You are on page 1of 2

Tunay na Kaibigan

Ni Juffer A. Mariano

Namukadkad ang mga bagong usbong


na bulaklak
Mga ibon ay umaawit sa tuwat galak
Dumaloy ang unang patak ng ulan sa lupa
Panibagong araw, panibagong simula.

Puso at isipan ay puno ng pag-asa


Pag-asang magkaroon ng bagong samahan
Bagong samahang hindi matitinag nino man
Sa araw na iyon, nabuo ng di inaasahan.

Mula ng ikay makilala at makasama


Pag-inog ng mundo koy biglang nag-iba
Sa bawat araw na ikaw ang kasama
Lahat ng problemay kayang kaya.

Sa pagdaan ng mga araw, buwan at taon


Samahan natiy pinagtibay ng panahon
Dahil parati tayong magkasama
Itsura mo sa isipan koy di mabubura.
Ang Aking Kaibigan
Ni Juffer A. Mariano

Ang aking mga kaibigan


Ay lagi kong maaasahan
Kasama ko kahit saan
Nagdadala ng kasiyahan

Kapag ako ay may problema


Silay ay lagi kong kasama
Tulong nilay lagi kong dama
Pagdamay ay laging kasama

Tanggap naming ang bawat isa


Kahit walang laman ang bulsa
Sa bawat isa ay umaasa
Pag-susulit ay lagging pasa

Ang ugali man ay iba-iba


Kamiy komportable, walang kaba
Estadoy mataas o mababa
Kamiy walang pag-kakaiba

Kanya-kanya man ng minamahal


Magkakasama sa pagpasyal
Kahit kamiy hindi sosyal
Ang bawat isay aming mahal

You might also like