You are on page 1of 2

ALAMAT NG SIBUYAS

AYON sa alamat ,si buyas ay anak ng manggagamot ng isang tribo


na nakatira sa paanan ng bundok ng Sierra Madre.Maliit pang bata ay
kapansin-pansin na ang pagiging sensitibo ni Buyas . Lalo siyang naging
marandamin nang isilang ang bunsong kapatid .Ma-ganda ang kapatid
kung ihahambing kay Buyas kaya agad napapansin ang kaibahan nila.

Palibhasa ay marami ang nagpapagamot sa ama,kadalasan ay


maraming tao sa kanilang kubo.Hindi maialis na mapansin ang mag
kapatid dahil maliit ang kubo at doon mismo nanggagamot ang kanilang
ama.

‘’Kayganda ng inyong bunso’’,madalas ay sinasabing mga


nagpupunta roon.

‘’Maganda rin si buyas.

Ayaw na ayaw ni Buyas na maririnigang gayong usapan.Agad na


siyang pupunta sa likod ng kubo at doon uubusin ang oras hanggang
maubos ang kanyang mga luha.

Nang magdalaga si buyas ay umiibig siya sa isang makisig na binata


Ang problema, ang bunso niyang kapatid ang gusto ng lalaki.

Masakit na masakit sa loob ni Buyas tuwing aakyat ng ligaw ang


binata sa kapatid.Ang gagawin niya ay magtatago sa kanilang likod-
bahay at doon iiyak ang bigat ng damdamin.

Alam ng kanyang ina ang nararamdaman ni Buyas ngunit wala


itong magawa?Hindi nito mapanghihimasukan ang puso ng binata.Isa
pay paano naman ang damdamin ng bunsong anak?
Ilang buwan pa ay isinama na ngbinata ang mga magulang upang
hingin ang kamay ng kapatid ni Buyas.Nais raw pakasal ng dalawa sa
ikalawang pagbilog ng buwan.

Labis na dinamdam ni Buyas ang kamatayan ng pag-ibig.

Kinabukasan ay hindi na nakita siBuyas.Naglaho siyang tila bula.

Sumapit at natapos ang araw ng kasal ng bunsong kapatid ay hindi na


nakita si buyas

Isang umaga habang nagwa-walis sa likod –bahay ang ina ay


napansin nito ang isang halamang tumubo roon.Nang bunutin iyon ng
babae para itanim sa mas maayos na lugar ay nakita ang bilog nitong
mga bunga.

Natuklasan ng ina na maaaring ipahanog sa pagkain ang bunga.


Pero higit sa lahat, natuklasan nitong nakapagpapaiyak ang bunga
paghinhiwa.

Naglala tuloy ng ina ang anak na si Buyas Pinangalan nitong


buyasang bungang iyon.

You might also like