You are on page 1of 3

Ang hiling ko ngayong Pasko

Ni Paul Victor L. Tamuria

Alas siyete y medya na ng gabi, sa wakas natapos din ang isa’t kalahating oras ng klase. Nag –
uunahan na naman sa pinto ang mga kaklase ko upang makalabas ng kwartong iyon. Nakakapagod ang
huling subject na ‘yon sa major namin, tutuyuin ang utak mo sa kaso – solve ng kung anu – anong Science
problems. Minsan tuloy, naisip ko, kailangan ba talagang pag – aralan ang lahat ng iyon.
Sama ka?
Saan?
Sa plaza, tambay tayo sabado naman bukas diba?
Gusto ko sanang sumama, subrang mapang – akit sa pandinig ang sinabing iyon ng kaklase ko.
Madalas kasi naming iyong ginagawa tuwing weekend. Maglakad – lakad sa plaza at gawan ng kwento ang
mga taong nagdaraan. Magtatawanan at kanya kanyang labasan ng kayabangan.
Hindi muna siguro, sa susunod na lang, pass muna ako ngayon.
Ganoon ba, sige bahala ka mami – miss mo ang isang gabi ng buhay mo…sabay tawanan ang mga
ka – klase ko.
Sige na, lakad na kayo baka magbago pa ang isip ko nyan.
Ooopss… ‘tadong kotse yon ah, nakita nang school zone hindi nagmi – menor.
Bakit kaya may mga ganuong drayber? Masyadong reckless, hindi ba nila alam na dapat mabagal
lang magpatakbo kapag malapit sa mga eskwelahan?
Bakit ko nga ba pino - problema ang mga bagay na iyon. Kailangan ko ng makauwi, nagugutom na
ako. Mabuti na lang may jeep agad na dumaan, hindi ko na kailangang maghintay ng matagal bago
makasakay.
Ano kayang hapunan sa bahay? Masarap kaya ang niluto ni nanay? Kahapon manok ang ulam
namin. Natanggap na daw kasi ni tatay ang Christmas bonus niya kaya nakabili ng masarap na pang – ulam.
Haaay si tatay, hindi pa rin nagbabago, kaya nga mahal na mahal ko yon eh, mataas ang pangarap
para sa aming magkakapatid. Patuloy kaming iginagapang mula sa kakarampot na kinikita sa pagiging guro
sa pampublikong paaralan. Si nanay naman, nagpapakapagod sa pagluluto ng turon, banana cue at maruya
at itinitinda sa maliit na pwesto sa may kanto tuwing oras ng meryenda. Kinabisado ni nanay ang lahat ng
paraan ng pagluluto ng saging upang makatulong kay tatay.
Kawawa naman sila… di bale makakatapos na ako ngayong taon, kahit papaano makakatulong na
ako sa pamilya naming.
Mama, para po sa tabi!
Teka, bakit maliwanag at maraming tao sa aming bahay?
Bumilis ang tibok ng dibdib ko at biglang nakaramdam ng kaba, kanina ko pa iyon nararamdaman
ngunit hindi ko lamang binigyan ng gaanong pansin, dala lang marahil iyon ng muntik ng pagkakahagip sa
akin ng kotse kanina.
Pero bakit nga kaya maraming tao sa bahay?
Lalong bumilis ang kaba ng dibdib ko habang papalapit ako sa aming bahay. Huwag naman sana...
Samot – saring masasamang isipin ang pumapasok sa utak ko.
Si nanay?...si tatay?... Obet?...bunso?...
Hindi, alinman doon ay wala sa totong nangyari. Subalit unti – unting tumutulo ang luha sa aking
mga mata habang pilit kong iwinawaksi sa aking isipan ang mga bagay na iyon. Bakit may kabaong sa loob
ng aming bahay? Gusto kong tumakbo upang tingnan kung sino ang nasa loob niyon ngunit ayaw sumunod
ng aking mga paa. Nanatili ako sa may pintuan na hinang – hina. Gusto kong mabuwal sa pagkakatayo
sumigaw ng malakas ngunit walang tinig na gusting lumabas sa aking bibig. Wala akong magawa kundi
hayaang umagos ng tuluyan ang luha sa aking mga mata.
Maya – maya’y nakita ko si tatay habang pilit na inaalo si nanay na walang tigil sa pag iyak sa harap
ng kabaong na iyon. Kahit papaano’y nakahinga ako ng maluwag. Wala kina nanay o tatay ang nasa loob
ng kabaong na iyon.
Si Obet? Nasaan si Obet?
Nanay, tama na po. Nakita kong papalapit si Obet kay nanay upang aluin ito.
Kung hindi si nanay, si tatay, o si Obet ang laman ng kabaong?... kinakapos ako ng hininga.
Si bunso… pilit kong inihakbang ang aking mabibigat na mga paa papalapit kina nanay at tatay.
‘Tay, anong nangyari kay bunso?
Nanay, sagutin nyo po ako, anong nangyari kay bunso? Ngunit si nanay man ay hindi ako pinansin.
Kahit anong gawin kong pag – iyak ay hindi man lang nila ako niyakap sa halip ay bumaling sa harap ng
salamin ng kabaong at duon isinubsob ang kanyang mukha habang umiiyak. Naawa ako kay nanay. Bakit
kailangang pagdaanan namin ito? Bakit si bunso pa, napakabata nya pa upang mamatay.
Hinayaan ko muna si nanay na umiyak. Napakasakit ang mawalan ng anak lalo pa’t si bunso.
Umupo muna ako sa upuang nasa harap. Mahirap tanggapin ang katotohanang kulang na ang aming
pamilya.
“Kawawa naman ang batang iyan, magtatapos pa naman sana iyan ngayong taon”. Narinig kong
sabi ng isang ale sa kanyang kausap.
“Ano daw ba talaga ang totoong nangyari?... patuloy ng isa.
“Nabunggo raw ng isang rumaragasang sasakyan kanina habang tumatawid ng lansangan. Kung
bakit kasi may mga drayber na hindi marunong mag – ingat sa pagmamaneho.”
Tama ba ang narinig ko? Naaksidente kaya namatay ang nasa loob ng kabaong? Hindi pa naman
pumapasok ng paaralan si bunso ah. Kung gayon ay sino ang nasa loob ng kabaong?
Muling bumilis ang tibok ng dibdib ko. Pinilit kong tumayo upang makalapit sa kabaong para
tingnan kung sino ang nasa loob niyon. Mabibigat pa rin ang aking mga paa ngunit pinilit kong makalapit.
Unti – unti kong tiningnan ang loob ng kabaong at muli akong nagulat sa aking nakita. Ano ang ginagawa
ko sa loob ng kabaong na iyon?
Bumaling ako kay nanay. Mabilis na nag – unahang pumatak ang luha sa aking mga mata. Nandito
po ako, hindi po ako patay. Buhay pa po ako, ‘nay… habang umiiyak ng malakas.
Lalo kong nilakasan ang aking pag – iyak ngunit hindi pa rin ako marinig ni nanay.
Unti – unti akong nanghina at nalupaypay sa sahig sa aking natuklasan. Bakit ako nasa loob ng
kabaong at pinaglalamayan? Patay na ba talaga ako? Pero paano nangyari iyon? Kanina lang ay sumakay
ako ng jeep para makauwi.
“Ayusin agad natin ang pagpapalibing dahil ayaw kong paglamayan ng matagal ang ating anak.
Habang tumatagal ay mas nagiging masakit ang katutuhanang tayo ang maglilibing sa ating anak. Hindi
dapat ganito ang nangyari. Dapat tayo ang inililibing ng ating mga anak”. Habang humahagulgol ay
narining kong sabi ni nanay kay tatay.
“Ako man ay labis na nasasaktan”. Tugon ni tatay. Gusto kong isipin na umalis lamang ang ating
anak at babalik din.
Dumating ang araw ng aking libing. Hindi ko pa rin matanggap na patay na ako. Masakit makita ang
sarili na unti – unting tinatabunan ng lupa patungo sa huling hantungan. Marami akong naalala, marami
pa akong hindi nagagawa para sa aking pamilya. Pero alinman duon ay hindi ko na magagawa. Ni hindi ko
man lang nasabi sa kanila na mahal na mahal ko sila. Bakit ngayon pa? Kung kailan malapit na mag – pasko.
Hindi man lang ako nagkaroon ng pakakataon na ipagdiwang ang pasko kasama nila kahit sa huling
pagkakataon. Sana’y naranasan namin ang huling pasko na buo at magkakasama ang pamilya.
Ngunit wala na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanang inihahatid na ako sa aking
huling hantungan. Paalam.
“Boy, nakadalawang ikot na tayo, saan ka ba bababa?

You might also like