You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN

Kampus ng San Carlos

KOLEHIYO NG EDUKASYON

DEPARTAMENTO NG MGA WIKA


Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
El Filibusterismo
Ang Pangarap
(Kabanata 24)
Inihanda ni:

RIZA C. MACARAEG
Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016

Araw ng Pakitang-turo:
25 Hulyo 2016

I. Mga Layunin
A. Nailalahad ang mga pangarap sa buhay kasama ang taong minamahal;
B. Naiuugnay ang kabanata hinggil sa realisasyon sa buhay;
C. Nakapagbibigay ng reaksyon hinggil sa nabasang kabanata.

II. Paksa
Paksa: Pangarap
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: El Filibusterismo, Kabanata 24 Ang Pangarap
Mga Kagamitan: envelope, bahagi ng kabanata, marker, call bell, at radyo.
Sanggunian: El Filibusterismo salin ni Virgilio S. Almario
Adarna House, Inc. 2011
pahina 205-214
Kasanayang Pampanitikan:
- Dugtungang pagkukuwento
- Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa pahayag
- Pagtukoy ng paksa ng pinakinggan awit
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Kahit na kaaway ang isang tao hindi dapat ito siraan sa ibang tao na labag sa
kanyang puri.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak

a. Papangkatin sa lima ang klase, gagawa ang bawat pangkat ng isang maikling dula na tatagal
ng 2-3 minuto, na nagpapakita ng kanilang pangarap kasama ang mahal sa buhay.
2. Paglinang ng Talasalitaan
a. MATCHING TYPE. Pagtambalin ang mga salitang magkasingkahulugan.

• misa de galyo
• makisig
• mauwi
• pagtutuos
• lumbay
B
• simbang gabi
• matipuno
• mapunta
• pag-aaway
• lungkot

B. Paglalahad
1. Pagpaparinig ng awit na “Libre lang mangarap" ng Itchyworms
a. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa napakinggang awit.
b. Pagtukoy ng mga mag-aaral sa tema ng pinakinggang awit.

2. Ang pangarap ang siyang naggagabay sa isang tao upang hindi maligaw ng
landas. Maaaring sa ating pangarap ay kasama natin ang ating mahal sa
buhay. Ngayon ay masasaksihan natin ang isang kabanata na pumapatungkol
sa pangarap ng isang binata kasama ang kanyang mahal para sa sarili at sa
bayan.
C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay maglalahad ng pangarap ni Isagani kasama si Paulita,
sa pamamagitan ng tableau.
3. Maglalaan ng isang kinatawan sa bawat pangkat upang ipaliwanag ang
ginawang tableau ng pangkat.

Mga Gabay na Tanong:


a. Ano ang pinapakita sa kananatang ito ng El Filibusterismo?

b. Bakit ninanais ni Donya Victorina na mapangasawa si Juanito?


c. Ano ano ang pangarp ni Isagani para sa kanyang sarili at sa bayan?
d. Masasabi ba natin sa kabanatang ito na may pagmamahal si Paulita sa
binata?

e. Sino ang taong inaasam ni Donya Victorina na makasal? Bakit?

D. Pagnilayan at Unawain
1. Pagbibigay ng relasyon sa pangarap.
a. Bakit kayo nag-aaral?
b. Ano ano ang iyong mga pangarap?
c. Sa tingin mo, paano mo ito makakamtan?
E. Ilapat
1. Isusulat ng mga mag-aaral sa papel ang mga pangarap para sa pamilya at
pagkatapos ay gagawin itong eroplano at papaliparin.

IV. Pagtataya:
A. Maraming Pagpipilian.
Panuto: Bilugan ang titik ng pinaka-angkop na sagot.
1. Sino itong pamangkin ni Padre Florentino na umiibig kay Paulita Gomez?
a. Isagani
b. Basilio
c. Macaraig
d. Juanito
2. Kanino nagtatago si Don Tiburcio ?
a. Padre Florentino
b. Padre Irene
c. Padre Salvi
d. Padre Sibyla
3. Ang donya na nagnanais makasal kay Juanito?
a. Donya Victorina
b. Donya Isabel
c. Donya Penchang
d. Donya Victoria
4. Ang babaing pinapangarap ni Isagani.
a. Paulita
b. Maria Clara
c. Juli
d. Sisa
5. Siya ay makatang Griyego, na taga-Lesbos at nagpakamatay sa pamamagitan ng paglundag sa
dagat.
a. Safo
b. Simoun
c. Quiroga
d. Ben Zayb

B. Ano ano ang mga patunay na hindi naman talaga mahal ni Paulita si Isagani. Ipaliwanag.(5
puntos)

V. Kasunduan

Iguhit ang iyong pinapangarap sa buhay.

You might also like