You are on page 1of 3

Semi-Detailed 7E’s Lesson Plan sa Filipino VI

INIHANDA NILA:

Jenella Rose E. Jaboneta

Jolina Anglacer

Angelyn Solas

Jesa Fernandez

Aivie Joy Chiefe

Apple Mae Secondes

Dioscoro Lagunday

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng 40 minutong talakayan, 80% ng baitang 1


Mahogani ay magagawa ng may kasanayan ang mga sumusunod;
a. Nalalaman ang mga kasapi ng pamilya.
b. Pahalagahan ang halaga ng bawat kasapi ng pamilya,
c. Gumawa ng larawan ng bawat meyembro ng inyong pamilya.
II. PAKSA Mga kasapi ng Pamilya
III. SANGUNIAN https://www.slideshare.net/MAILYNVIODOR1/mga-kasapi-ng-
pamilya-250058617
 Araling Panlipunan Na libro
KAGAMITAN Kartolina, Mga larawan, Pandikit ,Gunting at Karton.
PAGPAPAHALAGA MORAL Pagtutulungan at Respito sa isa’t isa

IV. PAMAMARAAN
Balik -aral Bago mag simula ang klase bumati ang guro sa mga estudyante at
nagtala siya ng mga alituntunin at susuriin niya ang nakaraang
aralin tungkol sa pagkilala sa Sarili.
Pagsasanay Nagbigay ang guro ng motibasyon na kanta para maging aktibo ang
klase.
Pamilyang Daliri

Isa, Dalawa, Tatlo

Asan si tatay, Asan Si Tatay Andito Andito² Nagtago

Asan si nanay, Asan Si nanay Andito Andito² Nagtago

Asan si kuya, Asan Si kuya Andito Andito² Nagtago

Asan si ate, Asan Si ate Andito Andito² Nagtago

Asan si bunso, Asan si bunso Andito Andito² Nagtago


Panggayak

Magpapakita ang guro ng larawan ng isang tahanan at ilalarawan


ng mga mag-aaral kung ano ang nakikita nila sa larawan at mag
tatanong ang guro kung sino-sino ang nasa loob ng tahanan.

Paglalahad Mga Kasapi ng Pamilya


Ang pamilyang Pilipino ay karaniwang binubuo ng tatay nanay,
ate, kuya, at bunso. Bawat kasapi ng pamilya ay may mga gawaing
dapat gampanan.

Tatay
Ay tinatawag ding ama, daddy, o papa. Siya ang lalaking
magulang sa pamilya.Mga Gawain ni Tatay, Naghahanapbuhay,
Nag- aayos ng mga nasirang gamit sa bahay, Nagdidisiplina sa mga
anak

Nanay
Ay tinatawag ding ina, mommy, o mama. Siya ang babaeng
magulang sa pamilya. Naglalaba, Namamalantsa, Nag- aalaga sa
mga anak, Naghahanapbuhay

Kuya
Ang nakatatandang anak na lalaki sa pamilya. Nagbubunot ng
sahig, Nagwawalis, Nagpapakain sa alagang hayop ng pamilya

Ate
Ang nakatatandang anak na babae sa pamilya. Naghahain,
Naglilinis, Nag- aalaga kay Bunso

Bunso
Ang pinakabatang anak sa pamilya.Nagliligpit ng mga laruan,
Sumusunod sa mga utos nina Tatay at Nanay.

Pagtalakay Mag bibigay ng aktibidad ang guro at hahatiin niya ang mga mag-
aaral sa dalawang grupo.
Direksyon: Gamit ang isang malinis na papel, gumuhit ng larawan
ng bawat kasapi ng pamilya at lagyan ito ng pangalan.

Paglalahat Magbibigay ang guro ng aktibiti sa mag aaral.


Direksyon: Iugnay ang larawan sa Hanay A sa pangalan nito sa
Hanay B.
HANAY A HANAY B
1. a. Ate

2.
b. Kuya

3. c. Bunso

4. d. Ina

5. e. Ama

Ebalwasyon Ang guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit tungkol sa kanilang


tinalakay na aralin.

Direksyon: Kilalanin kung sino ang tinutokoy sa mga tanong.


1. Siya Ang nakakatandang Kapatid na lalaki
2. Tumutulong Kay nanay sa gawaing Bahay
3. Sino ang haligi ng tahanan?
4. Siya Ang nagpapasaya sa tahanan
5. Sino Ang ilaw Ng tahanan

You might also like