You are on page 1of 4

Tingnan sa kanila kung sino at alin.

Bulaklak ng Lahing Kalinis-


PARU-PARO:
linisan Sa aking paglanghap ay laon nang patay
Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang
(Balagtasan)
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.
- Jose Corazon de Jesus
Ang bulaklak ko pong pinakaiirog
LAKAN-DIWA:
Ubod na ng ganda’t puti ang talulot,
Yamang ako’y siyang Haring inihalal
Bulaklak poi to ng lupang Tagalog,
Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Kapatak na luhang pangala’y kampupot.
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.
Kung kaya po naman di ko masansala
Ang taghoy ng dibdib na kanyang  dinaya,
Ang makasasali’y batikang makata
Matapos na siya’y diligan ng luha
At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.
Isang dapit-hapong palubog ang Araw
Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas
- Paruparo, anya kita’y tatalian,
Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.
Isang panyong puting myay dagta ng lason
Ang sa aking mata’y itinakip noon,
At sa gabing ito’y sa harap ng bayan
At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
Binubuksan ko na itong Balagtasan
Nagtago pa mandin at aking hinabol.
Saka ang ibig kong dito’y pag-sapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.
Hinabul-habol ko ang bango at samyo
Hanggang makarating ako sa malayo,
Tinatawagan ko ang mga makata,
At nang alisin na ang takip na panyo
Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Wala si Kampupot, wala yaring puso.
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa Sariling Wika.
Ang taguang biro’y naging totohanan
Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
PARU-PARO:
At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
Magandang gabi sa kanilang lahat
Baliw na mistula sa pagsisintahan.
Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paru-parong may itim na pakpak
Sa lahat ng sulok at lahat ng panig
At nagbabalita ng masamang oras.
Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip,
Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,
Naging paru-paro sa gitna ng tula
Sa apat na sulok ng mundong payapa
At isang bulaklak ang pinipithaya.
Ang aking anino’y tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata’y may luha,
Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.
Sa ulilang harding pinanggalingan ko
Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal,
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito
Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
Ay may kabanguhang binubuhay ako.
At kung si Kampupot ay ayw po naman,
Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.
May ilang taon nang nagtampo sa akin
Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
BUBUYOG:
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, 
Hindi mangyayari at ang puso niya’y
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.
Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo,
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.
Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo,
At si Laka-ILaw ang gagamitin ko
Pusong pinagtali ng isang pag-ibig
Upang matalunton ang naglahong bango.
Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,
LAKAN-DIWA
Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.
Sa kapangyarihan na taglay ko na rin
Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
Ang dalawang ibon na magkasintahan,
Magtuloy po kayo at ditto sa hardin,
Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, Lumubog ang araw hanggang sa dumilim
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan, Giliw kong bulaklak dir in dumarating,
Nang kinabukasa’t muling nangulimlim
Paruparong sawing may pakpak na itim Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.
Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw Nilipad ko halos ang taas ng langit
Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin. At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo Kung dimakita’y din a magbabalik.
At sa kasawia’y magkauri tayo,
Ako ma’y mayroong nawawalang bango Sa malaong araw na nilipad-lipad
Ng isang bulaklak kaya naparito. Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya namukadkad
Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap Di ko papayagang mapaibang palad.
Bawat salita mo’y matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, Luksang Paruparo, kampupot na iyan,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap. Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang balik kong katamis-tamisan
Ipahintulot mo, Paruparong luksa, Sa talulot niya ay nakalarawan.
Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila, PARUPARO:
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita. Hindi mangyayaring sa isang bulaklak
Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
PARUPARO: Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.
Lalo’t magniningning ang isang katwiran,
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang
Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan. Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
LAKAN-DIWA: Sino ang malapit sa pagliligawan?
Magsalita kayo at ipaliwanang
Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, Una muna akong nag-uod sa sanga
Paano at saan ninyo napagmalas Na ballot ng sapot ng pagkaulila,
Na ito ang siya ninyong hinhanap? Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulo’t dahon naming ay magkasama na.
BUBUYOG:
Sa isang malungkot at ulilang hardin Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw
Ang binhi ng isang halama’y sumupling, Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
Sa butas ng bakod na tahanan naming At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,
Ay kasabay akong isinisilang din. Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

Nang iyang halama’y lumaki, umunlad, Sa kanyang talulot kung may dumadaloy
Lumaki ako’t tumibay ang pakpak, Na patak ng hamog, aking iniinom;
At nang sa butas ko ako’y makalipad Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Ang unang hinagka’y katabing bulaklak. Sa init ng Araw sa buong maghapon.

Sa kanyang talulot unang isinangla Paano ngang siya ay pagkakamalan


Ang tamis ng aking halik na sariwa, Sa kami’y lumaki sa iisang tangkay,
At sa aking bulong na matalinghaga Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya. Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.

Nang mamukadkad na ang aking kampupot BUBUYOG:


Sa araw at gabi ako’y nagtatanod, Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig
Langgam at tutubing dumapo sa ubod Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Sa panibugho ko’y aking tinatapos. Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.
Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan
Habang ako’y kanlong sa isang halaman, Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Ang aking halakhak ay nakabulahaw. Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Ang inyong taguan, akala ko’y biro, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.
Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;
Sa akin man pala ay nakapagtago. Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod.
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.
LAKAN-DIWA:
PARUPARO: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,
Akong malapit na’y napipintasan mo, Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no? Yamang di-malan ang may-ari nito,
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, Kampupot na iya’y paghatian ninyo.
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.
BUBUYOG:
Bubuyog na laging may ungol at bulong Kapag hahatiin ang aking bulaklak
Ay nakayayamot saanman pumaroon, Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;
At ang katawan mo’y mayrong karayom Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap
Pano kang lalapit, di naduro tuloy? Kaya ang talulot niya ang malagas.

Di ka humahalik sa mga bulaklak, PARUPARO:


Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Kung hahatiin po’y ayoko rin naman
Ang mga bintana’y iyong binubutas, Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
O buo wala nguni’t akin lamang.
Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,
Iyong mgabulong ay naririnig ko; LAKAN-DIWA:
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo Maging si Solomong kilabot sa dunong
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo. Dito’y masisira sa gawang paghatol;
BUBUYOG: Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Kundi iniibig ang nakikiusap Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.
Lalo na ang tahimik na  tatapat-tapat,
Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad Ipahintulot pong sa mutyang narito
Lalo na ang dungong di makapangusap. Na siyang kampupot sabihin kung sino,
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
Lilipad-lipad ka na payao’t ditto O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.
Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pagligaw-matandang sa panahong ito KAMPUPOT:
Pagtatawanan ka ng liligawan mo. Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, Ay kapwa hindi ko sila iniibig.
Nguni’t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod? PARUPARO:
Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
Saka, Paruparo, dapat mong malamang Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Sa mula’t mula pa’y di ka minamahal, Limot mo na bagang sa buong magdamag
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.
KAMPUPOT:
PARUPARO: Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong
Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib, Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid, Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig At di inakala na sinuman yaon.
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.
BUBUYOG:
BUBUYOG: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
Dadayain ka nga’t taksil kang talaga Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
At sa mga daho’y nagtatago ka pa. Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyo’y di mo ba narinig?
PARUPARO:
Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa KAMPUPOT:
Sa taglay kong bulo nilason na kita. Tila nga, tila nga ako’y may napansing
Daing at panaghoy na kung saan galing,
BUBUYOG: Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hangin
Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot. At di inakala na sinuma’t alin.

BUBUYOG: BUBUYOG:
Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod. Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
PARUPARO: PARUPARO:
Dito natunayan yaong kawikaan
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.

SABAY: BUBYOG AT PARUPARO:


Ang isang sanglang naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang libing.

LAKAN-DIWA:
Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kaya’t nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro,


Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,
At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.

(Pagkatapos makatula ni Paruparo)

LAKAN-DIWA:
Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos makatula ni Bubuyog)

Minamahal nami’t sinisintang bayan,


Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,

You might also like