You are on page 1of 20

Si Langgam at si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si
Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati,
naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at
dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

“Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni Tipaklong. “Kaybigat ng iyong dala.


Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?” “Oo nga.
Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni Langgam.

“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang


panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”

“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo,
habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin
para ako ay may makain pagsumama ang panahon.” Lumipas pa ang maraming araw.
Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At
dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang
pagbuhos ng malakas na ulan.

Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala nilang


puntahan ang kaibigang si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na


siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.

“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. “Tuloy ka. Halika at maupo.”

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng


pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa iyo.


Kailangan nga pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain
pagdating ng taggutom.”

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang


panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa
at natuto siyang mag-impok.

Aral:

 Ugaliing mag-impok upang kapag may pangangailangang dumating ay may


madudukot.
 Hindi masama ang magsaya paminsan-minsan. Ngunit palaging pakatandaan
na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mo itong gawin. Magbanat ka
ng buto at paghandaan ang hinaharap.
Si Kuneho at si Pagong
Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong.Ngingisi- ngising
inaglahi ng Kuneho ang Pagong.

“Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at pagkabagal-bagal


mong lumakad.”Hindi ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang
patunayang may maipagmamalaki din naman ay sinagot niya ang mayabang na
kalaban.

“Aba, Kuneho, maaaring mabagal nga akong maglakad pero nakasisiguro akong
matatalo kita sa palakasan. Baka gusto mong pabilisan tayong makaakyat sa tuktok ng
bundok pagsikat ng araw bukas. Tinatanggap mo ba ang hamon ko?”

Tuwang-tuwa ang Kuneho sa hamon ng Pagong. Nakasisiguro siyang sa bagal ng


Pagong ay tiyak na mananalo siya. Upang mapahiya ang Pagong ay pinagtatawag ng
Kuneho ang lahat ng kamag-anak niya.Pinulong niya ang mga ito at inutusang
palakpakan siya kapag matagumpay na naakyat na niya ang tuktok ng bundok. Iniutos
din niyang kantiyawan sa mabagal na pag-usad ang kalaban.Maagang-maaga
dumating sa paanan ng bundok ang maglalaban.

Maaga ring dumating ang iba’t ibang hayop na tuwang-tuwang makasasaksi ng isang
tunggalian.Nang sumisikat na ang araw ay pinaghanda na ng Alamid ang maglalaban.
Ang mabilis na pagbababa ng kaniyang kanang kamay ang hudyat na simula na ang
laban. Nang marating na niya ang kalahatian ng bundok at lumingon paibaba ay
natanawan niya ang umiisud-isod na kalaban.Maraming naawa sa mabagal na
Pagong.“Kaya mo yan! Kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang
tatay, nanay, kuya, ate, at mga pinsan.

“Talo na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga kamag-


anak ni Kuneho.Kahit kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang
nagpatuloy sa pag-isod. Nang walang makitang anumang umuusad ay ngingisi-ngising
sumandal ito sa isang puno at umidlip.Kahit na sabihing napakabagal umusad ay
pinagsikapan ng Pagong na ibigay ang lahat ng lakas upang unti-unting makapanhik sa
bundok.Nang matanawang himbing na himbing sa pagtulog ang katunggali ay lalong
nagsikap umisud-isod pataas ang pawisang Pagong.Litong nagtatalon paitaas ang
Kuneho upang unahan si Pagong. Huli na ang lahat sapagkat narating na ng masikap
na Pagong ang tuktok ng tagumpay.

Aral:

 Walang imposible sa taong nagsusumikap.


 Huwag maging mayabang. Tandaan, ang taong nagmamataas ay lalong bumababa
at ang taong nagpapakababa ay siyang tinataas.
Ang Daga at ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang
inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at
hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at
nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo.


Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran.
Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko,”
sabi ng leon.

“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,” sagot ng
daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay


kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-
usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag
ng nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat.
Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob.
Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang
daga.

Aral:

 Ang paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapag-pababa sa dangal ng isang tao.


 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay may
kakayahan pa rin itong makatulong sa paraang hindi madalas inaasahan ng iba.
Si Paruparo at si Langgam

Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa


paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno.

“Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di


ka man lang magpahinga?” tanong ni Paruparo. “Bakit di ka magsaya na tulad ko?”

“Naku, mahirap na,” aniya. “Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain
bago dumating ang tag-ulan.”

“Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig,” pagmamalaki ni Paruparo.

“Bakit nga ba?” Nagtataka si Langgam.

“Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan?” inginuso niya ang nasa
di kalayuan.

“Sino?’ tanong ni Langgam.

“Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya
ako ng proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin,”
pagyayabang ni Paruparo.

“A, ganoon ba?” sabi ni Langgam.

“Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e,” sabi ni
Paruparo.

“Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon,” mababa
subalit madiin ang tinig ni Langgam. “O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking
gawain.”

Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.

Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog
at dagat. Tumagal ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa
rin ang pagbuhos ng ulan. Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa
guwang ng puno. Namamahinga. Sagana siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang
dumungaw upang alamin ang kalagayan ng paligid. Aba, ano ba ang kanyang nakita?

Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa.


Mayamaya’y dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila.

Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa


kanyang sarili: “Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala.”

Aral:

 Wag gugulin sa paglilibang lamang ang magandang panahon. Isipin ang bukas na
darating at paghandaan ang mga maaring mangyari.
 Matutong mag-impok upang sa oras ng kagipitan ay may madudukot.
Ang Kabayo at ang Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya
ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa
ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay
nakaramdam ng matinding pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng
kanyang pasang gamit.

“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo.
Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?” pakiusap ng kalabaw.

“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,” anang kabayo
na lalo pang binilisan ang paglalakad.

“Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko.


Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito
katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,” pakiusap pa rin ng
kalabaw.

“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalong tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang
kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya’y pumanaw. Nang makita ng
magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at
inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng
kanyang mga dalahin.

“Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang
pasan ko ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.

Aral:

 Maging matulungin sa kapwa.


 Kung may kakayahan kang tumulong ay huwag mong ipagdamot ito sa iba.
Malaking pasanin ang gagaan kung tayo ay magtutulungan.
 Huwag maging makasarili.
Ang Aso at ang Uwak

May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.

Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.

Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.

Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng
ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”

Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang
karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng
aso.

Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.

Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.

Aral:

 Hindi lahat ng papuri ay totoo. Maaring ginagamit lamang ito ng iba para maisahan
ka.
Ang Lobo at ang Kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-
ahong palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining
ang tinig ng lobo.

“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang
pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman


ngang siya’y niloko lamang ng lobo.

“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay
tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.

“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan
kung papaano nating gagawin iyon.”

“Papaano?”

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas.
At kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang
sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na
ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing,
“Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko.”

At malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

Aral:

 Maging matalino sa mga desisyong gagawin mo at huwag basta-basta maniniwala


sa ibang tao lalo na kung hindi mo pa siya lubusang kakilala.
Sino ang Magtatali ng Kuliling?

May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga. Marami-
rami na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at saka ito
sasakmalin at gugutay-gutayin.

Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila kung


paano nila maiiwasan ang mapanganib na Pusa.

Naging sobra sa ingay ang mga Daga habang nagpupulong. Ang ingay ay nauwi sa
katahimikan nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang Pusa.
Sa pagkakataong iyon, nagpakitang gilas ang mayabang na Daga. Tumindig ito at
mayabang na nagsalita.

“May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang Pusa.”

Umaatikabong bulungan ang naganap.

“Tumahimik kayo!” utos ng mayabang na Daga. “Maiiwasan lang natin ang ating
kaaway kung tatalian natin ito ng kuliling sa leeg. Kung may kukuliling, alam nating ang
Pusa ay papalapit sa atin.”

“Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makalalayo tayo sa kinatatakutan natin,”
natutuwang sabat ng Dagang Lalawigan.

Kunwaring nakayuko ang mayabang na Daga.

“Pe… pero… sino ang magtatali ng kuliling?” tanong ng Matandang Daga.

“Hindi ako!” gumagaralgal ang boses na sabi ng Dagang Lungsod. “Tiyak na


sasakmalin ako ng Pusa.”

“Lalo namang hindi ako,” nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid. “Palapit pa
lamang ako ay nangangalmot na ang nasabing Pusa. Tiyak na papatayin ako noon
kapag nilapitan ko!”

Sa katanungang sino ang magkukulyar sa Pusa ay walang sinumang nangahas na


sumagot at gumawa. Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan. Pati na ang
mayabang na Daga ay wala ring narinig na anuman.

Aral:

 Balewala ang isang magandang mungkahi kung wala namang may gustong
gumawa o tumulong sa paggawa para makamit iyon.
 Ang tao ay hindi nasusukat sa kahit ano pang ganda ng mga salitang sinabi nya
kundi sa kanyang mga gawa.
Ang Gorilya at ang Alitaptap

Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang


kaibigan. Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong
siya nito. “Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” Sumagot si Iput-Iput,
“Dahil natatakot ako sa mga lamok.”“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.

“Hindi ako duwag!” ang nagagalit na sagot ng alitaptap.“Kung hindi ka duwag, e bakit
lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-aasar ni Amomongo.

“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay
makikita ko sila kaagad at nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang tugon
ni Iput-Iput.Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising
at ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay
dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.Nang mabalitaan ito ng
alitaptap, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni Amomongo. Gabi
noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa mukha nito
hanggang sa ito ay magising.

“Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa’yong
hindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa
susunod na Linggo ng hapon.”Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya.

“Mayroon ka bang mga kasama?”

“Wala!” ang sigaw ni Iput-Iput. “Pupunta akong mag-isa.”Nangiti si Amomongo sa


tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na insekto ang humahamon sa kanya ng away.
Nagpatuloy ang alitaptap.“Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na
ikaanim ng hapon!”“Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-
libong gorilya na mas malalaki pa sa akin.”Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang
alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo.Ngunit sumagot si Iput-Iput, “Hindi ko
kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa! Paalam!”

Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at ipinaalam sa


mga ito ang nakatakdang pagtutuos. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na
ang mga dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na
naghihintay sa kanila. Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat
ng oras ng orasyon o pagdarasal.Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ng gorilya at
inilawan niya ito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas
ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad. Muli, namatay ang pangatlong
gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong
nito.Nagmakaawa ito kay Iput-Iput na patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad
naman siya ni Iput-Iput, ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot
ang mga gorilya sa mga alitaptap.

Aral:

 Huwag mong husgahan ang iyong kapwa base sa kanyang laki o liit ng
pangangatawan. Kadalasan kasi ay may mas nagagawa ang mga maliliit na hindi
kayang gawin ng malalaki.
 Iwasan ang pagpapakalat ng maling balita upang siraan ang kapwa.
Ang Lobo at ang Ubas

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis


palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon," ang sabi niya sa sarili.

Aral:
Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung
minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim
na ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.

Ang sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay


maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa
sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.
Ang Pabula ng Kabayo at ng Mangangalakal

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa


palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at
nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang


nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang
bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil
sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at
napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako
ng asin at siya ay natuwa

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa


palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang
kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal


sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may
lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa
magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay


magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit


laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay
malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng
tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang
sakong asin.

Aral:
Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga. Ang masamang
balakin ay may katapat na kaparusahan.
Si Aso at si Ipis

Mataas ang mga punong nakapaligid sa bahay. Malawak din ang hardin sa
likuran.Napaligiran ng mga palay at mga pananim ang bahat ni Mang Kardo. Sa harap
naman, malapit sa pintuan ay ang tulugan ng aso. Maliit lang ang bahay ngunit parang
paraiso ang kapaligiran nito. Nag-iisa kasi ang bahay ni Mang Kardo sa bundok na iyon
at ang kanyang kapithbahay ay sa kabilang bundok pa nakitira.
Araw ng lunes at abalang nagluluto si Mang Kardo sa loob ng bahay. Kaarawan kasi ng
kanyang apo at isang surpresa ang kanyang inihanda. Nagluto siya ng pinakamasarap
na kanin na kanyang ibinayo lamang kaninang umaga. ng Naghanda rin siya ng
pinikpikan na sinamahan ng etag upang maslalo pang maging masarap ang kanilang
ulam. At upang mas lalong maging masaya ang apo ay nagluto rin siya ng dalawang
patong na cake para sa kanynag apo. Binilin niya ang kanyang aso na bantayan ang
kanilang bahay dahil susunduin niya ang kanyang apo sa kabilang bundok. Sinabi
niyang matatagalan pa ito kaya ang aso muna ang bahala sa kanilang bahay.
“Sige, mag-iingat ka sa pagbaba ng bundok, makakaasa ka na babantayan ko ang
bahay pati narin ang mga niluto mong mga pagkain.” yan ang sabi ng aso. Naisip niya,
siguradong bibigyan naman siya ng kanyang amo sa inihanda nitong pagkain kaya
minabuti niyang bantayan ng mabuti ang bahay.
Tinawag ng Aso ang kaibigang Ipis at sinabing tulungan siya sa pagbabanatay ng
bahay. Pinaakyat niya ito sa bubungan ng bahay para makita niya ang mga taong may
masasamang balak at upang masabihan siya agad. Umakyat nga ang ipis ngunit nakita
nito ang cake sa lamesa, bigla siyang nagutom. Hindi napigilan ni Ipis ang kanyang
sarili kaya tinawag niya na rin ang kanyang mga anak at mga kapamilya na alam niyang
gutom din. Kinain nila ang higit sa kalahati ng cake at humigop ng sabaw ng pinikpikan
na may etag.
Nang umuwi si Mang Kardo kasama ang apo nito ay nagulat sila ng makita nila ang
cake at ang ilang putahe na nagkakalat-kalat. Galit na galit si Mang Kardo. Tinawag
niya ang aso at ikinulong ito sa pag-aakalang ito ang gumawa ng kalokohang iyon.
Alam ng aso na ang kaibigang ipis ang gumawa ng bagay na ito, pero hindi niya ito
sinabi sa kanyang amo.
Nakita ng ipis ang paghihirap ng Aso at naawa siya sa kanyang kaibigan. Nag-isip siya
ng paraan para iligtas ang kaibigan ngunit wala siyang magawa kaya isang plano ang
nabuo sa kanyang isip.
“Kawawa ang kaibigan ko. Kailangang ako ang magbayad sa kasalanang ginawa ko”.
Naisaisip ni ipis.
Isang umagang naghahanda ng almusal si Mang Kardo ay umakyat ang ipis sa lamesa
at sinadyang ipakita sa matanda ang paglantak sa almusal nito. Nakita ng aso ang
ginagawa ng ipis at tinahulan niya ito. “Huwag ipis, kung makita ka ng amo ko ay
ikulong ka katulad ko.” tahol pa nito, “hayaan mong malaman niya na ako ang
gumagawa nito para makalaya ka.”sagot ni ipis.
Nakita nga ni Mang kardo ang ipis at sa isang hampas nito ng aklong hawak ay
namatay ang ipis. Naisip niya na ito rin ang kumain sa handa ng kanyang apo, dahil dito
ay pinakawalan niya at muling minahal ang aso.
Masaya ang aso na Malaya na siya, ngunit na hahabag naman siya sa kaibigang ipis.
“Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.” dalangin ng Aso.
Ang Mag-anak na Langgam

Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay
abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan.

Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga, dahil sa may gawing kaliwa ay
may munting kanal, sabi ni Tatay Langgam.

Hindi po kami lalayo, sabi ni Unang Munting Langgam.

Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa, kung kayat hindi nila napansing
ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.

Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain, matagal pa naman ang tag-ulan ay


naghahanda na kami, sabi sa sarili ng Bunsong Langgam. Buti pa’y maghanap ako ng
mas masarap na pagkain.

Walang anu-ano’y nakakita ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na


ipinagbabawal na puntahan ng kanyang ama.

Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang
kendi.

Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang munting sinulid na
kinapatiran ng kanyang paa, kaya nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog
sa kanal.

Hindi mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya makita ang kanyang Bunsong
anak sa pila. Kaya dali-dali siyang umalis upang ito’y hanapin, hanggang sa siya’y
mapadako sa ipinagbabawal na pook. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang
nakalutang sa tubig ang kanyang bunsong anak.

Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kanyang sarili na: Iyan ang napapala ng
mga anak na matigas ang ulo.
Ang Inahing Manok at Ang Kanyang Mga Sisiw

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman
ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at
sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang
aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"

Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na
tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng
mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!"

"Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-
bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May
panahon pa tayo upang manirahan dito."

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga
kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.

"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako
lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"

"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang


ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-
anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring
dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para
manirahan dito mga anak!"

Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na
dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas
na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong
ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!"

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing,
"Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong
maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang
sarili!"
Ang Aso at ang Kanyang Anino
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan
ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.

Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na,
napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang
sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa
bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.

Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa
ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.
Ang Uwak na Nagpanggap

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan
niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa
pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang
katawan.

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala
bilang kauri ng mga ito.

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal
ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan
ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito.
At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa
sariling anyo!"
Ang Lobo At Ang Kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang
maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining
ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo,
napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman


ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na
ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.

"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan
kung papaano nating gagawin iyon."

"Papaano?"

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang
lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako
nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na
ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing,
"Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."

Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.


Ang Inahing Manok at Ang Kanyang Mga Sisiw

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman
ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at
sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang
aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"

Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na
tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng
mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!"

"Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-
bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May
panahon pa tayo upang manirahan dito."

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga
kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.

"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako
lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"

"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang


ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-
anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring
dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para
manirahan dito mga anak!"

Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na
dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas
na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong
ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!"

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing,
"Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong
maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang
sarili!"
Ang Aso at ang Kanyang Anino

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan
ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.

Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na,
napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang
sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa
bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.

Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa
ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.

Ang Uwak na Nagpanggap

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan
niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa
pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang
katawan.

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala
bilang kauri ng mga ito.

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal
ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan
ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito.
At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa
sariling anyo!"

You might also like