You are on page 1of 27

New Filipino Handout 1 reviewer

1) Patulad o Simile  paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba ng uri (ginagamitan ng salitang para, gaya,
katulad, kaparis, at iba pa).
Halimbawa: Para ng halamang lumaki sa tubig,
Daho’y nalalanta munting di madilig.
2) Pawangis o Metapora  paggamit ng salitang nangangahulugang isang bagay sa pagpapahayag ng ibang bagay.
Halimbawa: Sapagkat ang haring may hangad sa yaman Ay mariing hampas ng langit sa bayan.
3) Sinekdoke  gumagamit ng bahagi sa halip ng kabuuan o ng kabuuan sa halip ng bahagi.
Halimbawa: At ang balang bibig na binubukalan Ng sabing magaling at katotohanan.
4) Pangitain o Vision
Halimbawa: Sa sinapupunan ng Konde Adolfo’y Aking natatanaw si Laurang sintako.
5) Panawagan o Apostrohe  kagyat na pagtutol sa naunang pagpapahayag at pananawagan sa tao o bagay na
wala roon.
Halimbawa: Kamataya’y nahan ang dating bangismo?
6) Pabaligho o Paradox  pahayag na wari’y salungat o laban sa likas na pagkukuro ngunit nagpapakilala ng
katotohanan. Halimbawa: Ang matatawag kong palayasa akin ng amako’y itong ako’y pagliluhin agawan ng
sinta’t panasa-nasaing lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil.
7) Padamdam o Exclamation  pagbubulalas ng masidhi o matinding damdamin.
Halimbawa: Nanlilisik ang mata’t ipinagsaysay Ay hindi ang ditsong nasa orihinal, Kundi ang winika’y ikaw na
umagaw Ng kapuri hanko’y dapat kangmamatay!
8) Pandiwantao o Personification  binibigyang-katauhan ang isang bagay na walang buhay o kaisipang basal
(abstract).
Halimbawa: Parang walang malay hanggang sa magtago’t Humilig si Pebo sa hihigang ginto.
9) Pahalintulad o Analogy  tambalang paghahambing, pagkakawangki ng mga pagkakaugnay.
Halimbawa: Inusig ng taga ang dalawang leon, si Apolo mandin sa Serpyente Piton.
10) Enigma  naikukubli ang kahulugan sa ilalim ng malabongpagtukoy.
Halimbawa: Tapatang pusoko’y di nagunamgunam Na ang paglililo’y nasa kasandahan.
11) Papanuto o Aphorism maikling paglalahad ng isang tuntuning pangkaasalan.
Halimbawa: Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang-giliw pakaingatan
mo’t kaaway na lihim, siyang isa isip na kakabakahin.
12) Tanong na Mabisa o Rhetorical Question  Tanong nanaglalayong magbunga ng isang tanging bias at hindi
upang magtamo ng kasagutan. Halimbawa: Anong gagawin ko sa ganitong bagay ang sintako kaya’y bayaang
mamatay?
13) Pagmamalabis o Hyperbole  Pahayag na ibayong maindikay sakatotohanan o lagpas sa maaring mangyari.
Halimbawa: Bababa si Marte mula sa itaas, Sa kailalima’y aahon ang parkas.
14) Aliterasyon  paulit-ulit na tunog ng isang katinig na ginagamit sa mga magkakalapit na salita o pantig.
Halimbawa: At sa mga pulong dito’y nakasabog, nangalat, nagpunla. Nagsipanahanan, nagasipamuhay, nagbato’t
nagkuta.
15) Asonansya  inuulit ang tunog ng isang patinig sa halip ng katinig. Halimbawa: Ang buhay ng tao at sa taong
palad, Nasa ginagawa ang halaga’y bigat.
16) Onomatopeya  pagkakahawig ng tunog ng salita at ng diwanito.
(1) Tuwirang onomatopeya – kapagginagagad ng gatunog ng patinig at katinig ang tunog ng inilalarawan ng
taludtod.
Halimbawa: Ikaw’y iniluwal ng bansa bundok Hahala-halakhak at susutsut-sutsot.
(2) Pahiwatig na onomatopeya  kapag ang mga tunog ng patinig at katinig ay hindi gumagagad kundi
nagpapahiwatig lamang ng bagay nainilalarawan. Ayon kay Lope K. Santos, an gating mga titik ay nag-
aangkin ng sari-sariling pahiwatig na kaisipan. Ang A ay nagpapahiwatig ng kalakhan, kalinawan, kalawakan,
kalantaran, samantalang ang I ay nagtataglay ng diwa ng kaliitan, Labuan, karimlan, kalaliman, kalihiman, at
iba pa. a-araw,buwan,ilaw,buwan,linaw,tanghal i-gabi,lilim,kulimlim,liit,unti,itim i-Ang suot ay puti’y may
apoy sa bibig, Sa buong magdamag ay di matahimik, Ngunit ang hiwagang di sukat malirip, Kung bakit sa gabi
lamang namamasid.

New Filipino Handout 2 reviewer

MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

 Karaniwang anyo ng isang morperma na maaaring magbago dahil sa impluwensya ng mga katabing
morpema.
1. Asimilasyon – ang mga tunog ng isang salita ay umaayon sa katabing tunog nito. Makikita ang pagbabagong ito
sa mga morpemang unlaping nagtatapos sa –ng gaya ng pang-, mang, mapang-, sing-, kasing-, magkasing, sang,
at bilang.
Uri ng Asimilasyon
1. Di ganap o parsyal
 Ang pang, mang,sing at iba pa ay nananatili kung ang sinusundang salita ay nagsisimula sa patinig at sa mga
titik na k,g,h,m,n,ng,w,y
Hal: pang-alo, mang-aawit, panghukay,sangkatauhan,pangwakas
 Nagiging PAN,MAN,SIN at iba pa kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa mga titik na d,I,r,s,t
Hal: pang+dakot=pandokot sing+tamis=sintamis mang+dukot=mandukot pang+laro=panlaro
pang+sukat=pansukat
 Nagiging PAM,MAM,SIM at iba pa, kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa mga titik na p at b.
Hal: pang+bura=pambura sing+bango=simbango Mang+bola=mambola pang+bayan=pambbayan
2. Ganap
3. Nawawala ang uang tunog na nilalapian dahil ito ay naasimila o napapasama sa naunang ponema.
Hal: pang+tali—pantali=panali Mang+bato—mambato=mamato

2. Pagbabago ng Ponema

1. Ang d ay nagiging r kapag napapagitnaan ng dalawa patinig Ma+dami=marami bakod+an=bakuran


v May pagkakataon na hindi maaring magpalitan ang ponemang /d/ at /r/ sapagkat nagkakaroon ng
pagbabago sa kahulugan. Halimbawa sa salitang madikit (sticky) at marikit (pretty). Ang iba pang mga salita
tulad ng madilim,madahon,madamo ay hindi nagbabago.
2. Ang o ay nagiging u (hal: sino—sino-sino; biro—biru+in)
3. Ang h ay nagiging n (hal: tawa+han=tawanan; ulo+han=ulunan)
3. Metatesis- ito ay tumutukoy sa mga ponemang nagpapalitan ng posisyon. Minsan may isa o dalawang ponema
ang nakakaltas. Hal: tanim+an—taniman=tamnan Atip+an—atipan=aptan Silid+an—silidan=sidlan
4. Pangkaltas ng ponema—sa uri ito, nawawala ang tunog na patinig sa gitna ng salita. Hal: tupad+in—
tupadin=tupdin Sakay+an—sakayan=sakyan
5. Pagpapalit ng ponema—ang mga salitang napalitan ng ibang ponema sa loob ng salita. Hal: dating-datingan-
datnan Halik-halikan-hagkan
6. Pagpapalit ng diin—maraming salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian Hal: Linis+an-linisan Iwas+an-iwasan
7. Maypungos-ang mga salitang nawawalan ng isa o dalawang ponema sa unahan ng inuunlapiang salita Hal:
magpasulat—pasulat; magpatawag-patawag
8. Pag-aangkop—may pagbabago sa mga salita na nagiging maikli kaysa orihinal. Nawawla
Mga Ponemang Patinig ng Filipino

harap gitna likod


Mataas /i/ /u/
Gitna /e/ /o/
mababa /a/

Mga Ponemang Katinig ng Filipino

PUNTO NG ARTIKULASYON
PARAAN NG
ARTIKULASYON
Panlabi Panggilagi Panggilagid Pangngalangala Glottal
Palatal Velar
Pasara
w.t. p t k ?
m.t. b d g
Pailong m n n
Pasutsot
pagilid s h
Pakatal I
Malapatinig r y w

Mga Tungkulin ng Wika


Halimbawa
Tungkulin ng Wika Katangian
pasalita pasulat
Panginteraksyonal Nakapagpapanatili/ Pormularyong panlipunan, Liham-pangkaibigan
Nakapagpapatatag ng pangungumusta
relasyong sosyal
Pang-instrumental Tumutugon sa mga Pakikiusap, pag-uutos Liham-pangangalakal
pangangailangan
Panregulatori Kumukontrol/gumagabay Pagbibigay ng direksyon, Panuto
sa kilos/asal ng iba paalala o babala
Pampersonal Nakapagpapahayag ng Pagsasalaysay, Akdang pampanitikan
imahenasyon sa maikling paglalarawan
paraan
Pangheuristiko Naghahanap ng mga Pagtatanong, Sarbey, pananaliksik
impormasyon pakikipanayam
Pang-impormatib Nabibigyan ng Pag-uulat, pagtuturo Ulat, pamanahong
impormasyon/ datos papael

ANTAS NG WIKA
1. Pormal – wikang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo nan g mga
nakapag-aral ng wika.
1. Pambansa – salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga
paaralan. Wikang panturo rin ito.
2. Pampanitikan – salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga
salitang matatayog, malalalim, makulay at masining.
2. Impormal – salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa mga kakilala
at kaibigan.
1. Lalawiganin – gamitin ang ito sa mga particular na pook o lalawigan lamang.
2. Kolokyal – mga salitang may kagaspangan san g kaunti.
3. Balbal – slang kung sa Ingles. Gamitin ng mga pangkat-pangkat upang magkaroon sila ng sarili nilang
codes.

Barayti ng Wika

1. Dayalek – tumutukoy sa wikain. Ang Tagalog ay isang wika at bilang isang wika, nagkakaroon ito ng barayti
ayon sa lugar na gumagamit nito. Kasama rito ang punto, bokabularyo o pagkakabuo ng mga salita (Zafra at
Constantino).
Hal: (maynila) Ang layo naman! (Batangas) Ala, ang layo eh! (Bataan) Ang layo ah! (Cavite) Sir, ano po ba ang
bugong ninyo ngay-on? Mangyaro po kasi, ako’y namaraka kahapon. Kayo po ba’y nakain ng tinumis na
baboy? (Maynila) Sir, ano po ba ang baon mo ngayon? Namalengke po kasi ako kahapon. Kumakain po ba
kayo ng dinuguang baboy?
2. Idyolek – ito ang pinakaliberal na narayti sapagkat umaayon ito ayon sa personal o indibidwal nagamit ng
wika. Hal: SIYA
3. Sosyolek – wikang gamit ng mga taong may halos iisang paniniwala, antas ng edukasyon, pamumuhay o
maging hanapbuhay ay madalas na magkakasama sa iisang pangkat. Natural lamang na sa kanilang pangkat,
umiiral ang iisang wikang kanilang lubos na nauunawaan ngunit kaiba naman sa mga taong labas sa kanilang
pangkat. Hal: dekada 70, nagging popular ang Taglish, engalog o maging ang Filipinong sosyal. Pagkakaiba ng
paggamit ng wikang bading Gamit ng doctor ng medisina, pilosopiya, o edukasyon
4. Jejemon – wikang palasak at kinatutuwaang gamitin sa mga txt message.

TEORYA NG PAGBASA

1. Bottom up- (behaviorist) pagkilala ng mga seye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus upang maibigay ang
katumbas nitong tunog (tugon o response).
 Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa payugtu-yugtong pagkilala ng mga salita, parirala,
pangungusap ng buong teksto bago pa man ang pagpapakahukugan sa teksto.
 Ang tagabasa ay pasibong participant lamang
 Outside-in o data driven
2. Top-down (Gestalt) – ang pag-unawa ay nagsisimula sa isip ng tagabasa tungo sa teksto.
 Ang tagabasa ay isang napaktibong participant sa proseso ng pagbasa. May dati nang kaalaman (prior
knowledge) na nakaimbak sa kaniyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) na
gamit.
 Inside-out o conceptually driven
3. Interkatib- (sikolohiya) higit na angkop ang kombinasyon ng bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng
komprehensyon ay may dalawang proseso.
 Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa
ang kaniyang kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan kung saan nagaganap ang interaksyon ng
mambabasa at ng awtor.
4. Iskema – ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa nakikinig o mambabasa kung paano nila gagamitin o
paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.

MGA ISTILO NG PAGBASA


1. Iskiming – pagbasang napakabilis na naisasakripisyo na ang pagkilala at pag-alam sa layunin. Madalas mangyari
sa mga taong abala sa araw-araw na Gawain.
2. Iskaning – higit itong nakapokus sa isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Hindi nito layuning Makita ang
lahat ng may kinalaman sa kaniyang paksa o maging ang kaisipan ng isang awtor. Ang mahalaga ay Makita ang
isang tiyak na nais sa pinakamabilis na paraan. Hal: numero,diksyunaryo, nanalo sa lotto, LET result
3. Prebyuwing – karaniwang pagbasa ng nilalaman bago ang kabuuang pagbasa.
4. Kaswal – pagbasa nang walang layunin kundi ang magpalipas-oras lamang.
5. Kritikal – pagbasang may layuning makagawa ng isang komprehensibong report, riserts at iba pang
dokumentong nangangailangan ng matibay na batayan. Sinusuri nang husto sa istilong ito ang bawat pahayag
upang hindi maligaw sa pag-alam ng tunay na kahulugan.
6. Impormatib – may layuning makakuha ng wastong kabatiran
7. Muling basa – isinasagawa kung nagkaroon ng iba pang bagay na dapat kumpirmahin. Makabubuti ito upang
matiyak ang mga impormasyong may kaunting kalabuan pa sa mambabasa. Hal: akdang pampanitikan gaya ng
tula.

(Content)

Pamaraan, Istratehiya ay Teknik sa Pagtuturo ng Filipino

Katuturan ng Dulog, Pamaraan at Teknik

Si Edward Anthony (1963) ay nagbigay ng kanyang depinisyon tungkol sa dulog, pamaraan at teknik na
tinanggap ng maraming guro sa loob ng mahabang panahon

Dulog – set ng mga asamsyon o mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagturo

Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika batay sa napiling
pagdulog.

Teknik – tiyak na mga gawaing nakikita sa klasrum at onsistent sa isang pamaraan at nauugnay rin sa isang pagdulog.

Mga Katangian ng isang Mabuting Pamaran ng Pagtuturo

Iba’t ibang Pamaraan, Istratehiya at teknik sa Pagtuturo ng:

A. Pakikinig

Ang pakikinig ay isang complex na proseso kung saan ginagawa n gating isipan na lapatan ng
pagpapakahulugan ang anumang pagsasalitang napakinggan. Ang proseso sa pakikinig ay may tatlong bahagi,
pagtanggap, paglilimi o pagbibigay tuon at pagpapakahulugan (Wolvin and Coakley, 1979)

Ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi n gating kausap (yagang,
1993). Nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-uunawa sa diin at bigkas, balarila at talasalitaan at pagpapakahulugan
sa nais iparating ng tagapagsalita (Howatt at Dakin: 1974), binanggit kay Yaging). Ang mahusay na tagapakinig ay
may kakayahang isagawa ang apat na ito nang sabay-sabay.

Mga teknik na Magagamit ng Guro sa Pagkatuto sa Pakikinig

Pagbasa ng Malakas (Reading Aloud)


Magbasa sa klase ng mga aklat na piksyon
Panubaybay na pagbasa, sabayang pagbasa at sabayang pag-awit at iba [a.
Mga larong Pampakikinig

B. Pagsasalita

Ang pagsasalita ang pinakagamiting pagpapahayag sa wika. Isang katangian ng pagsasalita na kaiba sa
pagsulat ay ang pagbibigyan sa pagsasalita (turn taking)

Mga Teknik na Maaring Gamitin ng Guro Upang Malinang ang Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Bata.

Usapan/Dayalog
Mga Kwento
Pagsusunod sa Panuto
Paglalarawan
Talakayan
Pagbibigay ng Isang Talakay
Mga Dula-Dulaan

C. Pagbasa

Sinabi ni Goodman (1967,1971,1973) na ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game kung saan ang
nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa.

Si Coady 91978) ay nagbigay din ng elaborasyon sa kaisipan ni Goodman sa pagbasa. Ayon kay Coady, para sa
lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangang ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang
kakayahang bumuo ng mga konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa
teksto.

Teknik na Maaaring Malinang ng Guro sa mga Mag-aaral sa Pagtuturo ng Pagbasa

Ugnayan ng tanong-sagaot Ugnayan ng Tanong-sagot (US-QAR sa ingles) ay binuo ni Raphael (a982-1986) upang
mapataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng
isang sistematikong pagsusuri ng tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng isang sistematikong pagsusuri ng mga
tanong.

DR-TA (Directed Reading—Thinking Activity) o Pinatnubayang pagbasa o Pag-iisip  Ang dulog DT-TA (Stauffer
1969,1976) ay para sa paglinang ng komprehensyon ng buong klase/pangkat. Sa dulog na ito, ang mga bata ay
aktibong nakikilahok sa talakayan sa tulong ng mga tanong na nasa mataas na lebel ng pag-iisip. Layunan ng DR-TA
na matulungan ang mga bata sa pagtatakda ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman at
kaalamang buhat sa teksto, pagbuo ng isang sintesis ng mga impormasyon, pagpapatunay at mga pagbabago ng mga
prediskyon at pagbuo ng isang konklusyon.

DRA (Directed Reading Activity) o Pinatnubayang pagbasa  Ang pagdulog na ito sa pagtuturo ng pagbasa ay
matagal nang ginamit sa mga paaralan. Bagama’t may ilang modipikasyon na ipinapasok sa pagdaraan ng mga taon,
nanatili pa rin ang mga pangunahing layunin ng pinatnubayang pagbasa: maihanda nang husto ang mga bata sa
pagbasa, mabigyang—diin ang pagkilala sa salita at ang paglinang ng mga kasanayan sa pag-unawa at mapatnubayan
ang mga bata sa pagbasa ng isang itinakdang kuwento.

ReQuest (Reciprocal Questioning) o Tugunang Pagtatanong  Layunin ng istratehiyang ReQuest na linangin ang
aktibong pag-unawa sa pagbasa ng mga bata sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng layunin sa
pagbasa, at pag-uugnay ng mga impormasyon. Isinasaalang-alang din ang istratehiyang ito ang pagmomonitor sa
sarili hingil sa prosesong isisnasagawa sa pag-unawa ng isang tekto.

Story Grammar (Pagsusuri sa Kayarian ng Kwento)  Mahalaga para sa pag-unawa ang pagkakaroon ng kaalaman
sa kayarian ng kuwento (story sense.) ito’y makatulong upang mahaka ng bumabasa ang proseso kung paano
inilalahad ang isang kuwento.

GMA (Group Mapping Activity) Ang group mapping activity (GMA) ni Jane Davidson (1892) ay isang estratehiyang
sa pagtuturo na mabisa sa paglinang ng pag-unawa o komprehinsyon sa pamamagitan ng integrasyon at sintesis ng
mga ideya at konseptong nakapaloob sa kuwento. Ito’y ginagawa pagkatapos basahin ang isang akdang
pampanitikan o isang ekspositoring babasahin sa agham o araling panlipunan. Sa istratehiyang ito, ang mga bata ay
pabubuin ng isang grapikong representasyon na naglalarawan ng kanilang personal na interpretasyon na kaugnay ng
mga tauhan sa mga pangyayaring naganap sa kwento o di kaya nama’y ang kanilang sariling interpretasyon sa
konseptong inilahad sa isang babasahing ekspositori. Ang representasyon ay katulad ng isang mapa o dayagram at
nakabatay ito sa personal na pagkaunawa ng tekto.
KWWL (What I Know, What I Want to Learn, Where Can I Learn This, What I Learned)  Ang KWWL (Jan Biyan,
1998) o AGSN ay isang elaborasyon ng KWL nina Carr at Ogle (a987). Ang A ay kumakatawan sa kung ano ang alam
ng mga bata sa paksa, G ang gusting malaman; S saan malalaman: at N ano ang nalalaman. Ang istratehiyang KWWL
ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang dating nalalaman sa paksa lalo na sa mga tekstong
ekspositori.

D. Pagsulat

Ang pagsulat ay karaniwang bunga ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao (Antonio, 1978). Isang
kasanayang may malaking ginagampanan di lamang sa pag-unlad ng wika at panitikan kundi maging ng sangkatauhan
sa kabuuan. Kasangkapang nilikha at ibinunga ng talino ng tao gamit ang pinakamahalaga at pinakaapektibong
midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay Badyos (2001), ang pagsulat ay iinog sa kung gaano
kabisa at kasensitib na makabuo ng mga pahayag ang isang manunulat upang ang makababasa ay matuklasan ang
mga dimension sa pagsulat.

Mga Teknik na Maaaring Gamitin ng Guro Upang Malinang ang Kasanayan sa Pagsulat ng mga Bata.

Pagsulat mula sa patnubay na binuo ng klase


Pagsulat mula sa mga maikling tala
Dikto-Komp
Tumbasang Pagsulat
Teknik na Tanong at Sagot
Pagpuno ng mga Puwang
Padiktang Pagsulat

Mga Klasikong Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika

Pamaraang grammar-
Salin
Tuwirang Pamaraan
Pamaraang Audio-Linggual
Community Language Learning
Suggestopedia
Silent Way
Ang total Physical
Response (TPR)
Natural Approach
Sitwasyunal

Mga Tradisyunal na Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika

Ang pamaraang Pabuod


Ang Pamaraang Pasaklaw
Ang Araling Pagpapahalaga
Ang Pamaraang Patuklas
Ang Pagdulog Konseptwl
Ang Pamaraang Microwave sa pagtuturo ng Wika

Ang Interaktibo, Kolaboratibo, Integratibo at Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (IKIK)

Pagtuturong Integratibo
Ayon kay Humphreys (1981), ang integratibong pag-aaral ay yaong kung saan malawakang sinisiyasat ng
mga mag-aaral ang mga kaalaman sa iba’t ibang sabjek kaugnay ng particular na aspekto ng kanilang kapaligiran.
Nakikita niya ang ugnayan ng mga araling pinag-aralan sa wika, agham, matemakita, araling panlipunan, musika at
sining. Ang mga kaalaman at kasanayan ay nililinang at ginagamit sa iba’t ibang aralin sa pag-aaral.

Mga Istratehiya Batay sa Pagdulog Integratibo

Tematik na Pagtuturo (Thematic Teaching)


Pagtuturo batay sa Nilalaman (Content-Based Instruction)
Genetic Competency
Kolaboratibong pagtuturo (Collaborative learning)

Ang istratehiyang tinatawag ding cooperative learning, collective learning, learning communities, peer
teaching, peer learning, reciprocal learning, team learning, study circles, study groups at work groups.

Mga Gawaing Maaring Ibigay ng Guro sa Grupo Upang Makamit ang Pagkatuto

Committee
Brainstorming
Buss Session
Debate at Panel
Symposium
Role Playing at Improvization
Fish Bowl
Critiquing Session
Round Table
Forum
Jury Trial
Majority Rule Dicision Making
Consensus decision Making
Composite Report
Agenda
Student Team Achievement divisions (STAD)
Ang Team Assisted Instruction (TAI)
Jigsaw
Meet the Press
Think-Pair Share
Multuple Intelligence

Pagtuturong Interaktibo
Pagtuturong Komunikatibo
Mga Teknik na Maaring Gamitin sa Pagtuturong KOmunikatib

Awtentikong Kagamitan
Mga Viswal
Role Play
Mga larong Pangwika
Mga Suliraning Pangwika
MGa Graphic Organizer

Ilang halimbawa ng graphic Organizer


KWL Comparison Matrix
Venn Diagram Story Map
Spider Web Cycle
Sayklikal Tsart
Time Line
Series of Event’s Chain
Comcept Map
Fact Storming Web

Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo

Ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang panturo sa paghahatid ng
kaalaman upang maging makatotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga
ng mga mag-aaral upang maging kongkreto, tunay daynamik at ganap ang pagtuturo (Abad, 1996). Isa itong
tanging gamit sa pagtuturo na nagtataglay ng gabay para sa mag-aaral at mga guro at tumitiyak sa bawat
karagdagang pagkatuto ng nilalaman, teknik ng paglalahad, pagsasanay at paggamit ng nilalaman at paraan ng
pagtuturo gamit na mga teknik na ito. (Johnson, 1972)

Mga Kagamitang Limbag

a. Teksbuk – isang masistemang pagsasaayos ng paksang-aralin para sa isang tiyak ng asignatura at antas.
b. Manwal ng Guro – Kalipunan ng mga araling nakaayos ayon sa layunin at mg mungkahing paraan o sa
regular na gawaing pangklasrum at teksbuk.
c. Materyals na Suplemental – Iba’t ibang kagamitang limbag na ginamit na pagdagdag o supplement sa
regular na gawaing pangklasrum at teksbuk.
Workbuk – Mga Pagsasanay at mga Gawain ng mag-aaral kaugnay na tinatalakay na aralin.
Kopya ng balangkas (Duplicated outlines) – Set ng aralin na nakabalangkas.
Hand-awts – sinaliksik at pinayamang paksa. Madalas inihahanda ng isang lektyurer para sa kanyang
tagapakinig. Maaaring gamitin at basahin upang matiyak ang kaalamang natamo.
Pamphlets/Supllemental Magasin – set ng mga aralin at gawaing pandagdag sa tinatalakay na aralin.
Artikulo Mula sa Magasin/Babasahin – naglalaman ng iba’t ibang paksa na napapanahon na magagamit na
pantulong sa isang aralin.
Pahayagan – Naglalaman ng mga pangyayari sa loob at labas n gating bansa.
Dyornal – Regular na ulat na kinalabasan ng isang pananaliksik
Indexes – binubuo ng mga sanggunian.
Worksheets

Mga kagamitang Limbag na Inihanda ng Guro

Modyul – isang kit sa pansariling pagkatuto. Ito ay binubuo ng iba’t ibang gawaing pagkatuto na kadalasan ay
nasa anyong pamphlet/babasahin. May iba’t ibang uri ang modyul sa pagsunod ng Panuto at Modyul ng
Balangkas na Gawain.
Banghay-Aralin – ito’y balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakabang na sunod-sunod
na isasagawa upang maisakatuparan ang mga layunin o inaasahang bunga sa isang particular na aralin.
Patnubay sa Gawaing Pangmag-aaral – set ng mga panuto at tanong na makakatulong sa pagtatalakay ng
bagong aralin.
Talahanayan ng Ispesipikasyon – Ginagamit ng guro sa paghahanda ng pagsusulit. Makikita ang lawak ng
nilalaman bilang ng aytem, at uri ng pagsusuri na gagawin ng guro

3. Mga Kagamitang namamasid

Chalkboad Display – mga larawan at talang nakaguhit o nakasulat sa isang darkcolored na bagay
Whiteboard or Markerboard Display – mga larawan at talang nakagunit o nakasulat sa isang light-colored na
bagay.
Mga Larawan – nagiging makatotohanan ang isang bagay o paksa dahil sa nakikitang hugis, laki, kulay.
Karaniwang ipinakikita ng guro sa pagtatalakay ng aralin upang magkaroon ng gabay ang mga mag-aaral na
ipaliwanag ang nilalaman ng guro. Maaaring gamitin ang mga larawan mula sa kalendaryo, dyaryo at magasin.
Illustrayon – ginuguhit na manwal/kamay ang paraan sa pagbubuo ng isang bagay, tao lugar at pangyyari.
Tsart/Graphic Organizer – Ginagamit upang pag-ugnayin at ikategorya ang mga konsepto at pangyayari sa
binasa. Tinatawag din itong biswal na larawan (Garcia, 2008 at http//www.my.hrw.com
Awtentikong Kagamitan – tumutukoy sa pagiging awtentiko ng input data na gagamiting lunsuran sa paggagawa
ng kagamitang panturo. Ang mga data ay hango sa mga pahayagan, patalastas, magasin, brochure at billoards.
Graps – Flat Picture binubuo ng tuldok, guhit o larawan gaya ng circle graphs, bar graps, line graphs, area graphs
at pictorial graphs
Maps – ang anyo ay flat nagpapakita ng kinaroroonan ng mga lugar, pook, bansa at agwat/layo ng oras.
Globes – ang anyo ay flat nagpapakita ng kinaroroonan ng mga lugar, pook, bansa at agwat/layo ng oras.
Posters – Eye Catching graphics, ginagamit upang medaling makuha ang mensahe Halimbawa: Posters para sa
buwan ng wika, poster ng isang pulitiko.
Exhibits – mga iba’t ibang kagamitan na may kaugnayan sa isang Gawain, halimbawa: Mga aklat
Hook and Loop Display – mga larawan at tala na idinidikit sa pamamagitan ng maliit na magneticHolders.
Bulletin Board Display – Anawnsment, programa, tala at mga larawan.
Magnetic Board Display – Mga larawan at tala na idinidikit sa pamamagitan ng maliit na magnetic holders.
Museum – ditto maaaring matagpuan ang mga sinauna at lumang coins, gamit, damit, larawan, bato, atb. Ito ay
itinatabi at pinepresenta upang Makita ng mga mag-aaral.
Flannel Board – kagamitang yari sa cardboard o kahoy na binabalutan ng felt na papel.

Mga Bagay

a. Ispisemen – bato, insekto, dahon, kahoy, atb


b. Realia – awtentikong kagamitan, foreign coins, artifacts
c. Modelo – Presentasyon isang bagay
d. Mock-up Replica – yari sa isang tunay or sintetik na materyales
e. Mock Trial – Tunay na taong nagsisiganap sa pagbibigay hatol sa isang pangyayarin sa kuwento na nais
bigyan ng pagsusuri.
f. Papet – mga tau-tauhang pinagagalaw na ginagamit ang mga daliri o kamay
g. Dayorama – modelo ng tauhan, tagpo o pangyayari
h. Pabitin o Mobil – itinatanghal sa pamamagitan ng pagsasabit o pagbibitin ng anumang bagay na may
kaugnayan sa aralin.
i. Plaskard – nakasulat na salita, pangungusap, larawang maaaring may kulay o wala.
j. Cue cards – ipapasalaysay ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mga susing salita na nakasulat sa cue
card.
k. Komik Strip – mga pangyayaring nakalarawan at ang usapan ng mga tauhan ay nasa loob ng balloon.
Ginagamit ang komik strip upang maging maikli ang isang mahabang salaysay.
l. Notecard – nakatalang teksto at lektyur.
m. Mga seleksyong Pampanitikan – maaaring sanaysay, kuwento, tula, dula, talambuhay at iba pa na
magagamit na lunsaran sa pagtuturo.
n. Kasuotan (Costumes) – sa pamamagitan nito ay naisasabuhay ang akma sa isang particular na panahon o
lugar. Maaari rin naming gawin ito kung nais ng guro na magkaroon ng pagtatanghal sa ilang piling kilalang
tao. Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga bayani, mga pinuno ng bayan o kahit sinong kilalang
tao na maaaring iugnay sa paksang tinatalakay.

Mga Kagamitang Naririnig


a. Radyo – mga dula, awitin, debate, balita at komentryo
b. Cassette – mga awitin
c. Teyp Rekorder – lektyur, talumpati, tula, awitin at iba pang anyo ng panitikan.

Mga Kagamitang Naririnig-Namamasid

a. Sine – mga pangyayari hinggil sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, kabayanihan at ilang maaring Makita sa
lipunan
b. Telebisyon – Balita, debate, telesine at iba pang paksa
c. Materyales Computer – Mediated

Videoteyps

a. Resorses mula sa komunidad


Field trips – ang mga mag-aaral ay lumalabas sa klasrum
Tagapagpanayam o tagapagsalita – mga taong higit ang kaalaman at may kaalamang hindi batid ng
iba. Halimbawa: pulis, guro, mayor, manunulat, pangulo, senador, preacher, at iba pa.
Demonstrayon – isang pamamaraan sa pagtuturo
Laboratory – may iba’t ibang ekwipment gaya ng magnetic tape recoders, headsets, microphones.
Sa agham, kagamitan tulad ng microscopes, slides atb.

Kagamitang Projected at Namamasid

Slides – mga larawan ng isa o maraming aralin


Filmstrips – mga larawan ng bagay, tao, luagr, o pangyayari.
Opaque Projections – Pinalaking imahen ng larawan at ilustrasyon ng tao, bagay, hayop at pangyayari.
Overhead Projections – ang mga larawan, teksto ng materials ay nililipat sa isang transparencies para
Makita sa screen

Mga Napapanahong teknolohiya

1. Digital Images – tinatawag ding raster images. Ito ay representasyon ng dalawang dimensyunal na imahen
gamit ay “ones and zeros (binary)”. Ito ay depends sa pakakalagay ng “image resolution”, maaari itong
“vector or raster type”.
Powerpoint Presentation – Ang slideshow ay display ng iba’t ibang piniling imahen na binuo sa masining at
pampagtuturong layunin. Ito ay pinapagalaw ng isang presentor na gamit ang isang apparatus. Maaaring isang
carousel slide projector, at overhead projector o sa kasalukuyan ay kompyuter ang pinaandar gamit ang
powerpoint software.
Moviemaker Presentation – isa ring modernong presentasyon na ang ginagawa ng isang tao ay iginaya sa mga
napapanuod na pelikula. May naganap at may script na binuo. Inaangkapan din ito ng tunog at tugtog. Iniaayon
sa layon ng gumagawa at gumagamit din ng video software.
Video – isang uri ng teknolohiya na electronically capturing, recording, processing, storing, transmitting at
reconstructing sekwens ng mga still images na narerepresenta ng mga kilos o pagganap.
Kompyuter (Wedsite, Services, etc)—ang paggamit nito ay napakalaking tulong na kagamitan sa pagkatuto ng
tao. Ang mga kompyuter predictable at controllable, madaling magpalit o mag-ayos ng mgaling sagot.
Napakadaling marebisa ng mga ginagawang pag-aaral. Halos lahat ng pag-aaral at impormasyong kailangan ay
maaaring matagpuan sa kompyuter. Madali na ring makausap at Makita ang mga kaibigang nasa malayong lugar.
Photocopiers – isang copier na ginagamitan ng photographic na paraan upang makabuo ng maraming sipi.
DVD/CD Palyer – Maaaring mapanood ang isang dokumentasyon at palabas gaya ng pelikula, kasal at ibapang
binidyo na okasyon.
LCD Projector – ang LCD Projector ay isang uri ng video projector para ipamood ang video, imahen o kaya
computer data sa screen o sa ibang flat bagay.
Videocam – isang camcorder na “portable condumer electronics device” para makapagrekord ng video at awdyo
gamit ang isang built-in rekorder.
Laptop – isang uri ng kompyuter. Nakagagwa ng pag-aaral nang mabilis sa tulong ng laptop. Ito ay maaaring
madala sa labas ng bahay at kahit anong oras na nais mong gumawa ng aralin ay maaaring gawin.
Laser pen – isang laser pointr na madalas gingamit sa pagmamarka (highlighting) ng paksang nais bigyang-diin at
pinipresent sa harap ng maraming tao. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtutok ng ilaw mula sa laser ponter
habang nagpepresent.
I-Pad – isang kagamitan na pinalalagakan ng datos, tunog, awit at maaari ring magrekord ng panayam.
Cellphone – isang long range, electronic device na ginagamit para sa mobile voice at data communication sa
pamamagitan ng network mula sa isang specialized base stations na kilalang cell sites.
Digital Camera – tinatawag na digicam ay isang camera na ginagamit sa pagkuha video or still photographs, at
digitally nagrerekord nito ng mga imahen sa pamamagitan ng electronic image sensor.
Internet – ito ay isang global network na pinakokonek ang iba’t ibang kompyuters at nagagawa nito ang mga
gumagamit ay magkaroon ng pagbabahagi ng impormasyon gamit ay multiple channels. Sa pamamagitan ng
internet ang isang tao ay maaaring makapaghatid ng impormasyon, makipagbalitaan gamit ang yahoo
messenger. Madaling makipagkomunikasyon dahil sa mga naturang program.

Pagsusulit, Pagtataya at Ebalwasyon


Pagsusulit – sa edukasyon, ang pagsusulit ay tumutukoy sa proseso ng pagkilala kung gaano mtatamo ng mag-
aaral ang particular na kaalaman, kasanayan o katangian. Ito’y tumutukoy sa kwantipikasyon ng anumang aspeto
ng proseso ng pagtuturo. May kwantitabong uri ng pagsusulit gaya ng bahagdan ng aytem na nagsasagutan ng
mga mag-aaral sa pagsusulit. Para kay Alrasian (1994), ang pagsusulit ay pormal, sistematiko, na sa tradisyunal
na pamamaraan ay gamit ng mga mag-aaral ang lapis at papel: at ginagamit ng guro upang makakuha ng
impormasyon sa gawi ng mga mag-aaral.
Pagtataya – ito’y tumutukoy sa praktikal na aplikasyon ng pagsusulit, isang aktwal na perpormans ng iba’t ibang
uri ng pagsusulit. Ito’y tumutukoy rin sa proseso ng pagkuha ng impormasyon kung paano matatamo ang layunin
ng pagtuturo.
Ebalwasyon – ang ebalwasyon ay proseso ng pagbuo ng kahatulan, gaya ng gano kausay nanaipakita ng mag-
aaral ang kanyang Gawain, upang masabing ito’y marapat o may kalidad. Ito ay tumutukoy sa pagpapakahulugan
o interpretasyon kung ano ang kahulugan ng iskor na kanyang nakuha sa pagsusulit. Ang isang mahusay na guro
ay makapagtatamong ng ganito: “Paano ko mabibigyang kahulugan ang resulta ng kanyang pagsusulit?”
Ang talahanayan ng ispisipikasyon ay isang kagamitang nagpapakita ng sistematikong pamaraan ng pagtatakda
ng lawak ng paksang sasaklawin ng pagsusulit at ng bilang ng mga aytem na gagawin para sa bawat kasanayang
susukatin.

Mga Uri ng Pagsusulit


Proficiency Test vs Achievement Test
Sa proficiency test, nababatid ng guro kung gaano kasaklaw ang nalalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng
wika para sa isang tiyak na layunin. Ito’y naglalayong malaman ang kakayahan ng mga mag-aaral na tumanggap
at magbigay ng impormasyon sa wikang pinag-aaralan para sa isang kapaki-pakinabang na layunin. Sa
kasalukuyan, isang batas ang inihain sa Senado ni Senador Mar Roxas na nagtatakdang bago kumuha ng
Licensure Examination for Teachers ang mga guro ay kinakailangang may ipakita siyang sertipiko na sumailalim
siya at matagumpay na nakapasa sa English Profiency Test.
Samantala, upang mabatid ng guro kung gaano nagging matagumpay lang mga mag-aaral sa pagtatatmo ng
layunin sa tulong ng achievement test. Tinatawag ding pangwakas na pagsusulit, ito’y ibinibigay pagkatapos sa
katapusan ng semester o taon. Tinutuklas nito kung sinu-sino ang mga mag-aaral ang lubos na nakaunawa sa
naiturong kasanayan, gayundin ang marking dapat nilang makuha.
Diagnostic Test vs Placement Test
Natutuklasan ang mga kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng diagnostic test.
Ibinibigay ito bago simulant ang pagtuturo ng isang kasanayan upang matiyak kung ang mga mag-aaral ay may
mga kinakailangan pang kakasanayan (prerequisite skills). Nababatid ang antas ng mga mag-aaral sa isang
ibinibigay ng programa sa placement test.
Discrete Point Test vs Intergrative Test
Sumusulit lamang sa isang tiyak na element o bahagi ng wika gaya ng tunog, grammar at talasalitaan sa isang
makrong kasanayan sa wika, sa discrete point test ay ibinigay lamang ang isang aytem sa itinakdang oras.
Layunin nitong masukat ang kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral sa naiturong kasanayan sa wika. Ang
resulta nito ay nagagamit ng mga guro sa paghahanda ng mga kagamitang tutulong sa mga – mag-aaral upang
mabigyang-lunas ang kahinaan nila sapagsusulit. Ang ilang halimbawa ng pagsusulit na ginagamitan ng discrete
point test ay ang mga sumusunod:
3.1. maramihang pagpipilian (multiple chice test)
3.2. dalawang pagpipilian (alternative responsive test)
3.3. pagpupuno (completion form)
3.3. pagtatapat-tapat (matching type)
Kung nais malamam ang iba’t ibang element ng wika para makumpleto ang Gawain, ito’y dapat gamitan ng
integrative test.
Criterion Referenced Test vs Form Referenced Test
Ang ginagamit na pagsusulit upang mauri ang mga mag-aaral kung kaya o hindi nila kayang gawin ang
Gawain ay ang criterion referenced test. Ang pagsusulit na ito ay may itinakdang pamantayan na kailangn
makaabot ang mag-aaral sa pamantayan upang masabing naipasa nila ang pagsusulit. Sa pagsusulit na ito
natutulungan ang guro na mapahusay ang kanyang istratehiya sa pagtuturo dahil lalo pa niyang pinahusay ang
mga kagamitang panturo at ang paraan/pamaraan ng kanyang pagtuturo.
Ang pagsusulit na tumutugonsa perpormans ng mga mag-aaral na inihahambing sa perpormans ng ibang
mga mag-aaral ay tinatawag na norm referenced test. Ang resulta ng pagsusulit na ito ay ginagamit na batayan
sa pagmamarka ng asignatura o kurso. Nabuo ang pagsusulit na ito upang mamaksimays ang diskriminasyon na
nagawa ng mga taong may tiyak na background o karanasan.

Ang Mga Tiyak na uri ng Pagsusulit ayon sa Paraan ng Pagmamarka

Pagsusulit na Obhektibo (Objective Test)


Maraming nagsasabi na ang isa sa pinakamahusay na pagsusulit na inihahanda ng guro ay ang pagsusulit na
tanong at iisa lamang ang sagot para rito. Narito ang ilang halimbawa ng pagsusulit na obhektibo
1.1. maramihang pamimili ng sagot (multiple choice)
1.2. pagpupuno ng patlang (completion type)
1.3. pagtatapat-tapat (matching type)
1.4 dalawang pamimili (alternatate response)
1.5. pagsusulit close (close test)
1.6. pagsusulit padikta (dictation test)
1.7. pagtukoy sa mali (error recognition test)

Pagsusulit na Sabhektibo (Subjective test)

Ang pagwawasto sa pagsusulit na may ganitong uri ay nababatay sa sariling pananaw o saloobin ng
nagwawasto ng papel. Ang ilang halimbawa na pagsusulit na ito ay ang mga sumusunod:

2.1. pagsasalin (translation)


2.2. pagsulat ng sanaysay (essay type)
3.3 tanong na walang limitasyon (open-ended question)
Mga Akdang Pampanitikan at mga May-akda na Kinatawan ng Bawat Panahon

A. Sinaunang Panahon

3. Epiko

 Awit sa pamamangka/manggagawa-soliranin at talindaw


 Ibalon – Bikol
 Awit pangkasal – diona at ihiman
 Biag ni Lam-ang – Ilokano
 Awit panghele – oyayi
 Kumintang – Tagalog
 Awit ng pag-ibig – kundiman
 Bidasan – Moro
 Awit ng pandigma – Kumintang tikam at tagumpay
 Tuwaang – bagobo
 Lawiswis kawayan – tagalog
 Lagda – bisaya
 O Naraniag A bulan – ilokano
 Darangan – Muslim
 Atin Cu pung Singsing – kapampangan
 Alim – Ifugaw
 Si Nanay si Tatay – Bikol
 Pala-isgan – Palawan
 Sarong Banggi – Bikol

Karunungang-bayan

1. Salawikain – nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng gating mga
ninuno.
Hal. Ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang tiwala sa sarili.
Hawak ng basahan may panahong kailangan
2. Saliwikain – kasabihang walang nabagong kahulugan
Hal. Ang taong matiisin ntatamo ang mithiin
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
3. Bugtong
Hal. Bungbong kung liwanag Kung gabi ay dagat (banig)
4. Palaisipan
Hal. May isang prinsesa sa tore nakatira
Balita sa kaharian pambihirang ganda
5. Bulong – ginagamit sa pangkukulam, pang-ingkanto, pasintabi
Hal. Huwag magagalit kaibigan Aming pinuputol lamang Ang sa ami’y pinag-utos
6. Kawikaan – lagging nagtataglay ng aral sa buhay
Hal. Pag talagang palad sasampa sa balikat
Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha

B. Panahon ng Kastila

Mga unang aklat na panrelihiyon/pangkagandahang asal

a. Doctrina Cristiana - Kauna-unahang aklat na inilimbag sa Pilipinas


b. Nuestra Senora del Rosario - naglalaman ng talambuhay ng mga santo, nobena, tanong-sagot na panrelihiyon
c. Pasyon - natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo. Pinababasa tuwing Mahal na Araw
d. Urbana at Feliza - pagsusulatan ng magkapatid na pawing patungkol sa kagandahang asal

Mga Akdang Pangwika

a. Arte Y Dela Lengua Tagala-Padre Blancas de san Jose


b. Vocabulano dela Lengua Tagala – kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog ni Padre Pedro San Buenaventura
c. Vocabulano dela Lengua Pampango – ni Padre Diego Bergamo
d. Comprendio dela Lengua Tagala – Padre Gaspar de San Agustin
e. Arte dela Lengua Ilokano – kauna-unahang balarilang iloko ni Francisco lopez

Mga Akdang Panlibangan/Pangaliwan

a) Tibag – paghahanap ni Sta Elena sa kinamatayang krus ni Jesus


b) Senakulo – pagtatanghal tungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Cristo
c) Panunuluyan – pagtatanghal sa paghahanap ng matutuluyan ni Jose at ni Maria
d) Panubong – mahabang tulang nagpaparangal sa may kaarawan o kapistahan
e) Karilyo – aninong pinapagalaw sa likod ng tabing
f) Moro-moro o Komedya – pagtatanghal ng paglalabanan ng mga Kristiyano at Moro
g) Karagatan – pagtatanghal batay sa alamat ng singsing ni Neneng na nahulog sa dagat.
h) Saynete – dulang hinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo sa kanyang pamumuhay,
pangingibig at pakikipagkapwa
i) Sarswela – dulang musical na tatluhing yugto

Mga Unang Tula/Makata

Pag-aaral ng mga tagalog ng wikang Kastila – Tomas Pinpin, Femando Bagongbanta


Pag-aaral at pagsusuri sa Panulaang Tagalog – Padre Francisco Bencuchillo
Phelipe de Juses Loa-bersyong payak na binibigkas sa mga bilasyon o lamayan.

Krusadang Propaganda
Binubuo ng pangkat ng mga intelektwal sa gitnang uri. Paghingi ng reporma at pagbabago gaya ng mga
sumusunod ang layunin ng kilusang ito.
a) Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas
b) Gawaing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
c) Panumbalik ang pagkakaroon ng kinatawan sa Cortez Espanya
d) Gawing Pilipino ang mga kura-paroko
e) Ibigay ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon at pagpapahayag ng mga
karaingan.

Mga Propagandista at ang kanilang Akda

a. Jose Rizal (Laong-laan at Dimasalang)


1. Noli me Tangere
2. El Filibustirismo
3. Mi Ultimo Adios
4. Sobre La Indolencia delos Filipinas (Hinggil sa katamaran ng mga Pilipino)
5. Filipinos Dentro De Cien Anos
6. A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino)
b. Marcelo H Del Pilar (Plaridel, Dolores, Manapat, Piping Dilat)
1. Dasalan at Tocsohan
2. Kaiigat kayo
3. Cadaquilaan ng Diyos
4. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
5. La Soberana en Pilipinas – katiwalian ng mga prayle sa Pilipinas
c. Graciano Lopez Jaena
1. Fray Botod
d. Antonio Luna
1. Noche Buena – Tunay na buhay Pilipino
2. La Le Divertem – puna sa sayaw astila
3. Por Madrid – tumutuligsa sa mga kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya
ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo
e. Pedro Paterno
1. Ninay – kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino
2. A Mi Madre – kahalagahan ng isang ina

3. Mga nangunguna sa paghihimagsik/akda

a. Andres Bonifacio – (Agapito Bagumbayan)


Ama ng Demokrasyang Pilipino
Supremo ng Katipunan
1. Katungkulan Gawin ng mga Anak ng Bayan
2. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
3. Katapusang Hibik ng Pilipinas
4. Dapat Mabatid ng mga Tagalog
b. Emilio Jacinto (Pingkian, Dimas-Ilaw)
1. Liwanag at Dilim
2. Kartilya ng Katipunan
c. Apolinario Mabini
1. El Verdadero Decalogo
2. Programa Constitutional dela Republika Filipinas
d. Jose Palma
1. Himno Nacional Filipina

C. Panahon ng Amerikano

1. Mga Pahayagan/nagtatag

a. El Nuevo Dia – Sergio Osmena


b. El Grito del Puerto – Pascual Poblete
c. El Renacimiento – Rafael Palma

2. Mga kinikilalang manunulat/akda

a. Dulaan

1. Severino Reyes (Lola Basyang, Mang Binong)


Walang Sugat
RIP
2. Patricio Mariano
Dalawang Pag-ibig
Anak ng Dagat
3. Aurelio Tolentino
Kahapon, Ngayon at Bukas
4. Hermogenes Ilagan
-Dalagang Bukid
5. Juan Abad
-Tanikalang Ginto
6. Juan matapang Cruz
-hindi ako patay

b. Panulaan

1. Benigno Ramos
2. Pedro Gatmaitan
Tungkos ng alaala
3. Jose Corazon De Jesus (batute)

Mga Gintong Dahon Sa dakong Silangan

c. Nobela

1. Valeriano Hernandez Pina (Ka Anong)


Nena at Neneng
Mag-inang mahirap
2. Lope k. Santos
Banaag at Sikat
3. Faustino Aguilar
Pinaglahuan
Lihim ng isang Pulo
4. Inigo Ed Regalado
Madaling Araw
Sampaguitang Walang Bango

D. Panahon ng Hapon

1. Mga maikling kuwento/may-akda na nagwagi

a. Lupang Tinubuan – Narciso Reyes


b. Uhaw ang Tigang na Lupa – Liwayway Arceo
c. Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan – NVM Gonzales

E. Panahon ng Liberasyon

1. Mga aklat na nalimbag

Mga piling katha (1947-48- A. G Abadila

a. Maikling Kwento Tagalog – Teodoro Agoncilio


b. Ako’y isang Tinig – Genoveva Edroza- matote
c. Mga Piling Sanaysay – A.G. Abadilla
d. Mga Piling Akda ng Kadipan – Efren Abueg
e. Pitong Dula – Dionisio Salazar

2. Timpalak Palanca (Maikling kuwento)

Unang Taon (1950-1951)


Unang Gantimpala – Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza- Matute
Ikalwang Gantimpala – Mabangis na kamay…maamong kamay ni Pedro S. Dandan
Ikatlong Gantimpala – Planeta, Buwan at Nga Bituin ni Elpidio Kapulong
Dula (1953-54)
Unang Gantimpala – hulyo 4, 1954 A, D – Dionisio S. Salazar

3. Nobela

a. Pagkamulat ni Magdalena – Alejandro Abadilla at Elpidio Papulong


b. Mga Ibong Mandaragit – Amado V Hernandez

4. Cultural Heritage Award

1962 a. Isang Pipang Langit – Amado V. Hernandez


1963 b. Tinig ng Darating – Teo S. Baylon
1965 c. Mga Piling Tula – Alejandro Abadilla
1968 d. Damdamin – Inigo Ed. Regalado

F. Panahon ng Aktibismo

1. Mga Manunulat ng Panitikang Rebolusyunaryo

Rolando Tinio
Rogelio Mangahas
Efren Abueg
Rio Alma
Clemente Bautista

2. Kalipunan ng mga Tulang Naisaaklat

Kalikasan – Aniceto Silvestre _at iba Pang Tula – Rio Alma


Mga tula ng Bayan Ko at iba pa – V. G. Suarez
Sitsit sa Kuliglig – Rolando Tinio
Mga Gintong Kaisipan – Segundo Esguerra

G. Panahon ng Bagong Lipunan

1. Panulaan at Awiting Pilipino – Naging nabisang tagahubog ng kalinangan

a. Supling – Ruth Mabango


b. Isang Munting Alamat – Imee Marcos
c. Anak – Freddie Aguilar
d. Kapaligiran – Florante
e. Bagong Lipunan

2. Dulaan

a. Sining kambayoka – MSU


b. Isang munting Alamat – Imee Marcos
c. PETA – Cecille Guidote Alvarez
d. Teatro Filipino- Rolando Tinio

H. Kontemporaryong Panahon

1. Nobela
a. Satanas sa Lupa – Celso Carunugan
b. Dekada 70 at Gapo – Lualhati Bautista

Mga Pangyayaring Makasaysayan

 Abril 19 1898 – Digmaang Kastila Amerikano


 Mayo 1, 1898 – Pinalubog ni Almirante Dewey ang kuta ng mga Kastila (Spanish Armada sa Pamumuno Hen.
Montoho) Emilio Aguinaldo – nagtatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Hongkong
 Pebrero 6, 1899 – Digmaang Pilipino – Amerikano Hen. Gregorio del Pilar – Bayani ng Pasong Tirad at
“Leonidas ng Pilipinas”
 Marso 22, 1901 – Pagdakip kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela Hen. Miguel Malvar – Kahuli-hulihang
Pilipinong Heneral na sumuko sa mga Amerikano
 Abril 16, 1902 – Wakas ng Digmaang Pilipino – Amerikano
 1901 – batas ng Sedisyon
 1907 – batas ng Watawat
 Jose de Vergara (1913) – Ipinalagay na kauna-unahang makata sa Wikang Kastila

Mga Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Amerikano

Hangaring makamit ang Kalayaan


Marubdob na Pagmamahal sa Bayan
Pagtungkol sa Kolonyaliso at imperyalismo

Diwang Nanaig sa panahon ng amerikano

Nasyonalismo
Kalayaan sa pagpapahayag
Paglawak ng karanasan
Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

Mga Pahayagang Makabansa

El Nuevo Dia – Sergio Osmena


El Grito del Pueblo at Tinig ng Bayan – P. Poblete
El Renacemiento – Muling Pagsilang-Rafael Palma
Manila Daily Bulletin – 1900

Taltong Pangkat ng Manunulat

Maka – Kastila
Maka – Ingles
Maka – Tagalog

Mga impluwensya sa pananakop ng mga Amerikano

Pagpapatayo ng mga paaralan


Pagbabago ng sistema ng edukasyon
Pagpapaunlad ng kalusugan at kalinisan
Paggamit ng wikang inges
Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan
Ayon kay Julian C. Balmaceda, ang mga makatang nakilala sa panahon ito ay nababahagi sa tatlong uri:

Makata ng Puso  Lope K Santos, Inigo Ed. Regalado, Jose Corazon De Jesus, Ildefonso Santos, Amado V.
Hernandez, At iba pa
Makata ng Buhay  Lope K Santos, Jose Corazon de Juses, Florentino Collantes, Patricio Mariano at iba pa

Makata ng Dulaan Patricio Mariano, Tomas Remigio, Aurelio Tolentino at iba pa

Mga Manunulat, kanilang mga sagisag/taguri at mga tampok na katha

Manunulat Sagisag/taguri Katha

Francisco Baltazar Balagtas Ama ng panitikang Pilipino Florante at Laura Kay Celia Almanzory Rosalina

Lope K. Santos Berdugo Anakbayan, Apo ng Mananagalog Ang Panggingera, Banaag at Sikat, Puso at Diwa
, Ama ng Balarila

Jose Corazon de Jesus Huseng Batute, Unang Hari ng Balagatasan, Ang Pamana, Ang Pagbabalik Isang Punungkahoy
Huseng Katuwa Paruparong Asul Sundalong
lasing

Amado V. Hernandez Makata ng Manggagawa, Makata ng Anakpawis Walang Lunas Pilipinas Isang Dipang Langit Bayang
Malaya.

Florentino Collantes Kuntil Butil Makata ng Bayan Ang Lumang Simbahan, Ang Tulisan, Ang
Magsasaka.

Juian Cruz Balmazeda Alpahol Itang Barbarin Ang Piso ni Anita Sino ba kayo?

Patrocio Mariano Pedro Manabat Mga Anak-Dalita Huwag lang Lugi ang Puhunan

Severino Reyes Lola Basyang Ama ng Dula at Sarsuelang Walang Sugat, R.I.P
Tagalog
Ildefonso Santos Dimas-Ilaw Silangan Ang Guryon sa Tabi ng Dagat
Hermogenes Ilagan Ka Moneng Dalagang Bukid
Pedro Bucaneg Ama ng Panitikang Ilokano Biag ni Lam-ang
Mariano Perfecto Ama ng Panitikang Bisaya Padre Severino Reyes
Valeriano H. Pena Kintin Kulirat Ama ng Nobelang Tagalog Nena at Neneng
Cirio H. Panganiban Crispin Pinagpala Sa likod ng Altar Veronidia
Jose Villa Panganiban Kastilaloy Mga Butil ng Perlas
Efren Reyes Abueg Ester Aragon Mister Mo, Lover Boy Ko
Alejandro G. Abadilla AGA Ama ng Malayang Taludturan Ako ang Daigdig
P. Modesto De Castro Ama ng Tuluyang Klasika Urbana at Felisa
P. Mariano Pilapil Ama ng Pasyong Pilipino Mga Pasyon
Pascual Poblete Ama ng Pahayagang Pilipino Unang nagsali ng El Grito del Pueblo Ang Kapatid ng Bayan
Noli Me Tangere sa Tagalog
Tomas Pinpin Ama ng Limbagang Pilipino Arte y Reglas de la Lengua Tagala
Juan Crisostomo Ama ng panulaang kapampangan Lidia
Aurelio Tolentino Ama ng Dulang kapampangan Kahapon, Ngayon at Bukas
Casimiro Perfecto Ama ng Panitikang Bikol

Jose Garcia Villa Doveglion Have Come, Am Here Footnote to Youth


Nick Joaquin Quijano de Manila A Portrait of the Artist as Filipino May Day Eve
Manuel L. Quezon Ama ng Wikang Pambansa
Pociano Peralta Pineda Direktor, Surian ng Wikang Pambansa, 1971 Malalim ang Gabi
Jose Rizal Laong Laan Dimasalang Makata at Nobelista ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Mi Ultimo Adios
Propaganda Mamamahayag ng Propaganda, A la Juventud Filipina Sa Aking mga kababata
Dakilang Malayo,
Marcelo h. del Pilar Pupdoh Piping Dilat Plaridel Dolores Manapat Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas Dasalan at
Mamamahayag ng Propaganda Tocsohan Caiigat Cayo
Graciano Lopez-Jaena Mananapumpati ng propaganda Fray Botod El Bandolerism o en Pilipinas
Andres Bonifacio Magdiwang Agapito Bagumbayan Anak Bayan Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Ang dapat Mabatid ng
Ama at Supremo ng Katipunan Dakilang Plebiyo mga Tagalog Tapunan Mo ng Lingap
PANLAHAT NA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO

KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1. Dulog – ito’y set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagtuturo at pagkatuto.
2. Estratehiya – ito’y isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay sa
isang dulog (Anthony, 1963). May tiyak na hakbang sa sinusunod ang bawat metodo o pamamaraan.
Estratehiya ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo.
Halimbawa: ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan o larong pangwika.
3. Kognitibo – ito’y isang estratehiyang nagbibigay ng istruktura na humuhikayat sa pag-unawa at pagsasaulo ng
mga kaalamang pangkaisipan sa pamamaditan ng paggamit ng mga estratehiyang nagtutulak upang mabatid
ang hangganan ng isip.
4. Sosyo-apektibo – ito’y isang estratehiyang ang pukos ay ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao at ang
pagpapahalagang natutuhan.
5. Pansaykomotor – pamamaraang kakakitaan ng kinalabasang kaalaman o pagpapakita ng natutuhan ng mga
mag-aaral. Pagpoproseso ng mga kaalaman natutuhan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapakita ng
kanilang galling at husay.
6. Teknik – mga tiyak na gawaing malinaw na makikita sa pagtuturo at consistent na isang pamamaraan at
katugong dulog. Ito ang tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga
gamiting pagsasanay o Gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.
7. Metakognitibo – ito’y teoryang tumutukoy sa proseso ng pagkatuto, gamit ang estratehiyang tutugon sa
pangangailangan ng iba’t ibang uri ng mag-aaral.
8. Pagdulog interaktibo – tumutukoy sa pagsasangkot sa mga mag-aaral sa makabuluhang interaksyon. Ang
puso ng Komunikasyon at Susi ng isang Dinamikong Pagtuturo.
9. Pagdulog Integratibo – sa pagdulog na ito, malawak na sinisiyasat ang mga mag-aaral ang mga kaalaman sa
iba’t ibang asignatura. Pinag-aaralan at natutuhan ang wika ng buo; magkasanib ang pakiinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat.
10. Pagdulog Kolaboratibo – ito’y nakasentro sa mga mag-aaral na sama-samang gumagawa ng mga Gawain.

II. MGA KATANGIAN NG ISANG MAKABAGO AT MABUTING ESTRATEHIYA

1. Ang mabuting estratehiya ng pagtuturo ay payak at madaling maisakatuparan


2. Ito’y dapat magsangkot ng mga mag-aaral sa lahat ng mga Gawain.
3. Ito’y nagbibigay ng mabuting bunga ng kahihinatnan
4. Ito’y humuhubog ng mabuting pag-uugali at kaasalan ng mga mag-aaral
5. Ito’y humahamon sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral
6. Ito’y dapat magtaglay ng maraming Gawain pangguro kaysa gawaing pang mag-aaral.
7. Ito umano’y makabuluhang kahulugan mga simulain ng pagkatuto at pilosopiya ng pagtuturo.

III. MGA ESTRATIHIYA/PAGDULOG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Ang pagpili ng estratehiya sa pagtuturo ay dapat nagsasaalang-alang sa mga sumusunod na salik:

Gulang

1. Interes, Ang pisikal na kalagayan ng silid-aralan


2. Halaga ng kagamitan kakayahan at karanasan ng mag-aaral, Dapat ding isaalang-alang ang kasanayang
nalilinang at ang kaangkupan ng gagamiting pantulong. Ngunit kahit ano pang pamaraan ang gamitin ng
guro, ang mahalaga ay ang pagpokus sa gamit ng wika at komunikasyon at ang paglinang ng mg mag-aaral
sa mahusay ng komunikasyon sa Filipino.
a. Batay sa pagdulog Integratibo
Pagtuturong tematik – ito’y pagsasanib ng iba’t ibang asignatura upang lalong mapaunlad at maging higit na
makatotohanan ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Pagtuturong batay sa Nilalaman – ito’y pagpili ng nilalaman ng gagamitin sa makabuluhang pagtuturo ng wika
Pagtuklas
Genenic competency
b. Batay sa pagdulog interaktibo
Pagkakasangkot sa mga mag-aaral sa mga makabuluhang interaksyon o Talakayan
Ang talakayan at pagbabahagi at tutugon sa Ideya, karanasan, pamamaraan at kaalaman ng mga Mag-aaral
c. Batay sa pagdulog kolaboratibo
Brain storming – ito’y teknik na gumagamit ng imahinasyon at /kritikal na pag-iisip upang malutas ang isang
problema.
Simposyum – inilalahad ditto ang paksa at nagsasagawa ng malayang talakayan pagkatapos makapaglahad ng
impormasyon at saloobin ang mga tagapagsalita.
Paggamit ng awtentikong materyales – ginagamit sa pagtuturo ang mga babasahin mula sa mga polyeto,
magasin, dyaryo bilang lunsaran o inilalaman ng araling ituturo.

MGA ESTRATEHIYA SA PAGDULOG KOLABORATIBO

STAD (STUDENT TEAM ACHIEVEMENT DIVISIONS) KOMITE


TAI (TEAM ASSISTED INSTRUCTION)
JIGSAW
BRAIN
STORMING
DEBATE
ROLE
PLAY
MULTIPLE INTELLIGENCIES
LEKTYUR-
FORUM
PANEL DISCUSSION
SIMPOSIUM
ROUND TABLE DISCUSSION
OPEN
FORUM
MEET THE PRESS
THINK PAIR SHARE

PAGGAMIT NG AWTENTIKONG GAWAIN

1. Batay sa Pagdulog Komunikatibo Binibigyang pansin ditto ang paglinang ng mga tuntuning sosyo-kultural na
kailangan sa aktuwal na paggamit ng wika. Ang magkatimbing ng pagbibigay-diin sa kayarian ng wika at sa
gamit nito ay isa sa natatanging kakanyahan ng pamaraang komunikatibo.
2. Batay sa pagdulog Komprehensyon
3. Ugnayang Tanong Sagot - ito’y estratehiyang sumasanay sa mga mag-aaral upang magsuri ng mga tanong
tungkol sa binasa.
4. Estratehiyang Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip – ito’y pagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na
magbigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman buhat sa teksto.
5. Estratehiyang Biswal – sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral ay nagbibigay ng malinaw na pag-uugnay sa
mga kaisipan o pangyayari mula sa binasa.
6. Batay sa Pagdulog na Brain-based – Aplikasyon ng prinsipyo ng pagtuturo – pagkatuto. May mga
estratehiyang sinaliksik, at ang mga estratehiyang ito ay ginagamit sa pagtuturo tungo sa pagkatuto ng mga
mag-aaral Halimbawa ng mga teknik : Mga sitwasyon ng mga mag-aaral sa totong buhay paggamit ng iba’t
ibang proyekto na magiging makahulugan, makabuluhan at kaganyak-ganyak simulation hands on activities.
7. Batay sa pagpapataas ng Antas ng Pag-iisip
HIGHER ORDER THINKING SKILLS (HOTS)
Ito’y antas ng pag-iisip at sining nga pagtatanong o pangkat ng mga tanong na may mataas na antas katulad
ng: Tanong pagpapahalaga, Tanong paglikha, Tanong pangangatwiran, Pagtatangi-tangi, Pagpili ng Salungat
at Pagpapahalaga sa Napili, Pagtataya sa Solusyon, Pagpapatibay ng Ideya, Pagsasabi ng Opinyon o kuro-
kuro, Pagbuo ng pagpapasya Batay sa Sariling Pamantayan

Mga Maaring Pagbabatayang Tanong:


Kaalaman, Aplikasyon, Pag-aanalisa, Ebalwasyon, Pang-unawa, Paghinuha, Sintesis, Pagpapabisa

KAGAMITAN SA PAG-IISIP

PAC (PARAPHRASE AS YOU COMPREHEND)


FAW (FORM A WORD)
FAS (FORM A SENTENCE)
SAG (SKETCH APPROPRIATE GRAPHICS)
P-SOLVE (PROBLEM SOLVING)
PASS – TEST
PIN (POSITIVE INTERESTING & NEGATIVE)
LAF (LIST ALL FACTORS)
FOR (FORMULATE RULES)
TAC (THINK ABOUT CONSEQUENCES)
SIP (STATE IMPORTANT PURPOSE)
TOP (THINK OF YOUR PRIORITIES)
LAP (LIST ALTERNATIVES AND POSSIBILITIES)
LOV (LOOK AT OTHERS VIEWPOINT)
MAP (MAKE A PLAN)
MAD (MAKE A DECISION)

MALIKHAING PAG-IISIP pagpapalawak sa kapasidad ng kaisipan na lumilikha o bumubuo ng mga ideya, proseso,
karanasan, bagay o solusyon ng mga suliranin.

PROSESO SA MALIKHAING PAG-IISIP pagtukoy sa suliranin o isyu, pag-iimbestiga sa suliranin o isyu, paglalahad ng
iba’t ibang solusyon, pagpili ng pinakamaraning solusyon

MAPARAANG PAG-IISIP isang sistematikong proseso ng pagtukoy at paggamit ng iba’t ibang estratehiya at taktika
upang mapalawak ang hinahanap o layunin.

PROSESO SA MAPANURING PAG-IISIP magkaroon ng focus, sundin ang pamaraan, maghanap ng solusyon o
estratehiya, piliin ang prayoridad, gumamit ng estratehiya, gumawa ng aksyon

KLASIKONG PAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA

 Pamaraang Grammar Translation – (pamaraaang klasiko) Ang pokus sa pagtuturo ay ang tuntunin sa
balarila, pagsasaulo ng mga talasalitaan at iba’t ibang implikasyon at pagbabanghay ng pandiwa, pagsasalin
at maraming pagsasanay.
 Mga katangian – ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika.
Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan. Binibigay-diin ang pagbasa at pagsulat at halos hindi
nalilinang ang pakikinig at pagsasalita. Pabuod na itinuturo ang balarila. Ang pagbasa ng mga may kahirapang
teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang ang kahandaan ng mga mag-aaral. Mahalaga ang
kawastuhan sa pagsasalita.
 Series Method (Gorin) isang paraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran
(walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilahad sa isang konsepto na
madaling maunawaan ng mag-aaral. Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay
ang transpormasyon ng mga pananaw sa wika sa isang konsepto na madaling maintindahan.
 Ang Pamaraang Direct nananalig ito tulad ng Series Method sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang
wika ay kailangang katulad din ng pag-aangkin ng unang wika-may interaksyong pasalita, natural na gamit
ng wika, walang pagsasalin sa pagitan ng una at pangalawang wika, at halos walang pagsusuri sa mga
tuntuning pambalarila.
 Ang pamaraang Audio-Lingual (ALM) ito ay batay sa teoryang sikolohikal at linggwistiko. mga pangunahing
katangian ng ALM (Prator at Celso-Murcia, 1979) inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong
aralin. Pangunahing estratehiya sa pagkatuto ay ang panggagaya, pagsasaulo ng mga parirala, at pauli-ulit na
pagsasanay. Walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo
at itinuturo ito ayon sa pagkakamit sa pangungusap. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa
pagkakalase.

Ang Designer Methods ng Dekada 70 Ang designer na methods (Nunar, 1989) ay ang mga pinakabago at
pinakamahalagang bunga ng mga pananaliksik pangwika. Community Language Learning (CLL) ito ay isang klasikong
halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin. Ang pagkabahala ay nababawasan dahil ang klase ay
isang komunidad ng mga mag-aaral na lagging nag-aalalayan sa bawat sandal ng pagkaklase. Ang guro ay tumatayo
at bilang isang tagapayo at lagging handa sa anumang pagdadahilan sa pag-aaral dahil sa magandang ugnayan ng
guro at mag-aaral. Ang pamaraang ito ay ekstensyon ng modelong conseling Learning ni Charles a. Curran na
nagbibigay –diin sa pangangilangan ng mga mag-aaral na magsama-sama bilang isang komunidad na binibigyan ng
kaukulang pagpapayo.

Ang Suggestopedia Ang pamamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lazanov (1970), isang sikologong
Bulgarian, na ang utak ng tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung nasa tamang
kalagayan sa pagkatuto – halimabawa: (relaks na kapaligiran)

Mga Katangian Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging panatag
ang kaloobn. Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may maririnig na mahinang
tugtugin. Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension: ang may kamatayan (conscious) kung saan nakikinig
sa isang binabasang diyalogo at ang kawalang-kamalayan (sub-conscious) kung saan ang musikang maririnig ay
nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali. Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin at
drama.

Ang Silent Way Nanghahawak sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinauubaya sa mga mag-aaral ang
kanilang pagkatuto (Gat tegno, 1972) Ang silent Way kay Richards and Rogers, 1986 ay batay sa: Mas mabilis ang
pagkatuto kung ang mag-aaral ang tutuklas o lilikha ng mga sariling Gawain sa halip na ipasaulo o ipaulit nang
maraming beses kung ano ang natutuhan. Napadadali ang pagktuto sa tulong ng mga kagamitang panturo tulad ng
mga bagay na makikita at mahahawakan ng mga mag-aaral. Napadadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga
araling kinapapalooban ng mga Gawain sa may suliraning tutuklasin ang mga mag-aaral.

Mga Katangian Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng mga mag-aaral ang sariling
pagkatuto. Tahimik ang guro ng maraming oras, ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig sa mga mag-
aaral. Di gumagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay itinuturing na pinagmulan ng kaalaman ng mag-aaral.

Ang Total Physical Response (TPR) ito ay dinevelop ni John Asher (1977). Ang pamaraang ito’y humango ng kaisipan
sa Series Method. Ang isang tipikal na TPR na pamaraan ay gumagamit ng maraming kayarian sa pagsasalita na nag-
uutos. Ang mga pag-uutos ay payak at madaling isagawa. Ito’y mabisang paraan upang ang mga mag-aaral ay
kumilos at gumalaw nang may kawilihan.
1. Nagsisismula ang mga aralin sa pamamagitan ng mga utos mula sa titser na isinasagawa ng mga mag-aaral.
2. May interaksyong guro-mag-aaral-mag-aaral, nagsasalita ang guro, tumutugon ang mga mag-aaral.
3. Binibigyan diin ang komunikasyong pasalita.

Ang Natural Approach ito ay idenevelop ni Tracy Terrel. Nilalayon ng Natural Approach na malinang ang mga
personal na batayan tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya na pakikiusap, pakikinig,
at iba pa. Ayon kina krasten at Terrel, sa Natural Approach, ang mag-aaral ay dumaraan sa tatlong yugto ng
pagkatuto.

Yugtong preproduction. Nililinang ang mga kasanayan sa pakikinig

Early production – kakikitaan ng mgapagkakamali habang nagpupumilit ang mga bata sa oaggamit ng wika.

Ekstensyon ng production – layunin ng yugtong ito ang katatasan sa pagsasalita. Ang mga aktibidad ay mahihirap na
laro, role play, dayalog talakayan, at pangkatang Gawain.

Sitwasyunal. Bawat aralin ay kontekswalisado sa isang sitwasyon at lahat ng usapan sa dayalog ay umikot sa nasabing
sitwasyon. Gumagamit ng iba’t ibang biswal at mga tunay na bagay upang mabigyang buhay. (Hal. Pamimili sa
tindahan, pagdalo sa parti, pagsagot sa telepono, at iba pa)

Mga Tradisyunal na Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika

 Ang Pamaraang Pabuod – nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi nalalaman.Angkop gamitin sa


pagtuturo kaugnay ng tuntunin o pagkakroon ng isang paglalahat o generalization.
 Pamaraang pasaklaw – kabaligtaran ng pamaraang pabuod. Ito ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin
patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa.
 Pamaraang Pabalak – ginagamit sa anumang asignatura na may nilalayon magsagawa ng proyekto. Ditto
nalilinang ang kakayahan at kasanayan sa pagpaplano sa pagsusuri sa pagpapahayag at sa pagpapasya.
Nahuhubog din ng mga mag-aaral sa mga magagandang asal tulad ng pakikipagtulungan at pagiging isport.
 Araling pagpapahalaga – ginagamit na may layuning mapahalagahan ng mga mag-aaral ang ganda ng isang
tula, kuwento, awitin, tugtugin o anumang likhang sining.
 Pamaraang Pagtuklas – nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makatuklas ng kaalaman, mga
konsepto, kaisipan, simulain, at mga paglalahat. Ang guro ay gumaganap na tungkuling bilang tagasubaybay
lamang. Hindi siya nagdidikta na kaalaman o konsepto na dapat malaman ng mag-aaral.
 Pagdulog konseptwal – (learning how to learn) – Nagbibigay-diin ito sa pag-aaral ng kaisipan o konsepto.
Ang kaalaman ng mag-aaral sa iba’t ibang kaisipan ay makatutulong sa kanya sa paglutas ng mga suliranin sa
kanyang buhay o para sa kanyang pakikipamuhay sa lipunan.
 Pamaraang Microwave – isang pamaraang ginagamitan ng mga siklo o cycles. Ang siklo ay binubuo ng
maikling usapan na karaniwan ay tanong at sagot sa pangungusap na pasalaysay.

PAGSASALINGWIKA Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat o pagsasalin ng wika sa pinakamalapin na katumbas ng
diwa o mensaheng isinasaad sa wikang isinasalin. Katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika.
Kadalubhasaan sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Sapat na kaalaman sa kulturang kinabubuhulan ng
salawang bansang kasangkot sa pagsasalin. Ganap na kaalaman sa paksa. Sapat na kaalaman sa balarila ng dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin.

Mga Paraan ng Pagsasalin

 Sansalita –bawat-sansalita-isang-isang pagtutumbas ng kahulugan ng salita.


 Literal – ang pahayag sa pinagmulang wika ay isinasalin sa pinakamalapit sa gramatiko na pagkakabuo ng
wikang pinagsalinan.
 Adaptasyon – itinuturing itong pinakamalaya na kung minsan ay malayo na sa orihinal.
 Malaya – Malaya ito o walang control at parang hindi na isang salin.
 Matapat – sinisikap nito na makagawa ng eksakto o katulad na kahulugang kontektwal ng orihinal.
 Idyomatikong salin – mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin.
 Saling semantika – pinagtutuunan ang halagang estetiko gaya ng maganda at natural na tunog.
 Komunikatibong salin – nagtatangka itong isalin ang eksaktong kontekswal na kahulugan ng orihinal sa
wikang katanggap tanggap at madaling maunawaan ng mambabasa.

MGA URI NG PAGSASALIN

 Pagsasaling teknikal –may kinalaman ito sa agham, kalikasan, lipunan at sa mga disiplinang akademiko.
 Pagsasaling pampanitikan – pag-aangkop ng akdang pampanitikan sa panibagong kalagayang pampanitikan
na nagtataglay rin ng mga katangian, istilo at himig ng akdang pampanitikan.

PANGKATANG PATNUBAY SA PAGSASALIN

Kaisipan ang isinasalin, hindi mga salita. Suriin kung ang mga pahayag ay idyoma. Basahin at unawain ang artikulong
isinasalin. Isalin ang pangungusap ayon sa diwang tinataglay, maging consistent sa paggamit ng salita. Basahin muli
ang artikulo pagkatapos masalin. Gamitin ang ekspresyong dayuhan kung walang katumbas sa Filipino

PANANALIKSIK – Ang pananaliksik ay ang paghahanap ng teorya, pagsubok sa pananaw, teorya o paglutas ng
suliranin. Ang siyentipikong pananaliksik ay sistematiko, kontrolado, empirical, at kritikal na imbistigasyon tungkol sa
ipinalalagay na relasyon ng mga likas na phenomena. (Sevilla,2000)

HALIMBAWA NG BALANGKAS NG TESIS

 Kabanata 1 –Ang Suliranin at ang kpaligiran nito


 Kabanata II – Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
 Kabanata III – Metodolohiya at Pamamaraan ng Pananaliksik
 Kabanata IV – Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapaliwanag ng mga Datus
 Kabanata V – Buod, Konklusyon, Rekomedasyon

Mga Paraan ng Pananaliksik

 Palarawang Pamaraan –naglalarawan at nagbibigay ng kahulugan kung ano ito. Ito ay may kinalaman sa mga
konddisyon ng mga ugnayang nagagamap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagaganap:
(Sevilla,2000)
 Eksperimental na Paraan – ito ay naging pinakatanyag na paraan ng pagsusulong ng kaalaman sa agham.
Ayon kay Gay (1976) ito lamang ay pamaraan ng pananaliksik na tunay na nakasusubok sa palagay tungkol sa
ugnayang sanhi at bunga.
 Pananaliksik na Historikal – tumutukoy ito sa mga tagpuan na mapagkukunan ng mananaliksik ng datos
primary o sekundarya man. Ito ay pagtinginn sa nakaraan upang makatulong sa pag-alam kung ano ang
gagawin ngayon at sa kinabukasan.

Ilang katawagan sa Pananaliksik

 Realibility –Ganap na kawastuhan ng datos, ang katatagan at katumpakan at ang kakayahan nitong mauulit.
 Validity – ang sukat ng lawak ng pagtatamo ng mga layunin na hinahangad na matamo o masukat.
 Baryabol – mga katangian ng iyong iniimbistigahan sa pag-aaral.
 Kahulugang Operayunal – tinatawag din itong functional definition o ayon sa pagkakagamit ng
terminolohiya sa imbestigasyon.
 Konseptwal na depinisyon – ito ay ang depinisyon na batay o mula sa mga diksyunaryo.
 Random Sampling – ito ay isang pamaraan ng pagpili ng laki ng sampol, mula sa pangkalahatan kung saan
ang bawat miyembro ng populasyon na mapasama sa sampol at ang lahat ng posibleng kumbinasyon ng
sukat ay may pantay-pantay na pagkakataong mapili sa sampol.
PAMAMAHAYAG

 Ang pamamahayag ay sining ng pagsulat at pagwawasto ng mga artikulo para sa magasin o pahayagan.
 Ang simulain ng pamamahayag ay pananagutan, kalayaan ng pahayagan, pagsasarili, katapatan,
katotohanan, at ganap na kawastuhan, walang kinikilingan, makatarungan pakikitungo at magandang
kaasalan.
 Kabilang sa mga Gawain ng pamahayagang pampaaralan ay pangangalap at pagbuo ng balita, at balitang
pang isports, pagsulat ng editorial, kolum mga lathalain, pagwawasto ng orihinal, pag-uulo ng pahina at
photo journalism.

Balita – anumang ulat, pasalita o pasulat ukol sa pangyayaring hindi karaniwan, napapanahon, makatawag pansin at
kawilihan ng mambabasa, nakagaganyak at nakalilibang, totoo, bagay na kagaganap lamang o natuklasan sa unang
pagkakataon.

Editorial – kuro-kuro ng patnugutan hinggil sa mahalaga at napapanahong isyu.

Lathalain – ulat ng mga pangyayaring namasid, nasaksihan o nasaliksik na nakasulat sa kawili-wiling paraan.

Pagwawasto ng orihinal na balita sa pagwawasto, mahalagang mabalikaralan ang mga panuntunan sa pagwawasto
tulad ng pagtiyak sa katumpakan ng mga detalye at nalalaman, pagtiyak sa kayarian, pagwawasto sa mga kamalian
sa balarila tulad ng kayarian ng pangungusap at pagbaybay at iba pa.

Pag-uulo (Headlining) Ang pag-uulo ay may dalawang layunin: makatawag pansin ng mambabasa at masabi kung
tungkol saan ang artikulo.

Mga Uri ng Ulo

 Banner –ulo ng pinakamahalagang balita


 Deck o bank – pangalawang pangulo na nasa ibaba ng pinakaulo na nasusulat sa mas maliit na letra.
 Flush left – pantay sa kaliwa
 Tagline o kicks – pananda ng pinakaulo na inilalagay sa itaas nito
 Downstyle – lahat ay nasa maliit na letra, maliban sa unang letra ng unang salita at unang letra ng mga
pangalang pantangi

Ang Pag-aanyo ng Pahina ay ang pagsasaayos ng mga artikulo at larawan sa bawat pahina ng pahayagan.

Mga simulain sinusunod sa pag-aanyo

 Timbang –ito ay ang pantay-pantay na distribusyon ng bigat sa isang pahina


 Galaw – matatamo ito sa pamamagitan ng pag-iiwas sa paglalapit ng ulo ng dalawang balita.
 Diin – matatamo ito sa pamamagitan ng pag-iiba sa uri, laki ng tipo at paglalagay ng piakamahalagang balita
sa itaas na bahagi ng pahina
 Kaisahan – natatamo ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng maliliit na ulo sa mahaba at
mahalagang balita. Pag-iiba-iba—matatamo ito sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang haba ng artikulo
at laki ng ulo.

You might also like