You are on page 1of 24

ASSEMBLYWOMAN FELICITA G.

BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Republika ng Pilipinas
Departamento ng Edukasyon
Rehiyon III
Dibisyon ng Bulacan
Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School
Lias, Marilao, Bulacan

IBA’T IBANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG-AARAL NG MGA IKA -11


BAITANG NA MAG-AARAL NG STEM SA ASSEMBLYWOMAN FELICITA
G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL (A.F.G.B.M.T.S.)

Sa bahagyang katuparan ng mga kinakailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Desamparado, Rose Ann R.


Masiglat, Herald Diether G.
Del Rosario, Emmanuel C.
Rivera, Geraldine Mae D.
Ignacio, Hazelle Anne V.
Pacheco, Christan Ray E.
Diaz, Dariane Joyce B.
Sardon, Johnford F.
Oceja, Edgeline F.
Canieso, Justine J.

Ipinasa kay:
G. Danilo V. Del Mundo

Marso, 2018

1
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

KABANATA I

Nakasaad sa kabanatang ito ang suliranin ng pananaliksik at ang kaligiran ng

mga kasalukuyang pag-aaral patungkol sa epekto ng paggamit ng social media sa pag-aaral ng

mga mag-aaral. Nakatala rin dito ang bahagyang pagpapaliwanag ukol sa metodolohiyang

susundan ng mga mananaliksik.

Introduksyon

Patuloy na lumalago ang mundo ng teknolohiya dulot ng modernisasyon sa

pagbabago ng panahon. Sa panahon ngayon ay mas madali ng makakakuha ng impormasyon,

makipag-ugnayan sa malalayong lugar at makibalita sa napapanahong isyu sa paligid. Ang

lahat ng ito ay dahil sa tulong ng social media. Ang social media ay isang programang online

para sa mga indibidwal na gustong magkaroon ng koneksyon sa serbisyong hatid ng internet.

Ayon sa tala ng Google ay may mahigit dalawang bilyong katao ang gumgamit ng social media

sa kasalukuyan. Naging makabuluhan ang parte nito sa pamumuhay ng bawat mamamayan sa

mundo. Milyon-milyong impormasyon ang makukuha rito bukod pa sa komunikasyong hatid

nito para sa buong sambayanan. Sa pamamagitan nito ay napagbubuklod ang bawat taong

naninirahan sa iba’t ibang dako ng mundo.

Sikat na sikat ang social media sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Sila

ang pangunahing tumatangkilik dito dahil isinilang sila kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya.

Isa ang Facebook sa napakaraming social media site na ginagamit ng mga kabataan maging ng

mga nakatatanda. Ito ay ginagamit upang magpadala ng mensahe, mag-upload ng larawan at

makipag-usap sa iba. Kasama nito ang ilang mga sikat na social media sites gaya ng Twitter,

Instagram, Youtube at Google na tinatangkilik din ng nakararami.

2
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Naging mabilis ang pagkalat ng impluwensya ng social media kung saan

apektado ang karamihan sa mga mag-aaral. Isinasaad sa ilang pag-aaral na ang social media ay

may kaakibat na malaking epekto sa pag-aaral ng bawat mag-aaral. Sa kabila ng magagandang

dulot nito ay ang mga masasamang epektong kaakibat ng social media sa mga tao lalo na kung

ito ay inabuso o hindi ginamit sa mabuting paraan. Ang sobrang paggamit nito ay pwedeng

makaapekto sa pagkawala ng gana ng mga mag-aaral na bisitahin ang kanilang leksyon upang

mag-aral dahil na rin sa kasiyahang makukuha sa paggamit ng social media. Mas pinipili na rin

ng mga mag-aaral na kumuha ng impormasyon sa internet at nakalilimutan ang kahalagahan ng

paggamit ng libro. Hindi lamang mabuti kundi masamang dulot rin ang maaaring ibigay ng

social media.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mabubuti at masasamang

epekto ng social media sa mga mag-aaral upang mailahad ang implikasyong maaring maibatid

sa mga guro, magulang at eksperto. Ipababatid din ng pag-aaral na ito ang mga aksyong

pwedeng gawin mula sa mga epektong kalakip ng paggamit ng social media.

Haypotesis

Mabuti ang nagiging epekto ng paggamit ng Social Media sa pag-aaral ng mga

mag-aaral ng STEM mula sa ika-11 baitang sa A.F.G.B.M.T.S.

3
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin at suriin ang mga mabubuti at

masasamang epekto ng social media sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

pagresolba sa mga sumusunod na katunungan:

1. Anong mga social media sites ang ginagamit ng mga mag-aaral?

2. Ano ang mga dahilan ng mga mag-aaral sa paggamit nila ng social media?

3. Sa paanong paraan ginagamit ng mga mag-aaral ang social media?

4. Ano ang mga mabubuti at masasamang epektong dulot sa paggamit ng social media sa mga

mag-aaral?

5. Paano nakatutulong ang social media sa pagpapataas ng antas ng kaalaman para sa mga

mag-aaral?

6. Ano ang mga implikasyong maaaring maihatid batay sa naging resulta ng pag-aaral?

Balangkas Teoretikal

Ang pananaliksik na ito ay ibinatay sa mga nagdaang artikulo at pag-aaral

hinggil sa social media at ang mga epekto nitong hatid. Isa rito ay ang artikulo ng mananaliksik

na nagtatago sa pangalang Resident Patriot. Ayon sa kanya, ang social media ay ang

instrumentong nagdurugtong sa ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Mas malawak, mas

madali at mas tipid na ang pagbabahagi ng impormasyon para sa ating mga gumugamit at

patuloy na tumatangkilik. Sa kabila nito, ito pa rin ay nangangailangan ng malaking

responsibilidad at maingat na paggamit upang hindi sumama at huwag makasama.

4
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Bilang karagdagan, isinaad din sa pag-aaral ni Quintos (2017) na hindi

nakahahadlang ang mga social media sites gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Snapchat at

Tumblr sa komunikasyon at pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa katunayan, nagbibigay ito ng mga

positibong epekto sa mga mag-aaral kung ito ay ginamit sa mabuti at matalinong paraan.

Ayon kay Jemenia (2016), ang social networking sites ay may mas maraming

mabuting dulot para sa mga mag-aaral. Napapalawak nito ang kanilang kaalaman, napagtitibay

ang relasyon sa mga kaibigan at pamilya, nakatutuklas ng libu-libong impormasyon,

napagbubuti ang buhay sosyal at higit sa lahat, naipapahayag ang mga ideya, opinyon at

pananaw sa buong mundo.

Balangkas Konseptwal

BATAYAN PAMAMARAAN KINALABASAN


* Social media websites na * Koleksyon ng mga * Magkakaroon ng
ginagamit ng mga mag- datos at impormasyon sa kamalayan ang mga mag-
aaral pamamagitan ng aaral patungkol sa
pagpapasagot sa mabubuti at masasamang
* Dahilan ng mga mag- talatanungan
aaral sa paggamit ng epekto sa paggamit ng
social media * Pagsususri at pag- social media.
aanalisa ng mga nakalap
* Paraan ng mga mag-aaral * Mababawasan ang mga
na datos
sa paggamit ng social maling kuro-kuro at
media * Interpretasyon sa naging pagpapakahulugan hinggil
resulta ng mga nasuring sa epekto ng paggamit ng
* Mabubuti at masasamang datos social media.
epekto sa paggamit ng
social media * Pagbibigay ng kahulugan
sa interpretasyong
* Tulong na hatid ng social isinagawa
media sa pagpapataas ng
kaalaman ng mga mag-
aaral
* Implikasyong maaaring
ihatid mula sa resulta ng
pag-aaral

5
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Larawan 1 – Ang paradaym konseptwal ng pag-aaral ay ginamitan ng

modelong batayan-pamamaraan-kinalabasan. Nakasaad sa batayan ang mga

kakailanganing impormasyon para sa pananaliksik tulad ng mga social media sites na

ginagamit ng mga mag-aaral, ang mga dahilan at paraan ng mga mag-aaral sa

paggamit nito, ang mga mabubuti at masasamang epekto nito sa mga mag-aaral,

tulong na hatid nito sa mga mag-aaral at ang implikasyong makukuha sa resulta ng

pag-aaral. Ang pamamaraan ay naglalaman ng mga hakbang na isasagawa ng mga

mananaliksik ukol sa pagkuha ng datos sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga

talatanungan sa mga respondente kasama ang pagsusuri at pagbibigay kahulugan sa

mga ito pagkaraan. Nakatala naman sa kinalabasan ang maaaring maging hinuha ay

mungkahi mula sa mga nakalap na datos gaya ng pagkakaroon ng kamalayan ng mga

mag-aaral patungkol sa mabubuti at masasamang epekto ng paggamit ng social media

at ang pagkakabawas sa mga maling kuro-kuro at pakahulugan hinggil sa epekto ng

paggamit ng social media.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay maghahatid ng tulong at pakinabang sa

mga sumusunod na grupo ng tao at organisasyon:

6
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Mga Mag-aaral

Ang mga mag-aaral sa henerasyong ito ay lubos na tumatangkilik sa mga

serbisyong hatid ng social media. Sa tulong ng pananaliksik na ito, mauunawan ng mga mag-

aaral ang mga mabubuti at masasamang dulot ng paggamit ng social media upang kanilang

malaman ang limitasyon at responsibilidad na kaakibat nito.

Mga Guro

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay ng mga guro sa paghubog at

pagpapabuti ng ugali ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay aral at patnubay ukol sa

mga epektong kaakibat ng social media sa kanilang pag-aaral.

Ang Lipunan

Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging susi upang baguhin ang takbo ng

pamumuhay sa lipunan. Magiging malaki ang ambag ng pag-aaral na ito upang maibalanse ang

paggamit ng social media at mailayo ang mga mamamayan sa masasamang dulot nito.

Mga susunod na Mananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga susunod na mananaliksik upang

gumawa pa ng mas malalim na pagtalakay ukol sa paksang ito. Maaari nila itong gawing

basehan upang kuhanan ng mga mabibisa at mahahalagang impormasyon na susuporta sa

kanilang pananaliksik.

7
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Assemblywoman Felicita G. Bernardino

Memorial Trade School sa Lias, Marilao, Bulacan. Ang mga inaasahang respondente o

tagatugon ay ang mga ika-11 baitang na mag-aaral ng STEM mula sa A.F.G.B.M.T.S. na

sasagot sa mga talatanungang ihinanda ng mga mananaliksik.

Katuturan ng mga Salita

Facebook- isang social networking website na nakatutulong sa pakikipag-ugnayan sa mga

taong nasa malayong at sa pagbabahagi ng mga larawan at saloobin sa mga

kaibigan, pamilya o mga taong kilala

Internet- ang pangkalahatang pagkasama-sama ng mga website na binubuo ng mga

magkakakonektang mga pangkat ng tao na nagmula sa iba’t ibang mga bansa.

Komunikasyon- isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan ginagawa sa

pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.

Modernisasyon- ang pag-unlad ng isang bansa o lugar na kung saan ang mga pangangailangan

ng mga tao ay natutugunan.

Online- konektado sa isang computer network o nagagamit sa pamamagitan ng computer.

Pananaliksik- ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa

kaalaman.

Respondente- mga taong sumasagot sa mga binigay na tanong ng mananaliksik

8
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Social Media- ang pakikihalubilo sa lipunan ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng

mga elektronikong gamit tulad ng computer, cellphone tablet at iba pa.

Teknolohiya- ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso

upang tumulong sa paglutas sa suliranin ng mga tao.

Website- isang koleksyon ng mga pahinang web, na tipikal na karaniwan sa isang partikular na

pangalan ng dominyo o sub-domain sa intenet.

Konklusyon

 Mas madalas na humanap ng mga impormasyon ang mga mag-aaral sa iba’t ibang social

media sites dahil mas mabilis at mas madali ditong makakuha ng mga kasagutan.

 Ang Facebook ang pinakapopular at pinakagamiting social media site ng mga mag-aaral.

 Maraming impormasyon ang makukuha sa iba’t ibang social media sites ngunit ang iba ay

hindi totoo.

 Nakatutulong ang paggamit ng social media sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-

aaral ngunit kailangan din itong limitahan lalo na kung ito ay inaabuso at hindi nagagamit sa

mabuting paraan.

 Nakaaapekto ang paggamit ng social media sa mga mag-aaral sa parehong positibo at

negatibong paraan.

9
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Rekomendasyon

 Suriin ang mga social media site na pupuntahan upang masiguro na ito ay hindi nakasasama

at naglalaman lamang ng mga totoong impormasyon.

 Limitahan ang paggamit ng social media sites gaya ng facebook, twitter at instagram lalo na

kung ito ay walang kinalaman sa pag-aaral at kung kinakain na nito ang napakalaking oras

na dapat ay ginugugol sa mas kapaki-pakinabang na gawain.

 Subukan ding bumisita sa iba’t ibang educational pages upang mas mapalawak ang

kaalaman at makatuklas ng mga bagong bagay sa kapaligiran.

Talaan ng Sanggunian

Jemenia, L. (2016). Positibo at Negatibong Epekto ng Social Networking sa mga Kabataan.

Gingoog Christian College – Gingoog, Misamis Oriental.

https://www.academia.edu/23061910/POSITIBO_AT_NEGATIBONG_EPEK

TO_NG_SOCIAL_NETWORKING_SA_MGA_KABATAAN

Pascual, L. (2016). Ang Epekto ng Social Media sa Mag-aaral at Edukasyon. Pilar Bataan.

https://www.1bataan.com/ang-epekto-ng-social-media-sa-mag-aaral-at-

edukasyon/

Quintos, Q. (2017). Epekto ng Social Media sa Pamumuhay ng mga Mag-aaral. Laguna

State Polythecnic University – Sta. Cruz Campus

https://www.academia.edu/23301547/_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_

PAMUMUHAY_NG_MGA_MAG-AARAL

10
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Resident Patriot. (2012). Social Media at ang Modernong Pilipino.

https://www.google.com.ph/amp/s/thepinoysite.com/2012/10/07/social-media-

at-ang-modernong-pilipino/amp/

11
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

TALATANUNGAN
Kami ay isang grupo ng mga mananaliksik mula sa ika-11 baitang, seksyon
STEM 1 na kasalukuyang nagsasagawa ng isang pamanahong papel hinggil sa Iba’t ibang
Epekto ng Social Media sa Pag-aaral ng mga ika -11 Baitang na Mag-aaral ng STEM sa
Asesemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School. Kaugnay nito ang
inihanda naming talatanungan upang mangalap ng mga datos na kakailanganin para sa aming
pananaliksik. Mangyaring sagutin lamang nang buong katapatan ang mga sumusunod na
aytem. Aming titiyakin na magiging kumpidensyal ang mga impormasyong inyong ibibigay.

Pangalan (Opsyunal): ___________________________________________________

Direskyon: Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod na aytem. Lagyan


ng tsek ang patlang na tumutugma sa iyong kasagutan.

1. Ano ang antas ng iyong kaalaman tungkol sa paggamit mga social media website?

___ Alam na alam ___ Walang kaalaman


___ Katamtamang kaalaman ___ Walang pakialam

2. Sapat ba ang iyong kaalaman sa paggamit ng social media?

___ Sapat na sapat ___ Kakaunti


___ Katamtaman ___ Walang kakayahan

3. Sa iyong sariling pananaw, gaano kahalaga ang paggamit ng social media sa iyong pag-
aaral?

___ Napakahalaga ___ Hindi mahalaga


___ Mahalaga ___ Walang kahalagahan

4. Anong social media website ang madalas mong nagagamit sa iyong pag-aaral?

___ Facebook ___ Google


___ Twitter ___ Instagram
___ Iba pa

5. Gaano ka kadalas gumamit ng mga social media website?

___ 1-3 oras ___ 7-9 oras


___ 4-6 oras ___ 10 oras at higit pa

12
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Pahayag: Oo Minsan Hindi

6. Nahahanap ko sa mga
social media website ang mga
impormasyong aking
kailangan para sa mga
proyekto at takdang aralin.

7. Nagagalak ako dahil


nasusubaybayan ko ang mga
post ng aking mga kaibigan at
mga kamag-anak.

8. Inuuna ko ang pagpopost sa


social media bago gumawa ng
aking mga takdang aralin,
proyekto at mga gawaing
bahay.

9. Nailalabas ko ang aking


mga saloobin sa pamamagitan
ng pagpopost ng aking mga
nararamdaman at mga litrato.

10. Nauubos ang aking oras sa


paggamit ng social media.

11. Marami akong natutuhan


sa mga posts at artikulo mula
sa ibang mga tao.

12. Nawawala ang aking


pokus na mag-aaral dahil sa
social media.

13. Malaki ang tulong ng


social media sa akin dulot ng
mabilis na komunikasyon sa
pagitan ng aking mga
kaibigan o mga kamag-anak.

14. Lagi akong nahuhuli sa


klase dahil sa paggamit ng
social media tuwing gabi.

15. Madali kong nalalaman


ang mga bagay-bagay, mga

13
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

nangyayari sa aming paaralan,


mga kaibigan, kaklase at iba
pang gawaing pampaaralan na
ipinopost sa social media.

JUSTINE J.
CANIESO
Address: #9 Sampaguita Street, St Michael Subdivision, Pandayan, Meycauayan City,
Bulacan
Phone number: +639222611584
E-mail: justine_canieso@yahoo.com

Personal Information:
Age: 17
Birth date: November 25, 2000
Birthplace: Manila
Sex: Male
Height: 5’9
Weight: 62 kls.
Religion: Roman Catholic
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino

Educational Attainment:
Secondary: Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial
Trade School
Lias, Marilao, Bulacan
Primary: Ibayo Elementary School
Ibayo, Marilao, Bulacan

14
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

______________________________
Justine J. Canieso

EMMANUEL C.
DEL ROSARIO
Address: #173 Centro Street, Pantoc, Meycauayan City, Bulacan
Phone number: +639497243993
E-mail: emmanueldelrosario698@yahoo.com

Personal Information:
Age: 17
Birth date: February 17, 2001
Birthplace: Sta. Maria, Bulacan
Sex: Male
Height: 5’4
Weight: 45 kls.
Religion: Roman Catholic
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino

Educational Attainment:
Secondary: Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial
Trade School
Lias, Marilao, Bulacan
Primary: Pantoc Elementary School
Pantoc, Meycauayan, Bulacan

15
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

______________________________
Emmanuel C. Del Rosario

HERALD DIETHER
G. MASIGLAT
Address: Blk 53 Lot 8 Northville IV-B, Lambakin, Marilao City, Bulacan
Phone number: +639076249118
E-mail: herald_masiglat@yahoo.com

Personal Information:
Age: 17
Birth date: December 14, 2000
Birthplace: Valenzuela
Sex: Male
Height: 5’6
Weight: 61 kls.
Religion: Roman Catholic
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino

Educational Attainment:
Secondary: Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial
Trade School
Lias, Marilao, Bulacan
Primary: Northville IV-B Lambakin Elementary School

16
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Lambakin, Marilao, Bulacan

______________________________
Herald Diether G. Masiglat

CHRISTAN RAY
E. PACHECO
Address: #844 Daang Munti Street, Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan,
Phone number: +639966125554
E-mail: ChristianRayE.P

Personal Information:
Age: 17
Birth date: June 29, 2000
Birthplace: Meycauayan, Bulacan
Sex: Male
Height: 5’3
Weight: 60 kls.
Religion: Roman Catholic
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino

Educational Attainment:
Secondary: Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial
Trade School
Lias, Marilao, Bulacan

17
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Primary: Saluysoy Central School


Saluysoy, Meycauayan, Bulacan

______________________________
Christan Ray E. Pacheco

JOHNFORD F.
SARDON
Address: #2570 ME (Door B) St Thomas Street, Avelino Subdivision, Lias, Marilao
City, Bulacan
Phone number: +639488807991
E-mail: johnfordsardon@gmail.com

Personal Information:
Age: 18
Birth date: February 22, 2000
Birthplace: Quezon City
Sex: Male
Height: 5’5
Weight: 55 kls.
Religion: Roman Catholic
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino

Educational Attainment:
Secondary: Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial

18
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Trade School
Lias, Marilao, Bulacan
Primary: Marilao Central School
Poblacion 1, Marilao, Bulacan

______________________________
Johnford F. Sardon

ROSE ANN R.
DESAMPARADO
Address: MV 150, Tabing Ilog, Marilao City, Bulacan
Phone number: +639553642133
E-mail: r.adesamparado26@gmail.com

Personal Information:
Age: 17
Birth date: August 13, 2000
Birthplace: Sta. Maria, Bulacan
Sex: Female
Height: 5’1
Weight: 39 kls.
Religion: Roman Catholic
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino

Educational Attainment:
Secondary: Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial
Trade School

19
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Lias, Marilao, Bulacan


Primary: Tabing Ilog Elementary School
Tabing Ilog, Marilao, Bulacan

______________________________
Rose Ann R. Desamparado

DARIANE JOYCE
B. DIAZ
Address: #50-D De Vera Comp., Lias, Marilao City, Bulacan
Phone number: +639054852134
E-mail: diaz_dariane@yahoo.com

Personal Information:
Age: 17
Birth date: September 23, 2000
Birthplace: Sta. Maria, Bulacan
Sex: Female
Height: 5’5
Weight: 60 kls.
Religion: Roman Catholic
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino

Educational Attainment:
Secondary: Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial

20
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Trade School
Lias, Marilao, Bulacan
Primary: Lias Elementary School
Lias, Marilao, Bulacan

______________________________
Dariane Joyce B. Diaz

HAZELLE ANNE
V. IGNACIO
Address: #0388 Team Mission, Lambakin, Marilao City, Bulacan
Phone number: +639569204774
E-mail: hanselvillaruz@gmail.com

Personal Information:
Age: 17
Birth date: December 31, 2000
Birthplace: Marilao, Bulacan
Sex: Female
Height: 5’2
Weight: 47 kls.
Religion: Roman Catholic
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino

Educational Attainment:
21
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Secondary: Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial


Trade School
Lias, Marilao, Bulacan
Primary: Lias Elementary School
Lias, Marilao, Bulacan

______________________________
Hazelle Anne V. Ignacio

EDGELINE
F. OCEJA
Address: #265 Balaongan Street, Pantoc, Meycauayan City, Bulacan
Phone number: +639555510177
E-mail: Edgelliiinnnn@gmail.com

Personal Information:
Age: 17
Birth date: November 27, 2000
Birthplace: Manila
Sex: Female
Height: 5’
Weight: 38 kls.
Religion: Iglesia ni Cristo
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino

22
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Educational Attainment:
Secondary: Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial
Trade School
Lias, Marilao, Bulacan
Primary: Iba Elementary School
Iba, Meycauayan, Bulacan
Saint Anne and the Blessed Mary Academy
Iba, Meycauayan, Bulacan

______________________________
Edgeline F. Oceja

GERALDINE MAE
D. RIVERA
Address: Blk 3 Lot 1Laot Street, Ville Dela Bonte Divine , Marilao, Bulacan
Phone number: +639250018227
E-mail: angel_geraldine2621@yahoo.com

Personal Information:
Age: 17
Birth date: November 20, 2000
Birthplace: Agoo, La Union
Sex: Female
Height: 5’
Weight: 45 kls.
Religion: Born Again Christian
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino

23
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL

Educational Attainment:
Secondary: Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial
Trade School
Lias, Marilao, Bulacan
Primary: Marilao Central School
Nagbalon, Marilao, Bulacan

______________________________
Geraldine Mae D. Rivera

24

You might also like