You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Dibisyon ng Cavite

GENERAL VITO BELARMINO NATIONAL HIGH SCHOOL


PAUNANG PAGSUSULIT
FILIPINO 10

Pangalan:________________________ Petsa:__________________
Baitang at Pangkat:________________ Guro:__________________

Kompetensi:Nabibigyang reaksiyon ang mga ideya o kaisipang nakapaloob sa sanaysay.( F10PB,Ia b 62)
Panuto. : Basahin at unawain ang ideya /kaisipan na isinasaad ng talata. Sagutin ang kaugnay na tanong. Isulat/bilugan
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel
Takot na takot na sumibad sa loob ng bahay si Tony.Ipinaghiganti niya ang pang-aabusong sinapit ni Aida sa kamay
ng anak ng alkalde.Pinatay niya ito.Hindi pa man napipigil ni Regina ang plano ng anak na tumakas ay dumating na ang pulis
kasama ng alkalde.Pinasusuko siya sa batas.Maluwat naman siyang isinuko ni Regina sa kanila subalit pinagtulungan nilang
saktan ang walang kalaban-labang si Tony.Mabilis na inagaw ni Regina ang sandata ng isang pulis at ipinambaril ito sa
kawawang anak.Pinatay niya ang sarili niyang anak.Dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kaniyang nagawa.
Sipi mula sa “Moses,Moses”Ni Rogelio R. Sicat

1.Makatarungan ba ang ginawan ni Tony na pagpatay sa anak ng alkalde?


a.Hindi,dahil ang pagpatay ay isang kasalanan sa mata ng tao at Diyos.
b.Hindi,dahil hindi nararapat ilagay ng tao ang batas sa kaniyang mga kamay.
c.Oo,dahil hindi naging makatarungan ang batas sa pagpataw ng kaparusahan.
d.Oo,dahil itinuturing na ang pang-aabuso sa kababaihan ay isang karumal-dumal na krimen.
2.Ano ang maaring dahilan ni Regina sa pagbaril sa kaniiyang anak?
a.Dahil mali ang ginawa ng kaniyang anak kaya siya na mismo ang nagparusa dito.
b.Mas nanaisin niyang makitang mamatay ang anak kaysa makulong nang matagal ng panahon.
c.Sa kadahilanang batid niya ang paghihirap na mararanasan ng anak sa kamay ng mga pulis na humuhuli kay Tony.
d.Dahil siya ang higit na alam ang pangyayari at ang tamang tao na magdedesiyon sa kung ano kahahantungan ng kaniyang anak.
3.Sa mata ng batas karapat-dapat bang huliin at parusahan si Regina?
a.Oo,dahil pinatay niya ang kaniyang anak at labag ito sa batas.
c.Hindi,dahil anak naman niya iyon at siya ang nagluwal nito sa mundo.
b.Oo,dahil inaasahan na ang ina ay iniaalay ang buhay sa anak at hindi mismo siya ang
kukuha nito.
d.Hindi,dahil walang sinumang tao ang may karapatang magdesisyon kung ano ang kanilangmaaring gawin,kung tama naman motibo
ng pagpatay.
Kompetensi.Nahihinuha ang kahalagahan ng matalinong pagpapasya batay sa diyalogong napakinggan / nabasa.
Panuto: Basahin at unawain ang talata. Kilalanin /Sagutin ang ang mga pahayag at pagpasyahan ang mga ito, kaugnay na tanong. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
“Ikinalulugod ko ang pagkakaroon ninyo ng sariling paninindigan. Mahigit na akong walong taong nagtuturo rito at tinuruan. Ngunit wala
pa akong nakitang mag-aaral na ang aking tinuruan. Ngunit wala pa akong nakikitang mag-aaral na malakas ang loob na sabihin nang
harapan ang kanilang niloloob. Hihagkan nila ang aming mga kamay at nangangayupapa kapag kami ay nakaharap subalit tinutuligsa
kapag kami ay nakatalikod,” ang pagsisimula ni Padre Fernandez.
“Sino ang nagturo sa kanila upang maging mapagkunwari? Sinisiil ang karapatan nila sa malayang pagpapahayag at ipinalalagay na
pilibustero. Sino ang baliw na magsasabi nang malakas ng kaniyang iniisip kung pagkaraan siya’y magtitiis ng pag-uusig?” sagot ni
Isagani.
“Hindi ba’t malaya kayong nakapagsasalita sa aking klase? Inuusig ko ba kayo kahit minsan? Isa kayo sa natatangi,” tugon ni Padre
Fernandez.
Sipi mula sa Kabanata 27 - Ang Prayle at ang PilipinoEL FILIBUSTERISMO ni Gat. Jose P. Rizal
4.“ Hinahagkan nila ang aming mga kamay at nangayupapa kapag kami ay nakaharap subalit tinutuligsa kapag kami
ay nakatalikod,” ang pagsisimula ni Padre Fernandez.” Kaugnay nito, anong kaugaliang Pilipino ang ipinakikita ng
pahayag na may salungguhit kaugnay ng paninindigan sa sariling prinsipyo
a. Pagmamahal sa kapwa c. Paggalang sa kapwa
b. Pagsunod sa utos d. Pagmamalaki sa kapwa
5. “ Hindi ba’t malaya kayong nakapagsasalita sa aking klase? Inusig ko ba kayo kahit minsan? Isa kayo sa natatangi,” ang tugon ni Padre
Fernandez.”

a. Maraming mag-aaral ang hindi magsasalita sa klase.


b. Magkakaroon ng tiwala sa sarili ang bawat mag-aaral.
c. Magiging maingay ang kanyang klase.
d. Makapagpapahayag ng kalayaan sa pagsasalita at makapaglalahad ng opinyon sa talakayan ng klase.
6. Mula sa tekstong binasa sa itaas, bakit kailangang may mga mag-aaral na katulad ni Isagani sa ating panahon?
a. Maipahahayag ng mag-aaral ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng maganda at maayos na edukasyon.
b. Mailalabas ang mga sama ng loob sa sistema ng edukasyon ng paaralan.
c. Makikinig ang namamahala ng paaralan sa hinaing ng mga mag-aaral.
d. Magagawan ng maayos na pagbabago ang patakaran ng paaralan para pag-aaral ng mga mag-aaral.
Kompetensi:Naiuugnay ang mahalagang kaisipan sa binasa sa sariling karanasan.
Panuto. Basahin ang seleksiyon, iugnay ang mga kaisipan sa sariling buhay sa pamamagitan ng mga tanong. Bilugan.isulat ang titik ng tamang
sagot.
“Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang pag-ibig ko’y ikaw ina, ang pag-ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring panatayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O ina ko, ika’y walang kapantay.”
Sipi mula sa “Ang Pamana”Ni Jose Corazon de Jesus
7. Sa aling bagay mo ito ihahambing ang pagmamahal mo sa iyong ina?
a. Bato, dahil madalas na hindi natitibag ang paninindigan ng mga ina.
b. Orasan, dahil lagi na lang may curfew sa oras ng pag-uwi o pagko-computer.
c. Radyo, dahil walang tigil silang mangaral at manermon sa kanilang mga anak.
d. Puso, dahil walang pagod siyang nagmamahal at nagkakalinga sa kanyang mga anak.
8. Bakit itinuturing na dakila ang isang ina sa buhay ng kanilang anak?
a. Dahil sa patuloy na paggabay ng mga ina sa kaniyang mga anak.
b. Dahil maraming ina na hindi pinahahalagahan ang ginagawa ng kanilang anak
c. Dahil ang ina ay walang-sawa sa panenermon upang mapanuto ang kanyang mga anak.
d. Dahil sa sakripisyong ipinamamalas ng isang ina sa kaniyang mga anak mula sa pagsilang hanggang sa pag-aaruga nang napakatagal
na panahon.
9.Anong kaisipan ang ipinapahayag sa saknong?
a. na ang ina at anak ay dapat magmahalan
b. na ang isang ina ay may katumbas na halagang materyal
c. na ang isang anak ay may tungkulin na mahalin ang kanyang ina
d. na hindi kayang tumbasan ng alinmang yaman ang pagmamahal at halaga ng isang ina

Kompetensi: Naiuugnay ng may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang narinig na balita, komentaryo, talumpati at iba pa.
Panuto.Unawan ang seleksiyon, suriin ang sloobin at damdaming taglay nito at sagutan ang mga tanong.
Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat
sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inaabandona.
Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na
pagsisikapan kong maisakatuparan.
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kinyang Inagurasyon
10.Bakit mahalagang masolusyunan ang mga suliranin na kinakaharap ng pamahalaang Rousseff?
a. upang maging isang sikat na namumuno si Rousseff
b. upang maging mabuting ehemplo ang kanyang administrasyon sa mga karatig na bansa
c. upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Brazilian sa ilalim ng kanyang pamamahala
d. upang ipakita na ang isang babaeng namumuno ay kayang makipagsabayan sa isang lalaki pagdating sa pamamahala
11.Ano ang maaaring dahilan ng mga problemang nabanggit sa unang pangungusap?
a. kawalan ng disiplina ng mga tao
b. tiwaling pamamalakad ng gobyerno
c. kakulangan ng trabaho sa bansang Brazil
d. kakulangan ng tiwala ng mga tao sa gobyerno
12. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang epektibong gamitin ng pamahalaan upang solusyunan ang problemang nabanggit sa itaas?
I. Bigyan ng libreng pabahay ang mga mamamayan.
II. Ipakulong ang mga batang pakalat-kalat sa mga lansangan.
III. Mangalap ng mga mamumuhunan upang makapagbigay ng bagong trabaho ang pamahalaan.
IV. Ilapit sa angkop na ahensya ng gobyerno ang mga batang inabandona ng kanilang mga
mauling. a.II b. III at IV c. I, III at IV d. I

Kompetensi.Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.


Panuto: Basahin at unawain ang talata. Suriin ang nilalaman nito upang makabuo ng sariling pananaw, isulat/bilugan ang titik ng tamang
sagot.

“ Maya-maya’y pumanaog na ng bahay si Simoun. Nahalata ni Basilio na umalis na si Simoun para iligtas ang sarili . Matigas ang mukha
ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. “Sa Escolta, madali!”
Nagmadali rin sa pag-alis ang binata. Napapatid o nasasagabal siya ng mga taong nanonood. Hindi pa siya nakalalayo ay nakita niya si
Isagani.
“Halika, ano ang ginagawa mo rito!” ang tanong ni Isagani.
“Alang-alang sa Diyos, umalis na tayo rito?” ang sabi ni Basilio.“Bakit ako aalis? Iba na siya bukas... Hindi na tulad ng dati.” Tigib ng
lungkot ang tinig ni Isagani.
”Makinig ka. Sasabog maya-maya ang bahay na iyan... Puno iyan ng pulbura dahil sa kapangahasan... Hindi tayo dapat mag-aksaya ng
oras.”
Tila wala sa sarili ang makata. Para makumbinsi ipinaliwanag ni Basilio ang lihim na nalalaman. Pero hindi pa rin sumama si Isagani.
“Hindi... Bukas ay iba na siya.”
Nang makaalis si Basilio, magmuni-muni si Isagani. Isang bagay lamang ang sumagi sa kanyang isip. Sasabog ang bahay at naroon
ang kanayng minamahal. Hindi niya hahayaang mangyari iyon. Walang gatol na tumungo ito sa loob ng bahay at pinatuloy naman dahil sa makisig
na pananamit. Sipi mula sa Kabanata 35 - Ang PistaEL FILIBUSTERISMO ni Gat. Jose P. Rizal
13. Mula sa binasang bahagi ng teksto, ano ang nararapat gawin para malutas ang mga problemang kinakaharap sa buhay?
a. Takasan ang anumang problema sa pamamagitan ng pangingibang-bansa.
b. Harapin ang lahat ng problemag buhay.
c. Huwag takasan ang problema sa halip ay gawan ng solusyon upang maresolba.
d. Maging positibo sa buhay , na lahat ng problema ay may solusyon.

14. Sa ipinakita ng karakter ni Isagani, aling pahayag ang naglalahad ng paglutas niya sa kanyang matinding problema.
a. Pagmasid sa kanyang minamahal c. Pagbabantay sa kanyang minamahal.
b. Pagliligtas sa kanyang minamahal. d. Pagsasawalang bahala sa mga mangyayari
15. Sa paano pang paraan masosolusyunan ang mga problema tungkol sa pag-ibig?
a. Matutong tumanggap ng pagkatalo sa buhay.
b, Kausapin ng masinsinan ang minamahal.
c.Pagtanggap na may mahal na siyang iba at hindi na ikaw.
d.Ayusin ang sarili at buhay, paghilumin ang sugatang puso.

Kompetensi.Napapahalagahan ang simpleng pamumuhay at pagpupursige upang maabot ang mga mithiin sa buhay.
Panuto:Unawain ang mensahe ng talata, sagutan ang mga tanong,bilugan/isulat ang titik ng tamang sagot.
A.Isang bagong daigdig ang nabuksan noon sa mga mata ni Basilio. May mga bago siyang
natuklasan na hindi natutuhan sa dati niyang eskwelahan. Hinangaan niyang pagtuturo
mga bago niyang guro.

16. Ano ang maaring mangyari kay Basilio sa bago niyang pinapasukang paaralan.
a.Siya ay makikilala at magiging tanyag bilang mag-aaral
b.Hindi makakapagtapos sa kursong kaniyang napili
c.Magiging tinik sa lalamunan ng mga propesor
d.Mawawalan ng saysay ang kaniyang pagsusumikap na makapagtapos sa pag-aaral

“Siya ang nahirang na magtatalumpati sa araw ng kanilang pagtatapos.”


17. Ano ang naiisip ni Basilio na mangyayari sa kaniyang pagtatalumpati?
a.Ang lahat ay makikinig sa kaniya kasama ng lahat ng mga taong kilala at dating
humamak ng kaniyang pagkatao.
b.Hihirangin siyang isang pinakamagaling salahat
c.Magiging tanyag siya
d.Imulat ang mga buktot na gawain ng mga nasa katungkulan pagdating sa larangan ng edukasyon

Isa sa mga propesor niya sa klase ay kilalang kilala at naiibigan ng lahat. Kilalang paham. Isang araw ng sinamahan niya sa pamamasyal ang
guro at mga mag-aaral ay nakipagtalo siya sa kadete na humatong sa paghahamunan. Ang propesor na naalala pa ang kanyang mapusok na
kabataan ay nangalap ng mag-aaral nasa sumasalabanan sa susunod na linggo.Naging maganda ang labanan. Ilang ulit nagkaroon ng paglalaban
ng tungkod at espada at si Basilio ay napatanyag sa mgaito.
18. Ano ang naidulot ng mga pangyayaring ito kay Basilio.
a.Naging mayabang sa kapwa mag-aaral.
b.Hindi nagamit ang pangyayaring ito para siya ay makapagtapos sa pag-aaral.
c.Pinaginitan siya ng kanyang mga naging kalaban.
d.Nakakuha siya ng magagandang marka at nabigyan ng parangal.

Kompetensi:Nagagamit ang pokus ng Pandiwa:Ganapan at Sanhi sa binasang kwento.


Panuto.Kilalanin ang mga sanhi at bunga ng mga sumusunod natanong mula sa talata, bilugan/isulat ang titik ng wastong sagot.
Ikinaulungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa mga mag-aaral. Si Aldrin, iniwan ng kanyang ina, nangibang bansa at iniwan
sa pangangalaga ng isang malayong kamag-anak. Sinasaktan siya ng pinag-iwanan sa kanya kaya't lumayas siya at nakikitira ngayon sa mga
kaibigan na niyang kaiskwela.
19. Sa simula ng talata na may salungguhit; alin ang pinopokus na pandiwa.
a. Ikinalulungkot ko c. Ilan sa mga mag-aaral
b. Pangyayari sa buhay d. Ikinatuwa niya ito

20. Ano ang naging Sanhi at Bunga ng pangyayari sa buhay ni Aldrin.


a. Iniwan ng kanyang ina c. Sinasaktan ng pinag-iwanan
b. Nangibang bansa ang ina d. lumayas at nakikitira
21. Ang salitang "Ikinalulungkot" ay nasa anong pokus ng pandiwa?
a. ganapan b. Sanhi c. direksyunal d. aktor.
22.“ O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang, puwit lamang ng baso”.
a.kahabag-habag b.ipinahiram c. orihinal d. imitasyon
23.Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi mapakali kung ang mga iyon ay isasauli o hindi.
a.pagdadalawang - isip b.sinubok c. hindi mapakali d. harap ng salamin
24.Taglay ni Mathilde ang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyang kalagayan, ang buhay na kapos sa kariktan.
a.taglay b.kariktan c. kalagayan d. nababagay

Kompetensi.Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan.


Panuto.Tukuyin ang angkop na panghalip bilang panuring sa mga tauhan.
25.“Mahal, akala ko’y ikatutuwa ___ ang pagkakuha ko sa paanyaya.”
a.nila b.ko c. mo d.ninyo
26.Sumapit ang inaasam ______araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay si
Madame Loisel.
a.naming b.kong c. niyang d. nating
27.___ isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
a.Sila’y b.Kami’y c. Ika’y d. Siya’y

Kompetensi.Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay maaaring mangyari sa tunay na buhay.


Panuto.Kilalanin ang mga pangungusap na nagsasaad ng pangyayari sa buhay. Bilugan/isulat ang titik ng wastong sagot.
28.Pinagsikapan ni G. Loisel na makakuha ng paanyaya para sa kasayahan ng Ministro ng Instruksyon Publiko upang siya at ang kaniyang
asawang si Mathilde ay makadalo.
a. gagawin ang lahat para lang sa pangarap
b. gagawin ang lahat para lang sa mahal
c. gagawin ang lahat para lang maglibang
d. gagawin ang lahat para lang umangat
29.Nais ni Mathilde ng isang hiyas na maisusuot upang hindi siya magmukhang kahiya-hiya sa mayayamang babae sa kasayahan.
a. mataas ang pagtingin sa sarili
b. mataas ang pagtingin sa mga hiyas
c.mataas ang pagtingin sa mayayaman
d. mataas ang pagtingin sa mga babae
30.Ibinalabal ni G. Loisel kay Mathilde ang isang abang pangginaw na ginagamit ng mga karaniwang tao, isang pangginaw na nakapupusyaw
sa karangyaan ng pananamit ni Mathilde kaya ninais niyang makatalilis agad upang hindi siya maging kapansin-pansin.
a. hindi niya pansin ang rangya ng paligid
b. hindi niya pansin ang matinding lamig sa labas
c. hindi niya pansin nag kapayakan ng pangginaw
d. hindi niya pansin ang pag-aasikaso ng asawa

Kompetensi.Nabibigya ng kaukulang pagpapakahulugan ang mga mahahalagang pahayag ng mga awtor/tauhan.


Panuto: Basahin at unawain ang talata. Sagutin ang kaugnay na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
“SABIHIN NINYO KAY Padre Camorra na ikabubuti ng lahat kung tubig ang iinumin niya at di alak o serbesa. Sa gayon, ay di pa siya
magiging sanhi ng usap-usapan.” “Sabihin ninyo sa kanya na matamis at naiinom ang tubig ngunit pumapatay ng apoy. Ito’y sumusulak kapag
pinainit at kapag ito’y namuhi ay nagiging karagatang malawak na minsan nang lumunod sa sangkatauhan at nagpayanig sa daigdig”
“Mainam na sagot”, ang pahayag na pakli ni Simoun, “ngunit baka itanong sa akin kung kailan magiging singaw at kung kailan magiging
dagat ang tubig. Mapangutya at mahirap papaniwalain iyang si Padre Camorra.
“Kapag siya’y pinainit ng apoy, kapag ang maliit at hiwa-hiwalay na ilog ay minsanang bumuhos sa taboy ng kasawian sa banging
hinuhukay ng tao”, sagot ni Isagani
“Pangarap…panaginip! Walang paalam na umalis si Simoun upang tunggain ang kaniyang serbesa.Sipi mula sa Kabanata 2 - Ilalim na Kubyerta
- EL FILIBUSTERISMO ni Gat. Jose P. Rizal
31. Sa pahayag ni Isagani na “Sabihin ninyo sa kanya na matamis at naiinom ang tubig ngunit pumapatay ng apoy, nasa anong uri ito ng
paghahambing?
a. palamang b. pasahol c. pahambing d. lantay
32. “Ito’y sumusulak kapag pinainit at kapag ito’y namuhi ay nagiging karagatang malawak na minsan nang lumunod sa sangkatauhan at
nagpayanig sa daigdig”. Ano ang binabadyang mangyari ng binasang pahayag?
a. delubyo b. bagyo c. trahedya d. pag-aaklas
33. Kung ikaw si Isagani, saan mo ihahambing ang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga Kastila?
a. takas na bilanggo b. pulubi c. mayaman d. mag-aaral

Kompetensi: Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa
pananaw humanismo.
Panuto. Suriin ang mga bahagi ng binasa nanagtataglay ng t. Humanismo, bilugan ang titik ng wastong sagot.
Si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kanyang katawan. Matindi ang sakit ng
bawat latay ng latigo na pinalo sa kanyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kanyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa
kautusan ni Frollo na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Dumating si La Esmeralda, pinainom siya ng tubig.
Samantala sa di kalayuan ay may isang babaeng baliw at tinawag siyang "hamak na mananayaw" at "anak ng magnanakaw".

34. Bakit hindi magawang magalit ni Quasimodo kay Frollo sa kalupitang nararanasan niya?
a. Dahil magkaibigan sila ni Frollo c. Dahil ito ay hari ng isang kaharian
b. Dahil tumatanaw siya ng utang na loob d. Dahil magkapatid sila Organize Structure
35. Anong damdamin ang nangingibabaw kay La Esmeralda nung makita niya ang kalagayan ni Quasimodo.
a. Pagkagalit b. Pagkatuwa c. Pagkaawa d. Panghihinayang
36. Sa mga naging paghuhusga kay La Esmeralda, anong uri ng mga tao ang nakapaligid sa kanya?
a. Matuwain b. balance c. di-makatarungan d. mapagpahalaga

Kompetensi.Napapahalagahan angpagpapasyang ginawa ng isang tao sa kanyang buhay.


Panuto: Unawain ang ilang bahagi/ dayalogo/pangungusap mula sa iba’t ibang akdang pampanitikan sa ibaba at sagutin ang mga
tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
37. Aling pangungusap ang nagpapatunay na ang tao ay may kalayaang pumili at magdesisyon?
a. Nalulugod ako sa kapakumbabaan mo at pamimintuho kay ama’t kay ina.
b. Ako ang pumatay sa aking anak! Pinatay ko ang aking anak!
c. “Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig.
d. Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan.
38. Aling pangungusap ang nagpapatunay na ang tao ay dapat magpunyagi upang malagpasan niya ang kawalan?
a. Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga iskwater at tinawag nilang Bagong Nayon.
b. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na si Kosme ang sumunog ng kamalig.
c. Nagkasakit ang mag-asawang Grande.
d. Alam ko na ang aking gagawin. Gaganti ako. Papatayin ko siya.
39. Aling pangungusap ang nagpapatunay na ang tao ay may pagsisikap na makabuo ng kahulugan at pagkakakilanlan sa harap ng
pagkakahiwalay at pagkakalayo?
a. “Mabuti…mabuti, gaya ng sasabihin nitong si Fe- iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang nakararanas ng
mga lihim na kaligayahan.”
b.“Talagang matigas ang kalakian ni Pastor,” wika ni Ore.
c.Ang kabaitang di hamak na ipinakikita mo sa eskwela na tinitipid mo ang gawi ng
kabataang maglaro sa kapwa bata.
d.Ito ang kanyang lakas at pag-asa,ang mga lantsa niDon Cesar at punduhan ninaFides.

Kompetensi.Naihahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng
saloobin/damdamin.
Panuto. Unawain ang talata at bilugan ang tamang titik ng tamang sagot sa mga katanungan.

Talata1
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko sa dibdib. Kailangan iyon upang maibsan ang aking galit. Sapul nang magtanan sina Perla
at Dodong, hindi kami nag-usap na tatlo.Bago sila nagpakasal, tinagka ni Perlang makipagkita sa akin, hindi ko siya hinarap. Ayaw kong pakinggan
ang kanyang paliwanag. Matroon pa bang kataksilang lalabis sa pang-aagaw na ito ng kaibigan sa aking minamahal?Maging si Dodong ay hindi
ko rin binigyan ng pagkakataong ako ay kausapin. (Mula sa “Kaaway” ni Ruth Elynia Mabanglo )

40. Bakit galit ang nagsasalita sa seleksyong binasa?


a.gusto siyang kausapn ni Dodong c. nagtanan sina Perla at Dodong
b.pinagtaksilan siya ng kanyang kaibigan d.nagpakasal sina Perla at Dodong
41. Ang buntong hiningang pinakawalan ng nagsasalita sa seleksiyon ay nagpapahiwatig ng ..
a. matagal na kinuyom na galit c. matinding kasiyahan
b. agarang pagkadismaya d. matinding kasiyahan
42. Ang seleksiyong ito ay nagpapahiwatig na sa mga pangyayari at suliraning pinagdaanan sa buhay ng isang tao, upang malagpasan ay…
a. Maghiganti sa umagrabiyado c. matutong making sa mga dahilan
b. Talikuran ang kapwa tao d. manahinik sa isang sulok ng mundo
Talata 2
Isang lingo bago bumaba ang Martial Law,nagkaroon ng maramihang pag-arestosa mga lider –estudyante sa mga kampus.Pinakawalan din
naman ang marami sa kanila sa bisa ng piyansa pero may ilang naiwan at sinamang-palad na muling maabutang ng muling pgsuspendi sa “ writ
of habeas curpos”. Nag-umpisa ang mga raid at zoning sa maraming lugar, nakulong ang mga elementong criminal na natagpuan sa mga tagong
sulok ng siyudad. Binitay ang Tsinong pinuno ng sindikato, drug pusher, bold show at fighting fish.
Sinuspendi ang mga student council at campus papers.Ipinasuko ang mga nagkalat na armas at sinuspendi ang mga lisensiya ng mga
di awtorisadong mga tao.Maging ang pulong-pulong sa kaunlaran at paglilimayon ng mga tao sa kalyeay nilimitahan hanggang alas-dose ng gabi.
Mula sa Dekada 70
43. Ano ang nagging bunga ng pagpapatupad ng Martial Law, ayon sa seleksiyong binasa.
a. Pakakaroon ng curfew, at pagsuspendi sa iba’t ibang Gawain ng mga samahan.
b.Nag-umpisa ang raids at zoning sa maraming lugar.
c.Pag-aresto sa mga sa mga lider-estudyante sa mga kampus
d. lahat ng nabanggit
44. Maaring ang nangyari sa bansa natin ay_____ kung hindi nagkaroon ng Martial Law..
a. Nagkaroon ng kapayapaan at pag-unlad ang bansa.
b. Tahimik ang naging pamumuhay ng mga mamamayan kahit naghihirap
c. Hindi na umalis ang mga tao sa probinsiya
d. Wala sa mga nabanggit
45. Maaring ang naging dahilan ng mga namumuno sa bansa sa pagkakaroon ng martial law sa
bansa ay..
a.Magkaroon ng kapangyarihan c. Magkamal ng salapi
b.Magkaroon ng kaunlaran ang bansa d. Makapangibabaw sa lahat ng mga tao

Kompetensi: Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa Mitolohiya.


Panuto. Kilalanin ang mga kaisipan/pananaw na nakapaloob sa mga tanong, piliin ang wastong sagot , bilugan ang titik ng
tamangkasagutan.
46. Ang mitolohiya ay kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na
naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyusan noong unang panahon na sinasamba ,
dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao. Alin sa mga sumusunod ang may
pinakamalapit na katangian sa mitolohiya?
a. alamat at kasaysayan c. tula at kasaysayan
b. sanaysay at maikling-kuwento d. nobela at talumpati
47. Si Thor ang diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir.
Kung si Thor ang pinakamalakas sa Aesir, sino naman ang itinuturing na pinakamalakas na
diyos sa mitolohiya ng mga Griyego?
a. Zues b. Jupiter c. Poseidon d. Cronos
48. Alin sa mga sumusunod na katangian ng panitikan ang maituturing bahagi ng elemento ng
mitolohiya?
I. Ang mga tauhan ay diyos o diyosa na may taglay na kakaibang katangian.
II. Ang tagpuan ay may kaugnayan sa kultura noong sinaunang panahon.
III. Ang mga tauhan ay mga ordinaryong tao at ang pang-araw-araw nilang gawain.
IV. Ang tema ng mitolohiya ay karaniwang tungkol sa pinagmulan ng daigdig,
paniniwalang parelihiyon at aral sa buhay.
a.I at II b. II at III c. II, III at IV d. I, II at IV
Kompetensi: Nasusuri ang mga elemento ng tula.
Panuto.Basahing mabuti ang saknong ng tula, sagutan ang mga tanong, bilugan ang titik ng wastong sagot.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
Na nang mangawala ay parang nanamlay At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Sa pagkabigo ko at panghihinayang. Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Sipi mula sa “Ang Aking Pag-ibig” (How Do I Love Thee)


Ni Elizabeth Barret BrowningIsinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago

49. Kung mapapansinin natin, may labindalawang pantig sa bawat taludtod. Anong elemento ng
tula ang sumasaklaw dito?
a. sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga

50. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita, mga
salitang may malalim na kahulugan at mga tayutay?
a. sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga
51. Anong uri ng tula ang binasa mo sa itaas?
a. tulang padula c. tulang pasalaysay
b. tulang patnigan d. tulang pandamdamin o liriko

Kompetensi.Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang namayani sa akda F10PS-IVd-e-87
Panuto: Basahin at unawain ang talata. Sagutin ang kaugnay na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Ang lalong maraming sakay ng Bapor ay nasa ilalim ng kubyerta. Nakaupo sila sa upuang kahoy na kasama ng mga maleta, tampipi, at
mga bakal.Malapit sila sa mainit na makina kaya nagkakahalo ang mabahong singaw ng nasusunog na langis at singaw ng tao na kung saan
malapit sila sa makina ng Bapor Tabo.Ang iba sa mga naririto’y nagmamasid sa mga tanawin; nagsusugal, may mga nakahiga, may mga Tsino
na mangangalakal, may mga kolehiyala , at mga mag-aaral.
“Hindi kami bumibili ng alahas pagkat hindi namin kailangan ”, ang biglang sagot ni Isagani kay Simoun. Napangiti si Simoun. Sinabi
niya wala siyang masamang layunin sa pagtatanong na iyon. Niyaya niyang uminom ng serbesa sina Basilio at Isagani para sa ikauunlad ng
lalawigan. Nagpasalamat naman ang dalawang binata at sinabing hindi sila umiinom ng alak. Binanggit ni Simoun na ayon kay Padre Camorra,
ang pag-inom ng maraming tubig ang sanhi ng kakulangan ng lakas ng tao sa Pilipinas.
“Sabihin ninyo kay Padre Camorra na ikabubuti ng lahat kung tubig ang iinumin niya at di alak o serbesa. Sa gayon, ay di pa siya
magiging sanhi ng usap-usapan”, ang sagot ni Isagani. Sipi mula sa Kabanata 2- Sa Ilalim ng KubyertaEL FILIBUSTERISMO ni Gat.
Jose P. Rizal

52. Mula sa isinaad sa teksto na paglalarawan sa “Ilalim ng Kubyerta”, ipinakikita nito na ang mga Pilipino sa sariling bansa sa panahon ng Kastila
ay -
a. Kinakailangang magtiis anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.
b. Kailangang sumunod kung saan man sila ilalagay at hindi dapat tumanggi.
c. Walang karapatang pumili kung saan nila gusto, dahil ang batas na nagtatalaga sa kanila ay hindi iyong mapapaalwan sila.
d.Dapat matutong magsalita ng mga hinaing nila at karapatan nila bilang Pilipino sa sariling bansang Pilipinas

53. “Sabihin ninyo kay Padre Camorra na ikabubuti ng lahat kung tubig ang iinumin niya at di alak o serbesa.”, sagot ni Isagani. Ang ipinahahayag
ng kaisipang ito sa paniniwala nq qng bawat Pilipino ay …. a. Ang
serbesa ay pangmayaman lamang.
b. Ang tubig ay may mabuting dulot sa kalusugan ng isang tao at sa pang-araw- araw na pamumuhay.
c. Ang serbesa ay nakagagaling ng karamdaman sa katawan ng tao.
d. Ang tubig ay buhay ng lahat ng nilalang.
54. “Sa gayon, ay di pa siya magiging sanhi ng usap-usapan” , ang sagot ni Isagani. Ano ang inilalarawan ng pahayag na ito tungkol sa ating mga
kaparian?
a.Sila ay tagapagpalaganap ng salita ng Diyos, kung kaya’t hindi sila dapat lumabag sa tamang asal mula sa Lumikha.
b. Nararapat lang na maging modelo sila ng kagandahang asal , dahil ito ang kanilang itinuturo sa tao.
c. Ang ating kaparian ngayon ay para na ring karaniwang tao na nagagawa ang lahat ng gusto kahit hindi akma sa pagiging pari.
d. Ang ilan sa ating kaparian ay kakikitaan pa ng di magagandang gawi.

Kompetensi: Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang/binasa usapan ng mga tauhan. (F10PN-IIa-b-71),
Panuto.Kilalanin ang tinutukoy na ideya o paksa mula sa binasa, sagutan ang mga tanong, bilugan ang titik ng wastong sagot.
Kinabukasan habang natutulog pa ang higante, ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito. Napatayo si Skymer, kinamot ang kanyang pisngi at
nagwika” kung may mga ibon ba sa itaas ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa kanyang ulo. “gising ka na ba
Thor?” wika niya. “oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo Kayutgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang
kuwentang higante. Kung makararating kayo kay Utgaro, makikita ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag
kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki sabi pa nito.
55.Ang pagtatanong ni Skymer kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay nangangahulugang hindi nya ________________.
a. Alam na tinaga sya ni Thor c.Alam niya na unang nagising si Thor
b. Nalalaman ang sikreto ni Thor d.Naramdaman ang paglipad ng ibon
56.Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugang…
a.Pag-aalala b. Pagmamalasakit c. Pagmamahal d.Pagtanaw ng utang na loob
57 . Ang pagbubulungan nina Thor na narinig ng higante ay tumutugon sa kasabihan ng
Pilipino na…ugaling…
a. Magkabila tilos c. Makati ang dila
b.Namamangka sa dalawang ilog d. butas ang tainga
Pero hindi nilikha ang tao para magapi, “sabi niya”. Maaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi,” nagsisisi ako na napatay ko ang
isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan
,malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kanya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako. Mula
sa AngMatanda at ang Dagat

58.“Pero hindi nilikha ang tao para magapi.” Sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero
hindi siya magagapi.” Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na_______________
a. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay
b. Kung may dilim may liwanag ding masisilayan
c. May pagsubok mang dumating matatag pa rin itong haharapin
d. Nilikha tayo para lumaban hindi para masaktan lamang
59.Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa naturang pahayag?
a. Mabait b.Maalalahanin c.Mapagpahalaga d.Mabuti
60.“Huwag kang mag-isip, tanda” malakas niyang sabi. Magpatuloy ka sa paglalayag at
harapin ang anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakitang uring tunggaliang,
a. Tao vs tao b. Tao vs sarili c. Tao vs kalikasan d. Tao vs lipunan

Kompetensi : Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring- basa o panunuring pampanitiikan.
F10WG- IIf-69)
Panuto: Basahin, unawain at suriin ang sumusunod na teksto.

Isang grupong mga tao ang nag-usap tungkol sa iba’t ibang dahilan na humangga sa pambubugbog kay Fak at lahat sila’y nagkaisa
na nangyari lang kay Fak ang dapat sa kaniya. Bagama’t sila’y walang aktibong kinalaman sa usapin, naisip din nila iyon at ngayo’y pinag-uusapan
nila iyon ng may kasiyahan“Sayang at hindi na siya namatay.”“Mabuti nga sa kanya”“Mas kasalanan pang pumatay ng isang aso kay sa pumatay
ng isang kagaya niya!” “ Ang pesteng gayang isang iyon! Bakit kailangang maawasa kanya ang kahit sino?” May iba na siyang nakararami na
hindi inetresado sa nangyari kay Fak. Nabubuhay silang walang pakialam at hindi sila nag-aabala sa problema ng iba. Kapag binabanggit ang
nangyari nakikinig sila ng walang interes at walang anumang opinyon. Wala silang ipinakikitang awa o simpatiya. Isang bagay lang ang laman
ng isip ng grupong mga taong ito”Wala akong pakialam.”

61.Aling pahayag na ginamitan ng ekspresyon ng pagsalungat ang nagpapakita ng angkop na temang tekstong binasa?
a. Hindi dapat husgahan ang kapwa sa mali niyang ginagawa.
b. Hindi ang tao ang magpapasya sa kanyang kinabukasan
c. Mainam ang dumamay sa kapwa ngunit isipin din ang sariling kapakanan
d. Bahaging buhay ang paglilibang subalit pahalagahan ang sariling kinaukasan.

62..Sa aling pangyayari sa iyong buhay maiuugnay ang nagiging karanasan ng pangunahing tauhan na may kinalaman sa pagtratong lipunan?
a. Pagdamay sa oras ng kagipitan
b. Paggalang sa karapatang pantao
c. Paghusga sa tao dahil sa kasalanan o pagkakamaling ginawa
d. Pakikipamuhay ng malayo sa ibang tao
63.Suriin ang kaisipang ipinahihiwatig ng pahayag na kinapapalooban ng ekspresyon ng pagbibigay-puna.
Pahayag: Hindi ginusto ni Fak na masadlak siya sa gipit na sitwasyon at makasakit ng iba kaya hindi makatwirang siya ay mahusgahan.
a. Mahalagang makaiwas sa pag-uusig ng ibang tao
b. Kagipitan ang magdudulot sa taong kamatayan
c. May paraan at panahon pa para maituwid ang pagkakamali
d. Huwag husgahan ang iyong kapwa
Kompetensi: Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo saiba pa sa nakasulat na akda
Panuto. Iugnay ang argumentong nabasa sa bawat pangungusap, sagutanang mga tanong, isulat/bilugan ang titik ng wastong sagot.

World Teacher’s Month,idinaos ng Cavitenos

Dinaig ng probinsiya ng Cavite ang lahat ng Gaming Show sa Pilipinas,nang mamigay ng 20 bahay sa mga guro
sa pagdiriwang ng Teacher’s Month, noong Setyembre 29, 2015 na ginanap sa Maranatha Christian Academy.
Pinangunahan ni Cherrylou D. De Mesa, OIC Schools Division Superintendent ng Cavite ang magarbong
pagpupugay sa mga guro.

“Sa araw na ito ay wala munang Superintendent o director,pantay-pantay muna tayong lahat” pahayag ni
De Mesa sa pambungad niyang pananalita.
Hindi rin nagpadaig si Antonio Diosdado,Direktor ng Rehiyon IV-A CALABARZON,sa kanyang pananalita sa libo-
libong mga guro.Ipinaunawa ng director ang bigat ng pagiging guro,kung kaya’t kailangan talaga ang puso sa
propesyong ito. -Mula sa Ang Tanglaw

64. Anong mahalagang katangian ng isang guro ang hindi dapat na mawala sa mga ito?
a. Ang pagkakaroon ng puso sa kaniyang propesyon.
b.Ang magkaroon ng oras upang matutukan ang mga suliranin ng mga mag-aaral
c.Ang may sapat na kaalaman sa kaniyang asignaturang itinuturo.
d.Ang magkaroon ng mahabang pasensiya sa mga mag-aaral.
65.Bakit mahalagang bigyang pagkilala ang ginagawa ng isang guro sa loob ng paaralan?
a.Upang hindi siya Manawa sa kung ano ang ginagawa niya sa ara-araw
b.Upang lalong mahalin ng guro ang kaniyang propesyon.
c.Upang makita ng guro ang kaniyang kahalagan bilang isang napakahalagang makinarya na siyang nakatutulong sa pag-unlad ng
bawat nilalang.
d.Upang magkaroon ng inters ang guro na pagyamanin ang kaniyang sarili.
66.Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa Kagawaran ng Edukasyon, paano mo bibigyang
pugay ang mga guro sa kanilang espesyal na araw?
a.Magpaplano ka ng malaking pagtitipon na gagaganapin sa isang malaking bulawagan kung saan magkaroon ng palaro at
pamimigay ng premyo sa mga ito.
b.Sila ay bibigyan ng isang araw na pahinga
c.Bibigyan sila ng serti[iko na kumikilala sa kanilang ipinakitang kagalingan.
d.Kakausapin ang mga ito at bibigyan ng mga magagandang feedback patungkol sa kanilang Gawain bilang isang guro.

Kompetensi: Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayari tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng El Filibusterismo F10PN-IVa-b-8
Panuto: Suriin ang pagkakaugnay ng mga pangyayari tungkol sa kaligirang pangkasaysayan
ng El Fili.
Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw upang si Rizal ay ipagsumbong.
Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng mga sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae
at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong siya'y naglalakad sa bundok kung bukang- liwayway na kasama ng mga lalaki, babae at mga bata upang
damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil ma marunong managalog.
Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na 'to hindi lamang sa aking kapakanan kundi
sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at Kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas .Dahil dito kahit may
kaunting karamdaman, ako'y daIi-daling nagpaalam sa aking pamilya.
Mula s aisang kabanata ng El Fili

67. Ano ang suliraning tinatalakay sa binasang talata


a. Pagkakaroon ng karamdaman ni Rizal.
b. Isinumbong si Rizal sa Gobernador Heneral na lihim na nakikipagpulong.
c. Ipapatapon si Rizal sa Balabag o Marianas
d. Pag-aalok ng salapi kay Rizal upang lisanin ang pulo.
68. Suriin mahalagang kaisipan ang inilalahad sa binasang talata.
a. Lahat ng kilos Rizal ay alam ng mga Espanyol.
b. May mga ginagawang lihim si Rizal laban sa mga Espanyol.
c. Ang mga balakin ni Rizal ay para sa ikabubuti ng lahat.
d. lahat ay tama
69. Sa anong pangyayari sa binasang talata na nagpapatunay na si Rizal ay totoong ,ay malasakit sa bayan at sa kanyang mga kababayan?
a. Isinumbong si Rizal na lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa Gobernador Heneral.
b. Kasama niyang naglalakad sa bundok ang mga babae, lalaki at bata upang damhin ang kalamigan ng bukang liwayway.
c. Kahit na may kaunting karamdaman, dali-dali siyang nagpaalam sa kanyang pamilya upang lisanin ang pulo
d. Inalok si Rizal ng salapi ng kanyang mga kababayan upang lisanin niya ang pulo.

Kompetensi: Suriin ang mga kaisipang lutang sa akda (DIYOS, BAYAN, KAPWA, TAO, MAGULANG). F10PN-IVf-90
Panuto: Basahin at unawain ang talata. Sagutin ang kaugnay na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
70. Si Huli ay nagdesisyonnaipagbiliangkanyangmgaalahas at mamasukankay Hermana Bali bilangkasambahay.
a. NaismakatulongniHuli sakanyangpamilya
b. PinahahalagahanniHuliangkanyangpamilyahigitkanino man.
c. Si Huliang inaasahan ng kanyangpamilyasaoras ng kagipitan
d. May malawakna pang-unawasiHulisanangyayari sakanyangpamilya

72. Ang mga plata porma na naisakatuparan ni Pinoy bilang pangulo ng bansa ay..
a.pagpapalawak ng kanyang popularidad
b.nagpapakita ng kanyang marubdob sa tungkulin sa bayan.
c. pagprotekta sa kanyang angkan
d. pagmamalaki sa ibang bansa.
73.Ang pagtanggap sa kagustuhan ng sambayanan sa pamamagitan ng malayang pagpili ng tamang kandidato ng isang indibidwal ay
nagpapakita ng..
a. kawalang ng magagawa sa mga pangyayari
b. pagsang-ayon sa kung ano ang kahihinatnan
c. pagrespeto sa kagustuhan ng mga mamayan
d. pagkatuwa sa pagkapanalo ng iba
Kompetensi: Nabibigyang reaksiyon ang pagiging makatotohanan/di makatotohanan ng mga
pangyayari sa maikling kuwento.
Panuto.Bigyang reaksiyon ang mga sumusunod na tanong base sa binasang talata, sagutan ang mga tanong, bilugan ang titik ng
wastong sagot.

e. Si Aldrin, iniwan ng kanyang ina upang mangibang-bansa ngunit pinagmamalupitan ng


f.
pinag-iwanan sa kaniya kaya siya ay lumayas at nakitira sa kaibigan. Si Sara na minsan lamang
g.
pumasok sa eskwela dahil tumutulong sa pag-aalaga ng maliit na kapatid.
Si Miguel na bagsak sa major subject dahil sa gabi-gabing pagpupuyat para magtinda
ng lugaw dahil paralisado ang ama.Si Jessa na dalawang buwang buntis dahil sa
pangmomolestiya ng tiyuhin. Lahat ng ito ay hindi lantad sa paningin ng kasamahan kong guro.
Nabago ang aking pananaw at doon ko sinimulang iparamdam ang higit na
pagmamahal, pag-unawa at pagkalinga sa kanila. Doon ko lubos na naunawaan ang kuwento
ng kanilang buhay na salat sa pagmamahal. Dito man lang sa loob ng pangalawa nilang tahanan
maramdaman nilang ang mga “problem maker” ay maaari namang maging “dream maker.”
Sipi mula sa “Sa Loob ng Love Class”Ni Eric O. Cariño

74. Maituturing nga bang “problem maker” ang mga mag-aaral na nakakaranas ng sitwasyong inilarawan sa unang talata?
a. Oo, dahil sila ang malimit na nagsisimula ng gulo sa loob ng paaralan.
b. Oo, dahil kalimitang sila ang nagiging problema ng lipunan sa hinaharap.
c. Hindi, dahil karamihan sa kanila ay tagapagtaguyod ng kanilang pamilya.
d. Hindi, dahil hindi naman sila ang tunay na pinag-uugatan ng problema kundi sila ay mga biktima lamang ng malupit na lipunan.
75. “Dito man lang sa loob ng pangalawa nilang tahanan maramdaman nilang ang mga “problem maker” ay maaari namang maging “dream
maker.” Ano ang kaisipang nakapaloob sa pangungusap na ito?
a. Ang paaralan ay nagsisilbing tahanan ng mga mag-aaral na naliligaw ang landas.
b. Ang paaralan ay isang institusyon na tumutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang kanilang mga pangarap.
c. Ang paaralan ay katuwang ng pamahalaan upang hubugin ang mga mag-aaral na maging isang kapaki-pakinabang na
mamayan sa hinaharap.
d. Ang paaralan ang siyang kumakalinga, nagbibigay ng sapat na pagpapahalaga at nagpapalago sa mga mag-aaral na patuloy
na nangangarap sa kabila ng masalimuot nilang buhay.
76. Kung ikaw ang guro, ano ang maaari mong gawin upang ang iyong mga kasamahan sa
pagtuturo ay maunawaan ang sitwasyon kanilang mga mag-aaral?
a. Ipaalam sa kanila ang totoong sitwasyon ng kanilang mga mag-aaral.
b. Walang gagawing hakbang dahil maaaring mahiya ang mga mag-aaral.
c. Sarilinin ana lang ang problema dahil wala namang magagawa ang mga guro sa sitwasyon ng mga mga-aaral.
d. Lumapit sa mga taong higit na makakatulong sa mga mag-aaral tulad ng DSWD, opisyal ng barangay at iba pa.

Kompetensi: :Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat
ang akda.(FIOPB-IVa-b-86)
Panuto: Tukuyin ang kondisyon ng panahong isinulat ang akda sapamamgitan ng pag-unawa sa binasa.
77. Ano ang kondisyon ni Rizal noong panahong isinulat niya ang El Filibusterismo? Siya ay
a. may karamdaman c. maraming kaaway
b. maraming problema d. may kakapusan sa pera
78. Paano mo mapasasalamatan ang taong may malaking nagawang tulong sa iyo?
a. pagtanaw ng utang na loob sa taong iyon
b. babayaran o ibabalik ko ang naitulong niya
c. tutulong rin ako sa ibang nangangailangan
d. magiging sunud-sunuran ako sa kanya
79. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi nakatanggap ng tulong si Rizal sa kanyang kaibigan?
a. hindi maipapalimbag ang El Filibusterismo
b. ibebenta sa iba ang manuskrito ng El Filibusterismo
c. maghihintay ng tamang panahon na magkapera ang may akda
d. lahat ay posibleng tama

Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang mga pananda sa mabisang pagpapahayag.


Panuto.Gamitin ng wasto ang mga pananda sapagpapahayag pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.Bilugan ang titik ng wastong
sagot.
80. Mababasa sa kasaysayan na ang ___ epikong naisulat ay ang epiko ni Gilgamesh. Anong pananda ang angkop sa patlang
a.. unang b . at saka c. bilang karagdagan d. pagkatapos
81. Sa paglalahad ng mga pahayag, kung nais magbigay ng diin,maaring gamitin ang:
a. pagkatapos b. bunga nito c. sa halip d. sa madaling salita
82. Ang mga pananda o mga salitang ginagamit sa pagpapahayag ay nakatutulong upang..
a.maging malinaw at mabisa ang paglalahad ng bawat impormasyon sa kasaysayan ng epiko
b.matukoy ang mga pangunahing tauhan sa epiko o mitolohiya
c malaman ang lugar kung saan naganap,ginaganap o gaganapin ang pangyayari
d .magbigay kahulugan sa pagpaphayag ng emosyon o damdamin
Kompetensi.Naiuugnay ang kaisipang namamayani sa binasang bahagi ng kabanata sa mga kaisipang namayani sa binasang akda.
Panuto. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap.. Sagutin ang kaugnay na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

83. .“Ipagpatawad ninyo,” namumuhing tugon ni Isagani, “kapag ang bayan ay humihingi nang mahusay at mabuti naman ang hinihingi, dapat
matuwa ang pamahalaan sapagkat ang ibig sabihin ay ituturing silang ina.” Anong damdamin ang nangingibabaw sa binasang pahayag..
a. pagkagalit b. pagkamuhi c. pagkapikon d. pagkaasar

84. “Kung ang mga prayle ay dasal ng dasal at hingi ng hingi sa Diyos at kayo naman ay hingi nang hingi sa hukuman, hindi naman nagdaramdam
ang Diyos ni ang hukuman.” Anong isyung panlipunan ang masasalamin sa binasang pahayag ni Isagani?

a. Panggigipit ng pamahalaan sa mga tao


b. Kurapsiyon ng mga namumuno sa pamahalaan
c. Hindi pantay na pagbibigay tulong sa mga mahihirap
d. Hindi pantay na karapatang pantao.
85. Kung ikaw si Isagani, paano ka makatutulong upang masolusyunan ang isa sa pinakamala -king problema ng ating lipunan, ang kahirapan?
a. Mag-aaral akong mabuti para makahanap ng magandang trabaho
b.Tutulong ako sa pagpapanatili ng kaayusan sa aming pamayanan
c. Hihingi ako ng tulong sa mga kandidato upang may pera kaming pangkain
d. Isasa-Diyos ko na lang ang kapalaran ng ating bansa

Inihanda nina:

EDRYNE A. AMON
Guro Filipino 10

ABEGAIL O. DEL MUNDO


Guro Filipino 10

Binigyang Pansin ni:

EVELYN A. VILLANUEVA
Ulungguro III

You might also like