You are on page 1of 7

MELC: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento, usapan, teksto, balita at tula – F4PB-I-d-3.

Ang Kalabasa at ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.

Dahil si Bathala ang nagtanim, kay dali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda
na itong mamunga.

“Sabik na sabik na akong mamunga,” wika ni Duhat.

Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang


lang ito nang gumapang, hanggang sa ito’y nakatakda nang
mamunga.

Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang


ipagkakaloob niya sa dalawang ito.

Nag-isip si Bathala.
“Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at
walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nito’y maliliit lamang.” Wika ni Bathala.
Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng banga. Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga
nito dahil sa bigat ng bunga. Si Kalabasa nama’y hindi bagay dahil maliit ang bunga. Di pansinin ang mga bunga nito lalo’t natatakpan sa
malalapad na dahon.

Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya nasiyahan.

Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At napatunayan niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa, mahinog
man ito’y hindi malalaglag dahil ang puno ay gumagapang lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi masisira at ginawa
naman niyang kulay kahel ang
kalabasa sa dahilang ito’y malayo sa
araw. At kulay itim naman ang duhat.
Pagkat ito’y malapit sa araw.At sa
kanyang ginawa’y nalubos ang
kasiyahan ni Bathala.

Aral:
May kanya-kanyang natatanging katangian ang lahat. Maging masaya sa kung ano ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos dahil siguradong may
dahilan kung bakit ganyan ang katangiang mayroon ka.

-WAKAS -

Bilang ng salita sa kwento: 295


Gawain: Sagutin ang mga tanong patungkol sa kwento.

A. Panuto: Bilugan ang iyon sagot:


1. Ano ang dalawang prutas sa kwento?
a. Bayabas at duhat
b. Duhat at pakwan
c. Kalabasa at duhat
d. Mansanas at Kahel
2. Sino ang nag tanim sa dalawang prutas?
a. Bathala
b. Diyos
c. Darna
d. Mang Kardo
3. Ano ang katangian ng puno nang duhat base sa kwento?
a. Gumagapang ag dahon
b. Maliit
c. Malaki at mataas
d. Matibay
4. Ano ang katangian ng kalabasa base sa kwento?
a. gumagapang
b. Gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo
c. Maliit
d. Pandak
5. Ano ang unang naging bunga ng puno ng duhat?
a. Maliit
b. Malaki
c. Mataba
d. Mapayat
6. Ano ang unang naging bunga ng kalabasa?
a. Maliit
b. Malaki
c. Mataba
d. Payat
7. Ano ang naging kulay ng kalabasa sa pagtatapos ng kwento?
a. Berde
b. Kahel
c. Pula
d. Itim

8. Ano ang naging kulay ng duhat sa pag tatapos ng kwento?


a. Berde
b. Kahel
c. Pula
d. Itim
B. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan patungkol sa kwento.

1. Anu-ano ang naging katangian ng dalawang itinanim ng bathala?

2. Ano ang dahilan kung bakit nag-isip muli sa ikalawang beses ang bathala sa kwento?

You might also like