You are on page 1of 3

MALA- MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

PAARALAN Tboli National High BAITANG 7- Thailand


School
GURO Donita Rose ASIGNATURA Filipino
Imbang- Caligdong
ARAW AT ORAS MARKAHAN Una
NG PAGTUTURO

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao

B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang


makatotohanang proyektong panturismo

C. Paghahabi ng Layunin:
a. Nakikilala ang mga detalye sa babasahing “Alamat ng
Palendag”
b. Nabibigyang- halaga ang Palendag bilang intrumento ng mga
Maguindanawon.
c. Nakakapagtanghal ng maaaring ihalintulad sa kabiguang
pinagdaan ng dalaga
II. NILALAMAN

PAKSA: ARALIN 6: Ang Alamat ng Palendag


Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Isulat ang code sa bawat kasanayan:

 F7PN-IIc-d-8 Naihahayag ang nakikitang mensahe ng


napakinggang alamat

A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Teksbuk: Pinagyamang Pluma pahina 121- 130
B. Iba pang Kagamitang Panturo:
 Manila Paper
C. Integrasyon
 Mapeh: Mga pahayag tungkol sa “Palendag” bilang instrumentong
pangmusika ng mga Magindanawon.
 Agham: Trivia, tungkol sa luhang pumapatak sa mata nga tao
 Mathematics: Pagbilang sa pangkatang Gawain at pagbibigay ng
iskor

III. PAMAMARAAN

A. Balik- aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula sa bagong aralin:


 Pangungusap na walang paksa
 Gawain: Patalastas gamit ang Pangungusap na walang paksa

B. Pahahabi ng mga Layunin:


 Paglahad ng mga layunin

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


 Mga pahayag na may kinalaman sa tatalakayin na akda.
PANGKATANG GAWAIN:
Indibidwal na Gawain: Pagsagot sa mga nakalaang tanong gamit ang graphic
organizer.

D. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1:


 Mga karaniwang dahilan sa pagluha ng isang tao.

E. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2:

- Panonood ng video tungkol sa “Alamat ng Palendag”

PAGTATALAKAY GAMIT ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG:


1. Anong uri ng instrumento ang Palendag?
2. Sa Iyong palagay nararapat lamang ba ginawang tahimik na
pagluha ng dalaga hanggang sa mabutas ang kawang pinapatakan
ng kanyang luha?
3. Bakit may mga kultura sa iba’t- ibang rehiyon na nananatili,
nababago, at nawawala na?
4. Bakit mahalagang pag- aralan ang mga alamat? Paano mo
magagamit ang aral na taglay nito sa pang- araw- araw mong
pamumuhay?
5. Saang lugar o rehiyon ang tagpuan ng alamat? Bakit mahalagang
pag- aralan ang panitikan ng iba’t- ibang rehiyon sa Pilipinas?
6. Sa iyong palagay, ano- ano ang dapat gawin ng isang tao upang
unti- unti siyang makapagsimulang muli o makapag- move- on mula
sa isang kabiguan?

F. Paglinang sa Kabisaan (Tungo sa Formative Assessment)

PANGKATANG- GAWAIN
 Hahatiin ang klase sa anim na pangkat. Ang bawat pangkat ay
bubunot ng kanilang itatanghal maaaring ito ay pagsasadula, pag-
awit at paggawa ng hugot tula na maaaring ihambing sa kabiguang
pinagdaanan ng dalaga sa alamat at kung paanong paraan
napagtagumpayan niya ito. Bibigyan ng labin- limang minuto ang
mga mag- aaral para sa pag- eensayo.
 Ang presentasyon ay tatayain sa pamamagitan ng mga sumusunod
na pamantayan:

Pagkamalikhain- 10
Kagalingan-10
Kawili- wili at nakapupukaw ng atensiyon ng mga manonood-5
Kabuuan- 25

G. Paglalapat ng aralin sa pang- araw- araw na buhay:


 Ang pagpapahalaga sa tradisyon at paniniwala na kinabibilangan
ng bawat pangkat.

H. Paglalahat ng Aralin:

 Buod ng talakayan

I. Pagtataya ng Aralin
Indibidwal na Gawain: Kilalanin ang mga detalye sa sumusunod na
tanong batay sa binasang alamat.
J. Karagdagang Gawain para sa Takdang- aralin at remediation:
 Alamin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng makatotohanan at
mapanghikayat na proyektong panturismo.

INIHANDA NI:

DONITA ROSE IMBANG- CALIGDONG INOBSERBAHAN/ SINURI NI:


Guro sa Filipino 7

WILBERT G. FLANG
Koordineytor sa Filipino

You might also like