You are on page 1of 5

Activity 2.

1
Panuto: Sagutin nang buong katapatan ang bawat pahayag upang masukat ang kakayahang maisakatuparan ang isang
makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa. Suriin at tayahin ang sariling kakayahan kung ang mga pahayag ay ginagawa mo
Palagi, Madalas, Paminsan- minsan, o Hindi Kailanman. Lagyan ng tsek ( / ) ang iyong sagot batay sa kasalukuyang kalagayan ng
iyong kakayahan sa pakikipagkapwa.

Mga Pahayag Palagi Madalas Paminsan-minsan Hindi


Kailanman

1. Malaya kong naipahahayag ang aking nadarama, naiisip at


pangangailangan sa aking kapwa nang walang paghuhusga, pagpuna
o pagpapawalang-halaga.
2. Sa aking pakikipagkapwa, napanatili ko ang aking kakanyahan
(individuality) at pagiging bukod- tangi.

3. Gumagamit ako ng epektibong kasanayan sa komunikasyon, upang


mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang di-pagkakasundo.

4. Nagbabahagi ako ng aking mh pagpapahalaga at paniniwala upang


mapalalim ang akingpakikipag- ugnayan.

5. Pantay ang aking pagtingin sa kapwa at tanggap ko ang pagkabukod-


tangi ng bawat tao.

6. Naniniwala ako ng may kakayahanang bawat isa na lutasin ang di


pagkakasundo at mga suliraning kinakaharap.

7. May oras ako para maglibang at magsay akasama ang aking kapwa.

8. Sa pakikipag-ugnayan ko sa iba kaya kon balansehin ang


kakayahan kong magbigay at tumanggap.
9. Mayroon akong panahon at kakayahang magkaroon ng iba pang
makabuluhang pakikipag-ugnayan sa iba.
10. Natutugunan ko ang
pangangailangan ng aking kapwa

Bilang ng Tsek

Bigat ng Tugon 3 2 1 0
Iskor = Bilang ng tsek at bigat ng tugon A B C D
Kabuuang Iskor = A+B=C+D
Interpretasyon
Iskor
26-30 A. Wala nang hahanapin pa. Maari kang makatulong upang maging gabay at mapagsanggunian ng iba sa kanilang paglinang ng
kasanayan sa pakikipagkapwa. Ang iyong kakayahan sa pakikipagkapwa ay kahanga-hanga at dapat tularan!

16-25 B. Kinakikitaan ka ng pagsusumikap na mapanatili ang isang makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa. Maaaring ibahagi ang
kasanayan. Ipagpatuloy ang pagbabahagi ng sarili sa kapwa! Ipagpatuloy
6-15 C. Mas malilinang ang kakayahang makipag-ugnayan kung magiging bukas
ang puso sa paglilingkod. Sumangguni sa taong maaaring makatulong sa iyo.
5 D. Kailangang magsikap na paunlarin ang iyong pakikipagkapwa. Sumangguni sa taong maaaring makatulong sa iyong kakayahan
pababa sa pakikipagkapwa.
Activity 2.2

Panuto: Hanapin at tukuyin ang sampung tao na maituturing mong kapwa gamit ang puzzle. Maaaring ang mga titik ng salita ay
pahalang, patayo, pabalik o padayagonal. Ilista ang mga salitang nabuo sa inyong kuwaderno.

K A I B G A N V D N
G O R O T I N A J A
N R W Q X Z K U K N
P U K O G U R O A A
A D K A A W A Y K Y
R O N S P L D A L P
I K K A E A N X A C
C T H S E K T D S W
L O B E W A L I I S
H R T A T A Y Q D M
K A K L A S E P W Z

Activity 2.3

Tukuyin kung anong aspekto ng pakikipag-ugnayan sa kapwa ang nabanggit sa bawat pahayag.
1. Nadagdagan ang kaalaman at kakayahan sa pagpapasiyang moral sa EsP class.
2. Pagtuturo sa isang kaklaseng nahihirapan sa Math.
3. Pagsusulong at pangangalaga sa mga karapatan sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya.
4. Tungkulin nating alagaan ang kalikasan bilang likas at tagapamahala sa lahat ng nilikha ng
Diyos.
5. Kakayahang magtipid.

Activity 2.4

Isulat ang tatlong pahayag sa paglalahad ng Golden Rule?

Activity 2.5

Iguhit ang mga sitwasyong nagpapakit ng kahalagahan sa pakikipagkapwa at maglista ng mga hakbang
upang maisakatuparan ang mga kahalagahang ito.

Acitivity 2.6
Bumuo ng isang sanaysay na nagpapahayag ng kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at kung paaano
maging makabuluhan at mapabuti ang ugnayan natin sa kapwa.

Activity 2.7
Sumulat ng repleksyon tungkol sa mahahalagang konsepto at aral na kanilang natutunan at maging ang
kanilang komitment para sa pakikipagkapwa.
Activity 2.8
Sagutin ang tanong.
Ano ang kahulugan ng kaibigan para sa iyo? Ilarawan ito sa pamamagitan ng mga katangiang mayroon ang
iyong mga kaibigan at ang mga dahilan ng inyong pagkagiliw sa isa’t-isa.

Activity 2.9
Ano-ano ang mga katangian na para sa iyo ay nakapagpapatatag ng pagkakaibigan? Maglista ng lima
hanggang sampung mga katangian. (10 puntos)

Activity 2.10
Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Gamit ang dala nilang mga kagamitan ay gagawa sila ng isang friendship
collage sa loob ng 30 minuto. Ang collage ay isang pormal na likhang sining kung saan ay pinagsasama-sama
ang iba’t-ibang materyal o iba pang sining upang makabuo ng isang bagong likhang-sining. Gamit ang mga
lumang magasin, ay gugupit sila ng mga larawang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan sa kapwa o pagkakaibigan.
Mga larawang gumagawa ng mga bagay na magkasama sila at nasisiyahan sa kanilang mga ginagawa.
Matapos ninyo itong gawin, ipaskil ang inyong ginawa sa pisara. Magtalaga ng isang tagapag-ulat ng kahulugan
ng inyong ginawang friendship collage.

Krayterya:

Krayterya:
Nilalaman: 20 puntos
Pagkamalikhain: 10 puntos
Kabuuang dating: 10 puntos
Kabuuan: 40 puntos

Activity 2.11
Sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan ng isang kaibigan na hindi mo makakalimutan dahil sa inyong
magandang pinagsamahan.
Krayterya:
Nilalaman: 15 puntos
Kaugnayan sa paksa: 5 puntos
Kabuuan:

Activity 2.12
Saan galing/ kanino galing ang mga sumusunod na kahulugan ng pakikipagkaibigan:
1. pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem)
2. sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng
sarili at iba
3. natural na hangarin ng isang tao na makipagkaibigan sa kaniyang kapwa.
4. hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor
na maibibigay nila.
5. ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin an gang ugnayan sa
pangmatagalang.
Activity 2.13
Pangkatang Gawain:
Isasadula ang tatlong uri ng pakikipagkaibigan.
1. Pakikipagkaibigan nakabatay sa pangangailangan.
2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan.
3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan.

Activity 2.14
Tama o Mali
1. Ang linyang kaibigan kita dahil kailangan kita ay naglalarawan ng pagkakaibigang nakabatay sa
pangangailangan.
2. Ang pagkakaibigan na nakabatay sa pagkagusto at paggalang sa isa’t-isa ay nakabatay sa pansariling
kasiyahan.
3. Ang pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan ay naglalaho sa panahong hindi na maging handa
ang isa na muli pang magbigay ng kanyang tulong.
4. Pansariling kasiyahan ang uri ng pagkakaibigan kung sila madalas ang mga taong kasama mo sa
maraming Gawain.
5. Marami sa pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan may malalim na pagkakaibigan na nagsisimula sa
maagang yugto.

Activity 2.15
Bumuo ng tula tungkol sa pagpapatawad para sa mga kaibigang matagal ng hindi nakakausap dahil sa hindi
mo magawang ibigay ang iyong pagpapatawad at hindi mo malilimutan ang ginawa niya sa iyo.

Activity 2.16
Panuto: Ang bawat tao ay may iba’t-ibang sitwasyong hinaharap. May sarili rin siyang paraan kung paano niya
ito haharapin at kung ano ang emosyong ipapakita. Tukuyin ang mga emosyong angkop sa bawat sitwasyon.
Mga Pahayag Emosyon
1. Naku! Hindi pa ako tapos sa aking proyekto. Ipapasa na ito bukas.
2. Ano ang gumugulo sa isip mo? May maitulong ba ako?
3. Tiyak na matutuwa si Nanay! Matataas ang marka ko!
4. Naniniwala ako na kayang-kaya mong mapanalunan ang premyo sa sinasalihan
mong paligsahan.
5. Huwag ka ngang maingay! Nakikita mong may ginagawa ako

Activity 2.17
Tukuyin kung anong uri ng damdamin ang mga sumusunod.
1. pagkagutom, pagkauhaw, panlasa, kiliti, sakit
2. kasiglahan, katamlayan, walang gana, may gana, pagod
3. sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan, pagmamahal, poot pagpapahalaga ng kabanalan
katulad ng pag-asa at pananampalataya.

You might also like