You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
ANG MATAAS NA
EMPLEADO
(KABANATA 31)

Inihanda ni:
JOSELLE ANN A. AUSTRIA

Petsa ng Pagpasa:
25 July 2016

I. Mga Layunin
A. Nakapagbibigay ng sariling ideya hinggil sa nakitang larawan;
B. Nakapagbabahagi ng mga ideya sa iba;
C. Naihahalintulad ang katangian ng Kapitan Heneral sa akda sa katangian
ng isang pinuno ng ating bansa.

II. Paksa
Paksa: Katiwalian
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: ANG MATAAS NA EMPLEADO
Mga Kagamitan: show-me-board, mga larawan at radyo
Sanggunian:
Kasanayang Pampanitikan:
- Dugtungang pagkukuwento
- Pagtukoy sa mga mensahe o aral sa kwento.
- Pagtukoy sa paksa ng pinakinggan awit
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Taliwas at hindi magandang pamumuno.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak

1. 4 Pics 1 Word

a. Huhulaan ng mga mag-aaral kung ano ang ipinapakita ng


larawan sa pisara.
2. Paglinang ng Talasalitaan

a. Isulat sa patlang ang mga salitang magkakasingkahulugan.


Isinakdal inapi inalipin
Panghihimasok inihabla maghari
Mamayani makukulong masunto
Inalipusta pakikialam mabibilanggo
Mapipiit mangibabaw pakikisangkot

___________ ___________ ____________


___________ ___________ ____________
___________ ___________ ____________
___________ ___________ ____________
___________ ___________ ____________

B. Paglalahad
1. Pagpaparinig ng awit na Kayo po na Nakaupo ni GLoc 9
a. Pagbibigay ng reaksiyon ng mga mag-aaral sa napakingggaang
awit.
b. Pagtukoy ng mga mag-aaral sa tema ng awit.

2. Sa isang bansa ay hindi talaga natin maiiwasan na may mga taliwas na


pinuno at sila’ymay mga katiwalian na ginagawa. Sa panahon ngayon ay
iilan na lamang ang bansang may matinong mga pinuno at may matinong
pamahalaan. Tulad din dito sa ating tatalakayin na “Ang Mataas na
Empleado” Kabanata 31 sa El Filibusterismo ay mayroon ding mga
ganitong pangyayari.

C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng tekstong babasahin
pagkatapos ay iguguhit nila ang buod ng kanilang binasa sa show me
board.
3. Tatawag ang guro ng kinatawan ng pangkat na siyang magsasalaysay
ng ibinuod na kuwento sa pamamagitan ng dugtungang pagkukuwento.
4. Pabubunutin ang bawat pangkat ng tig-iisang katanungan at bibigyan
sila ng tatlong minuto upang pagbagyuhang-utak ang kanilang sagot. Sa
pamamagitan ng NUMBER HEADS TOGETHER ay tatawag ang guro sa
bawat pangkat na siyang magbabahagi ng kanilang sagot sa ibang
pangkat.

Gabay na Tanong:
1. Anu-anong mga katangian/kahinaan ng namumuno sa
bayan ang ipinakita ng Kapitan Heneral? Nagaganap ba ito
sa kasalukuyan? Patunayan.
2. Paano ipinakita sa Kabanata ang kawalan ng katarungan
sa pamamahala?
3. Ilarawan kung anong uri ng tauhan ang ginamit ni Dr. Jose
Rizal sa kabanatang ito?
4. Ipaliwanag: “Kapag kayo’y nagkaroon ng kalayaan baling-
araw, alalahanin ninyong ang Espanya ay may nagtanggol
sa inyong karapatan.”
5. Iugnay ang Kapitan Heneral at ang Mataas na Kawani sa
ilang pinuno ng ating bayan.
D. Pagnilayan at Unawain
1. Bawat pangkat ay bubuo ng isang concept cluster tungkol sa
katangiang dapat taglayin ng isang pinuno sa bansa. Sa pamamagitan ng
show-me-board ay ipapaliwanag ng kinatawan ng pangkat ang kanilang
konsepto.

E. Ilapat
1. Sa pamamagitan ng isang venn diagram, paghambingin ang Kapitan
Heneral at sa isang pinuno ng ating bansa.

PINUNO NG
KAPITAN HENERAL
ATING BANSA

IV. Pagtataya:

Tama o Mali. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI
naman kung hindi.

____1.Ang katampalasang nangyari sa lalawigan ay halos hindi mabanggit sa


mga pahayagan, lalo na’t natutungod sa mga katutubo.
____2.Sa nangyari sa Tiani ay walang tiyak na napagkaalaman maliban sa
pagkalipat ni P. Camorra sa Maynila.
____3.Ang lahat ng estudiyanteng dumalo sa piging ay nakalaya na.
____4.Si Isagani ang kauna-unahang nakalaya dahil sa kanyang amaing pari.
____5.Si Makaraig ang susunod na nakalaya dahil sa kanyang kayamanan.
____6.Ang tanging hindi nakalaya ay si Basilio.
____7.Nanatili siyang bilanggo dahil sa wala sinumang nagmamalasakit sa
kanya.
____8.Ang Heneral at ang mataas na kawani ay kapwa umaapi sa mga Pilipino.
____9.Nagbitiw ng tungkulin ang mataas na kawani dahil sa hindi sila
magkaayos sa pamamalakad ngKapitan Heneral.
____10.Ang “lacayo” ay isang Kastila rin.

V. Kasunduan

A. Magsaliksik ng mga kaparusahang iginagawad sa kasalukuyan sa mga


tiwaling pinuno ng bayan. Isulat ito sa isang buong malinis na papel.
Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
MGA BUNGA NG PASKIN
(KABANATA 32)

Inihanda ni:
JOSELLE ANN A. AUSTRIA

Petsa ng Pagpasa:
25 July 2016

I. Mga Layunin
A. Nakapagbibigay ng reaksyon sa pinakinggang awitin;
B. Naibubuod ang tekstong binasa sa pamamagitan ng tableau;
C. Nailalarawan ang pagbangon mula sa mga pagsubok sa buhay sa
pamamagitan ng pagguhit.

II. Paksa
Paksa: Paninindigan at Pagmamahal
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: MGA BUNGA NG PASKIN
Mga Kagamitan: lobo at radyo
Sanggunian:
Kasanayang Pampanitikan:
- Dugtungang pagkukuwento
- Pagtukoy sa mensahe ng kwento sa bawat tableau.
- Pagtukoy ng paksa ng pinakinggan awit
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Paninindigan sa mga pangako at salitang binitawan.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak

PUTUKAN NA!
1. Bubuo ng dalawang pangkat ang klase. Sa bawat pangkat ay
mayroon lamang limang miyembro.
2. Ang dalawang pangkat ay mag-uunahan lamang sa pagputok ng
lobo at kung sino man ang may pinakamabilis na oras ng matapos
ay siyang tatanghaling panalo.

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. MIX AND MATCH. Pagtatambalin ng mga mag-aaral ang
sumusunod na salita ayon sa mga salitang magkakasingkahulugan.

 Bitayan  Kumupas
 Palugid  Maantala
 Mabimbin  Entablado
 Pagpapaurong sa
 Mapawi
parusa

B. Paglalahad
1. Pagpaparinig ng awit na Pananagutan ni Jireh Lim.
a. Pagbibigay ng reaksiyon ng mga mag-aaral sa napakingggaang
awit.
b. Pagtukoy ng mga mag-aaral sa tema ng awit.

2. Ang mensahe ng inyong napakinggang awitin ay masasalamin din ito sa


ating magiging paksa sa araw na ito na pinamagatang “Mga Bungan ng
Paskin” na mula sa nobelang El Filibusterismo Kabanata 32.

C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Papangkatin ang klase sa lima.
3. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng tekstong babasahin.
4. Pagkatapos basahin ang teksto sa pamamagitan ng isang tableau ay
ipapakita ang mensahe ng kwentong binasa.
5. Tatawag ang guro ng isang miyembro sa ibang pangkat upang
magbigay ng kaniyang sariling pananaw ukol dito.

D. Pagnilayan at Unawain
1. Sa pamamagitan ng isang simbolo, ilalarawan ng mga mag-aaral kung
paano nila nalampasan ang mga pagsubok sa buhay. Iguguhit nila ito
sa isang malinis na papel.

E. Ilapat
2. Pagbibigay realisasyon at paglalarawan ng mga mag-aaral hinggil sa
pag-iibigan sa panahon ngayon.

IV. Pagtataya:

A. Pagtapat-tapatin. Isulat ang titik ng tamang sagot.

____1.Ang natatawa pang tumanggap ng mga kalabasa A.Pelaez


____2.Ang nagtamo ng walang katapusang bakasyon B.Tadeo
____3.Ang estudiyanteng naging mangangalakal C.Pecson
____4.Ang magiging asawa ni Pelaez D.Paulita
____5.Ang naging kasama ni Timoteo sa pangangalakal E.Heneral
____6.Ang magiging ninong sa kasal nina Paulita at Juanito F.Simoun
____7.Ang pag-alis ng Heneral G.Don Timoteo
____8.Ang ama ni Juanito H.Mayo
____9.Ang napikot sa bilangguan I.Makaraig
____10.Ang estudiyanteng mayaman na nagpunta sa Europa J.Basilio

V. Kasunduan

A. Hanapin ang mga simbolismong ginamit sa akda at ipaliwanag ito.

You might also like