You are on page 1of 8

Pangalan: Cervantes, Angel Mae C.

Seksyon: II – 25 Petsa: October 18, 2020

IKATLONG LINGGO
BUNGA NG PAGKATUTO NG KURSO: Mailarawan ang pangkalahatang pag-unlad at
naging ambag ng midya at teknolohiya na pagbabago sa iba’t ibang yugto ng panahon sa
mundo.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
1. Bakit mahalagang mailarawan ang kalagayan at sitwasyon ng mundo noong panahon ng medieval at modern?
2. Ano-ano ang mga pangunahing midya at teknolohiya ang umiral o umusbong sa nasabing mga panahon at naging
papel, epekto at impluwensiya ng mga ito?
3. Ano ang naging pangunahing nabago at naganap sa buhay ng mga tao at sa kasaysayan ng mundo sa pag-iral ng
nasabing mga midya at teknolohiya?

Panuorin ang bidyo sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=z9UoxjCum1o


“The Evolution of Media and Technology (1910-2015)”

*uploaded ang mga ito sa LMS.


IKALIMANG WORKSHEET

Pangalan: Cervantes, Angel Mae C. Seksyon: II – 25 Petsa: October 18, 2020 Puntos: _____

PANUTO: Ilarawan ang pag-unlad at pagbabago ng midya at teknolohiya sa bawat yugto ng panahon pamamagitan ng
Historical Mapping. Maaring gumamit ng mga pictograph sa paglalarawan.

EBOLUSYON NG MIDYA AT TEKNOLOHIYA (1910 – 2015)


Transportasyon Komunikasyon Aliw at Musika

telegraph
1910’s

boat, trains, buggy, henry ford’s,


ships, planes

book, silent films, indie 500,


ballroom, jazz Dixieland
1920’s

planes carrier of mails


mails, radio jazz, Charlie Chaplin, Lili
Armstrong

1930’s
car radio

cars, public transportation

Radio broadcast, Hollywood


movies, nightclubs, dance halls,
jazz, swing, big band music

Isinara at nilimitahan ang paggamit ng tansportasyon at


1940’s komunikasyon dahil sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig (WWII)
movies w/ propagandas, theatre,
vinyl records, radio

1950’s

underground trains telephones, public telephones

FM introduced, TV, colored TV,


Marilyn Monroe

1960’s

Computer, satellite
Barbie, cassette tape, Elvis
Roro ships, Camaro, mustang Presley
1970’s

Ford, Chrysler, GM e-mail, AT&T, telephone


Sony Walkman, Star wars,
Cassette player, funk rock,
John Lennon

1980’s

3rd generation Camaro

digital phone (Motorola 8000), Fuji disposable camera, CDs,


personal computer, apple brand, digital recordings, MTV
Microsoft windows
1990’s

World-wide web, webcam


747 jumbo Jets, airplanes
Mp3 file, teen pop and dance pop
music, Britney spears,
Michael Jackson

2000’s

hybrid and smart cars


social media, LinkedIn, Myspace, American idol, survivor, e-books,
Facebook, YouTube, Twitter , hip-hop, alternative rock, pop funk
Apple iPhone

Ang mga transportasyon at komunikasyon ay mas pinapalawak at ina-upgrade na lamang.


2010-2015’s Nagkaroon din ng cumulative effects theory kung saan nagkaroon ng malawak na pagbabago ang
sistema ng mundo sa pagdating mga makabagong teknolohiya at midya.
MAHALAGANG KATANUNGAN:

1. Bakit mahalagang mailarawan ang kalagayan at sitwasyon ng mundo noong panahon ng medieval at
modern?

- Mahalagang mailarawan ang kalagayan at sitwasyon ng panahon ng medieval at modern dahil ditto natin
makikita at maa-appreciate ang mga pagbabago na naganap sa ating buhay sa pag-usbong ng teknolohiya
magmula noong mga panahon na iyon. Ang panahon ng medieval at modern ang siyang naging turning point
upang mas lumawak at maging progresibo ang midya at teknolohiya sa mundo na nagkaroon ng malaking parte
sa pag-unlad ng buhay ng bawat-tao magmula sa pang-araw-araw, sa ekonomiya ng bawat bansa at sa
maraming aspeto ng buhay ng tao.

2. Ano-ano ang mga pangunahing midya at teknolohiya ang umiral o umusbong sa nasabing mga panahon at
naging papel, epekto at impluwensiya ng mga ito?

- Nagkaroon ng mga pampublikong transportasyon gaya ng mga underground train, umusbong ang computer at
social media. Ang mga ito ay siyang naging gamit ng tao sa pang-araw-araw. Ang tren ay makikita pa rin
hanggang ngayon kung saan ginagamit ng mga tao upang makapunta sa malalayong ugar sa mabilis na oras.
Ang computer at social media naman ay nagsilbing gamit sa pakikipag-komunikasyon at paghahanap ng mga
impormasyon gamit ang internet. Dahil sa mga midya at teknolohiyang ito mas naging madali ang pamumuhay
ng mga tao sa pang-araw-araw.

3. Ano ang naging pangunahing nabago at naganap sa buhay ng mga tao at sa kasaysayan ng mundo sa pag-
iral ng nasabing mga midya at teknolohiya?

- Malaki ang pinagbago ng mga tao sa pag-usbong ng iba’t-ibang midya at teknolohiya sa ating mundo. Nang dahil
sa mga ito mas naging madali ang pakikipagkomunikasyon ng mga tao, mas napadali ang Sistema ng
transportasyon at mas naging malawak ang pagpapalaganap at pagbabahagi ng mga impormasyon sa mundo.
Ang midya at teknolohiya rin ang siyang nagpamulat sa mga tao sa mga nangyayari sa kani-kanilag bansa, at
dahil dito mas naging mulat ang tao sa totoong mundo. Habambuhay na mananatili sa kasaysayan ang midya at
teknolohiya dahil ang mga ito ang siyang dahilan ng pag-unlad at pagiging progresibo ng bawat-bansa at tao sa
mundo.
MGA KARAGDAGANG TANONG:

1. Kung nabuhay kayo noong panahong ito, anong praktikal at posibleng teknolohiya ang lilikhain ninyo akma sa
nasabing panahon at bakit? Ipaliwanag nang komprehensibo ang inyong sagot.

- Sa panahon ng paleolitiko, nais kong lumikha ng mga sandata kagaya ng sibat, pana, at mga patibong na mas
makakatulong sa mga tao upang maging epektibo ang pangangaso at panghuhuli nila ng mga hayop upang
gawing pagkain. Ang mga ito ay napakahalaga sapagkat ang simpleng paggamit ng bato ay hindi magiging
epektibo at madaling paraan para sa kanilang pangagaso. Kaya’t naisip ko na kung ako ay lilikha ng teknolohiya
para sa panahong iyon ay nasi kong lumikha ng mas epektibong armas na magagamit nila at hindi
makakaapekto sa kanilang kalusugan. Ito ay sa pamamagitan nang paglikha ng mga matatalinong patibong,
sibat na may magkabilang pinatulis na bato sa magkabilang dulo, at mga pana. Sa panahon ng paleolitiko kung
saan ang kanilang seguridad at pagkain ang pinakapangunahing iniisip nila, ay mas mainam na lumikha ng mga
teknolohiyang makakatulong sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

2. Pumili ng isang panahon, ano ang implikasyon ng mga teknolohiyang nalikha sa nasabing panahon?

- Ang apoy ay isa sa mga pinakamahalagang teknolohiyang nalikha nila noong panahon ng paleolitiko. Ito ay
nakatulong sa kanilang seguridad pantaboy sa mga mababangis na hayop sa kagubatan, ginamit sa pagluluto ng
kanilang mga pagkaing karne at nakakatulong upang bigyan silang init ibsan ang mga malalamig na gabi sa
kanilang araw-araw na pamumuhay. Ang pagkadiskubre nila ng apoy noong mga panahong iyon ay siyang
naging dahilan sa kanilang progreso na umabot hanggang sa panahon ng neolitiko kung saan mas napaigting
ang kahalagahan ng apoy sa kanila.

4. Bukod dito sa mga naipakitang gamit, magsaliksik pa kung saan ang gamit na ito ay nagpapakita ng halaga
sa mga binanggit na tao.

- Ang bangka ay isa rin sa mga may mahalagang papel sa pag-unlad ng mga tao noong panahon ng bato. Nang
dahil sa ma bangka nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao upang magalugad ang mga ilog at karagatan hindi
lamang ang kagubatan sa pangangalap ng mga pagkain. Dahil dito nadagdagan na ang kinakain ng mga tao
gaya ng mga isda.

You might also like