You are on page 1of 5

l

Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Baitang 7)

Petsa: Nobyembre 17, 2015

Yugto ng Pagkatuto: Tuklasin

Araw: Martes

I. Layunin

PB3Bb: Natutukoy ang mga detalye ng akda na nagpapakita ng panahong pinangyarihan ng


akda.
PB3Ac: Nailalarawan ang tunggaliang nilikha ng relasyon ng pangunahing tauhan sa lipunang
kinabibilangan.

II. Paksa

Aralin: Pork Empanada ni Tony Perez


Kagamitan: Laptop, Larawang guhit, Pantulong na biswal, Projector/T.V
Sanggunian: Panitikang Pilipino 7, pp.76-84

III. Pamamaraan

Proseso ng Pagkatuto
Gawain ng Guro

Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa Sa ngalan ng Ama ..
panalangin. Amen.

2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang Umaga rin po.

3. Pagsasa-ayos ng silid.

4. Pagtatala ng Liban sa Klase


Sino ang kalihim ng klase? Maaari mo
bang iulat kung sino ang liba ngayong
araw. Wala pong liban sa klase.

5. Takdang Aralin
Ano ang binigay ko sa inyong takdang
aralin? Basahin po ang akdang Pork Empanada ni Tony
Perez.
Mabuti naman at natandaan ninyo, patunay
lamang na handa kayo sa ating aralin ngayong
umaga.

Ang layunin n gating aralin ngayong umaya ay


(Babasahin ang layunin)

A. Aktibiti

a. Motibasyon

Ang guro ay magpapanuod ng isang


commercial ng KFC. Tahimik na manunuod ang mga mag-aaral.

1. Sino sa inyo ang nakakain na sa


KFc? Ako po nakakain na po ako sa KFC.

2. Ano naman ang madalas mong


kainin sa KFC? Ang madalas ko pong kainin sa KFC ay ang
kanilang chicken.
3. Sino naman sa inyo ang hindi pa
nakakakain sa KFC? Ako po hindi pa ko ako nakakakain sa KFC.

4. Naghangad ka ba o nagnais Opo nagnais po akong kumain sa KFC dahil sa


kumain sa KFC? masasarap ang kanilang mga pag-kain.
Bakit ito ang iyong madalas kainin.

b. Panimulang Pagtataya

Magbigay ng mga salitang may


kaugnayan sa salitang Pork Empanada
Abot kaya

PORK PORK
Masarap Mali-
EMPANADA EMPANADA
namnam

Masustansya

B. Analisis

Ang guro ay magpapanuod ng bidyo


tungkol sa akda. Tahimik na manunuod ang mga mag-aaral.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa


kwento? Ilarawan siya. Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si
Bototoy. Si Bototoy ay isang masipag, mapag-
aruga at mapag-mahal na kapatid.
Mahusay !
(Ibat-ibang kasagutan ng mag-aaral)
2. Sa anong antas ng lipunan
nabibilang ang pangunahing
tauhan? Paano nya ito hinarap.
Ang antas ng lipunan na kinabibilangan ni
Bototoy ay mahirap. Hinarap ni Bototoy ang
kahirapan sa pamamagitan ng pagpupursige sa
Tama ang iyong tinuran. buhay at ng may lakas at tibay ng loob.

(Ibat-ibang kasagutan ng mag-aaral)


3. Paano ipinakita sa akda ang
magandang pagtitinginan ng
magkapatid?
Ipinakita po ang magandang pagtitinginan ng
magkapatid sa pamamagitan ng pagmamahalan
at pagbibigayan ng dalawa at dahil narin sa pag-
aasam ni Bototoy na mabilhan si Ningning ng
Pork Empanada.
Nakapaganda ng iyong kasagutan.
(Ibat-ibang kasagutan ng mag-aaral)
4. Patunayan na may mahalagang
ginampanan ang Pork Empanada May mahalagang ginampanan ang Pork
sa akda. Empanada sa akda sapagkat ito ang naging daan
na pagsikapan ni Bototoy upang makapag-ipon
at mabilhan si Ningning ng pork empanada sa
kanyang kaarawan.

Magaling!
(Ibat-ibang kasagutan ng mag-aaral)

C. Abstraksyon

Dugtungan upang makabuo ng isang


makabuluhang pahayag.

Ang buhay ay _______________________. Ang buhay ng tao ay punong-puno ng pagsubok


at kahirapan.
Tayo ang nakakaalam_________________. Tayo ang nakakaalam kung paano natin ito
haharapin.
Kailangan natin maging _______________. Kailangan natin maging matatag at malakas
upang malampasan ang mga pagsubok na ating
kinahaharap.

D. Aplikasyon

Upang lubos ninyong maunawaan ang


aralin natin ngayon ay dadako na tayo sa
pangkatang gawain.

Pangkat I

I-Drawing mo ako!

Pagguhit ng mapa mula sa bahay ni Bototoy


hanggang sa Frankies Steaks and Burgers.

Pangkat II

Lights Camera Action

Pagsasadula ng mga mag-aaral upang ipakilala


ang mga tauhan sa akda at ang relasyon nila kay
Bototoy.

Pangkat III

Himig Handog
Tukuyin ang ilang mga pangyayari sa akda at
isaad kung anong kalagayan ng lipunan ito
naganap.

Pangkat IV

Bigkasan ng Makata

Pagbuo ng tula na naglalahad ng mga sitwasyon


na nakahadlang kay Bototoy upang makapag-
ipon ng Php. 21.00.

Pamantayan sa Pagmamarka

Kooperasyon 2
Presentasyon 3
Kaangkupan sa paksa .5

Kabuuan 10 puntos

Interpretasyon

Kayo na (9-10 na puntos)


Pwede na (8-7 na puntos)
Kulang pa (6- pababang puntos)

Bibigyan ko lamang kayo ng 15 minuto


para isagawa ang naatang sa inyong gawain.

(Makalipas ang 15 minuto)

Tapos na ang oras na ibinigay ko sa inyo,


Ngayon ay sisimulan na natin ang presentasyon
ng bawat pangkat.

Ebalwasyon

Upang masukat ang inyong kaalaman sa


akdang ating tinalakay ay nais kong kumuha
kayo ng isang-kapat na papel at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari


batay sa akdang tinalakay.

_____1. Nagwa-watch-your car si Bototoy upang


maka-ipon para makabili ng pork empanada na
ibibigay nya kay Ningning.

_____2. Makalipas ang ilang araw binuksan ni 1. B


Bototoy ang kanyang alkansya at binilang ang 2. C
laman nito at umabot na sa P21.00. 3. A
4. D
_____3. Sa may bandang, Katipunan, 5. E
matatagpuan ang Frankies Steaks and Burgers.

_____4. Pinagbilhan ng waytres si Batotoy ng


panis na pork empanada.

_____5. Masayang-masaya na kinuha ni Bototoy


ang biniling dalawang pork empanada at
masayang pinagsaluhan ng magkapatid.

Takdang Aralin

Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga


katanungan.

1. Paano mo mapagtatagumpayan
ang mga suliraning dumarating sa
iyong buhay?

2. Ano-ano ang mga elemento ng


maikling kwento? Isa-isahin ang
kahalagahang ginagampanan nito
sa isang kwento?

Sanggunian: Modyul ng mag-aaral, Internet.

Inihanda ni:

___________________
WELSON A. CUEVAS
Guro

You might also like