You are on page 1of 2

Pagbangon sa Makabagong Panahon

Ni Cheska Eunice P. Ochea


Tandag City SpEd Center

Ating mundo na noon ay kay saya at kaaya-aya,


Bakit biglang nagbago at napuno ng pangamba?
Nakulong sa bahay na para bang nasa loob ng hawla,
Dahil ba kaya ito sa pandemya?

Ngunit hindi lang ang pandemya ang ating naging suliranin,


Mga kalamidad na maraming buhay ang nawala ay dumating din,
Ang mga tirahan ay winasak at kabuhayan ay nawala,
Na kung saan maraming tao ang nagambala at napariwara.

Maraming problema ang ating kinakaharap,


Maaaring ito ay tungkol sa droga o krisis na naganap,
Pagkain at tubig sa ibang lugar ay pinaghahanap,
Isyung rebelyon, korapsiyon at krimen ay lumalaganap,
Wala na bang pag-asang magbago at maging maligaya?

Naaalala ko pa nung hindi pa nagkapandemya,


Batang tulad ko at ikaw ay naglalaro pa sa kalsada.
Masayang mukha’y makikita sa bawat isa,
Ngunit sa isang iglap,
biglang nagbago ang lahat.

Marahil ay musmus pa ako o tayo,


para malaman ang mga isyung ganito,
Ngunit ako’y naniniwalang bata man tayo,
kailangan nating makialam para sa matiwasay na pagbabago,
Ika nga ni Gat Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan”,
Maging positibo sa bawat hakbangin
at magsumikap para makabangon.

Anumang hamon ang ating haharapin,


hahanap tayo ng paraan upang ito ay kayanin.
Dahil ang mga Pilipino ay kilalang malakas at matatag,
Sa mga problemang ito tayo ay hindi aatras.

Dahil sa pagiging matapat,


Mula sa kahirapan tayo ay naka-aangat,
Tayo ay pinagkakatiwalaan ng lahat.
Nakukuha din natin ang respetong para sa atin nararapat.

Anumang suliranin kaya nating harapin, ang pagiging matatag ay likas sa atin.
Sa ating pananalig at pagsama-sama,
Uusbong ang pag-asa sa bawat isa.
Dahil babangon ang mga Pilipino, babangon tayo.

Kaya nating abutin anuman ang mga pangarap o kaya’y mithiin,


Magsipag tayo at siguradong pagpapalain.
Mananalangin ako, mananalangin tayo.
Dahil sa ating diyos Maykapal, lahat ay planado, lahat ay sigurado.

Kaya tayong mga Pilipino,


Huwag mawawalan ng pag-asa
At matuto,
Umasa tayo na may solusyon sa lahat ng mga problemang ito,
Harapin natin ng buo at bukal sa loob,
pagkat ito ang paraan upang maging positibo ang pagbabago,

Kaya lagi nating isipin at ating dibdibin ang wika ni Teacher Marie Paz, na kung “sakaling madapa,
huwag bumangon kung saan nadapa, bagkus,
gumapang patungo sa lugar
kung saan maaring bumangon
nang hindi na muling madapa”.
Dahil ito, ang pagbangon sa makabagong panahon.

You might also like