Professional Documents
Culture Documents
Buod:
Sa kanilang paglalakbay, ang Kaptin ng Bapor ang mas higit na nakakaalam ng mga pasikot-
sikot sa knailang pupuntahan kaya binabalaan niya ang mga tauhan niya kung malapit na sila sa
mababang lugar. Ang babala niya ay ikinairita ni Donya Victorina. Maingay daw ang mga
tauhan at ng Kapitan. Ngunit parang ito ay isang paguuyam dahil ang taong mga kinagagalit niya
ay mga Indio at halos 99 porsyento na nasa bapor ay mga Indio at kasama na siya mismo rito.
Sinopsis:
Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa mga pasahero ang ilalim ng kubyerta.
Naroon ang dalawang estudyante na pinakukundangan ng iba, si Basilio na nag-aaral ng medisina at
mahusay na manggagamot at isang makata na katatapos pa lamang sa Ateneo, si Isagani. Kausap sila ni
Kapitan Basilio.
Napag-usapan nila si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw si Basilio ng matanda, ani Padre Irene na
naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Nabaling ang usapan sa paaralang balak ng mga
estudyante para sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kapitan Basilio.
Ipinagtanggol naman ito nina Basilio at Isagani sapagkat nakahanda na raw ang lahat na kailangan upang
ito ay maisakatuparan.
Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani na
ubod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya nito si Donya Victorina.
Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa, si de Espadana, na sa bahay pa ng amaing si
Padre Florentino nagtatago.
Dumating si Simoun at kinausap ng magkaibigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani.
Sinabi ni Simoun na hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagkat ang lalawigang ito ay
mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol si Isagani at sinabi niyang hindi sila namimili ng
alahas dahil hindi nila ito kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil
ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun na uminom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi
ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng tubig at hindi ng serbesa. Mabilis
na tumugonsi Basilio. Sabihin daw kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng
serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. Dagdagn ni Isagani, ang tubig ay
lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay ng apoy, na kapag pinainit ay sumusulak. Nagiging malawak
na dagat at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya pinansin ang pagsingkil ni Basilio.
Tinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan
magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani, kapag pinainit ng apoy at sa
sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasama-sama sa kailalimang hinuhukay ng tao.
Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na ukol sa pagtutulungan ng apoy at tubig sa pagpapatakbo
sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simoun, dahil ang makina ay hahanapin pa.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na
tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin.
Ngunit nakita ng kapitan si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa kubyerta.
Mga tulong sa pag-aaral:
1. Bakit nangiti si Simoun nang matigas na tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang
kanyang mga kababayan ay dahil di nila ito kailangan?
· Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di too. Mahiligin sa
alahas ang mga Pilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni Simoun
kay Isagani ang isang katangiang hinahangaan niya at hinahanap – lalaking matapang at nakikipaglaban
para sa karangalan ng bayan.
2. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon?
· Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila, mayaman. Kung nagsisimula pa
lamang ang isang paroko, di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito; pag umunlad na ito,
pinapasok na ng mga prayleng Kastila.
3. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa pagiging sulak ng tubig? Sa mumunti at watak-watak na ilog?
· Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mga Pilipino;
pagsulak, himagsik! Ang mumunti at watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming
Pilipino na may matinding gawi ng pagtatangi-tangi (regionalism). Kung ang mga puta-putaking
himagsikan lamang sa Pilipinas, na mula pa kay Lapu-lapo hanggang sa kina Diego Silang ay walang tigil
nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi sa iisang dagat o nagkaisa-isa’t nagkasabay-sabay sa
iisang pamumuno, matagal na sanang ginunaw ng dagat ng tubig na ito ang Moog ng Kastila sa Pilipinas.
4. Ano ang diwa ng tula ni Isagani na binigkas ni Basilio?
· Pagtulungan ng tubig at apoy sa isang makina (steam engine). O pagtutulungan ng Pilipino at
Kastila sa mahusay na sistema ng pamamahala.
· Katulad ng tubig ang mga Pilipino dahil mahinahon kung hindi man tamad at mabagal kumilos.
Apoy naman ang mga Espanyol dahil maunlad at agresibo.
5. Bakit pangarap lang daw ito ayon kay Simoun?
· Hahanapin pa raw ang makina. Ibig sabihin ay may apoy nga at may tubig ngunit walang makina.
Walang makitang pag-asa si Simoun sa pagkakasundo ng mga Pilipino at Kastila.
6. Paano nagkakilala sina Simoun at Basilio?
· Sa bahay ni Kapitan Tiago ay isa sa mga madalas dumalaw si Simoun na pinaghihinalaan ng lahat,
pati na si Basilio, na isang naghahangad makamana sa yaman ng Kapitan.
7. Malaki ang palagay ng mga Propagandista na ayaw ng mga fraile ang naturang akademya dahil sa
pagsisikap nilang manatiling makapangyarihan sa Pilipinas. Hindi marunong ng wikang katutubo ang
mga nasa gobyerno at hindi naman marunong ng Espanyol ang mga taumbayan. Sa kabilang dako,
nagsasalita sa Espanyol at wikang katutubo ang mga fraile.kung mananatili ang ganitong sitwasyon,
laging kailangan ng mga opisyal ang mga fraile tuwing makikipagtalastasan sa taumbayan. Sa kabilang
dako, mababawasan ang kabuluhan ng mga fraile kapag natuto ng Espanyol ang mga Pilipino.
Mga Karagdagang Tanong: