You are on page 1of 2

Kabayanihan

Pilipinas, ang mahal kong bayang aking sinilangan


Ang bansa na sawakas nakamit na ang kalayaan
Mga makasasaysang lugay na ating mapuntahan
Salamat sa ating ninuno, baya’y ipinaglaban

Paano nga ba maipakita kung mahal ang bayan?


Kung ang tao’y hindi kontento sa sariling tirahan
Mas piniling lumabas sa bansa para sa puhunan
Kung merong trabaho dito, gumawa lang ng paraan

Kabayanihan ang tawag sa pagmamahal sa bansa


Sa panahong sinakop ang Pilipinas ng Kastila
Handa ang ating mga ninuno na labanan sila
At kalayaan ang nasa puso at isipan nila

Kalayaan, bagay na ipinamana ng ninuno


Sila ay lumaban, maabot ang ganitong estado
Na Malaya tayong gumalaw sa ating mga gusto
Sa pagmamahal sa bayan ninuno’y nagsakripisyo

Kabayanihan ang tawag sa pagmamahal sa bansa


Sa panahong sinakop ang Pilipinas ng Kastila
Handa ang ating mga ninuno na labanan sila
At kalayaan ang nasa puso at isipan nila

You might also like