You are on page 1of 2

ANG BUTIHING MGA GURO

ni:ABEDNEGO J. URSABIA

Isa sa mga mahalagang tungkulin sa edukasiyon at propesiyon ang pagiging isa guro.
Bakit nga ba napakaimportante sa edukasiyon ang mga gurong tulad nila na ngayo’y
naglilingkod sa kanilang mahal na paaralan at tinuturuan ang mga studyante na nais matuto
at makapagtapos ng pagaaral?.
Pagbati po sa inyong lahat ng maligayang araw at sa ating mga minamahal na mga
gurong tagapayo maligayang araw po ng mga guro sa inyong pong lahat.
Mga kaibigan Ursabia Abednego Jordan ngalan ang magtatalumpati sa inyong
harapan, buksan ang inyong puso’t isipan, pakinggan at damhin ang namumutawi na salita
na lalabas sa aking bibig.
Mga minamahal kong kapwa kamag-aaral at kaibigan sa panahon ngayon tila bang
parang tatlongpung porsyento na lamang sa mga mag-aaral na nalilimutan na ang
paggalang,pagrespeto at pagkilala sa ating mga butihing mga gurong tagapayo, panahon
na upang malaman at matutunan ninyo kung paano sila mamahalin rerespetuhin at igalang.
Sabi nga noon pag may nakasalubong na guro binabati at nirerespeto ng mga mag-
aaral pero ngayon awan ko lamang sa iba diyan na pagnakasalubong ang isang guro tila
bang parang hangin lamang o hindi kaano-ano sila na hindi papansinin. Noon bago
pumasok o umalis ng paaralan ang mga mag-aaral noon ay pawang nagmamano pa sa
mga guro pero ngayon kaunti na lamang ang gumagawa ng ganitong mga bagay.
Mga minamahal kong mga kapwa kamag-aaral dapat tayo ay magbago na, gumising
ka kaibigan nasaan na ang respeto’t pagmamahal sa kanila, nasaan na ang paggalang at
pagkilala sa ating butihing mga gurong tagapayo na nagbibigay kaalaman at mabuting turo
sa ating kinabukasan, dahil sila ang ating ikalawang magulang dito sa ating mahal na
paaralan, sila ang nagsisikap at nagsasakripisyo para sa ating mga kinabukasan upang
tayo ay may matutunan, sila ang nagbibigay tulong at kaisipan upang tayo ay may mabuting
malaman at magkaroon ng dag-dag kaalaman sa ating isipan at patutunguhan n gating
buhay at sila ang butihing mga gurrong tagapayo na ating dapat igalang, respetuhin,
mahalin at sundin para sa pag-aaral at kinabukasan ng buhay natin. Maraming salamat po
sa inyong serbisyo sa pagtitiyaga, pagsusumikap sa pagtuturo pos a amin.
Muli po sang maligayng araw po sa inyong lahat at pagbati po muli sa mga butihing mga
gurong tagapayo na maligayang araw ng mga guro po sa inyong lahat at mabuhay po kayo.

You might also like