You are on page 1of 3

Puting Usa

Ayon sa aking lola,gabi noon at kay dilim at walang kagalaw-galaw ang mga dahon ng kahoy sa gubat.
Ang maririnig paminsan-minsan ay huni ng mga ibon na nagmumula sa malayo. Katulad ng ibang
Dumagat, si Tingal ay kailangang mangaso upang makahuli ng baboy-ramo, usa at matsing.Natutulog
daw noon si Bandina, ang kanyang maybahay at munting anak sa kanilang kubo. Naalaala ni tingal
kung bakit ang kanyang anak ay umiyak nang umagang iyon. Wala siyang makain at gutom na gutom.
Idinalangin ni Tingal sa Bathala na siya’y palarin sa pangangaso.
Mga oras ang lumipas sa paghihintay subalit walang hayop na dumating hanggang sa hindi na niya
mapaglabanan ang kanyang antok. Kumapal man din ang talukap ng kanyang mga mata at maya-maya
pa’y napahiga sa lupa at nakatulog.
May lumagutok sa sanga ng kahoy kaya siya’y nagulantang sa nalikhang ingay nito. Kanyang
hinagilap agad ang kanyang pana at iniumang. Sa hindi kalayuan, sa kalapit ng batis ay namataan
siyang nanginginaing usa. Ang ipinagtataka niya ayon s aking lola ay kung bakit ito ay puting-puti at
naaninag niya na napakaganda ang kanyang mga sungay.
Nagandahan siya umano sa munting usa at binalak daw niya na ulamin ito para din sa kanyang mag-
ina.Ngunit may narinig daw siya na boses na tila nagsasabing huwag patayin ang usa.May narinig siya
sa usa na huwag siya patayin bagkus bibigyan na lang siya ng isang kahilingan kaya naisipan niyang
pinag lalaruan siya ng isang tikbalang.
Itinaas ni Tingal ang kanyang pana. Kanya itong pinakawalan at presto, tinamaan ang dibdib ng puting
usa.
Ayon kay lola nagalit daw ang usa at maghihiganti ang diyos ng kabundukan.Masayang-masaya
siyang sinalubong ng kanyang asawa’t anak. Si Bandina ay nagpuyos ng mga siit at gumawa ng apoy.
Ang anak nama’y tuwang-tuwa pagka’t ang magagandang sungay ng usa ay ipinangako sa kanya
upang gawin niyang laruan.
Dagdag pa ng aking lola,nag-ihaw sila ng mga pirasong karne at ito’y pinagsaluhan samantalang
ikinukuwento ni Tingal ang pagsusumamo ng usa bago ito kanyang pinana.Lumipas ang ilang araw at
si Tingal ay nagkasakit ng malubha hinala nila ay dahil un sa putting usa na kanilang
pinagsaluhan,walang makalunas sa kanyang sakit .Di kalaunan siya ay namatay at inilibang kung saan
niya piñata ang putting usa.Simula noon wala ng nangahas na mangitil ng puting usa.
Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-
kanyang kagandahang taglay. Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at
malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may
lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas
na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isang gulay na
umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang
kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag. Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi
ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama
sa kapwa niyang mga gulay. Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang
katangian ng mga gulay at kanyang isinuot. Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na
hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-
tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan. Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may
gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na
kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya. Nagalit ang
mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong nila ang ginawang
pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha
sa mga kapwa niya gulay. Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang
kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang kanyang
anyo. Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-
away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi
magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging
madilim na luntian. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi
nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.
Alamat ng Pilipinas

Noong unang panahon ay wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon lamang maliliit
na mga pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo ay may nakatira ditong isang higante. Ang kweba
nya ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang kanyang tatlong anak na
babae na sina Minda, Lus at Bisaya. Isang araw kinakailangang umalis ng amang higante upang mangaso
sa kabilang pulo. Kailangang maiwan ang tatlong magkakapatid kaya pinag sabihan niya ang tatlo.
“Huwag kayong lumabas ng ating kweba,” ang bilin ng ama. “Dyan lamang kayo sa loob dahil may mga
panganib sa labas. Hintayin ninyo ako sa loob ng kweba.” Nang makaalis na ang amang higante, naglinis
ng kweba ang magkakapatid. Inayos nila itong mabuti para masiyahan ang kanilang ama. Subalit hindi
nila katulong sa paggawa si Minda. Hindi ito masunurin sa ama. Lumabas pala si Minda at namasyal sa
may dagat. Hindi man lamang nagsabi sa mga kapatid. Tuwang-tuwa si Minda na naglalaro ng mga along
nanggagaling sa dagat. Namasyal sya at hindi nya napansin na malayo na pala sya sa tabi ng dagat.
Habang sya ay naglalakad, isang napakalaking alon na masasabing dambuhala ang lumamon kay Minda.
Nagsisigaw sya habang tinatangay ng malaking alon sa gitna dagat. “Tulungan ninyo ako!” sigaw ni
Minda. Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni Minda. Abot ang sigaw sa loob ng kweba kaya tumigil sa
paggawa ang dalawa. “Si Minda humihingi ng tulong!” sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata sa
pagkagulat. “Oo nga! Halika na!” yaya ni Bisaya. “Bakit kaya?” Mabilis silang tumakbo sa may dagat.
Tingin dito, tingin doon. Nakita nila sisinghap-singhap sa tubig ang kapatid. “Hayon sa malayo!” sigaw
sabay turo ni Lus. “Hindi marunong lumangoy si Minda ah!” sabi ni Bisaya at tumakbo na naman ang
dalawa. Sabay iyak ni Lus. Mabilis nilang nilusong si Minda, malalim pala doon. Inabot nila ang kamay
nila sa kapatid. Pati sila ay nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak sigaw at
walang tigil na kawag. Sa kasamaang palad ang tatlong dalagang higante ay hindi na nakaahon. Nang
dumating ang amang higante nagtataka siya bakit walang sumalubong sa kanya. Dati-rati ay nakasigaw na
sa tuwa ang tatlo nyang anak kung dumating sya. Wala ang tatlo sa kweba, ni isa ay wala roon. “Saan
kaya nagtungo ang tatlo kong anak?” Tanong nya sa sarili. “Saan kayo Lus, Minda, Bisaya!” Walang
sumasagot, hinanap niya sila sa paligid ngunit wala sila roon. Pinuntahan niya ang ilang malapit na pulo,
ni anino ay wala. “Baka may pumuntang tao at dinala silang pilit,” sabi ng higante sa sarili. Biglang
umalon ulit at dumagundong, napalingon ang ama at naisip niya na baka nalunod ang tatlo. Dumako pa
sya sa malayo at hindi nagkamali ang higante. Nakita niya ang labi ng ilang pirasong damit na nakasabit
sa bato. Para tuloy niyang nakita ang tatlong kamay na nakataas at humihingi ng saklolo. Naalala niya
bigla na hindi niya pinayagang lumabas ang mga ito. Tumalon sa dagat ang higante. Sa isip lamang pala
niya ang larawan ng tatlong kamay na nakataas, nawalan siya ng lakas. “Mga anak! Ano pa? Wala na”
himutok ng ama. Nawalan na siya ng ganang kumain. Tumayo, umupo, tumingin sa malayo. Isa-isang
hinagod ng tingin ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. At sa pagod at hapis napahilig sa isang
bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog ang nagawa ng kawawang higante. Nang magising ang
higante, kinusot niya ang kanyang mga mata. May nakita siyang wala doon dati. Tumayo bigla at
tiningnan mabuti. “Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito?” Tanong sa
sarili, lalong lungkot ang naramdaman ng amang ulila. “Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at
Bisaya ito!” ang sabi niyang malakas. At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong
pulo. Dito nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa gawing timog ng Asya. Bahagi ito ng Pilipinas sa
katimugang bahagi ng Asya.

You might also like