You are on page 1of 2

Kabanata 61 Ang pamamaril sa lawa.

Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang
kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan
ng ninuno nito ay kaniyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang
bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa
Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na
lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero,
tumanggi si Elias.

Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay.
Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa
tapat na polvorista, sila’y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling.
Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang
kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at
pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang
bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay
ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa
pagsasagwan si Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni
Balagtas upang akalaing siya ay taga-Peñafrancia.

Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at ilang
bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa
ilog-Pasig

At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas
kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw na tinamasa niya, may
magulang, kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit
sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama at
mahihingi, pinaraan niya si Elias.

Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng
mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong.
Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may
Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksiyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na
magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang
kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si
Elias. Sinabi niya kay Ibarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni
Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.

Ang atensiyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan
nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang
may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa kaniya
sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang
may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.

You might also like