You are on page 1of 2

Sulat ng Anak sa Magulang

Inay, Itay
Pagpasensyahan nyo na sana kung makasira kami ng kasangkapan dala ng kalikutan
Kami’y bata lamang na di pa nalalaman ang mga bagay at kanilang kahalagahan
Kung kapag pinagsasabihan ay sumasagot ng pabalang,
Sana maunawaan nyo na kami’y bata pa lamang na pinapairal ang init ng ulo kung
minsan
Kung minsan na parang alam na namin ang lahat ng kailangang malaman
Talagang umiiral lamang ang kayabangan kung minsan,
Sana’y di kayo magsawang kami’y turuan ng malaking kaibahan ng wasto sa
kamalian
Patawad po…
Sa aming pagtanda kayo ay di nawala
Sa bawat daan na aming pinupuntahan, kayo ang sumusubaybay sa aming
patutunguhan
Naalala pa namin nung kami’y unang masugatan
Yakap at pagmamahal mo ang pumawi sa sakit na nararamdaman
Lahat ibinigay niyo kahit wala na
Dahil sa pagmamahal ninyo, nahubog kami bilang isang tao
May takot sa Panginoon at respeto sa kapwa tao, Yan kami, dahil sa inyo
Sa inyo na nagbigay sa amin ng buhay
At nagpadama ng pagmamahal na walang kapantay
Noong aming kabataan, pinatulog kami ng tinig mo inay,
At natutong ngumiti sa pakikipaglaro sa iyo, itay
Dito sa mundong puno ng kalituhan, di ninyo kami iniwan
Kayo ang naging silbi naming ilaw sa bawat madilim na daan
Dahil sa inyo,
Natuto kaming mabuhay at magmahal ng tunay
At sa inyong pagtanda,
Hayaang kami naman ang kumalinga at mag-aruga
Gaya ng ginawa ninyo sa amin noong kami’y isang bata
Hayaan ninyong subuan namin kayo ng pagkain
Ipaghehele kung patutulugin hanggang sa humimbing
Sapagkat gusto naming maramdaman nyo rin
Ang pagmamahal na ipinadama ninyo sa amin
Lahat ng ito ay dahil lamang sa inyo
Dahil minahal ninyo kami nang higit pa sa anumang bagay dito sa mundo
Sa inyong pagtanda,
Hayaan ninyong kami’y magsilbing magulang sa inyo
Hindi man namin nasasabi ng harapan,
Dahil nauunahan ng hiya kung minsan,
Ngunit walang araw na nagdaan na di namin kayo minahal kahit minsan
Dahil kayo ang aming mga magulang
Lahat ng ito ay para sa inyo
Dahil…
Inay, Itay
Mommy, Daddy
Mama, Papa
Mahal na mahal po namin kayo…
Maraming salamat po at kayo ang mga magulang namin…
We love you po.
Sulat ng Magulang sa Anak

Para sa aming pinakamamahal na mga anak


Napakabilis lumipas ng panahon
Naaalala pa namin noong kayo’y munting mga sanggol pa
Pinilit naming magampanan ang tungkulin ng isang mabuti
at mapagmahal na magulang
Lumaki man kayo na tayo’y salat sa yaman
Ngunit busog sa pagmamahal ng isang magulang
Ngayon kayo’y amin nang pinagmamasdan
Dahilan kayo’y nasa husto nang isipan
Ni hindi na namin maramdaman ang yakap at lambing
Dahilan kayo’y malalaki na
O marahil kayo’y mayroon ng minamahal
Alam naming minsa’y kami’y inyong pinagmamasdan
Kung hanggang saan namin makakayanan ang ating pagsubok na
dinaraan
Ang sa amin lamang, aming mga anak ay tahakin nyo ang mabuting
landas
Darating ang panahon kayo’y tatahak sa panibagong buhay
Kayo ang buhay nami’t kayamanan
Lagi nyong iisipin anomang unos ang dumating sa ating buhay kaya natin
ito
Basta’t may pagmamahalan
Narito lang kami’t handang umalalay sa buhay na inyong ginagalawan
Lagi ninyong tatandaan na mahal na mahal namin kayong lahat
Wala na kaming mahihiling pa sa poong Maykapal
Na kayo’y Makita sa mabuting kalagayan
Para sa aming mga anak
Sana sa araw ng inyong pagtatapos ngayon ay maging silbing ilaw sa
panibagong yugto ng inyong buhay at maging matagumpay sa mga
pangarap na ninanais ninyo.
Ang pagpapaaral sa inyo mahal naming mga anak ang tanging
kayamanan na tangi naming maipapamana sa inyo.
Dahil sa abot ng aming makakaya itataguyod namin kayo.
Sana’y hindi kayo magbago hanggang kayo’y magkapamilya
Ang pagmamahalan sa isa’t isa ay taglayin nyo hanggang kayo’y tumanda
Ang pagmamahal, kagandahang asal
at disiplina ang aming tanging maipapamana sa inyo mga anak
Mahal na mahal namin kayong lahat sa tunay na kahulugan ng salitang ito.

You might also like