You are on page 1of 20

Filipino 10

Kabanata 2 : Sa Ilalim ng Kubyerta


(El Filibusterismo)
Buod ng Kabanata 2

Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip


at siksikan doon dahil may mga pasahero at naroon
din ang mga bagahe at kargamentro.

Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina


at si Isagani na isang makata mula sa Ateneo. Kausap
nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak
ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang
Kastila na hindi naging matagumpay.
Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni
Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya
Victorina de Espadaña.

Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio


at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay
Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw
sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap
ang lugar at walang bibili ng alahas.
Nagpatuloy ang usapan ng tatlo
hanggang sa inalok ni Simoun ng
serbesa ang dalawa. Tumanggi sila at
sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre
Camorra, kaya mahirap at tamad ang
mga tao sa kanilang lugar ay panay
tubig ang iniinom at di alak.
Overview ng Kabanata 2

Marami ang sakay sa ilalim ng kubyerta.


Katabi nila ang mga maleta,tampipi, at
bakol. Malapit sila sa makina at init ng
kaldero kung kaya't halu-halo na ang
mabahong singaw ng langis at singaw ng
tao. Kabilang sa naroon sina Basilio, Isagani,
at Kapitan Basilio. Tungkol naman sa
Akademya ng Wikang Kastila ang paksa ng
usapan nila.
Ang bawat mag-aaral ay mag-aambag ng
sikapat. Ang kalahati sa magtuturo ay mga
Kastila at ang kalahi ay mga Pilipino. Ang
bahay naman ay magmumula kay
Makaraig. Bumaba si Simoun sa ilalim ng
kubyerta at lumapit sa magkaibigan Isagani
at Basilio. Pinakilala ni Basilio si Isagani kay
Simoun. Hindi tinanggap ng magkaibigan
ang paanyaya ni Simoun na uminom ng
serbesa. Binanggit ni Basilio na ayon kay
Padre Camorra kulang sa lakas ang mga
Pilipino dahil dito ay palainom ng tubig at
hindi ng serbesa.
Sinagot ito ni Isagani, aniya ang tubig
ay matamis at naiinom ngunit
lumulunod sa serbesa at pumapatay ng
apoy. Habang nag-uusap ay may
dumating na utusan. Pinapatawag ni
Pedro Florentino ang kaniyang
pamangkin na si Isagani. Ayon sa iba ay
anak daw ito ni Pedro Florentino sa
dating katipan nang mabalo.
Mga Tanong
Bakit kalakaran sa matanda, tulad ni Kapitan
Basilio na nakatagpo ng balakid sa lahat ng dako
samantalang ang kabataan ay masigasig sa mga
balak, tulad nina Isagani?
Marami nang kabiguang naranasan ang
matatanda, kabiguan sa sarili nilang
pangarap at balak noong kanilang kabataan
samantalang ang mga bata ay may maapoy
pang damdamin na gatong sa kanilang mga
balak at adhikain. Di pa sila nakaranas ng
maraming kabiguan. Dahil dito, kahit
papaano, and daigdig ay sumusulong,
umuunlad.
Ano ang palatandaan ni Simoun sa
pagiging dukha ng isang bayan noon?
Ang pari sa bayan. Kapag Pilipino,
dukha ang paroko; pag Kastila naman
mayaman. Kung magsimula pa lamang
ang isang paroko di pa malakas ang
kita. Pilipino ang inilalagay dito; pag-
uunlad na ito, pinapasok na ng mga
prayleng Kastila.
Ano ang tugon ni Isagani kay
Simoun?
Na kung si Padre Camorra at mga
kasama nitong Kastila ay
nagbabawas sa pag-inom ng alak,
titino sila ng kaunti at ang mga
alingasngas nila, lalo na sa
kababaihan, ay mababawasan
kundi man maalis.
Paano nagkakilala sina
Simoun at Basilio?

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay isa sa


madalas dumalaw si Simoun na
pinaghihinalaan ng lahat, pati si
Basilio, na isang naghahangad
magkamana sa yaman ng Kapitan.
Ano ang ibig sabihin ni Isagani
sa pagiging sulak ng tubig? sa
mumunti at watak-watak na
ilog?
Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng
malamig at matimping damdamin ng mga
Pilipino; pagsulak, paghimagsik. Ang mumunti at
watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan
ng damdaming Pilipino na may matinding gawi ng
pagtatangi-tangi (regionalism). Kung ang mga
himagsikan lamang sa Pilipinas na mula kay Lapu-
lapu hanggang kina Diego Silang ay walang tigil
nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi
sa iisang dagat o nagkaisa-isa at nagkasabay-
sabay sa isang pamumuno, matagal na sanang
gininaw ng dagat ng tubig na ito ang Moong ng
Kastila sa Pilipinas.
Mga Aral
Huwag uminom ng serbesa lalo na ang
mga kabataan, matuto tayong tumanggi
sa mga alok lalo na kung alam mong ito ay
makakasama sa iyo, tularan ang ginawang
pagtanggi nina Basilio at Isagani ng alukin
sila ni Simoun ng serbesa, ayon sa dalawa
ay hindi sila umiinom noon, kapuri-puri
ang dalawa dahil marunong silang
tumanggi at alam nila kung ano ang
ikakasama nila.
Ipaglaban ang layunin lalo, ganon
ang ginagawa ng dalawang mag-
aaral na gustong magtayo ng
akademya kahit pa nga sabihan
silang malabong mangyari ang
kanilang nais sapagkat alam nilang
iyon ay makatutulong sa maraming
kabataan upang lumawak ang
kaalaman.
Suportahan ang nais ng iba lalo na at alam
mong marami ang makikinabang nito, huwag
tularan si Kapitan Basilio na sinasamantala
ang mga kabataang nais magtayo ng
akademya, sinabi pa niyang tiyak daw na hindi
matutuloy ang balaking iyon ng mga
kabataan at tiyak na marami ang kokontra,
iniingganyo niya ang mga kabataan na
manghina ang loob upang di matuloy ang
balak na pagpapatayo ng akademya imbis na
sana ay suportahan niya, sapagkat alam
niyang malaki ang maitutulong nito sa
kabataan.
Huwag panghimasukan ang kagustuhan ng
isang anak, ang mga magulang ay dapat
gumabay sa kanilang mga anak sa kanilang
mga naisin, huwag gayahin ang ina ni Padre
Florentino na pinilit siyang magpari nito
kahit labag sa kalooban, ng isa wala siyang
nagawa kung hindi ang sumunod sa ina,
kaya naman nagpakasal sa iba ang kaniyang
kasintahan, at ng namatay ang ina ni Padre
Florentino, naiwanan siya ng maraming
kayamanan ngunit hindi siya naging masaya
nito.
Ano ang ibig sabihin ng "Sa
Ilalim ng Kubyerta"?

Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang


diskriminasyon ng lipunan, na ang
mahihirap ay laging nasa ilalim. Ang
hindi nila batid ay walang pinipiling
katayuan sa buhay ang pagiging
mahusay at kapakipakinabang.

You might also like