You are on page 1of 1

Name: RAMOS, ANGIELOU MAY

137 Sitio Pagkakaisa Zone-4

Sucat, Muntinlupa

Ika-19 ng Agosto 2020

Mahal kong Nadine,

Kumusta ka na? Sobrang tagal na simula ng huli tayong nagkita at


nagkausap. Sobrang nangungulila ako sa mga panahong tayo ay nasa hayskul pa
lamang at nagtatawanan, alam mo naman na ikaw lang ang tinuturing kong matalik
na kaibigan. Kumusta ang buhay sa ibang bansa? Natupad mo rin ang pangarap mo
na makapag-trabaho sa Canada. Ako naman ay masaya na rin sa buhay, accountant
pa rin ako sa isang bangko dito sa Muntinlupa. Mahirap ang buhay sa Pilipinas alam
naman natin iyon simula ‘nung bata pa tayo. Napakarami kong ikukwento sa iyo na
tiyak ay kulang ang isang linggo sa paghahabol nang mga araw dahil sa nagkawalay
na tayong dalawa sapagkat magkaibang paaralan tayo sa kolehiyo. Sana ay
makapagliham ka din sa akin, balitaan mo ako kung ano ang iyong
pinagkakaabalahaan diyan.

Sana ay makauwi ka sa darating na Pasko at makadalaw ka sa amin,


hinahanap ka ni Mama eh. Hanggang dito na lang muna, mag-iingat ka palagi.

Nagmamahal,

Angielou

You might also like