You are on page 1of 3

SARANGGOLA ni Efren R.

Abueg

PAGKILALA SA MAY AKDA:


Si Efren R. Abueg (Marso 3, 1937) ang isa sa mga ginagalang na nobelista, kuwentita,
mananaysay, at kritiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang
kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kwento. Ilan sa mga parangal ni Efren R. Abueg
ay ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa taong (1959, 1960, 1963, 1964,
1967 at 1974). Sumulat at nag-edit din ng maraming mga sanggunian aklat at ginamit hanggang
sa kasalukuyan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula elementary, sekundarya
hanggang sa kolehiyo.
URI NG PANITIKAN:
Ang Saranggola ni Efren R. Abueg ay isang Maikling kwento.
LAYUNIN NG MAY AKDA:
Ang unang layunin ng may akda ay ang ipamulat sa lahat ng mga kabataan na hindi lahat ng
ating mga iniisip ang tama, hindi lahat nang sa tingin natin ay tama, ay tama na rin sa mata ng
ibang tao dahil tayong ay magkakaiba. Ang nais ipabatid ng may akda na hindi tayo nag-iisa
sa buhay dahil meron tayong mga magulang na handang tumulong, umalalay, gumabay at
handang sumuporta sa ating pagtahak sa kanya-kaya nating buhay. Kaya lagi tayong makikinig
sa kanila dahil sa panahon ng kagipitan at hindi muna alam kung ano ang iyong gagawin sa
buhay nandyan sila handa tayong bigyang muli ng bagong pag-asa at muling ibangon. Kaya
kahit ano pa ang kanilang nagawa sayo mga magulang mo parin sila, kahit bali-baliktarin mo
man ang mundo sa kanila ka parin nagmula. Ang pangalawang layuni ng may akda ay ang
ipamulat sa mga lahat ng mag tao na tagumpay sa buhay ay hindi natatamasa sa isang aksyon
lamang, hindi ito natatamasa sa isang sakripisyo lamang, hindi mo ito matatamasa kung hindi
ka magsisikap at matitiyaga sa pagharap sa pagsubok sa buhay.
TEMA O PAKSA NG MAY AKDA:
Ang tema ng maikling kwentong Saranggola ay ang pagmamahal ng ating mga magulang,
lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama ay hindi maipagpapalit sa kahit anong kadaming
salapi sa mundong ito.Ang pangalawa ay ang buhay ay parang saranggola bago mo ito
maipalipad ng matagal at mataas sa himpapawid kinakailangan mo munang mag-tiyaga, mag-
ingat at maging mahusay sa pagpapalipad nito.
MGA TAUHAN O KARAKTER SA KWENTO:
Lalaking bata – ang batang humiling sa kanyang ama na siya ay bilhan ng guryon .
Ama – ang ama ng batang humiling na bilhan siya ng guryon.
Ina – ang ina ng batang humiling sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Rading – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Paquito – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Nelson – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
TAGPUAN O PANAHON:
Sa isang munting bayan – ang bayan kung saan nakatira ang pamilya ng batang lalaki.
Sa bahay – sa bahay kung saan sila nakatira at gumawa ng saranggola.
Sa bukid – kung saan nagpapalipad sila ng saranggola.
Sa Machine Shop – kung saan sila nagtatrabaho.
NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
I. Humingi ang batang lalaki sa kanyang ama na bilhan siya ng guryun.
A. Pero hindi siya binilhan ng kanyang ama at tinuruan na lamang siya ng kanyang ama kung
paano gumawa at magpalipad ng saranggola.
B. Kaya namuo ang kanyang galit sa kanyang ama.
1. Naramdaman ng batang lalaki na kinakaawa siya ng kanyang ama dahil sa mga bagay na
hindi binigay sa kanya, kaya mas lalong nagalit siya sa kanyang ama.
2. Sa paglipas ng panahon hindi parin nawala ang galit ng batang lalaki sa kanyang ama, kahit
sa pagpili ng kursong pag-aaralan, ang desisyon ng kanyang ama parin ang natupad at para siya
na ang mamalakad sa kanilang negosyo kung wala na ang magulang niya.

II. Dumating ang araw na nakapagtapos ang batang lalaki sa koliheyo


A. Sa halip na ibigay sa kanya ang pamamalakad ay binigyan lamang siya ng ama ng pera para
magpundar kanyang sarili negosyo kaya nagalit siya sa kanyang ama.
1. Tinanggap niya ang pera at nagtayo siya ng kanyang sariling negosyo at hindi naglaon
nalugi ito.
1.1 Dahil nagtayo siya ng kanyang negoso malapit sa negosyo ng kanyang ama, kaya
mas maliit ang kanyang benta at nalugi ito.
2. Humingi siya ulit ng puhunan sa kanyang ama, ngunit hindi siya binigyan nito kaya lalo
siyang nagali rito.
B. Nagtrabaho siya at nagsumikap, sa paglipas ng panahon nagkaroon ng bagong negosyo at
nagging mas maunlad.
1. Isang araw umuwi siya galing sa trabaho at hindi niya naabutan ang kanyang mag ina at
nalaman niyang pumunta sila sa kanyang magulang para patawarin ito.
1.1 Naalala niiya ang lahat ng masasayang araw at panahon noong kasama pa niya ang
kanyang ama, kaya nagmadali siya umiwi sa kanilang bahay.
1.2 Ngunit huli na ang lahat, patay na ang kanyang ama at namatay itong walang
hinannakit sa kanya dahil natupad na ang pangarap ng kanyang ama na marating kanyang anak
itaas ng kanyang sariling hirap.
MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang buhay ay parang saranggola, wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal
niyon sa itaas nasa na humahawak nag tali nito dahil ikaw ang kumukontrol sa iyong buhay
kaya magsikap, magtiyaga at palaging manalig sa poong may kapal upang kanyang gabayan sa
pagpapalipad mo ng iyong saringling saranggola.
Oras ang pinaka-impotanteng bagay sa mundong ito. Ang mga nagdaan ay hindi muna
mababalikan kaya kumilos ka at gumawa ng mga mabubuting bagay sa mundo dahil hindi mo
alam kung kalian kalang mabubuhay sa mundong ito. Kaya kung may panahon kapa dapat lahat
ng mga hindi magandang pangyayari sayong buhay ay itama muna para hindi ka magsisi sa
huli.
ISTILO NG PAGKASULAT
Ang istilo na ginamit ng may akda sa pagsulat ng maikling kwentong ito ginamit niya ang
emosiyon ng mga mambabasa para makuha ang kanilang atensiyon na basahin at tangkilikin
ang kanyang maiklin kwento. Sa paggamit ng may akda sa emosiyon ng mambabasa mas
madali itong mag-iiwan ng kakintalan at aral sa mambabasa dahil ang mga pangyayari sa
kwentong ito ay tunay na nangyayari sa totoo buhay.

ARAL NG KWENTO:
Ang aral ng kwento ito ay dapat palaging tayong makikinig sa ating mga magulang at sundin
ang kanilang mga payo dahil ang hangad lamang nila ay kung ano ang makakabuti sa kanila.
Ang buhay ay parang lotto na instant mayaman kana agad kung mananalo ka dahil ang buhay
ay puno ng pagsubok kaya dapat palagi tayong magsikap at paghusayin ang pagawa para sa
ikakaunlad natin.
Hindi salapi at kapangyarihan na kung minsa’y parang bulang nawawala ang pinakamabuting
pamana ng magulang sa anak. Matinik ang landas na kanyang kanyang tatahakin kaya
katatagan, mabuting asal at edukasyon ang pinakamatibay na patnubay upang marating niya
ang patutunguhan.

KULTURANG MASASALAMIN
Pagmamahal-pinaraman ng mga magulang ang pagmamahal sa anak neto
Pagmamalasakit- ng isang ama sa kanyang anak upang maging maayos ang estao ng buhay ito.

You might also like