You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
Plaridel St., Mandaue City

ANG MUNTING KAIBIGAN


(Maikling Kuwento)
Para sa Filipino 7

UNANG MARKAHAN - LINGGO 4

SARILING - LINANGAN KIT

1
PAUNANG SALITA

Mindanao. May iilang karaniwang pagsasalarawan na nakatatak na sa


isipan ng mga kapwa Pilipino ng isa sa tatlong malalaking isla sa Pilipinas.
Ano-ano pa ba ang nais mong matuklasan tungkol sa Mindanao?

Mayaman sa karanasan at kakintalan ang mga panitikan ng Mindanao.


Ito ay dahil sa yaman ng kanilang kasaysayan gaya ng sa pananakop, relihiyon,
kultura at tradisyon. Ang mga panitikan ito’y isang minanang yaman ng kaisipan
at taglay na katalinuhan ng lahing kanilang pinagmulan.

Sa SARILING-LINANGIN KIT (SLK) na ito, matututuhan mo ang isang


panitikang Pilipino mula sa Mindanao. Mahalagang maipagmalaki at mapaunlad
pa natin ang katangi-tanging panitikan ng Mindanao bilang bahagi ng
Panitikang Pilipino upang maipasa pa ito sa mga susunod na henerasyon.

Sa aralin at mga gawain sa SLK na ito, dapat na masagot mo ang mga


pokus na tanong na:

1. Ano ano ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa kultura at


paniniwala ng mga kapatid nating Muslim?

2. Bakit mahalaga para sa mga Pilipino na matuklasan at maunawaan ang


kultura at tradisyon ng mga Muslim na kadalasa’y nagmula sa
Mindanao?

3. Paano dapat pakitunguhan at alagaan ang mga hayop?

2
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng


Mindanao.

PAMANTAYAN SA
PAGGANAP

Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo


(Nakagagawa ng travel brochure para sa promosyon ng turismo sa
magagandang tanawin at likhang-sining sa Mindanao)

Kasanayang Pampagkatuto
sa Unang Kwarter

Aralin 4. Maikling Kuwento

F7PS-id-e-4
❖ Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari
❖ Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga mahihirap na salitang
matatatagpuan sa akda
❖ Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao
❖ Naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at may kaisahan
ang mga pangungusap

3
ANO ANG NANGYARI?

Subukin

Sisimulan mo ang araling ito sa pamamagitan ng pagsubok sa iyong kaalaman


ukol sa mga katangian taglay ng mga alagang hayop sa bahay. Sa pagsusuring ito,
hangad na mahinuha mo na dapat nga bang ituring isang kapamilya ang mga alagang
hayop sa bahay?

GAWAIN 1. Alaga ko, kapamilya ko!

Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ano-ano ang katangiang taglay nila bilang mga
alagang hayop? Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong .


1. Maliban sa mga larawan sa itaas, ano-ano pang hayop ang pwedeng alagaan sa bahay?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4
2. Kung mag-aalaga ka nito, papayag kaya ang iyong mga magulang? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Naniniwala ka bang dapat na ituring na miyembro ng pamilya ang alagang hayop?
Pangatwiranan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Basahin at unawain ang Maikling Kuwento.

ANG MUNTING KAIBIGAN


ni Ibrahim Jubaira
(Salin sa Filipino ni Maria Cecilia T. Correa)

Natapos na ang hapunan at ang ama ng tahanan na isang biyudong Arabong may
negosyong nalulugi ay natungo sa kanyang silid nang wala man lamang ni isang salita
sinambit sa kanyang anak na lalaki. Sapagkat siya ay busog na sa kanyang hapunan, tulad
ng isang kobrang busog na busog sa pagkakalulon ng isang napakalaking biktima,
nakaramdam na siya ng antok.
Samantalang ang kanyang labindalawang taong
gulang na anak na lalaki na si Yosouf ay naiwan sa kusina
upang punasan ang lumang mantel sa mesa gamit ang isang
basang pamunas. Maingat niyang sininop ang mga mumo ng
kanilang hapunan, binalot ang mga ito sa isang pirasong papel,
at isinuksok nang palihim sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay
nagtungo siya sa kanyang silid, tinanggal ang kanyang
sumbrerong puti na may itim na tasel, at isinabit ito sa kawitan
sa dingding. Tahimik siyang nahiga, nagkumot at ipinikit ang
kanyang mga mata, nagkukunwaring natutulog ngunit ang isip
ay gising na gising pa tulad ng mga bituin sa kalawakan.

5
Sapagkat ang kanyang ama ay halos wala namang sinasabi, malinaw na hindi niya
alam ang ginagawa ng kanyang anak nitong mga nakaraang araw. Paminsan-minsan
napapakibot ang ilong ng bata at naiinip na napapakislot ang kanyang mga paa. Pagkatapos
ay didilat siya, umaasang darating ang kanyang panggabing kaibigan., papanhik sa kanyang
kama, kukutkutin ang mga mumo sa kanyang tabi. Sa loob ng sampung gabi, ang bata ay
nag-iiwan ng pagkain para sad aga tuwing ang kanyang ama ay nagpapahinga na. Walang
kalam-alam ang kanyang ama tungkol dito. Kung malalaman lamang ng kanyang ama.
Kumabog ang kanyang dibdib at nanginig na parang naputol na buntot ng butiki.
Paano nga kaya kung malaman ito ng kanyang ama?
Tumigil ang pagkislot ng kanyang paa at tumitig siya sa kisame. Inilihig niya kanyang
ulo sa isang tabi at sabik na nakinig sa kahit anong munting tunog mula sa kanyang
panggabing kaibigan, ang daga. Subalit ang kanyang naririnig ay ang hilik ng kanyang ama,
mahina sa simula hanggang sa papalakas nang papalakas. “Ang Arabo nga naman kung
maghilik,” sa isip-isip ng bata, “tulad ng isang kamelyo na nahuli sa sandstorm!” Maya-maya
pa’y huminto ang paghilik. Sigurado siyang ang kanyang ama ay tulog na tulog na.
Habang nakatitig ang bata sa dingding, nabahala siya nang maalala niya ang nangyari
sa natagpuan niyang pusang-gala. Naalala niya kung paano siya kinumpronta ng kanyang
ama habang kipkip niya ang hayop at masaya niyang sinabi sa ama,
“Papa, Papa, di ba’t ang ganda niya?”

“Ye’shaidena—Jahannam! Maganda, huh? Maganda, oo! Paalisin mo iyan dito! Ayoko


ng kahit na anong hayop dito sa bahay!”

“Pero Papa, hindi naman siya nakakasakit. Pwede


bang…?”

“Wala nang kung ano-ano pang sinasabi. Tama


na. Tama na. Alisin mo iyan dito!” Bibilhan kita ng
ibang laruan. Maraming laruan sa mga tindahan.”

“Pero hindi sila nakakatalon, nakakatakbo, o


naglalaro.”

Ang pagmumuni-muni ng bata ay biglang natigil. May isang bagay ang simula nang
kumukutkot sa sulok ng silid. Idinilat niya ang kanyang mga mata. Ito na ang kanyang munting
kaibigan na nagsimula nang gumapang at tumayo. Palibhasa’y matagal na nasa dilim,
nasilaw ito sa liwanag mula sa lampara. Pasulong itong kumilos na parang isang mekanikal
na maynika patungo sa kama ng bata. Nggpigil ng hininga ang bata at medyo ipinikit ang
kanyang mga mata. Walang kahirap-hirap na pinanhik ng daga ang kama habang pasinghot-
singhot itong nagtungo kung saan naroon ang pagkain. Sa mahinang boses ay paulit-ulit
niyang binulong,

“Munting kaibigan, munting kaibigan!”

“Kainin mo ang lahat ng pagkaing iyong maibigan. Bukas ng gabi ay mas marami pa
riyan. Mag-ingat ka lamang munti kong kaibigan!”

6
Libang na libang ang bata. Ang kilos ng daga ay nagbigay sa kanya ng kakaibang
kaligayahan. Nagpunta ang daga sa mukha ng bata na halos mahawakan na ito ng daga. Sa
pagkakataong ito, kumurap-kurao ang mata ng bata.

“Munting kaibigan, munting kaibigan!”

Paulit-ulit itong binulong ng bata na tila isang


sekretong mahika hanggang sa siya ay nakatulog na.
Nang almusal, halos hindi nag-imikan ang mag-ama.
Mabagal na kinain ng bata ang kanyang tinapay na tila
hindi niya kanyang ubusin.

“Nakakita ako ng mga mumo ng pagkain malapit sa


unan mo at mayroon ding bakas ng paa ng daga sa
kumot mo pati na sa sahig malapit sa kama mo.”

“Opo, Papa.”

“Kailangan ko ng paliwanag.” Nagkunwaring walang alam ang bata. “May mga daga
dito sa bahay at hinahayaan mo sila. Malas iyan, naiintindihan mo? Ibig sabihin nito
kamalasan, malas sa Negosyo. Kailangang alerto tayo.”

Dalawang magkasunod na gabing nag-abang sa daga ang ama hanggang sa siya ay


sumuko. Natuwa ang bata. Nang ikatlong gabi, naghintay ang bata sa kanilang sekretong
tagpuan hanggang sa naulinagan niya na may mahinang kumukutkot. Nagpatakbo-takbo at
nagpa-ikot-ikot ito patungo sa kama at nagpahinto-hinto. Ang puso ng bata ay aandap-andap
habang binabanggit ang kanyang sekretong mensahe,

“Munting kaibigan, munting kaibigan!”

At nangyari na nga. Sa isang iglap lang ay may isang bagay na gumapos sa puso ng
bata. Tila huminto ang kanyang mundo. Tumayo siya upang tingnan kung ano ang nangyari.
Nagimbal siya sa Nakita. Ang ulo ng daga ay buong-buong nadurog at luwa ang mga mata
nito habang ang katawan niya ay nangingisay. Iginalaw ng daga ang kanyang buntot sa
huling pagkakataon. Ang bakal na panghuli ng daga ang siyang kumitil sa buhay ng munting
kaibigan ng bata. Higit pa rito ang kanyang nasaksihan. Ang kalakihan ng katawan ng isang
lalaking may hawak ng batuta ang siya ring pumelo sa kaawa-awang hayop. Nasugatan nang
napakalalim ang bata; sugat na tila matagal bago maghilom sa pagitan niya at ng lalaki na
ngayon ay tila isang malawak na gulpo o kung ano pa man.

“Nahuli rin natin sa wakas. Sabi ko na ng aba at sa dating bakas ko maaaring ilagay
ang panghuli malapit sa iyong higaan. Bago ang panghuling iyan – Salamat sa nagtitinda ng
mga gawa sa China, binili ko lamang ngayong gabi.”

Inangat ng lalaki ang panghuli at hinawakan ang walang buhay na daga sa binti nito.
Subalit sa pakiramdam ng bata, tila dinukutan siya ng puso. Nagngunguyngoy na sinambit,

“Munting kaibigan, munting kaibigan!”

7
“Luko-luko kang bata ka,” galit na sabi ng ama. “Bakit ka umiiyak? Anong iniiyakan
mp? Malas iyan. Iniyakan mo ang pusa at ngayon naman ay daga. Iniiyakan mo na lang ang
lahat. Para saan itong iyong pag-iyak?”

Humikbi ang bata na parang nawalan ng isang pinakamagandang bagay sa mundo.

SANGGUNIAN:
Correa, Ramilito. Festin, Rowena. BAYBAYIN: Paglalayag sa Wika at Panitikan; Rex Bookstore,
Inc. 2018.

Alam mo ba na...
Ang Maikling Kuwento ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa hanggang tatlong tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang. Maikli lamang ang anyong ito, ng panitikan na maaaring tapusing
basahin sa iisang upuan lamang. Si Edgar Allan Poe ang itinuturing na “Ama ng Maikling
Kuwento.” Sa Pilipinas naman, si Deogracias Rosario ang kinikilalang “Ama ng Maikling
Kuwentong Tagalog.”
Binubuo ng tatlong mahahalagang elemento ang Maikling Kuwento. Ang mga ito ay:

1. Tagpuan – tumutukoy sa panahon at lugar na pinangyarihan ng maikling kuwento.


Maaaring ang tagpuang ito ay sa kasalukuyan, sa nakaraan, o sa
hinaharap.

2. Banghay – tumutukoy sa kabuuan ng kuwento. Mayroon itong tatlong bahagi – simula,


gitna, at wakas.
➢ Simula – mga tauhan at tagpuan ng kuwento. Makikita rin ang paksa o ang
problemang kakaharapin nila.
➢ Gitna – kasukdulan ng kuwento, kung paano hinarap ng mga tauhan ang
problemang kinasasangkutan nila sa kuwento.
➢ Wakas – mababasa kung paano ng mga tauhan ang kanilang problema at kung
ano ang nangyari sa kanila

3. Tauhan – Sa kanila umiikot ang kabuuan ng kuwento at sila rin ang magpapagalaw sa
tunggaliang nagaganap. May dalawang uri ng tauhan sa isang kuwento, ang
bida at ang kontrabida.

SANGGUNIAN:
Correa, Ramilito. Festin, Rowena. BAYBAYIN: Paglalayag sa Wika at Panitikan; Rex Bookstore,
Inc. 2018.

8
Kultura ng mga Muslim…
Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aalaga ng baboy at pagkain ng karne sa mga
Muslim dahil naniniwala silang ito ay marumi. Sa paghahanda ng pagkain, mayroon silang
tinatawag na mga pagkaing HALAL (jalal) at HARAM. “Pinapayagan” ang ibig sabihin ng
“jalal”. “Ipinagbabawal” naman ang ibig sabihin ng “haram”. Mababasa sa Hadith (Ang
Buhay ni Propeta Muhamad) na bawal at marumi ang baboy. Mababasa rin ito sa Qur’an
ng mga Muslim at Torah ng mga Kristiyano.
Maliban sa paghawak at pagkain ng karne ng baboy, bawal rin ang mga plato,
kaldero, sandok, kalan, o anumang kagamitan at lutuang ginamit sa paghahanda at
pagluluto ng baboy. Mataas ang ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalinisan. Isa ito
sa mga dahilan kung bakit ginagawa nila ang “wudu” (paghahanda ng kaisipan at paglilinis
ng katawan) bago nila gawin ang “Salat” (pagdarasal), isa sa Limang Haligi ng Islam.

SANGGUNIAN:
Correa, Ramilito. Festin, Rowena. BAYBAYIN: Paglalayag sa Wika at Panitikan; Rex Bookstore,
Inc. 2018.

ANO ANG NATUTUNAN?

Sukatin

GAWAIN 2. Baybayan!

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit na nasa Hanay
A ayon sa gamit nito sa parirala. Isulat sa loob ng balloon ang letra ng tamang sagot.

9
1. munting kaibigan 4. kukutkutin ang mga mumo
2. lumang mantel sa mesa 5. habang kipkip ang hayop
3. napapakibot ang ilong ng bata 6. nagngunguyngoy na sinambit,

HANAY A

A. tukain D. pakawang-kawang
B. hawak sa ilalim ng braso E. umiiyak nang labis
C. tela sa hapag-kainan F. maliit

HANAY B

3. ______

Talakayin

Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.


1. Ilarawan ang batang si Yosouf?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Bakit natatakot mag-alaga ng hayop ang bata?
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

10
3. Sino ang kanyang munting kaibigan? Paano niya pinakitunguhan ang kanyang
alagang hayop?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, bakit hindi tanggap ng kanyang ama na mag-alaga ng hayop si
Yosouf?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
5. Ano ang idinulot kay Yosouf sa pagkawala ng kanyang munting kaibigan? Kung ikaw
ang nasa kalagayan ng bata, ano kaya ang mararamdaman mo?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
6. Bilang isang mag-aaral sa makabagong henerasyon, paano mo maipapakita ang
paggalang sa kultura at paniniwala ng ibang tao?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Suriin

Gawain 3: Ikuwento mong muli…

Balikan ang binasang kuwentong “Ang Munting Kaibigan.” Gamit ang tsart sa ibaba,
isa-isahin ang mga Elemento ng Maikling Kuwento.

PAMAGAT: MAY-AKDA:

MGA TAUHAN --- BIDA: KONTRABIDA:

TAGPUAN: PAKSA/TEMA:

11
SIMULA: GITNA: WAKAS:

Palalimin

Ang tekstong binasa ay tungkol sa pang-aabuso sa mga hayop. Hindi lamang


sa Pilipinas, kundi maging sa iba’t ibang sulok ng mundo, laganap ang labis na
pang-aabuso sa mga hayop. Palalalimin mo pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa
bahaging ito.

Gawain 4: Isip, isip!

1. Sa iyong palagay, ano-ano ang posibleng maging resulta sa pag-aalaga ng maraming


hayop at pagturing sa mga ito bilang kapamilya?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang maaaring maging kaparusahan sa mga taong umaabuso sa mga hayop?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang hindi lumaganap ang ganitong uri ng
pang-aabuso sa mga hayop?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

12
Payamanin

Gawain 5: Ipaskil mo!

Bumuo ng isang KARATULA (SIGNBOARD) na nagpapaalala sa mga mamamayan


tungkol sa mga batas, kautusan, o responsableng at tamang pangangalaga ng mga
hayop. Isaalang-alang ang kalinisan at pagkamalikhain sa paglikha ng gawain.

Pagnilayin

Gawain 6: Salamin ng buhay…

1. Magbigay ng tatlong mensahe o kaisipang nakapaloob sa maikling kuwento.


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Magbahagi ng sariling karanasan o maaaring karanasan ng kamag-anak o kakilala na
nagpapakita ng relasyong ama-sa-anak na lalaki.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

13
Tasahin

A. Punan ang patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap o


pahayag.

1. Samantalang ang kanyang _______________ na anak na lalaki na si __________


ay naiwan sa kusina upang punasan ang lumang mantel sa mesa.
2. Habang nakatitig ang _________ sa dingding, nabahala siya nang maalala niya
ang nangyari sa natagpuan niyang ________________.
3. _____________________, __________________________. Paulit-ulit itong ibinulong ng
bata na tila isang sekretong mahika.
4. Ang _____________________ ang siyang kumitil sa buhay ng ____________ ng bata.
5. _____________ ang bata na parang nawalan ng isang pinakamagandang ______
sa mundo.

B. Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng


wastong sagot.

1. Anong akdang pampanitikan ang may maigsing salaysay na kinasasangkutan ng isa o


ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
A. Epiko B. Pabula C. Alamat D. Maikling Kwento
2. Sino ang sumulat ng kuwentong “Ang Munting Kaibigan”?
A. Ibrahim Jubaira C. Abra Kadrahim
B. Ibarim Bahrim D. Abraham Judah
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng banghay?
A. wakas B. pamagat C. simula D. gitna
4. Bakit ipinagbabawal sa mga Muslim ang pag-aalaga at pagkain ng karne?
A. dahil masama ito sa kalusugan C. dahil naniniwala silang ito ay marumi
B. dahil nagdadala ito ng sakit D. dahil sa sugo ng kanilang pinuno
5. Ano ang kadalasang dahilan ng pagkakamali o pagkakapalitan ng gamit ng mga salita
sa Wikang Filipino?
A. kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita
B. hindi malinaw na pag-unawa sa mensahe o pahayag.
C. wala sa pagpipilian
D. kapwa a at b

14
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA, Ph.D., CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed.D.


Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, Ed.D.


LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO, MAEd


Education Program Supervisor in Filipino

GERALDINE M. BETONIO, TEACHER III


Illustrator

DIANA S. LENDIO, TEACHER III


Writer/Illustrator/Layout Artist

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL OFFICE

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed.D. JD, CESO VI


Regional Director

DR. EMELIANO B. ELNAR, JR.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMDS-Education Program Supervisor

DR. ELAINE PERFECIO


Filipino Regional Education Program Supervisor

15
SINOPSIS 5. D
4. C
3. B
2. A
1. D
B.

Ang SARILING-LINANGIN KIT 5. humikbi ; bagay


(SLK) na ito ay tumatalakay sa mga kaibigan
kaugalian at tradisyon ng mga kapatid 4. bakal na panghuli ; munting
nating Muslim sa Mindanao. kaibigan
3. munting kaibigan ; munting
Makatutulong ang kaalaman sa araling ito 2. bata ; pusang-gala
upang mahasa ang pag-unawa ng mag- ; Yosouf
aaral sa kaugalian at tradisyon ng mga 1. labindalawang taong gulang
mamamayan sa Mindanao. A.
Tahasin
Ang mga mag-aaral ay inaasahang
6. E
maipamalas ang kanilang pag-unawa sa 5. B
mga akdang pampanitikan ng Mindanao. 4. A
3. D
Bilang mga Pilipinong mapagmahal 2. C
at mapagmalasakit sa ating kultura ay 1. F
dapat nating pag-aralan ang ating Gawain 2.
Panitikan. Tayo higit kaninuman ang SUSI SA PAGWAWASTO
dapat na magpahalaga sa sariling atin.

May-Akda: DIANA S. LENDIO. Nagtapos sa Cebu


Normal University sa kursong Bachelor of Science in
Education-Filipino sa taong 2007. Kasalukuyang
YOUR PICTUR E nagtuturo sa Tabok National High School bilang guro sa
Ikapitong Baitang, Teacher III. Tinatapos ang kanyang
pag-aaral ng Master of Arts in Education - Filipino sa
Cebu Technological University.

16

You might also like