
Networking Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa
tamang paggamit nito.
Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap,
layunin ng pag – aaral na itong kumalap ng impormasyong
kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social Media sa
mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano
maiwasan at masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga
estudyante dito.

LAYUNIN NG SOCIAL MEDIA SA PAG-AARAL


Napili ang paksa ng pananaliksik na ito dahil may kaugnay ito sa
larangang kinabibilangan ng mga mananaliksik. Ang social media ay
isang uri ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng makabagong
teknolohiya. Nagagawa nitong maiugnay ang mga tao mula sa
malalayong lugar.
Sa kasalukuyang panahon, ang paksang tungkol sa social media ay
mahalaga sa paghatid ng impormasyon, sa mga taong nahuhumaling sa
pagtangkilik partikular na sa mga estudyante. Sapagkat, sa pamamagitan
ng napakaraming sites na umuusbong, napakarami ring impormasyon at
kaalaman ang kanilang natutuklasan sa simpleng pagbisita nila sa sites na
ito.
Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga
estudyante sa ngayon tungkol sa social media na karaniwang popular sa
lipunan. Bukod pa dito, layunin rin nito na ipabatid sa mga estudyante
ang mga epekto ng social media, positibo man o negatibo, lalong-lalo na
sa kanilang pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na
mabigyang solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang
pagkahumaling ng mga estudyante sa social media. Hangarin rin ng
pananaliksik na ito na maipabatid sa mga mambabasa ang positibo’t
negatibong epekto ng social media sa mga mag-aaral.
Ibat ibang uri ng Social Media at ang mga gamit nito.

Facebook – Isang tanyag na app na ginagamit ng mga


kabataan kung saan sila ay na uupdate sa mga makabagong
balita at iba pa.

Messenger – Ito naman ay parte rin ng facebook ngunit dito


nakikipag komunikasyon sa mga kakilala, pamilya at maging
sa ibang tao.

Instagram – Ito ay nahahawig sa facebook kung saan maaring


mong ma follow ang mga kilalang artista lokal man o
internasyonal.

Youtube – Isang app kung saan maari kang maka pag search
ng mga video. Random vlog, educational videos at iba pa

Twitter – Kung saan maipapahayag ng iba nag kanilang mga


damdamin sa mga bagay bagay.

Google – Ito ay isang app kung saan dito kumukuha ng mga


impormasyon ang mga estudyante
IMPORTANSYA NG SOCIAL MEDIA SA PAG- AARAL
Maraming nagsasabi na masama ang naidudulot ng internet o
social media lalo na sa mga estudyanteng katulad ko. Ang
internet daw ang dahilan kung bakit hindi tayo nakakapagaral
ng ayos, nagiging sagabal daw ang internet. Kaso hindi nila
pinagtutuonan ng pansin ang mga magagandang dulot nito sa
mga mag-aaral. Hindi nila alam na natutulungan kami ng
internet o social media sa madaming paraan.

Halimbawa, mayroon kang hindi naintindihan sa itinuro sa


inyo ng inyong guro, makakatulong ang internet sapagkat ito
ay one click away lang. Dahil ng advance technology ang mga
impormasyon ay madali ng makapasok sa internet. Sa loob ng
ilang segundo milyon-milyong impormasyon ang nadadagdag
sa internet. Dito madaling manaliksik ng walang sinasayang na
oras. Impormasyon na magkakasama na, mga nakaayos at
nakahanda na para sa mga taong kakailanganin ng tulong
katulad naming mga mag-aaral. Kapag kailangan mo naman
ng mas klarong impormasyon mayroon ka ding makikita sa
internet. Kapag naman kailangan mo ng tulong sa iyong
takdang aralin o kaya mga proyekto matutulungan ka din ng
internet. Makakakuha ka ng ideya para sa iyong mga takdang
aralin. Natutulungan tayo ng internet kung paano maging
malikhain sa pamamagitan ng tutorial na videos. Minsan
naman mayroon pinagagawa ang inyong guro na kapag ang
sinunod niyong paraan ay ang nasa libro ay mas nahihirapan
kayo samantalang sa internet ay mas madali kasi napapanuod
niyo pa ang simula sa simulang paraan ng paggawa. Kung
hindi ka talaga matuto kahit na pinanuod mo na
makakapagpaturo ka naman sa kapwa mo mag-aaral sa
pamamagitan ng social media. May mga proyekto na katulong
mo ang iyong mga ka-grupo at napapadali ng social media ang
paguusap niyo para mapadali ang paggawa nito. Nagkakausap
at nagtutulungan kayo hindi kayo magkakasama at yun ay
dahil sa social media. Napapadali din nito ang pakikipagusap
sa inyong guro kung kailangan niyo ng tulong o kaya may
kailangan kayo sa kanila. Kapag naman may biglaan na
kailangan ipadala ang inyong guro o biglaan na gawain madali
itong makakarating sa kanyang mga estudyante sa
pamamagitan ng social media.

Dahil sa magagaling na utak ng mga tao ngayon ang lahat ng


nasa libro natin ay matatagpuan na din natin sa internet. Hindi
ko naman sinasabi na huwag ng pansinin ang libro kasi
naunang ilagay sa libro bago sa internet kaya mas mabisa pa
ring gumamit ng libro, sadyang mas mabilis lang talaga kapag
sa internet. Kapag ikaw ay hindi nagmamadali libro ang
gamitin mo kaso kapag kailangan talaga at ikaw
ay cramming madaling umasa sa internet. Mas mabuti sana
kung natuto ka na sa libro natuto ka din sa internet. Ang
internet din ay stress reliever para sa aming mga
estudyante. Kapag pagod at kailangan namin magpahinga sa
social media kami napunta. Dito kami nakakakita ng
nakakaaliw o nakakatawang mga imahe o videos na
nakakatulong mag- refresh ng utak namin.

Kapag bumaba ang grades ay internet ang sinisisi kaya


kailangan gamitin sa tama ang internet. Kaya lang naman
sumasama ang epekto ng internet o social media dahil ng mga
tao na hindi marunong i- balanse ang paggamit ng internet at
pag-aaral.
Negatibong epekto ng Social Media sa Pag-aaral

Meron ring epekto ang social media sa ating pananaw sa sarili


katulad ng kawalan ng pagpapahalaga at tiwala sa sarili dahil
sa body image na ipinapakita ng social media na ang
kagandahan ay makukuha mo pag payat ka o tinatawag din
nilang “thin ideal”. Inggit ay isa sa mga epekto nito sa mga
taong nakakakita sa pamumuhay ng ibang mayayaman at
nagkakaroon sila ng depression dahil naikukumpara nila ang
kanilang buhay sa iba. Ayon kay Suren Ramasubbu, isang
halimbawa ng depression galing sa social media ay ang
facebook depression kung saan hindi mo maiiwasan mag
compare sa sarili mo sa iba.

Cyber bullying ay ang karaniwang problema ng social media


dahil maaaring samantalahin ng tao ang katotohanan na
walang makakahinto ng cyberbully kapag ito ay nangyayari
dahil ginagawa ito likod ng isang screen. Kaya naman dapat
tayong mag ingat sa social media at bigyang halaga ang
privacy.

Ang sexting, kung saan nagpapasa ka ng mga lirato mong


sexual o hindi tama, ay karaniwang gawain ng kabataan, lalo
na ng mag boyfriend at girlfriend, sa social media. Dahil dito,
na propromote ang early pregnancy at maari ring kumalat
ang mga litrato lalo na pag may away o nag hiwalay ang mag
boyfriend at girlfriend.
Isa ka rin ba sa mga napapagod na sa masalimuot
na mundo ng social media? Na-miss mo na rin ba
ang mga panahon na ginagamit lamang natin ang
Facebook, Twitter, Instagram, at iba pang mga
social networking sites para paigtingin ang
pagkakaibigan at mag-share ng mga nakakatuwang
mga kaganapan sa ating buhay? Ninanais mo din
bang maibalik sa dati ang katiwasayan ng internet?
Ganoon din ang pakiramdam ng nakararami. Ikaw,
ako, at marami pang iba ang gustong makagamit ng
social media nang maayos. Yung walang bangayan,
walang murahan, walang panlilinlang, o kaya’y
pagkakawatak-watak.

Paano nga ba ang tamang paraan ng pag-gamit ng


social media? Halina at baybayin natin ang ilan
lamang sa mga pamamaraan upang maibalik natin
ang katinuan sa internet. Maaring sa pamamagitan
ng mga maliliit na gawaing ito, magsilbi tayong
halimbawa sa mas nakararami pa nating mga
kababayan at kaibigan upang mapanatili natin ang
kagandahang asal online.
Ano ano nga ba ang tamang paraan ng pag gamit
ng social media?
1. Tandaan na ang social media at ang internet ay isang publikong lugar

Anumang bagay na ipost natin sa social media at sa internet ay naisasapubliko.


Ang isang post ay maaring mabasa ng daan-daan nating mga kaibigan. Maari
din itong mai-share at umabot sa libu-libo, o maging milyun-milyong naka-
konekta sa internet.

Kaya dapat maging maingat tayo sa lahat nang ating mga pananalita, mga
pictures, at maging sa ating ekspresyon. Tandaan na maaaring mabasa ang
mga ito ng samut-saring uri ng tao — mga kamag-anak, mga kaibigan, maging
ng ating mga employer. Tandaan na kung ano ang ating reputasyon online,
ganun din ang kanilang magiging pagkilala sa atin sa tunay na buhay.

Hanggat maaari, iwasang mag-post ng masyadong pribadong mga topiko,


maseselang litrato at video, at huwag mag-post ng nakakasakit o nakakaoffend
sa ibang tao lalo na ang patungkol sa kasarian, relihiyon, at pulitika.

2. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan

Ang social media ay nilikha upang paigtingin ang ating koneksyon sa ating mga
mahal sa buhay, kaibigan, sa pamayanan, at maging sa kabuuan ng lipunan. Ang
Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa, ay lugar para sa pagkakaibigan at
pagkakaunawaan. Maaring dumating minsan ang punto na magkasalungat ang
ating mga pananaw sa iba’t ibang mga bagay subalit tandaan natin na karapatan
ng bawat isa ang magpahayag ng paniniwala at saloobin. Hindi ito masama. Mas
mainam nga na nakikipag-kuru-kuro tayo. Importante lang na manaig ang
respeto sa mga pagkakaiba nating ito. Kung masyado nang mainit ang usapan,
bakit hindi mo yayaing magkape ang iyong kaibigan at pag-usapan ang inyong
mga punto sa tunay na buhay? Iba pa rin ang face-to-face na pag-uusap.
3. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng article bago
magkomento o magshare

Minsan maysado na tayong nasanay sa instant: instant noodles, instant


coffee, instant lahat. Minsang pati sa mga bagay na nakikita natin online,
gusto na rin natin ng madalian at mabilisan. Kung kaya, maraming beses
tayong napapaso dala ng pag-react sa headline lamang.

Tandaan natin na importante ang pagbabasa at pag-unawa nang lubusan sa


mga bagay na nakikita natin sa internet. Kapag hindi lubusang naintindihan
ang nababasa o nakikitang mga imahe, mas mainam na magtanong sa
nakaka-alam, o mga eksperto sa topiko. Magtanong sa mga kaibigan, kamag-
anak, guro, o mga otoridad na may mas malawak na kaalaman sa topiko ng
article o litrato.

4. Iwasang mag share ng hindi beripikadong mga article o memes

Karugtong ng nasa itaas, tandaan natin na importanteng totoo at beripikado


ang mga impormasyon na ating sine-share sa social media. Alamin kung totoo
at batay lamang sa katotohanan ang nilalaman ng articles at mga larawan.

May mga artikulong nais lamang magbigay ng komentaryo sa pamamagitan


ng pagpapatawa. Ang tawag sa mga ito ay lampoon, parody, o satire. Maging
maingat sa pagkilala at pagbasa nang mga ito.

Tandaan natin na may iba pang mga websites na ang tanging pakay lamang ay
manlinlang at magpakalat ng hindi totoong mga impormasyon. Iwasan natin
ang mga ito.

Maaring sa pagse-share natin ng maling impormasyon ay makasakit tayo ng


ibang tao, maging dahilan ng panic, o di kaya’y maging sanhi ng kaguluhan sa
atin lipunan.
5. Maging responsable sa lahat nang oras

Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? OO. Kailangang i-memorize ito at


paulit-ulit nating tandaan na ang responsableng pag-gamit ng social
media ay ang tanging solusyon upang maibalik natin ang kaayusan at
katiwasayan online. Ang pagiging responsable online ay nag-uugat sa
dalawang bagay lamang: katotohanan at pag-galang.

Kung ang bawat isa sa atin ay responsable sa ating pag-aasal sa social


media, maiiwasan natin ang bangayan, hindi pagkaka-uunawaan,
siraan, at pagkaka-watak-watak.

Gamitin natin ang social media nang tama. Gamitin natin ito upang
linangin an gating pakikipag-kapwa tao. Gamitin natin ito upang tayo
ay matuto. Gamitin natin ang Facebook, Twitter, at Instagram upang
mas mapabuti pa ang ating pamumuhay.
BUOD NG PANANALIKSIK

Malaki ang epekto ng social media sa mga tulad nating


mag aaral. Ang social media ay nakakadistrack sa pag -
aaral lalo na kung walang kontrol o hindi marunong
kumuntrol sa oras sa pag gamit ng social media. Ngunit
sa kabila ng negatibong epekto nito ay ang social media
ang isa sa pangunahing pinakamabilis na makakatulong
sating mga estudyante. Kaylangan lang nating mag
karaon ng disiplina sa pag gamit dito. Huwag masyadong
tutok o mag-babad sa paggamit nito. Ito nga ay
nakakatulong sa atin sa iba't-ibang paraan pero
pwedeng maapektuhan ang ating kalusugan. Ilaan sa
ibang bagay ang natitirang oras, wag gamitin ang buong
magdamag sa paggamit nito. Huwag abusuhin ang pag
gamit ng mga social media dahil lahat ng sobra ay
nakakasama, lalong lalo na sa ating kalusugan. Walang
masama sa pag gamit ng social media ngunit huwag
nating kalimutan na mas importante parin an ating
kalusugan. Dahil sa kabila ng masamang dulot nito ay
importante parin ito dahil dito ay nakakakalap tayo ng
mga impormasyong nais nating malaman lalong lalo na
sa pag aaral.
"KAHALAGAHAN NG SOCIAL MEDIA SA EDUKASYON"

Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang


kahalagahan na naiaambag nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang
social media ay hindi maikakaila na produkto ng makabagong teknolohiya,
ang social media ay nagkaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan
ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na magpalakas o magpahina sa mga
positibong pananaw ng bawat mag-aaral.

Sakop ng internet ang sovial media sapagkat kung walang internet hindi
tayo makagagamit ng social media. Isang dahilan ang social media upang
mas maging mahusay da pag-aaral ang mga bata. Halimbawa na lamang
nito ay kung liban ang isang mag-aaral maaari siyang gumamit ng social
media upang magtanong sa kanyang mga kaklasekung ano ang mga dapat
gawin sa bawat asignatura. Samakatuwid ang social media ay
nagpapatibay ng komunikasyon ng bawat tao. Isa din ang social media para
magamit sa mga bagay na iyong gustong malaman at hindi na kailangang
magpunta sa malalaking silid- aklatan at maghanap ng reperensya.

Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng


komunikasyon upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya
sa isang tao na naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Sumunod
naman ang Google ang pinakamahalagang parte ng social media kung
saan dito mo mahahanap ang mga impormasyon na iyong kinakailangan sa
mga reports, research, assignments, projects at iba pa. Ang Youtube
naman ay nakatutulong at nagpapakita ng mga video na naglalaman ng
mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay. Ang social media ay
isang instrumento upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao.
Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalaong lalo na sa mga mag-aaral. Sa
social media napataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon.

Sa kabuuan, ang social media ay mayroong mabuting naidudulot sa mga


mag-aaral. Sa mga iba't ibang sites natutulungan ang mga mag-aaral na
mapagtibay ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng mga
bagong kaibigan at nagkakaroon ng komunikasyon ang dating
magkakaibigan na matagal nang hindi nagkikita. Naipapahayag natin sa
social media ang ating mga saloobin ngunit dapat natin laging tandaan na
may limitasyon sa paggamit ng social media. Dapat pa rin bigyang halaga
ang mga mahahalagang bagay sapagkat hindi lamang sa teknolohiya
umiikot ang ating buhay.
GRADE 11- GOMBURZA

MGA MYEMBRO

REENA DANICA E. FRANCISCO


MELADIE MAGBANUA
MA. QUENIE SOLER
KRISTEL ANN LEONES

You might also like