You are on page 1of 2

Isang maligayang pagbati sa lahat ng mga kapwa ko mag-aaral na nagtapos ngayong

araw na ito!

Sa lahat ng aming mga guro at panauhing pandangal, mapagpugay na araw po sa inyo!

Sa lahat ng mga magulang na kasama ngayon ng kani-kanilang mga anak, mapagpalang


araw po!

Bago ko po simulan ang aking talumpati, maari po bang humingi ng isang masigabong
palakpakan para sa ating lahat na nandidito ngayon?

Ngayon po ay ang araw na napakatagal na pinkahintay ng kapwa ko mga mag-aaral sa


mababang paaralang ito. Napakahabang mga araw ang binuno natin para sa mga pagsusulit,
para sa mga aralin, mga “performance task”, mga “surprise quiz”, at mga project. Napakarami
talaga nila…Paminsan-minsan ay hindi na natin maiwasang antukin, sumakit ang mga kamay,
mamroblema sa mga pambili at pangggastos ng mga kailangan natin para sa ating pagiging
produktibo bilang isang estudyante. Madalas ay pinipilit na lang natin sabihin sa ating mga sarili
na “bukas na lang kaya bago pumasok”…pero mas madalas ay napapansin natin na hirap na
hirap na pala tayong tapusin ang mga naatasang gawin para sa isang araw ng pag-aaral…
Madalas nangyayari ito dahil sa kagustuhan natin na mag-“Mobile Legends” o di naman kaya ay
mag-“FB” na lang. Sa ilang pagkakataon ay talaga namang maihahalintulad mo ang pag-aaral sa
paglalaro at paglilibang. Sinsasabi natin sa ating mga sarili na ang pagpasok at pagiging
estudyante araw-araw ay higit na mahirap kaysa sa paglilibang gamit ang “social media” at ang
ating mga “cellphone”. Ngunit ating din namang maiisip, na sa bandang huli ng napakahabang
araw ng pag-aaral…sa mismong araw na ito, na ang ating mga pinagpuyatan, ang ating mga
pinagtawanan, at ang ating mga pinagsamahan bilang isang mag-aaral ng paaralang
elementarya ay ating hahanap-hanapin sa ating pagtatapos. Ating tanggapin na ang pagsisikap
mag-aral ay magbubunga ng mas maraming cellphone at mas malawak na karanasan sa
hinaharap.

Ang araw na ito, ang araw na ating pakatatandaan at paka-ipagmamayabang. Sapagkat


ating nakamit ang tagumpay ng isang elementarya, na sa kabila ng ating kamusmusan at
kabataan, ating natapos ang isa sa mga paglalakbay na hindi kailaman mababalikan kung tayo
ay nasa “high school” na…at ito ang ikinararangal nating lahat. Narito tayong lahat sa harapan
ng ating mga guro at mga magulang, taas noong nagyayabang at nagsasabing, “Yes! Nagawa
namin ‘to!” Salamat po ng buong puso…ito po ay dahil sa inyo!

Nakaukit sa aking puso at isip ang larawan ng buong paligid, ng buong paaralang
elementarya, at ng lahat ng nagsisipagtapos sa araw na ito. Kailanman ay hindi ko maitatanggi
na kahit pa napaka-hangal pa nating lahat na mga mag-aaral, ay naririto tayong lahat at
magsisipagtapos…Nagbunga na po ang punlang ating pinagsikapang itanim at atin na po itong
aanihin! Simula pa lamang ito ng ating mga lakbayin ngunit naniniwala po akong lahat ng
hakbang na ating gagawin patungo sa “High School” ay magiging mayaman, malawak, at
marahan at may kasiguraduhan! Ipagpatuloy lang natin ang pagsisikap sa pag-aaral at ang
pagmamahal sa ating mga pinaghihirapan.

Ito po ang inyong Valedictorian, (Pangalan)________________, just saying!

Binabati ko po tayong lahat! Mabuhay ang Grade 6 ng Kapalaran Elementary School!

You might also like