You are on page 1of 6

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-


hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng


dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng


gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito


kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.

Mga aral ng pabula:


Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.
Pagong at Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing
ay tuso at palabiro. Isang araw, binigyan sila ni Aling Muning ng isang supot ng pansit at hindi nagtagal
ay nagyaya na si Pagong na kainin na ang pansit ngunit sinabi ni Matsing na nangangamoy panis na ang
pansit kung kaya siya na muna ang unang titikim nito hanggang sa naubos na ni Matsing ang pansit at
walang natira para kay Pagong humingi ng tawad si Matsing dahil naubos at hindi nakakain si Pagong ng
pansit.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.


Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging at pinaghatian nila ang
puno ng saging ngunit an kinuha ni matsing ay ang parteng taas dahil ayaw na daw nyang mag patubo ng
mga dahon kayat ang bandang ibaba ang napunta ky pagong ay my mga ugat at umuwi na sila upang
itanim at patubuin ang puno ng saging. Umuwing malungkot si Pagong dala ang kanyang kalahating
bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahong bahagi
ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang
lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging
ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo
nitong inalagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.


Di naglaon nagyaya na si Matsing na kainin na ang saging na tumubo sa puno ni Pagong at pumayag
naman ito. Ngunit hindi makakaakyat si Pagong kung kaya nangako si Matsing na siya na lamang ang
aakyat sa puno at lalaglagan na lamang niya ng saging si Pagong, pumayag si Pagong sa alok ni Matsing.

Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno kinain niya ang lahat ng bunga ng puno. Wala
itong itinira para kay Pagong nanatili sa taas ng puno si Matsing at nakatulog ito sa sobrang kabusugan.
Galit na galit si Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung kaya habang natutulog ito sa sobrang
kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong. Nang magising si Matsing ay nakita niya
ang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.

Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si Matsing. Makalipas ang sandali
nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng
saging. Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok sa puno ng saging sa kanyang pagbaba. Kaya nangako
siya sa sarili na gaganti siya kay Pagong.
Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya
itong naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si Pagong na takot na takot. Nagtanong si Pagong
kung anong gagawin nito sa kanya, at sinabi ni Matsing na tatadtarin siya nito ng pinung-pino. Nag-isip
ng paraan si Pagong para maisihan ang tusong Matsing. Kaya ang sambit nito kay Matsing na kapag
tinadtad siya nito ay dadami siya at susugurin siya ng mga ito at kakainin. Nag-isip nang malalim si
Matsing at naisip nito na sunugin na lamang si Pagong, ngunit nangatwiran na naman si Pagong na hindi
naman tinatablan ng apoy ang kanyang makapal at matibay na bahay. Kaya muling nag-isip si Matsing,
hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan at doon na lamang itapon si Pagong. Lihim na
natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon
sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni
Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig. At naghalakhak
si Pagong na sabihin kay Matsing na naisahan din kita matsing dahil gustung-gusto ko na lumangoy sa
dalampasigan. Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang
kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.
Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.
Ang Palaka at ang Kalabaw

Isang araw ay humahangos na umuwi ang magkapatid na palaka.

"Itay, itay, nakakita po kami ni kuya ng higanteng bakulaw sa palayan.


May matutulis na sungay at mahabang buntot. At ang itim ng kulay,
nakakatakot! po!" sigaw ng batang palaka.

"Ha ha ha! Kalabaw ang nakita ninyo at hindi higanteng bakulaw,"


natatawang sagot ng amang palaka.

"Eh, bakit po ang laki-laki niya?" tanong ng batang palaka.

"Wala yun! Tingnan nyo ako, kaya ko rin palakihin ang katawan ko, "
pagmamayabang ng amang palaka. Huminga siya ng malalim at
pinalaki ang kanyang tiyan.

"Mas malaki pa po siya sa inyo," anang batang palaka.

"Ganun?" Suminghot pa ng malalim ang amang palaka at lalung


pinalaki ang kanyang tiyan. "Ganito ba kalaki?" tanong niya.

"Mas malaki pa rin diyan!" sagot ng batang palaka.

Ibinuhos ng amang palaka ang kanyang lakas at suminghot ng


suminghot ng napakalalim hanggang sa naging napakalaki na ng
kanyang tiyan. Maya-maya pa ay bigla silang nakaring ng malakas
na "Pop!". Yun pala ay sumabog ang tiyan na siyang ikinamatay ng
ng amang palaka.
Lalapindigowa-i

Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na


magsasaka. May dalawa siyang asawa, sina Odang (hipon) at si
Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag
na magsasaka kundi isang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang
magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan
siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay di masayang
ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang
dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain
sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at
buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni
Lalapindigwa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at
tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring
maghatid ng pagkain.
Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba
hanggang ito’y mahulog sa kaserola at naging pula ang balat.
Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t ipinaghele
niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola
at ito’y naluto rin.
Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa
kanyang dalawang asawa. Pagkaraan ng ilang
oras ng paghihitay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan
nakita ng gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at
ang mga asawa niyang naluto.
Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang
tinanggap ng mga ito. Gutum na gutom na siya kaya hinigpitan
niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni
Lalapindigowa-i ay lumiit nang lumiit dahil batid niyang wala nang
mga asawang magluluto para sa kanya.
Bakit kilala ang Davao sa buong mundo?
Dahil kasama diumano ito sa listahanan ng mga pinakaligtas na
lugar sa buong mundo.
Ayon ito sa isang balita ng GMA:

Davao City, kasama sa listahan ng isang website na pinakaligtas na lungsod sa mundo

Published August 15, 2013 8:31pm

Pang-apat ang Davao City sa listahan ng isang website na pinakaligtas na lungsod sa buong mundo batay
sa isinagawang survey kung saan mahigit 300 lungsod ang isinama. Nataon ang paglabas ng survey sa
harap ng pinaigting na seguridad sa lungsod dahil na rin sa selebrasyon ng Kadayawan Festival na tatagal
ng isang linggo. Iniulat ni Donna Timbal-Senajon ng GMA-Davao sa Balita Pilipinas Ngayon, na una sa
listahan ng survey ng Numbeo.com ang Abu Dhabi, United Arab Emirates at sumunod ang Lugano,
Switzerland at Marbella, Spain.

City, at pang-lima sa puwesto na Taipei, Taiwan. Pasok naman sa top 10 ang Munich, Germany; Quebec
City, Canada; Hong Kong, Hong Kong; Seoul, South Korea at Bern, Switzerland. Sa website ng Numbeo,
inilarawan nila ang website na " world’s largest database of user contributed data about cities and
countries worldwide." Bukod sa usapin ng kaligtasan, minomonitor din ng Numbeo ang usapin ng living
conditions o cost of living, housing indicators, health care, traffic, crime at pollution sa mundo.
Ikinatuwa naman ng mga residente ng Davao City at opisyal ng pulisya ang resulta ng survey. Ayon
P/Chief Supt. Ronald dela Rosa, director Davao City police, malaking suporta sa kanila ang naturang
survey para sa ginagawa nilang hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng mga tao. Kasabay ng selebrasyon
ng Kadayawan Festival, ginanap din sa lungsod ang pulong ng Eastern Mindanao Command para
talakayin ang pagpapaigting sa kampanya para sa seguridad ng buong Mindanao. Kabilang sa mga
dumalo sa nasabing pulong ay sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Interior and Local Government
Sec. Mar Roxas, at mga pinuno ng militar at pulisya. -- FRJimenez, GMA News

You might also like