Professional Documents
Culture Documents
Ako ay tinalagang valedictorian ng batch na ito pero hindi ibig sabihin nito ay ako na ang
pinakamasipag at pinakamatalino sa paaralan. Marami sa atin o karamihan sa atin, hindi man
natin aminin at klarong-klaro sa ating mga mata, sa mga malalalim at maiitim na mga mata na
tunay ngang nahirapan tayo sa apat na taon natin dito sa MNHS. Ngunit, sa apat na taong ding
iyon marami tayong natutuhan, maraming nakilala, nakaibigan, naka-ibigan at nakahindi
nakapalagayan.
Kung kaya buong puso akong nagpapasalamat sa mga kapwa ko mag-aaral na nandirito
ngayon. Salamat sa lahat ng mga alaalang aking babaunin panghabambuhay ; mula sa araw-araw
nating pagsasama sa loob at labas ng paaralan, sa mga kuwentuhan, tawanan, tugtugan, kantahan
na wala sa tono, sundog here at sundog there tuwing pagsusulit at kwis, pagsheshare ng
meryenda at tanghalian, at kahit sa panahon na inaabot na tayo ng madaling araw upang tapusin
ang ating mga proyekto at mga takdang aralin. Maraming salamat din sa pagturo sa akin ng All
for One, One for All na prinsipyo at bilang source ng papel at ballpen kapag naghihirap na.
Para naman sa aking punong-guro at mga guro, walang sawang nagtuturo. Maraming
salamat Mam at Sir. Hinding-hindi po naming malilimutan ang samahan natin sa klasrum na
halos tuwing first period ay hindi na kayo nakapagtuturo dahil sa katamaran naming maglinis.
Patawad po Mam. Mahal po namin kayo
Para sa mga magulang na nandirito, maraming salamat po. Lalong-lalo na sa aking mga
magulang na. Unang-una sa pagsuporta mula sa pinakasimula hanggang ngayong araw ng aking
pagtatapos. Sa pagkakataong ako ay makapag-aral na isang kayamanang ipinamana niyo, na
ninuman ay walang makaaagaw sa akin saan man akong dako marating.
Para naman sa mga taong aking nagustuhan at inibig, kahit hindi niyo ako pinapansin
dahil sa hindi ako kagandahan ay isa lamang ang aking mababala sa inyo: hintay lang kayo,
talagang magsisisi kayo, Charing! maraming salamt pa rin lalo na sa araw-araw na naging
inspirasyon ko kayo upang pumasok sa paaralan at motibasyon ng malalaking grado.
Higit sa lahat para sa Panginoon, Maraming salamat sa lahat Lord. Sa mga guro, mga
administrator, aming punong-guro at sa aking mga kapwa kamag-aral at kaibigan na ginawa
mong instrumento upang maging masaya at isa sa hindi ko malilimutang alaala sa aking buhay.