You are on page 1of 10

Buod

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga
pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas
mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na
pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si
Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si
Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning
maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang
pag-aaral.

Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain
ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang
ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa
gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing
akademya.

Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak
niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta.
Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria
Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang
natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating
binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay
nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto
ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang
pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito
ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang
kasintahan.
Maria Clara

Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila,
si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay
ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong
ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa
durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay
Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang
kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral.
Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa
Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad
siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong
pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may
hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga
ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong
kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na
liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang
paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at
kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang
maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay
siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng


pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di
malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang
dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di
siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin
napatinag ang binatang ito.

"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob,
ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Ang Lampara

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa
ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari
Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng
batas ang mag-aalahas,

uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang
pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya
ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni
Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at
makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay
si Simoun.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging


kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan
ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

Pahiwatig ng iba't ibang kabanata

Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga pahiwatig ng mga iba't ibang kabanata ng El Filibusterismo.
Kabanata I:Sa Kubyerta

-Ang bapor Tabo’y larawan ng ating pamahalaan, ng ating bayan. Mahina ang pagtakbo at maraming
balakid sa landas na ang ibig sabihi’y mahina ang pag-unlad. Marami pang dapat gawin upang sumulong
ang bansa.

-Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang kubyerta at ang ilalim nito. Ang
pamahalaan ay nagpapalagay na may mataas at mababang uri ng tao.

-Si Simoun, ang mayamang mag-aalahas na siyang tagapayo ng kapitan heneral, ay walang iba kundi si
Ibarra.

Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta

-Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan upang
maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan.

-Mapupusok ang kanilang kalooban. Hayagang sinasagot nang makahulugan si Simoun gayung ang
pagkakakilala nila’y malapit sa kapitan heneral.

- Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay nagpapakita ng kapangyarihan ng mga
magulang sa anak noong unang panahon. Anumang bagay na naisin ng magulang maging laban man sa
kalooban ng anak ay nasusunod.

Kabanata III: Mga Alamat

-Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa kaniyang kasintahan. Ito’y
nagpapahayag ng pagkamatapat ng babaing Pilipina.

-Maalamat ang ating bansa. Hindi lamang Pasig ang mayroon. Halos lahat ng bayan pati na ang
pinagmulan ng mga bagay, halaman o tao.

Kabanata IV: Kabesang Tales

-Ang pagkakaagaw ng Korporasyon sa lupain ni Tales ay nagpapahiwatig ng mga kasamaang umiiral


noong panahon ng Kastila.

-Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok o palakol ay nagpapakitang handang ipakipaglaban
ng mga Pilipino ang kanilang karapatan.

-May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapuwa Pilipino. Nariyan ang mga tulisang dumakip kay
Kabesang Tales upang ito’y ipatubos.

Kabanata V: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero


-Ang kaawaawang mga Pilipino’y tumatanggap ng mabigat na parusa sa kaunting pagkukulang.
Malulupit ang maraming mga nasa tungkulin.

-Malaki ang pagnanais ni Kapitan Basiliong makasundo ang kura at alperes. Sila ang makapangyarihan sa
bayan.

Kabanata VI: Si Basilio

-Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng pagpapahalaga ni Rizal sa


Karunungan. Maging ano mang uri ng gawain basta’t marangal ay kailangang pasukan upang makatapos
ng pag-aaral. Kailangan ang pagtitiis, pagtitiyaga at pagsusumigasig upang matuto.

-Sa kabanatang ito’y napabulaanan ang kasabihang kung ano ang puno’y siyang bunga. Si Basilio ay may
mga mabubuting katangiang kabaligtaran ng sa ama.

Kabanata VII: Si Simoun

-Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang ito’y mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong diwa, kaisipan,
damdamin at mga mithiin ng may akda para sa kaniyang bayan.

-Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi ng pagbabago. Ang isa’y
humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng Espanya at ang isa nama’y nagnanais humiwalay upang
maging ganap na malaya.

Kabanata VIII: Maligayang Pasko

-Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli ng Salaping inaasahang
ibibgay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang
awa.

-Ang pagkapipi ni Tandang Selo Ay nagpapahiwatig ng pagkaka-alis sa mga Pilipino ng kalayaang


magpahayag ng kanilang nais sabihin.

Kabanata IX: Si Pilato

-Masalapi at makapangyarihan ang korporasyon. Walang Pilipinong maaaring lumaban dito noong
panahong iyon.

-Si Pilato ang siyang naggawad ng hatol na si Hesus ay ipako sa krus. Siya’y naghugas ng kamay at
sinabing siya’y walang kasalanan.

Kabanata X: Kayamanan at Karalitaan


-Ang isinasama ng mga mamamayan ay nasa mga taong namamahala.

-Ang mga Pilipino’y handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang karapatan.

Kabanata XI: Los Banos

-Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at ang pamahalaan, karaniwang nananaig pa ang pasiya ng
mga prayle.

-Magkaiba ang pamamalakad ng mga Dominiko at mga Heswita.

-Ang panunuyo sa mga may kapangyarihan ay kaugalian nating mga Pilipino.

Kabanata XII: Si Placido Penitente

-Ang di pantay-pantay na pagtingin ng guro sa mag-aaral ay hindi nararapat sapagkat ito’y nagiging
dahilan ng pagkawala ng kawilihan ng mga mag-aaral at ng di-paggalang ng mga ito sa guro.

Kabanata XII: Ang Klase ng Pisika

-Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay hindi nasisiyahan sa pamamalakad at pamamaraan ng
pagtuturo sa pamantasan. Sila’y naghain ng kahilingan upang magkaroon ng pagbabago.

-Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay laging inihahanda sa mga panauhing darating at hindi sa pag-
aaral. Isa ito sa sakit ng ating lipunan-ang pakitang tao.

Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Estudyante

-Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit sa ating bayan at pagpapahalaga sa mga
Pilipino.

-Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan, na wari’y nalulusaw sa init
ng kabataan at karunungan. Magandang halimbawa si Sandoval, isang Kastilang naging kasama’t kamag-
aral nina Isagani at Makaraig.

Kabanata XV: Si Ginoong Pasta

-Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin muna ang
kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak.

-Maraming taong tumitigin sa pansariling kapakanan at winawalng bahala ang ikabubuti ng bayan.

Kabanata XVI: Ang mga Kapighatian ng Isang Insik


-Ang pagtanggap ng suhol ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang pagsasamantala sa mga
lumalapit sa kanila ay nakapagdaragdag ng paghihirap ng bayan. Ito ang pinakamalubhang sakit ng
lipunan sa ngayon.

Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo

-Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang sining ay kinakikitaan ng damdamin at ng iniisip ng
gumagawa nito, makikitang ang nalalarawan sa kanilang mga inukit ay ayon sa mga pangyayari noong
panahong yaon.

Kabanata XVIII: Mga Kadayaan

-Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay tumutukoy sa pangyayaring nagaganap noong panahon ng
Kastila.

-Ang pagkatakot at tuluyang pagkakahimatay ni Pari Salvi ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle
sa kanilang kasamaa’t pagkakasala.

Kabanata XIX: Ang Mitsa

-Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga Pilipino ay siyang nagtataboy sa huli upang maghimagsik.

-Ang layunin ng maraming magulang sa pagpapaaral sa kanilang anak upang maipagmalaki at masabing
sila’y magulang ng isang nakapag-aral at nagkatitulo.

Kabanata XX: Ang Nagpapalagay

-Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga. Agad-agad tayong humahanga. Hindi na
natin sinusuri ang kanilang mga tunay na pagkatao at kakayahan.

-May paniniwala si Rizal na ang tao’y pantay-pantay. Walang pagkakaiba ang puti at kayumanggi.

Kabanata XXI: Mga Ayos-Maynila

-Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng kapwa at ng bayan. Walang
inaalagata ang marami kundi ang kagalingang pansarili.

Kabanata XXII: Ang Palabas

-Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin. Ginaya lamang natin ito sa
mga Kastila.

-Ang mga Pilipino’y mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain. Maging ano mang bagay na gawa
ng mga dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan natin.
Kabanata XXIII: Isang Bangkay

-Ang pagbabalik at balak ni Simoung agawin si Maria Clara sa kumbento ay nagpapatunay ng kawagasan
ng pag-ibig nito; at ang pagkamatay ng dalaga ay nagpapahiwatig ng pananatili ng kapangyarihan ng
relihiyon sa ating bansa.

Kabanata XXIV: Mga Pangarap

-Ang pag-unlad na nakikinikinita ni Isagani ay siyang pangarap ng may-akda para sa kaniyang bayan.

-Ito’y hindi nanatiling pangarap. Ang lahat ay nagkaroon ng katuparan.

Kabanata XXV: Tawanan at Iyakan

Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang katunayang ang kabataan ay
hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga bagay na ikauunlad ng sarili at ng bayan.

-Makapangyarihan ang mga prayle dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng relihiyon, ng


pananampalataya, ay nangyayaring mapasunod at masakop tayo ng lubusan.

Kabanata XXVI: Ang Paskin

-Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo ang anumang kilusang labag
sa kanilang kapakanan.

-Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat malaki ang kanilang pagnanasang manatili sa
Pilipinas.

Kabanata XXVII: Ang Prayle at ang Pilipino

-May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at di-mabuting pagkilala sa
mga Pilipino.

Kabanata XXVIII: Tatakut

-Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na pangyayari. Kalimitan, pag-
nagpasalin-salin, ito’y marami nang dagdag.

-Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang aring pagtakpan kahit ng mga pahayagan.

Kabanata XXIX: Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago

-Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene.


-Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng mga
mananampalataya.

Kabanata XXX: Si Huli

-Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang lahat maging ang mga may
tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan.

-Walang natitira sa mga kawawa kundi ang mamundok at manulisan.

-Makapangyarihan ang pag-ibig.

Kabanata XXXI: Ang Mataas na Kawani

-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay na may ilan ding Kastilang ,ay
ugaling marangal.

-Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito ang larawan ng katarungan sa
ating bansa.

Kabanata XXXII: Mga Ibinunga ng mga Paskin

-Si Paulita’y larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila ni Isagani. Hindi siya
makapaghintay sa katuparan ng mga “pangarap” ng binata.

-Ang dalaga’y makasarili, ang binata’y makabayan.

Kabanata XXXIII: Ang Huling Matuwid

-Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang maipaghiganti ang sariling kaapihan.

-Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling sa mga marurunong at
mayayaman. Ito’y pinatutunayan ng kasaysayan.

-Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa pamamaraan. Hindi baling
masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin. Nalimutan niyang ito’y labag sa alituntunin ng
kagandahang-asal.

Kabanata XXXIV: Ang Kasal

Ang kabanatang ito’y naglalarawan ng sakit ng ating lipunan:

-Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang nagpapaanak sa mataas na tao kahit ito’y di lubhang
kakilala. Ikinararangal nila iyon at ipinagmamalaki. Sa katotohanan ang mga ito ay hindi nakagaganap sa
kanilang tungkulin bilang ninong pagkat nin hindi natatandaan ang inaanak.

-Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan, binyagan at ano mang pista
dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang kanilang makakaya. Ang iba’y kahit na mangutang.

Kabanata XXXV: Ang Pista

-Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa mga piling panauhin.
Sinasabing “Bilang na, natimbang na, hati ang inyong kapangyarihan.” Nangangahulugang nabibilang na
ang araw ng mga maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang wakas, sapagkat natagpuang nagkulang
at nakgkasala.

-Magnum Jovem- Dakilang Jupiter. Si Jupiter ay ang Diyos ng kalangitan, ayon sa relihiyong Romano.

Kabanata XXXVI: Mga Kagipitan ni Ben-Zayb

-Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong panahong iyon.

Kabanata XXXVII: Ang Hiwaga

-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang lihim na hindi nahahayag.

Kabanata XXXVIII: Kasawinan

-Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa sa mga Kastila. Walang pakundangan sa kanilang mga
kababayan.

Kabanata XXXIX: Katapusan

-Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao.

-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.

-Binibigyang diin ang katotohanang kung walang kalayaan ay walang katarungan.

-Ang kalayaa’y maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng katuwiran at ng karangalan ng tao.

-Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

You might also like