You are on page 1of 3

Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa

pampang ng Ilog Pasig. Siya ay mabangis at ubod ng sakim. Sa kadahilanang


ito, walang ibang hayop ang magkalakas ng loob na siya’y lapitan.

Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato,


napag-isipan niyang mag-asawa na. Pasigaw niyang sinabi,

“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”

Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo


ang dumaan sa kanyang harapan. Inulit banggitin ng pilyong
buwaya ang kanyang kahilingan. Nakinig ng mabuti ang makiring
pabo, at sinumulang suriin ang anyo ng buwaya.

Sabi niya sa kanyang sarili,

“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung mapapasaakin


lamang ang lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging
pinakamasayang asawa sa buong mundo.”
Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya.
Sinabing muli ng pilyong buwaya ang kanyang pag-aalok ng kasal
nang buong pagpipitagan, gaya ng gawi ng isang mapagkunwari.

Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang


magagandang diyamante at ang magaspang na balat nito ay gawa
sa perlas, kaya tinanggap niya ang alok nitong pagpapakasal.

Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig,


upang sa gayon ay hindi daw madumihan ng putik ang maganda
nitong plumahe. Sinunod naman ng mangmang na ibon ang
kahilingan ng buwaya.

Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan


ng sakim na buwaya ang kanyang bagong asawa.

Aral:

 Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang


pera ay parang lason sa katawan na nakamamatay.
 Mas mabuti pang makapangasawa ng mahirap kaysa taong
mayaman na huwad ang kalooban.
 Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan na kung ano ang
iyong itinanim ay siya mo ring aanihin. Kung nagtanim ka ng
kasamaan sa iba, balang araw ay babalik rin sa iyo ang pangit na
itinanim mo.
 Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin. Pag-isipan
itong mabuti at ng makailang ulit bago gumawa ng mga bagay
na maari mong pagsisihan sa bandang huli.
 Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan. Maging mapanuri at
kilalaning maigi ang taong nais pakasalan.

Mga tanong mula sa pabula:

1. Saan nakatira ang mabangis at ubod ng sakim na batang


buwaya?
2. Ano ang isinigaw ng buwaya na siyang narinig ng pabo?
3. Ano ang dahilan at ninais ng pabong pakasalan ang mabangis at
ubod ng sakim na buwaya?
4. Ano ang nangyari sa pabo?
5. Anu-ano ang mga aral ang matututunan sa pabula?

Submitted by: Submitted to:

LEE DANIEL B. CAUILAN MRS. LUZVIMINDA P. CABADDU


GR. V-SPED Teacher

You might also like