You are on page 1of 1

Azul, Christine Joy M.

Ab English 2 - H3

mga Sugatang Puso

Lumaki ako sa isang simpleng pamilya, isa lamang kaming magsasaka, Bata pa lang ako ng tinuruan
na ako ng mga magulang ko kung papano ang maging isang magsasaka, isa kasing paraan yon ni itay
para matuto kaming magsipag, ayaw ni tatay ng tatamad tamad, mahirap man ang trabahong ito dahil
sa nakababad ka sa init/sikat ng araw, at kung minsan nabababad ka sa buhus ng ulan, pero ayos lang un
dahil nakasanayan na din nman naming magkakapated. Ganyan nman hindi ba sanayan lang sa buhay
kung ano ang meron at kung ano ang kinatatayuan o istado ng pamumuhay na kinagisnan mo..

Pero hindi ibig sabihin nun wala akong mga pangarap, meron din akong pangarap na gusto kong
maabot, paglaki ko gusto kong isang enhenyero/Engineer. Hindi ko ikinahihiya na isa kaming magsasaka,
laging sinasabi samin ng tatay ko na mahalaga daw ang isang magsasaka sa lipunan dahil kung wala kami
walang mabibiling bigas sa palengki, maraming mga kababayan natin ang lalong maghihirap sa pagbili ng
mamahalang bigas na magmumula sa mga ibat ibang bansa, sa tuwing cnasabi sakin un ng aking tatay di
ko maiwasang ipinagmamalaki ko ang isang magsasaka.

Mahirap na trabaho ang isang magsasaka dahil ibayong pagtitiis,pagsisipag at maraming tyaga
ang kinakailangan para meron kang masaganang ani. Kailangan mong alagaang mabuti, gaya ng pag
aalaga mo saiyong mga pamilya lalo na sayong mga anak. Habang ako ay nagbibinata lahat ng
ikinabubuhay namin halos nanggaling lahat sa pagsasaka ng aking mga magulang, dito din namin
kinukuha ang aming mga pangmatrekola sa pagbibinta ng mga palay at bigas sa bayan. Tuloy tuloy lang
ang pagsisikap ng aming mabuting ama sa pagiging magsasaka sa aming bukirin, hanggang sa kami ay
makatapos ng pag aaral.

Nang dahil sa isang magsasaka, ngayon isa na akong ganap na enhenyero, natupad ko rin ang
aking mga pangarap, matatanda na din ang aking mga magulang at panahon na din para ako ang
maninilbihan para sa kanila. Pero kahit na maganda na ang kinatatayuan naming magpapamilya, wala sa
isip namin ang talikuran ang isang trabahong magsasaka, ipagpapatuloy ko parin kung ano ang aking
kinagisnan, dahil maraming aral ang naitulong sakin ng isang buhay magsasaka, ang maging mapagtiis,
matyaga at maging masipag.Isabak man ako ngayon sa kahit na anong tabaho alam ko kayang kaya ko
dahil laki at sanay ako sa HIRAP!! Proud ako sa mga katulad kung MAGSASAKA!!

You might also like