You are on page 1of 9

Pabula

ANG LOBO AT ANG KAMBING


Isang lobo

ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikapniya


ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na
kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon
at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo.
"Oo, napakarami!" angpagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itongtumalon sa balon.
At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng
balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng
kambing.
"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon
akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon."
"Papaano?"
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Akomuna ang lalabas.
At kapag nakalabas na ako, at saka kitahahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang
sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng
kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing,
"Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

Pabula

ANG UWAK NA NAGPANGGAP


Isang uwak ang nakakita ng
mga lagas na balahibo ng pabo salupa. Pinagmasdan niya iyon
at nasiyahan sa iba't ibang kulay nataglay niyon. At dahil sawa na siya sa
pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa
kanyang katawan.
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo
at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin
nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaringuwak.
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa
katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang
sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng
mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong
walang pagmamahal sa sariling anyo!"

Maikling Kwento

Bagong Kaibigan
(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan.
Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka
naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang
binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang
naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa
dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa
dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at
doon nakita ko ang ibat-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya
bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit.
Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa
lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang
daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay
bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundaglundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari!
Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa
kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko
sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya
ay kinalabit na ako ni inay.
Gising na anak, may pasok ka ngayon
Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!
Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool
bus.

Maikling Kwento

Malaking Pagkakamali
Sige Nay, aalis nap o kami. Pagpapaalam nina Femia at Santa sa kanilang ina papuntang paaralan. Si
Santa ang pangalawang anak ni Aling Josie at si Femia naman ang ikatlo at bunsong anak sa
magkakapatid. Ang panganay na anak ni Aling Josie ay si Henia, nag-aaral na sa kolehiyo. Inaasahan ng
mga magulang na mapagtapos si Henia dahil siya ang panganay at inaasahang unang mapagtapos.
Nay, ano po bang lulutuing ulam natin ngayon? Tanong ni Santa sa ina ginagabihan ng araw na iyon.
Maliban sa mabait at masipag ay mapagmahal pa si Santa. Si Femia naman ay maypagka-tomboy dahil
sa kanyang mga kinikilos na hilig ay mga panlalaking gamit.
Habang nasa hapagkainan ang pamilya ay napag-usapan at natanong ng ina ang mga anak.
Kumusta naman ang pag-aaral ninyo? Tanong niya sa mga anak.
Mabuti naman po nay. Sagot ni Santa na parang siya lang ang anak.
Alam niyong hindi madali ang magtrabaho para lang mapag-aral kayo, kaya sana, hiling ko lang sa inyo
hanggat maaari ay pagbutihin ninyo ang pag-aaral dahil para rin sa inyo iyan. Ang sabi ni Aling Josie sa
kanyang mga anak.
Palaging iyan ang sinasabi ni Aling Josie sa kanyang mga anak. Siya lang ang lagging nangangaral ditto
dahil ang kanyang asaway nagtatrabaho sa maynila para mapag-aral lang ang mga anak lalo pat may
nagkokolehiyo na. Ang hindi lang maintindihan ni Aling Josie na sa tuwing sinasabihan niya ang mga
anak na mag-aral ng mabuti ay lagging tahimik lamang ang panganay na anak nitong si Henia.
Anak, may problema ka ba? tanong ng ina ni Henia sa kanya.
Wala naman po nay. Kinakabahang sagot ng anak.
Para kasing nitong nakaraang araw ay matamlay ka at parang may gusting sabihin,.Ano ba iyon?
dagdag ng ina.
Wala po, may iniisip lang na projects sa skul. Pagsisinungaling nito sa ina.
Hindi na tinanong pa ni Aling Josie ang anak, bagkus ay nagpaalam siyang pupunta sa bayan para bumili
ng mauulam sabay abot ng pera sa anak para pambaon nito sa skuwela.
Palaging pinapaalala ni Aling Josie at pinagsasabihan ang mga anak tungkol sa pag-aaral. Hindi
pinagbabawalan ni Aling Josie na pumasok sila sa buhay pag-ibig ngunit ang palagi niyang sinasabi na
mas maganda talaga kung tapusin na muna ang pag-aaral bago ang mga ganyang bagay.
Isang araw ay napansin ni Aling Josie na parang iba na ang kinikilos ng anak nitong si Henia. At parang
numumutla itot palaging nahihilo.
ANo bang nangyayari sayo? Bakit parang matamlay ka? nagtatakang tanong ng ina.
Masama lang po pakiramdam ko, nay. Wala poi to, huwag kayong mag-alala okay lang ako. Ang sagot
ni Henia.
Sa pagdaan ng mga araw ay may nahalata na si Aling Josie sa anak. Kaya pala ito palaging wala sa sarili
ay may tinatagong sekreto. Sekretong tiyak na makapagbibigay ng sama ng loob sa ina.
Isang araw ay hindi na natiis ni Henia, at sinabi na niya ang katotohanan na siyay nagdadalang tao ng
tatlong buwan sa syota niyang si Ariel na nagging skulmeyt rin niya.
Sa pagkarinig ng ina sa sinabi ng anak ay parang bumagsak sa kanya ang langit at nagdidilim ang
paningin sag alit. Wala siyang nagawa kundi nagtatalon at umiiyak. Nawala siya sa kanyang sarili kaya
nasampal niya ang anak at hinila-hila pa ang buhok na parang nasisiraan na ng bait. Dali-dali naming
umakyat sa taas sina Femia at Santa, at inawat ang mga ito. Nagtataka rin ang dalawa sa nangyayari

kung bakit nag-iiyakan ang mga ito. Hanggang sa nalaman na rin nila na buntis ang kanilang ate. Hindi
lubos akalain ni Aling Josie ang sinapit ng kanyang panganay dahil hindi naman ito binanggit na may
nanliligaw, at ngayoy nalaman na lamang niyang nabuntis na ito. Hindi alam ni Aling Josie papaano
niya ito ipagtatapat sa asawang nasa maynila. Sinusubsob ng mabuti ang sarili sa trabaho para lang
mapagtapos ang mga anak. Siguradong pagnalaman ang nangyari ay mapapagalitan siya dahil siya ang
nag-aaruga at palaging kasama sa bahay. Baka isipin nitong hindi niya ginampanan ng mabuti ang
responsibilidad bilang ina.
Ano bang pagkukulang ko sa inyo, bakit ganito ang iginanti ninyo. Umiiyak na sinabi ni Aling Josie sa
harap ng mga anak.
Ikaw Henia, akala pa naman namin ng itay mo ay nagging matino ka sa iyong pag-aaral. Iyon pala
kalandian lang ang ginagawa mo.
Wlang hiya ka talagang bata ka! Pasugod na sabi ni Aling Josie kay Henia sabay sampal sa mukha ng
anak.
Walang nagawa si Henia kundi umiyak at humingi na lamang ng paumanhin sa ina sa nagawang
kasalanan. Hindi na lamang siya lumaban pa kahit nasasaktan siya sa ginawa ng kanyang ina dahil alam
niyang kasalanan din naman niya ang nangyari.
Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, si Henia ay huminto na sa pag-aaral dahil nahihiya siya sa
nangyari at wala siyang mukhang maihaharap sa mga tao. Hindi na rin sila nagkikibuan ng kanyang ina.
Si Aling Josie naman ay hindi parin tanggap ang sinapit ng anak.
Para kay Aling Josie ay wala nang solusyon ang kanyang problema. Hindi na niya maibabalik pa ang dati.
Sa sinapit ni Henia ay natatakot na rin si Aling Josie sa maaaring mangyari ng dalawa pa niyang anak na
babae baka maging katulad rin ng kanilang ate. Kahit pa man disappointed si Aling Josie sa panganay
niyang anak ay hindi pa rin siya tumigil sa pagbibigay ng pangaral sa mga kapatid ni Henia na huwag
tularan ang kanilang ate.
Di naglaon ay lumaki na ang tiyan ni Henia at hanggang sa sumapit ang kanyang kabuwanan. Kahit pa
man gaano kasakit para kay Aling Josie ang nangyari sa anak ay hindi pa rin niya ito kayang talikuran.
Kahit ano pa man ang mangyari ay anak niya parin si Henia, at ina pa rin siya nito. Tulad ni Aling Josie,
isa na ring ina si Henia sa kanyang anak na lalaki.
Hanggang sa katagalan ay napatawad na ni Aling Josie ang anak. At ngayon ay masaya na rin siya sa
kanyang apo. Nasisiyahan siya dito lalo pat wala siyang anak na lalaki. Sa tuwing nakikita niya ang bata
ay nawawala ang kanyang pagod. Ang buong akala ni Aling Josie noon ay wala nang kalutasan ang
kanyang problema, ngunit nagkamali siya dahil sa anak pa lang ni Henia ay nawawala na ang pagod
niya. Mahal na mahal ni Aling Josie ang apo at buong puso na niyang pinatawad ang anak na si Henia.
Ganoon din ang aswa nitong nasa maynila.
Masaya na ang pamilya ni Aling Josie ngayon at si Henia ay ikinasal sa lalaking ama ng kanyang anak. Si
Santa naman ay napagtapos na sa kursong HRM at si Femia naman ay graduating na sa kanyang kursong
Nursing.
Kahit pa man nagkaproblema si Aling Josie kay Henia noon ay nagawa pa rin niyang pagtapusin ng pagaaral sina Santa at Femia. Samantalang si Henia naman, kahit may anak na ay tinapos na lang ang isang
taon sa kolehiyo, sa kursong titser.

Alamat

Ang Alamat ng Isandaang mga Pulo (Hundred Islands)

Ang bayan ng Alaminos ay tanyag sa pagkakaroon ng isandaang maliliit na mga pulo


(Hundred Islands) sa kanyang karagatan. Ngunit may kuwento kung paano nagkaroon ng
mga pulong ito. Ang isandaang mga pulo ay umusbong pagkatapos ng isang di
makalilimutang pangyayari sa nasabing bayan.
Noong unang panahon, ang Alaminos ay kilala bilang isang maasensong bayan. Sagana
ang bayan sa mga likas na yamang dagat. Ang mga mangingisda ay tuwang-tuwa sa dami
ng kanilang nahuhuli sa araw-araw. Maski ilang oras pa lamang sila pumapalaot ay tiyak
silang babalik sa pampang na puno ng huli ng ibat-ibang klase ng isda.
Isang diwata ang nakatira sa karagatan ng Alaminos. Ayon sa mga matatanda may isang
perlas ang diwata na siyang nagbibigay ng magandang huli sa mga mangingisda. Inatasan
ng diwata ang kanyang nag-iisang anak na si Liglioa na maging tagabantay sa nasabing
perlas. Di tulad ng kanyang ina, si Liglioa ay may dugong mortal kung kayat siya ay
nakatira sa isang kubo malapit sa pampang at nakikihalubilo sa taombayan. Mahal na
mahal ng mga taombayan si Liglioa hindi lamang dahil sa siya ang bantay ng perlas kundi
pati na rin dahil mabait at matulungin ang dalaga.
Nalaman ng kabilang bayan ang dahilan ng likas na yamang dagat ng Alaminos. Naiingit
sila at sa pamumuno ni Datu Masubeg ay nagpasya silang dakpin si Liglioa at itago sa
kanilang bayan. Nakakasiguro silang ibibigay ng diwata ang perlas kapag nakita nitong
hawak nila ang kanyang anak. Sa ganoon, ang bayan din naman nila ang magkararanas ng
masaganang huli.
Ngunit bago pa man makalapit ng pampang ang mga taga-ibayo ay tinipon na ni Datu
Mabiskeg ang mga mahuhusay na mandirigma ng Alaminos upang ipagtanggol si Liglioa.
Nagkaroon nga ng digmaan sa karagatan ng Alaminos. Maraming mga mandirigma ang
namatay mula sa parehas na kampo.
Nagmakaawa si Liglioa sa kanyang diwatang ina na gumawa ng paraan upang matigil na
madugong digmaan. Hiniling niya sa kanyang ina na gumawa na lamang ng isa pang perlas
para sa kabilang bayan upang hindi na nila asamin ang perlas ng Alaminos.
Ngunit umiling ang diwata. Hindi na raw ito makakagawa ng isa pang perlas. Paliwanag ng

kanyang ina na ang tunay na perlas na nagbibigay ng masaganang huli sa taombayan ng


Alaminos ay walang iba kundi ang nag-iisa nitong anak- si Liglioa.
Nang marinig ni Liglioa ang sinabi ng ina ay napa-isip ito ng mabisang paraan upang matigil
na ang awayan. Nagsalita ang dalaga at hiniling nito sa kanyang ina na siya ay pumalaot na
lamang at magtago sa ilalim ng dagat upang sa ganoon ay walang sinoman ang
makakakuha ng perlas. Pumayag ang diwata sa nais ng dalaga. Mas magiging ligtas para
sa lahat ang naisip na paraan ng dalaga.
Samantala ang mga patay na mandirigma na palutang-lutang sa karagatan ay unti-unting
naging mga pulo. Halos isandaan ang mga nasawi sa nasabing digmaan para sa perlas na
nagdudulot ng masaganang huli. Ito ngayon ang naging tanyag na isandaang mga pulo ng
Alaminos.

Alamat

Alamat ng Dahlia

Noong unang panahon, may isang babaeng naging tanyag dahil sa kanyang angking
kagandahan. Ang dalagang ito ay nag ngangalang Dahlia.
Sa buong sulok ng bayan at maging sa mga ibayong dako ay rinig ang tungkol sa
kagandahan ng dalaga. Si Dahlia ay may mapupungay na mga mata, mahaba at itimang
buhok, mapupulang mga labi at makinis na kutis. Dahil sa kanyang angking kagandahan,
maraming mga binata ang naglalayong makuha ang kamay ng dalaga upang
mapangasawa.
Ngunit si Dahlia ay mailap sa mga tao. Siya ay naninirahang mag-isa malayo sa kabahayan
ng mga taong bayan. Tuwing may mga binatang umaaligid sa kanya at nais magtapat ng
kaninlng pag-ibig, siya as nagtatago sa kanyang bahay. Hindi ito lalabas hanggang sa ang
mga binata ay mawalan ng gana sa pag-aantay at mag-kusang umalis ng hindi nasisilayan
ang dalaga.
Kadalasan, si Dahlia ay nagpupunta sa kakahuyan at doon namimitas ng mga ligaw na
halaman na may mga magagandang bulaklak. Sa pag-uwi nya, itinatanim niya ang mga
halaman sa kanyang hardin, kaya ang kanyang hardin ay puno ng mga magagandang
bulaklak.
May isang binatang nakarining tungkol sa kagandahan ng dalaga at ng masilayan nya ito, si
Juan ay nahalina kay Dahlia. Naging masugid si Juan sa panliligaw sa dalaga. Bagamat
hindi siya hinaharap ng dalaga, hindi siya sumuko na kausapin at ipahayag ang kanyang
pag-ibig. Alam ni Juan na naririnig ni Dahlia ang kanyang mga sinasambit.
Araw-araw dinadalaw ni Juan si Dahlia. Dahil napansin nito na mahilig ang dalaga sa mga
bulaklak, araw-araw din itong may dalang mga bulaklak para sa kanya.
Ito ay nagpatuloy hanggang sa, dahil na rin sa mga bulaklak, unti-unting lumabas si Dahlia
at nakipag-usap sa binata. Nahulog rin ang loob ng dalaga sa binata, hanggang sa sila ay
naging magkasintahan at di nagtagal sila ay nagpasya sa pag-iisang dibdib.
Ngunit bago ang kanilang kasal, nag-paalam si Juan kay Dahlia na ito ay umuwi sa
kanyang bayan upang mag-paalam ng maayos sa kanyang mga magulang. Kahit ayaw ni

Dahlia na magkahiwalay sila ng matagal ni Juan, pumayag na rin ito. Ipinangako ni Juan na
kaagad itong babalik kay Dahlia upang ituloy ang kasal.
Araw-araw na inantay ni Dahlia ang kasintahan. Lumipas ang mga araw at mga buwan,
ngunit walang Juan ang bumalik.
Hanggang sa ang pag-aantay ay umabot ng isang taon, hindi na nakayanan ng dalaga ang
kanyang hinagpis. Lumabas siya ng kanyang bahay sa kanyang magandang hardin.
Lumuhod siya sa tabi ng kanyang mga tanim na bulaklak, nag-iiyak at maya-maya ay kinitil
ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtaga sa sarili ng isang tabak. Dumaloy ang
dugo ni Dahlia sa mga bulaklak na nakapaligid sa kanya. Habang unti-unting nalalagutan
ng hininga ang dalaga ay may isang anino ang nakitang parating. Si Juan ay nagbalik.
Ngunit huli na ang lahat, ang dalaga ay wala ng buhay. Nag-sisi si Juan pero hindi na nya
maibabalik ang buhay ng magandang si Dahlia. Inilibing ang dalaga sa kakahoyan kung
saan madalas siyang naglalagi.
Matapos ang ilang araw, ang mga bulaklak na dinaluyan ng dugo ni Dahlia ay nanatiling
kulay pula. At kahit na maulanan ang mga ito, hindi pa rin mahugasan ang kulay ng mga ito.
Mag mula noon, ang mga umusbong na mga bulaklak ay ganoon na ang naging kulay.
Dahil sa napakaganda ng mga bulaklak at hindi matanggal ang pulang kulay na mantsa ng
dugo ng dalaga, ang mga ito ay tinawag na Dahlia.

You might also like