You are on page 1of 9

Alamat Ng Buto Ng Kasoy

Nakakita na ba kayo ng kasoy? Ito ay hugis kampana, kulay dilaw at matamis


pag hinog na. Kaiba sa ibang prutas, ang buto ng kasoy ay nasalabas. Kung
bakit nasa labas ang buto ng kasoy ang siyang sasagutin ng alamat na ito.
Sa isang gubat ay may kasayahan. Lahat ng uri ng hayop ay naroroon. Silang
lahat ay masasaya, nagkakantahan at nagsasayawan. Hindi kalayuan sa
kasayahan ay may isang bagay ang nakikinig at naiinggit sa kapistahang
nagaganap. Ito ay walang iba kungdi ang buto ng kasoy.
"Sanay makalaya ako dito sa aking madilim na kinalalagyan!" Dasal ng buto ng
kasoy.
Nagpatuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang dasal ng buto ng kasoy.
Sa mga oras na iyon ay may isang engkantada na naakit sa ingay ng
kasayahan. Naganyak siyang makisaya sa mga hayop. Sa gitna ng
pagdiriwang ay may naulinigan ang engkantadata, isang tinig ng naghihirap at
humihingi ng tulong.
Nagsalita ag engkanada. "Sino kaya iyon, kawawa naman siya."
Naririnig siya ng buto ng kasoy. "Oh, makapangyarihang engkantada! Para mo
nang habag, ilabas mo ako dito!" Sagot ng buto.
Naawa ang engkantada. Sa isang kumas niya ay biglang lumabas ang buto ng
kasoy. Tuwang-tuwa ang buto sa kagandahan ng paligid. "Butihing diwata, nais
ko sanang manatili dito sa labas. Ayoko nang bumalik sa madlim na
pinanggalingan ko," pakiusap ng buto ng kasoy sa engkantada.
Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng buto. Wala namang pagsidlang
sa tuwa ang buto ng kasoy. Pagkaraan ng ilang oras ay tapos na ang
pagdiriwang. Nagsiuwian na ang lahat at buong paligid ay nalukuban ng
katahimikan. Hindi nagtagal, ang langit ay nagdilim. Lumakas ang ihip ng
hangin at bumagsak ang isang malakas na ulan. Malakas ang kulog at matalim
ang kidlat.
Sa pagsungit na ito ng panahon ay natakot ang buto ng kasoy. Muli siyang
tumawag sa engkantada. Oh, maawaing diwata. Pakinggan mo ako. Ibalik po
ninyo ako sa aking silid. Basang-basa na ako at giniginaw na. Nakkatakot pala
dito sa labas! Pagmamakaawa ng buto ng kasoy.
Subalit anumang dasal ang gawin niya ay walang kasagutang nangyari dahil sa
wala sa kapaligiran ang engkantada. Nang tumigil na ang unos ay muling

nagpakita ang engkantada. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos hindi
na magawang magsalita.
Nagsalita ang engkantada. "Ito'y isang aral sa iyo. Ang lahat ng bagay ay may
dapat na kalalagyan. Ito ay kailangan mong tanggapin dahil sa ito ang
ipinagkaloob sa iyo ng Diyos! Pagkasabi nito ay naglaho na ang engkantada.
Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas na ng prutas.

Alamat Ng Aso
Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at Lito. Maliliit pang mga bata ay lagi na
silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa't isa. Lagi rin silang magkasama sa bawat lakaran.
Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang magbi-natilyo na sila. Naging bahagi na ng
buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid hanggang sa pangangahoy sa gubat ay lagi
silang magkasama.
Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Masong. Humantong iyon sa kamatayan
ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang
dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at
nakikinig sa kanya.
Minsa ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya. Pinigilan siya ng
ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon.
Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina Lito. Lagi iyong
itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila nagbabantay sa kanya.
Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita niya ang
hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng puntod at kawag nang kawag ang
buntot.
Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natu-tulog ito sa paanan niya at pag-gising
niya sa umaga ay sasalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot nito. Dahil sa hayop ay nalimot ni Lito
ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.
Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang tawag dito.

Alamat Ng Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanyakanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na
may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi
ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na
balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may
maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa
kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga
gulay at kanyang isinuot.
Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay
pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na
kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng
makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang
kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila
ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng
magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa
niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nagaway sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di
magandang panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging
madilim.

Alamat Ng Litson
Noong araw ay napakasisipag ng mga tao. Masisipag sila sa pagtatanim ng mga
halaman. Masisipag rin sila sa pag-aalaga ng iba't ibang mga hayop.
Bagamat karamihan ay may mga alagang hayop, ang inaalagaan nila ay itong
siguradong makatutulong sa kanilang pagtatanim at pagsasaka.
Sa lugar na iyon ay may isang pamilya na bagong lipat. Sa halip mag-alaga ng mga
hayop na maka-tutulong sa pagsasaka ay nag-alaga sila ng mga baboy.
Mabilis dumami ang kanilang mga alaga kaya naman naging katuwaan ng mga bata na
panoorin ang mga ito lalo na sa oras ng paliligo.
Dahil maraming alaga, karaniwan na ring nagkakatay ng baboy ang pamilya para
ipamigay ang karne sa mga kapitbahay.
Mabilis dumami ang mga baboy kaya nagpasya ang pamilya na magpagawa ng
malaking kulungan.
Minsan ay nayaya ang pamilya sa isang pagtitipon. Hindi agad sila nakauwi kaya
nagwala ang mga baboy dahil sa gutom. Nagawa nilang sirain ang kulungan kaya
nakatakas ang iba.
Humingi ng tulong ang pamilya sa mga kapitbahay. Nagkagulo ang lahat sa paghuli sa
mga nakawalang baboy. Sa pataniman kasi ng mga halaman nagtakbuhan ang mga ito
at tiyak nilang pag hindi agad nahuli ay maraming tanim ang mapipinsala. Dahil sa
pagkakagulo ay naiwan ng isang babae ang niluluto. Naging dahilan iyon ng
pagkasunog ng bahay nito at ng buong lugar.
Nang bumalik ang mga tao dala ang nahuli nilang mga baboy ay sunog na ang kanilang
mga bahay.
Nanggipuspos sila dahil sa nangyari. Pero sabay-sabay silang natigilan nang mapansin
ang isang kakaiba at masarap na amoy.
Sinundan nila ang pinanggagalingan ng masarap na amoy. Nanggagaling iyon sa
nasunog na kulungan ng mga baboy.
Nilapitan nila ang mga nasunog na baboy. Isang babae ang natuk-song kumurot ng
piraso noon saka tinikman.
"Masarap," sabi ng babae.
Gumaya ang iba. Tinikman nila ang mga baboy na naihaw dahil sa sunog. Tulad ng
babae ay nasarapan sila sa karne nito.
Dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaideya ang mga tao. Nag-alaga narin sila ng mga
baboy at iniihaw ang mga ito para muli nilang matikman ang masarap na luto sa karne.

May iba namang nakaisip na gawing hanapbuhay iyon para ipagbili sa kalapit na mga
bayan.
Lumaon ay naging bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang lutuing iyon na tinawag na
litson.

Ang Alamat Ng Bigas


Noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay nabubuhay lamang sa pagkain ng
prutas, gulay, ibon, at hayop-gubat na kanilang nahuhuli sa kagubatan. Ang pagbubungkal
ng lupa ay wala pa sa isip nila. Ang pagmamanukan at pag-aalaga ng iba pang hayop ay
hindi nila alam. Umaasa lamang sila sa mga pagkaing dulot ng kalikasan.
Sa ganitong paniniwala, hindi sila nagtatagal sa isang lugar; Lumilipat sila ng tirahan sa
oras na wala nang makuhang pagkain sa isang lugar. Pumupunta sila sa lugar
namayroong makakain at pag wala na ay lilipat silang muli.
Ang ating mga ninuno ay tuwangtuwa sa kanilang kulay kayumanggi at sa kanilang
kinagisnang mga tradisyon. Ito ay kanilang ipinagmamalaki. Labis-labis silang
nagpapasalamat sa "Bathala." Kuntento na rin sila sa uri ng kanilang pamumuhay.
Ang mga kalalakihan ay nanghuhuli ng hayop sa gubat samantalang ang mga kababaihan
at mga bata ay nanghuhuli ng isda, namimitas ng prutas at gulay. Ang lahat ng kanilang
mahuhuli at maaani ay kanilang pinagsasama-sama at pinaghahatian. Pantay-pantay ang
kanilang paghahati sa buong barangay.
Minsan nakaabot sa malayong lugar ang mga kalalakihan sa paghahanap ng usa.
Nakarating sila sa mga bundok ng Cordillera. Sa labis na pagod ay nagpahinga sila
sailalim ng isang puno. Malapit na ang tanghalian kaya't lahat sila ay gutom na gutom na
Sa kanilang pagpapahinga ay may namataan silang isang grupo ng tao na kakaiba sa
kanilang anyo. Inakala nilang mga bathala ang kanilang nakita. Tumayo sila at nagbigay
galang sa mga "bathala."
Natuwa sa kanila ang mga "bathala." Inanyayahan sila upang dumalo sa kanilang
pagtitipon. Tumulong ang mga kalalakihan sa paghahanda ng mga pagkain. Kinatay nila
ang mga hayop at inihaw. Maya-maya'y may inilabas na bumbong ng kawayan ang alipin
ng mga "Bathala." Ang laman ng kawayang ito ay mapuputing butil. Pagkaluto nito ay
isinaiin ang lutong puting butil sa dahon ng saging na nakalatag sa hapagkainan. Ang
hapag ay napapalamutian na ng mga prutas, lutong karne ng hayop, gulay at mga inumin.
Noong una ay ayaw kumain ng mga puting butil ang mga bisita. Akala nila ay mga bulati
ang mga puting butil. "Hindi ka mi kumakain ng mga uod, sag sabi ng mga bisita.
Ang mga puting butil na iyan ay hindi uod. Iyan ay mga nalutongbigas.Ang tawag namin
diyan ay kanin. Galing sila sa aming pananim na aming inaalagaan at pinalalaki. Hali kayo,
tikman ninyo ito. Pagkatapos ninyong kumain ay maaari ninyo kaming patayin kung may
maramdaman kayong kakaiba sa inyong katawan, ang sabi ng isa sa mga "Bathala."
Pagkatapos kumain ay nakaramdam ng panibagong Iakas ang mga bisita, hindi dahil sa
sila ay nabusog kungdi dahil sa kinain nilang mga puting butil. Nagpaalam silang lahat sa
mga "Bathala."
Bago lumisan ang mga bisita, bawa't isa sa kanila ay pinabaunan ng mga "Bathala" ng
isang sakong palay.

"ito ang palay," paliwanag ng isang "bathala," "bayunin ninyo ito upang maalis ang balat
nito. Linisin ninyo at hugasang mabuti, Ilagay ito sa loob ng bumbong ng kawayan. Lagyan
ng
kaunting
tubig.
Ilagay
ninyd
ito
sa
ibabaw
ng
apoy hanggang sa maluto. Ito ay magiging kanin. Ang pagkaing ito ay nakapagpapalakas
ng katawan. Ang ibang palay ay pagyamanin ninyo upang maging binhi. Itanim ninyo ito
pagsapit ng tag-ulan. Pag sapit naman ng tag-araw ay maaari na ninyo itong anihin.
Humayo kayo at ipamalita ito at ituro sa inyong mga kasamahan. Turuan ninyo silang
magbungkal ng lupa. Makikita ninyo at kayo ay uunlad at hindi na kayo magpapalipat-lipat
pa ng tirahan.."
Matapos magpasalamat sa mga "Bathala," ang mga bisita ay nagbalik na sakanilang
tribu. Sinunod nila ang bilin ng mga "Bathala." Tinuruan nila ang kanilang mga kasamahan
sa pagbubungkal ng lupa at sa pagluluto ng mga puting butil. Ang ibang barangay ay
gumaya na rin sa kanila.
Magmula noon ang pagbubungkal ng lupa ay naging isang hanapbuhay na ng mga tao at
ang bigas o kanin ang naging pangunahing pagkain natin.

ALAMAT NG UNANG BUTIKI


Noong unang panahon, may isang batang ubod ng pilyo at pakialamero sa lahat ng
bagay. Marami tuloy ang nagagalit, kaya madalas mapalo at mapagalitan si Kiko ng
ama't ina. Gayunpaman, wala ring kadala-dala ang batang ito na lalong tumigas ang ulo
at wala pang galang sa mattanda. Dahil dito, walang may gustong makipagkaibigan sa
kanya. Palibhasa'y walang kalaro, ang mga hayop na lang ang ginawang libangan nito.
Ang maaamong hayop ay nagiging mailap dahil sa pananakit ni Kiko. Kalaunan, pati
ang tanim ng may tanim ay lihim nitong sinisira.
Isang araw, habang nagwawalis ng bakuran ang ina ay lumapit si Kiko sa punso at
walang sabi-sabing winasak ito. Galit na galit ang ina sa anak.. Pagkatapos ay abutabot ang kanyang paghingi ng paumanhin sa mga duwende.
"Mga nuno, patawarin po ninyo ang aking anak. Hinding-hindi napo siya uulit. Magbabait na po siya. Pangako po."
Pinangaralang mabuti ng ina si Kiko na huwag uulitin ang ginawang paglapastangan
nito sa punso dahil masamang magalit ang mga lamang-lupa.
Subalit kinabukasan, matapos isuga ang kalabaw ay bayawak naman ang napagtuunan
ng pansin ng batang sutil. Sinundan ito ngunit nawala nang sumuot sa nakausling ugat
ng puno. Hawak ang tirador ay sinaliksik ni Kiko ang buong paligid.
Laking galak nito nang matagpuan ang maraming itlog ng bayawak, at tuwang-tuwa na
tinirador ang mga itlog. Biglang nagulat ang bata nang lumitaw sa harp niya ang isang
duwende.
"HOY! BATANG SALBAHE, BAKIT MO BINASAG ANG MGA ITLOG? HINDI MO BA
ALAM NA MAY BUHAY SALOOB NITO? SA GINAWA MONG IYAN, KITA'Y
PARURUSAHAN. MAGIGING KALAHI KA NG BAYAWAK...!"
"Huwag po, maawa po kayo sa akin. Magpapakabait napo ako, peks man."
"SINUNGALING! ILANG BESES KA NANG NANGANGAKO TUWING PINAPALO KA
NG TATAY MO. AT KAHAPON LANG, NANGAKO ANG NANAY MO, PERO NAGBAGO
KABA? NGAYON, BILANG PARUSA, IKAW AY HAHALIK SA LUPA BAGO MAGTAKIP
SILIM AT DAHIL IKAW AY TAO NA NILALANG NG MAYKAPAL KAYA SA TAHANAN KA
RIN MANANAHAN. BUTIKI ANG ITATAWAG SA IYO!" Pagkawika'y dagling naglaho
ang duwende.
Dali-daling kumaripas ng takbo ang nahintakutang bata at nagsisigaw nang...
"AYOKONG MAGING BUTIKI NANAY, TULUNGAN MO AKO... AYAW KONG MAGING
BUTIKI...!"
Napadungaw ang ina at kitang-kita niya ang pagkasubasob ng anak bago paman ito
nakaakyat ng hagdan. Nagtaka ito sa pagbabagong-anyo ni Kiko hanggang maging
maliit na hayop na animo'y bayawak.

Palibhasa'y "BUTIKI" ang huling katagang narinig sa anak, kaya butiki na rin ang
itinawag niya rito. Bagama't mabait ay mailap ang hayop na ito dahil sa hiya.
Patuloy pa rin ang paghalik ng butiki sa lupa tuwing dapithapon. Panahon na lang ang
hahatol kung nararapat na ngang ibalik sa dating anyo si Kiko. Para sa mga duwende,
mabuti nang manatili itong butiki sa habang panahon. (HOY! BATA, GUSTO MO
MAGING BUTIKI?)

You might also like