You are on page 1of 6

Panimula

Sa kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng social media sa

buong mundo at ito ay nakaaapekto sa buhay at edukasyon. Ito ay ayon sa Google.com, isang

website sa internet. Tunay na di mapipigilan ang pagbabago ng ating mundo. Kaalinsabay nito ay

patuloy din tayong binabago nito. Hindi natin mapagkakailang hinaplos nito and pang-araw-araw

nitong pamumuhay. Masasabi ng isa sa mga may pinakamalaking impak sa ating buhay ay ang

social media (sosyal midya). Ginagamit natin ito upang magkaroon tayo ng komunikasyon sa

ating mga kaibigan, kamag-anak, at maging sa mga hindi natin kakilala.

Ilan sa mga nauusong social media sites ay ang Facebook, Twitter, Snapchat, Instagram,

at Tumblr. Nakatutulong ito sa atin, ngunit madami rin itong hindi magandang epekto sa bawat

isa. Bilang isang mag-aaral, alam naming isa ito sa mga salik na nagiging dahilan ng pagiging

wala sa pokus ng mga kamag-aral naming. Maaaring maging adbanteyj and social media bilang

portal ng madaling paraan ng pagpapasa ng mga fayls, reports, mensahe, at ideya. Hindi

maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa maging produkto ng makabagong

panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon. Ayon kay Espina at Borja (1996), ang

komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilika ang

kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang

umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan.

Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing

libangan ng karamihan.
Sa patuloy na paggamit ng mga kabataan ng social networking sites, naaapektuhan nito

ang kanilang sarili sapagkat nababasa at napag-uusapan nila dito ang mga isyung pangmadla o

forum para ipakita ang kontra-sosyal at palabang ugali. Ayon kay Wallace (2000), ang paggamit

ng internet o social media ay nag-uugnay sa madalas na paggamit ng mga kabataan ng mura,

insulto at mga agresibong salita. Sa kadahilanang pwedeng iwan ng kung sinuman ang isinulat

na masamang komento sa pamamagitan ng paglo-logoff. Sa karagdagan, ang social network ay

nagdudulot ng adiksyon sa mga kabataan. Ayong kay Young (1996), may dalawang klase ng

gumagamit ng social network, ito ay ang “dependent” na gumugugol ng 39 oras sa internet para

sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala, ang “independent” naman ay

kumokonsumo ng 5 oras lamang para sa “net surfing” o “e-mail”.

Sa kabilang dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito

sa ating pag – aaral at pati na rin sa pag – uugali. Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa

ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga

estudyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong teknolohiya, mga kinahihiligang mga

larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas

mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa ngayon ang pumuntang computer shop para

buksan ang kanilang account , malaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid – aklatan at

igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga aklat at mag – aral. Kadalasan naman,

nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan ay

hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang account sa iba’t ibang

sites. Ang iba naman, dahil sa mga impormasyong kanilang masasagap mula sa binibisitang

sites, alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha – kuha ang atensyon ng mga estudyante.
Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na

ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan

ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag –

iisip sa larangan ng kanilang pag – aaral. Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang

negatibong epekto ng Social Media sa mga estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan

ang kagandang asal at disiplina sa sarili. Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga

magulang ng mga estudyante ay nararapat na gawing kawili – wili ang mga gawaing pang –

akademiko, magkaroon ng kakaibang istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong

nakakatawag – pansin o interes sa kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig

at makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro. Higit

silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social Networking Sites dahil sa walang sapat

silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito. Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang

pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na itong kumalap ng impormasyong kinakailangan

para tuklasin ang buhay social media at kung papaano nila naisasabay ito sa kanilang

akademikong pag aaral ng mga mag-aaral ng Senior High ng Our Lady Of Fatima Valenzuela.

Ito ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at masolusyunan ng mga estudyante ang

sobrang pagkahumaling sa social media at kung papaano nila mas papabuti ang kanilang

akademikong pagaaral.
Paglalahad ng Suliranin

Maraming nabibigay na benepisyo ang social media. Ngunit katuwang ng mga tulong na

naibibigay nito, ay may masama din itong naidudulot sa mga estudyante. Unang-una, maari

nitong gawing tamad ang mga estudyante sapagkat pwede na lamang nilang hanapin sa internet

ang mga sagot na kanilang kailangan sa mga ibinigay na mga gawain. Nakapagbibigay din ito ng

maling impormasyon sapagkat hindi lahat ng mga impormasyon na makikita sa internet ay tama

o makatotohanan. Maaari din nito maapektuhan ang “privacy” ng mga estudyante sa paggamit ng

internet at social media at maari din silang mabiktima ng iba’t ibang mga cyber crimes at cyber

bullying sa isang maling pindot. At higit sa lahat, sa madalas na paggamit ng social media ay

maaring magkaroon ng “addiction” dito ang mga estudyante at maubos ang kanilang oras na

dapat ay ginagamit sa mas mahahalagang bagay. Masama man o mabuti, hindi natin

mapagkakaila na ang internet at ang social media ay mga napakagandang imbensyon. Mayroon

itong magagandang benepisyo ngunit maari din itong makasama.

Partikular na ang mga sagot sa mga sumusunod ay hinahangad

Ano ang propayl ng Respondente:

o Kasarian

o Edad

1. Ano-ano ang maaaring epekto sa pamumuhay ng mga mag-aaral ang mga iba’t ibang uri

ng sosyal midya gaya ng:

a. Instagram;

b. Facebook;

c. Twitter;
d. Snapchat; at

e. Tumblr?

2. Paano nakakaapekto ang paggamit ng Social Media sa akademikong pag-aaral ng mga

estudyante?

3. May kahalagahan ba ang pagiging aktibo sa Social Media sa pang-araw-araw na gawain

ng isang mag-aaral?

4. Ano ang nagtutulak sa mag-aaral upang maging aktibo o gamitin sa pag araw araw ang

Social Media?

5. Paano napagsasabay ng mga mag-aaral ang Social Media at akademikong pag-aaral sa

kanilang buhay sa eskwela?


Our Lady Of Fatima Valenzuela

"Buhay Social Media at Akademikong Pag-aaral ng mga Mag-aaral ng Senior High ng

Our Lady of Fatima Valenzuela"

Sa Bahagyang Katuparan ng mga Kinakailangan sa FILDIS

Ipinasa ni:

Sebuc, Jan Raphael L. Guerrero, Jules Cyril

Galinato, Louie P. Cabral, Orly S.

Banag, Jerome V. Barot, Vincebarry

Panergo, Psalm Guito, Joey

Laure, Nemar A. Dela Minez, John Carlo Eneria, Ron-Welson

Ipapasa kay:

G. Ronnie C. Hernandez

Marso 2019

You might also like